Edukasyon at Pamahalaan


Gusto kung mapasalamatan si Kabayan Noli De castro dahil sa kayang ginawang pagpapakita nang kakaibang halaga ng edukasyon sa pilipinas ( abs-cbn special report Gusto kong mag aral ).

Napakahalaga ng edukasyon lalo na sa isang bansa na kagaya natin na umaangat na buhat sa kahirapan. Mahalaga eto sa bawat tao na nangangarap na magkaroon ng magandang buhay balang araw. Ilang taon na ba tayo na nakikibaka sa kahirapan at kakulangan ng atensyonsa edukasyon sa ating bansa. Ilang balita na ba ang napanuod natin tungkol sa mga paaralan na sira sira, sa mga estudyanteng nabubuwis na ang buhay makamtan lang ang edukasyon na inaasam nila, mga guro na nagsasakripisyo para lamang maituro sa atin  ang Unang ABAKADA. Marami na diba? Pero bakit sa kabila nang malaking pondo ang nalalaan sa edukasyon bakit marami parin sa mga kababayan natin na halos nanlilimos ng karunungan sa ating pamahalaan. Bakit marami parin ang uhaw na matikman ang tamis ng abakada. Bakit ang pamahalaan natin eh naglalaan lang ng mga paaralan sa mga bayan na nakakasabay naman sa kaunlaran? Dahil ba mas marami ang makakakita ng kabutihan (kuno)  na nagawa mo o dahil lamang gusto mong ipakita sa maraming tao na may nagawa ka.

Hindi naman lingid sa akin kung gaano ang hirap ng mga kabataan na pumasok sa eskwela. Bilang isang eatudyante noon na nagtapos din sa mga mababang paaralan at publikong eskwelahan naranasan ko din ang ganyang mga bagay. Minsan na akong nakatikim nang pagdadamot ng pamahaalaan. Minsan ko ng natikman ang kakulangan ng silid aralan at upuan. Pero gaya nila di ko inasa sa pamahalaan ang kayamanang di mananakaw sa akin.

Sino nga ba ang tunay at dapat na may kaalaman sa gantong usapin. Ang pamahalaan o ang mga mamamayan. Hwag na kasi nating ipagdamot ang pondo ng edukasyon hwag na nating ibulsa ang karunungan na para sa bayan at sa mga bata. Sa mga nakaupo hwag naman nating nakawan ng karapatan at benipisyo ang mga guro na nagsisilbi at nag lilingkod sa ating bansa. Hwag natin silang gotumin sa karapatan nilang kumita ng sapat..

Kung ang mga bata na napanuod ko ang tatanungin ko mas nanaisin din nilang malagay sa pwesto na meron kayo. Hindi kurapsyon ang dapat ninyong tinuturo sa mga pilipino kundi pagpapahalaga at pagmamahal sa bayan. Hindi dapat tapyasan ang pondo ng edukasyon dahil kung gagawin nyo eto parang tinapyasan nyo na rin ang kaalaman at kakayahan ng mga batang magkaroon ng mgandang kinabukasan.

Posted from WordPress for Android

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s