MAKATA: Paglakbay


image

Gusto kung maglakbay sa tuwing ako ay nasasaktan. Gusto kung magtungo sa isang lugar na payapa at walang bahid kalungkutan. Gusto kung marinig ang huni ng mga ibong Maya, na malayang lumilipad sa luntiang kabundukan. Gusto kong sumisid sa malalim at kulay bughaw na dagat na kahit sa dibdib ko ay may kaba, gusto ko parin itong subukan.

Samahan mo akong umupo sa dalampasigan, samahan mo akong tunghayan ang mala gintong sinag ng papalubog na araw. Masarap sigurong mamasyal sa lugar na kasama ang anino mong di ka iniiwan, anino na higit kanino man ay nariyan at di ka sinasaktan. Gusto kong lumipad kahit sa panaginip lang upang sa aking paglipad maranasan ko ang tangayin ng hangin sa kung saan. Nais kong magmahal ng nakapikit at lakbayin ang sakit na ipapatikim nito. Nais kung matulog ng nakatayo upang pag ako ay nagising agad akong tatakbo upang habulin at sundan  ng panaginip ko.

Samahan mo ako sa mabatong buhangin. Baybayin natin ang dalampasigan ng walang saplot ang paa. Habulin natin ang guryon na pinapalipad ng isang batang musmos. Halika samahan mo ako sa damuhan na puno ng hamog upang maramdaman natin ang lamig nito.

Hwag mo kung iwan sa init ng araw, ayokong maramdaman  ang sakit ng pagiisa sa initan.
Habulin mo ko sa ilalalim ng ulan, samahan mo akong mag tampisaw sa bahang bahagya na dulot ng pag ulan. Hwag mo akong payongan dahil gusto kong maramdaman ang lamig ng ulan upang sa pag kakataon na iyon mayakap mo ako ng walang hanggan.

Gusto ko ng bumitaw sa pluma na sumusulat ng aking kapalaran. Pero ayoko dahil takot ako na di mo makita ang sinisulat kung tadhana.

Kung ikaw ay aalis paki patay ang lampara upang sa dilim ay di mo ko makita, hayaan na natin ang mga gamu gamo ang magtapos sa naumpisahan nating kwento. Salamat sa pag sama mo sa king PAGLAKBAY.

Posted from WordPress for Android

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s