Minsan may isang SIGN.


image

Minsan may mga bagay na hindi natin hinihingi pero kusa namang dumarating. May mga bagay naman na kahit anong dasal ang gawin natin ay di parin natin makuha. Kadalasan halos lahat na ng klase ng sign hiningi na natin pero pag dumating o nagkatotoo na ang sign di parin tayo nakukuntento at hihingi pa ulit ng isa pa.

Sa dinami dami ng senyales na hiningi natin minsan lumalagpas na lang ng di natin namamalayan. Minsan pa nga dumating na pero ayaw mo paring paniwalaan. May iba naman na dumating na ang sign pero hindi iyon ang sagot sa hinihingi nila. May mga bagay talaga dito sa mundo na hindi akma sayo may mga bagay din na kailngan mong paghirapan upang malaman mo ang kasagutan.

Sa usaping pag ibig, lahat naman tayo nakaranas na mahalin at magmahal, lahat tayo ay naranasan na ang magkaroon ng kakaibang galaw sa loob ng ating tyan o yung tinatawag nilang butterfly sa loob ng sikmura mo. Minsan naman yung sobrang bilis ng tibok ng puso o minsan eh napapatulala ka nalang sa isang tabi at pinapangarap na makasama mo sya habang buhay. Sarap ng ganung pakiramdam diba pero bakit nga ba nauuwi parin tayo sa mga taong di naman talaga FIT sa gusto natin. Humingi ka ng Sign na sana may dumaan sa harapan mo na may suot ng ganito, ganiyan at kung ano ano pa, may dumaan nga pero di mo naman pinansin kasi nga sa bawat sign na hinihingi mo may itinatakda ka pang Standard kaya ng dumating na ang hinihingi mo di mo parin sinungaban kasi may hinahanap ka pa na iba o minsan humihingi ka pa ng sign pero alam mo na ang sagot. Sinusubukan mo kasi kung uubra ang mga sign na yan sayo.

Totoo nga ba ang sign o sadyang humihingi lang tayo nito kahit alam na natin minsan ang sagot. Minsan hihingi ka ng ganito darating yung si ganyan. Di parin ba sya sagot sa hinihingi mo? O sadyang nagbubulagbulagan ka lang dahil may mga dinagdag kapa sa hinihingi mo.

Basta tandaan mo kaibigan ang LOVE ay parang mamahaling gamit yan di mo basta bastang makukuha kung di mo paghihirapan o pagiipunan.

Pag ang pagibig minadali at nakuha sa isang pitik ng daliri asahan mo di magtatagal ito dahil nakuha mo ang gusto mo sa paraang di mo pinaghirapan. Hwag kang mapagod humingi ng sign malay mo sa dinami dami ng sign na hiningi mo “WALANG TAWIRAN MAY NAMATAY NA DITO” yan pa ang makukuha mo para paalala sau na hwag basta basta tatawid sa isang relasyon na di mo kayang makipagpatentero kay kamatayan.

Tandaan kahit anong SIGN pa ang dumating basta marunong kang mag antay tyak PLEASE WEAR YOUR ID ang makukuha mo. Kahit isuot mo sa maraming tao walang aagaw ng pagkatao mo. Ipangangalandakan mo pang NO ID NO ENTRY.

Posted from WordPress for Android

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s