Quiapo at ang Pananampalataya


Quiapo ang puso ng maynila, dito mo makikita ang malalaking simbahan ng isa sa dalawang malalaking relihiyon sa pilipinas. Ang Basilica Minor ng Mahal na nazareno at ang Golden Mosque na sambahan ng mga kapatid nating muslim. Sa Quiapo mo rin makikita ang ibat ibang klase ng mga tao na naghahanap buhay, ibat ibang klase ng pananamplataya at minsan nagkakaroon din nag pagkakapareho. Sa quiapo mo rin masasaksihan ang samahan ng Kristyano at Muslim.

Tuwing ika -9 ng Enero may isang selebrasyon sa quiapo na inaabangan ng buong pilipinas at dinadaluhan ng milyon milyong pilipinong deboto ito ay ang tinatawag na kapistahan ng itim na poong nazareno o mas kilala sa tawag na TRASLACION o ang paglilipat ng nazareno mula sa luneta hanggang sa quiapo.  Ang kaunaunahan nito ay naganap pa mga taon noong 1700 sa parehong araw na enero 9, mula bagong bayan (luneta) napagpasyahan na ilagak at manatili na ang nazareno sa quiapo, na ngayon ay kanya ng tahanan. Taon taon na itong isinasagawa sa pagkakaalam ko  ang orihinal na ulo ng nazareno lamang ang isinasama sa traslacion at ang orihinal na katawan nito ay matatagpuan sa altar ng simbahan, sinagawa ito upang protektahan sa pagkakasira ang antigo at milagrosong poon na pinaniniwalaan ng lahat ng debotong katoliko na mapaghimala.

Ilang taon narin akong deboto ng nazareno, ilang taon narin akong sumasaksi sa traslacion, ilang taon ko na rin nakikita ang dagsang tao na hindi mahulugan ng karayom. Naging saksi narin ako sa mga dasal at kahilingan ng mga deboto.

Ang mga Replika
image

image

Sabay ng traslacion na sinasagwa ay ang mga replika ng poong nazareno na kasama rin sa prosisyon, mga replika na pag mamay-ari ng mga debotong hindi nabigo ang mga dasal at kahilingan nila sa mahal na Hesus Nazareno.

Mga Deboto
image

image

image

Mga deboto na nagtyatyagang naghihintay sa pag dating ng Mahal na Poong Hesus Nazareno. Mayaman, mahirap, bata, matanda, babae man o lalake at naghihintay upang masaksihan ang pagbabalik ng poon sa kanyang tahanan. Kahit gaano pa ito katagal sa pag dating ay matyaga silang nag aantay pata magbigay respeto at humiling ng awa at dasal sa poong nazareno. Habang inaantay ng lahat ang pagdating ng nazareno ay tuloy tuloy naman ang sinasagawang misa at pagdarasal, hanggang sya ay dumating.

Mamamasan na mga deboto

image

image

image

Sila ang mga debotong sumasabay sa andas ng poong nazareno, mga debotong mamasan ng lubid na sabay sa agos ng prosisyon. Mula umaga hanggang sa bumalik ang poong nazarwno sa quiapo ay hindi sila bumibitaw sa pagkakahawak sa lubid, naniniwala sila na ang sakripisyong ginawa nila ay katuparan sa kanilang mga dasal at kahilingan ang tyaga na kanilang ginagawa at ang pagtitiis ng nakaapak ng walang sapin sa paa ay tanda ng kanilang matinding pananampalataya at respeto sa kanilang debosyon. Kahit na magkasugat sugat sila at magkapaltos o di kaya masaktan at mabaliian ay balewala sa kanila. Iyan ang debosyon ng mga mamamasan na magpasa hanggang ngayon ay hinahangaan ko at ng iilang nakakasaksi sa kanilang Debosyon.

Ang pagdating ng Mahal Na Hesus Nazareno
image

image

image

Kung tutuusin napakaikli lang ng dinadaanan ng mahal na hesus nazareno kung lalakarin mo ng ordinaryong araw ay aabot ka lamang ng ilang oras sa paglalakad, pero iba ang traslacion, halos inaabot ng 24 oras bago makabalik sa kanyang tahanan. Kaya nga lahat ng nagaatay at sumama sa traslacion ay ganun na lamang kung magbunyi sa kanyang pagbabalik. Kung ikaw ay isang deboto o kahit hindi,  katoliko ka man o hindi, pag nandun ka sa Plaza miranda upang salubungin ang poon tiyak na tatayo ang balahibo mo dahil sa sigawan at ang kakaibang presensya na mararamdaman mo pag nakita mo na mismo ang mahal na poon.

Masasaksihan mo parin ang mga debotong nagpupumilit na mahawakan ang poon. makikita mo ang mga puting panyo na kumakaway sa ere parang isang larawan sa bibliya na kung saan sinalubong si Hesus ng mga taga Herusalem na may mga hawak na dahon ng palm tree. Ganun ang mga kaganapan na makikita mo, mga debotong umiiyak mga debotong di alintana ang siksikan mahawakan lamang ang poon.

Pananampalataya
image

Bakit ganto na lang katindi ang pananampalataya ng mga katoliko sa Mahal Na Nazareno, bakit ang pananampalataya nila eh kahit buhay nila ay malalagay sa bingit ng kapahamakan. Walang sino man ang makakapagpaliwanag nito, wala ni isa kundi ang mga deboto lamang na nanampalataya sa kanya.

Totoo naman na ang kagalingan o ang isang milgaro at nagaganap lamang depende sa ating pananampalataya. Ang mga himala ay nasasakatuparan lamang depende sa ating debosyon, ang mga dasal at kahilingan ay nabibigay lamang at natutupad sa pamamagitan ng ating pagtitiwala sa kanya. Walang relihiyon o tao ang makakapagbibigay ng milagro o himala kahit ang simbahang katoliko na aking relihiyon ay hindi ito ibinibigay. Ang himala at milagro ay kasangkapan lamang ang mga taong yan, dahil ang mga milagro ay nang gagaling sa kung gaano kalalim at katatag ang iyong pananampalataya.

Lahat tayo ay makasalanan, walang perpekto, lahat tayo ay may sakit at karamdaman lahat tayo ay may pagkakaiba. Kahit sa pananampalataya at pagdarasal, pero sa mata ng may Likha tayo ay Pantay Pantay, walang mabigat o magaang kasalanan sa kanya. Lahat tayo ay babalik sa kung ano tayo nag mula.

Posted from WordPress for Android

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s