Super Typhoon (HAIYAN) Yolanda


Isa na siguro ang Manila sa pinalad na hindi masalanta ng bagyo. Napakapalad natin na naninirahan sa isang syudad na bibihira tamaan ng bagyo. Habang ako ay nanunuod ng TV nahahabag ako sa mga bata, matatanda, babae, lalake, hayop at mga puno na nasalanta ng bagyo. Mga patay na tao na nasa kalsada, mga batang mumos na tumatangis dahil sa takot na kanilang naranasan, matatanda na lumalakad at patuloy na lumalaban sa kabila ng kanilang sinapit, mga magulang na lumuluha dahil sa anak nilang nawala, mga anak na sumisigaw ng panaghoy sa kanilang pagiging ulila. Pero sa kabila ng trahedya na tumama sa kanila may makikita ka paring ngiti sa kanilang mga pisngi mga ngiti ng pag asa na pagsapit ng bukas ay makakabangon sila. Bilang mamayan ng bansang pilipinas isa ako sa mga milyon milyong pilipino na nagdarasal na sana ay malampsan ng bansa namin ang ganitong trahedya. Sakuna na dulot ng kalikasan, bagyo nang pag papaalala sa lahat na ang DYOS na ating tinatangi ay nandyan lang nagmamasid at tumutulong.

Halos wasak na ang mga bahay bato man ito o yari sa pawid. Wasak na ang tahanan nang iilan, tahanan na binubuo ng ama, ina at mga anak. Nakakatindig balahibo ang mga pang yayari nakakakilabot ang bawat eksena. Kahit sa inaakala mong ligtas na lugar e yun din pala ang kukuha sa kanilang mga buhay.

“Pilipino ako bagyo ka lang” iyan ang mga salita na nagbibigay lakas sa ating mga Pilipino para bumangon muli. Mga parangal sa ibat ibang larangan na nagpapakilala sa galing at husay ng Pinoy. Dumaan man ang malakas na bagyo, yanigin man tayo ng malakas na lindol, pagnakawan man tayo ng kayamanan, bawiin man sa atin ang mga mahahalagang bagay, isa lang ang nanatili sa atin iyon ay ang pagiging makabayan natin ang pagiging matatag at higit sa lahat ang pananalig natin sa DYOS na nagbigay ng gantong pagsubok dahil alam nya na tayo bilang pilipino bilang tao ay malalampsan ang lahat ng ito basta manalig, magdasal at humingi ng kapatawaran sa kanya araw araw.

Ang tunay na Pilipino kahit ano pa ang dumating babangon tayo at ngingiti sa buong mundo. PINOY ka PINOY ako Filipinas ang bansa ko

image


Posted from WordPress for Android

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s