KAP’S Amazing Story: Ang Laruang Truck


PHOTO CREDIT: PIXEL OFFENSIVE
PHOTO CREDIT: PIXEL OFFENSIVE

Ang Senado ay isang malaking Bodabil ( vaudeville ) kung saan dito mo makikita ang ibat ibang eksena, may komedya, Drama, Action, at minsan mga kwentong bayan na sumalin salin na lang sa pamamagitan ng pag sisinungaling. Halos ilang beses na tayong nakakarinig ng mga pribelihoyong payahag mula sa ating mga iniluklok na senador ng ating republika, mga senador na kapitag pitagan sa tuwing sila ay manlilimos ng ating nagiisang BOTO.

Mainit ang usapan tungkol sa PDAF ng ilang mambabatas, mga pondong inilaan sa maling Pag gamit at pag waldas ng Pera ng taong bayang naghihikahos. Marami ang naglabasang kwento at maraming mambabatas ang nadawit sa kontrobersyang ito. Isa na dito si Sen. Bong Revilla Jr. Isang magaling na artista at isa sa mga nirerespetong Aktor ng pelikulang PILIPINO, Pero hindi bilang isang SENADOR ng ating bansa. Isa ako sa mga taong nakinig sa kanyang Privilege Speech ginawa noong January 20 2014 at itinapat pa talaga sa NATIONAL DAY OF PRAYERS. KAtulad ng inaasahan ng marami wala tayong nakuhang sagot tungkol sa Kung saan napunta ang PDAF nya kung saan nya ito inilaan. Ang nakuha natin ay panibagong ISYU na naman, isang simulang Isyu na pagtutuunan ng marami. Inilihis tayo Ni Sen. POGI sa kung ano ba talaga ang tunay na Isyu. Isinama nya pa ang kanyang Pamilya at ang Ama nya na si dating Senador Ramon Revilla Sr. Nagmukhang Isang Pelikula ang pinapanuod natin sa TV isang Teledrama sa Gabi na kung saan ang pangunahing BIDA ay ang sya ring nagmukhang Kontrabida. Bakit ba Inililihis ang ISYU ng PDAF simple lang naman ang tanong SAAN MO BA TALAGA INILAGAY ANG PDAF MO? yung lang, Hindi yung nagmukha tayong MAKAPILI sa pagtuturo ng kung sino sino?

Ang Barong

Barong Tagalog ang isinuot ni Sen. Bong Revilla, Bagay naman sa kanya, pero sana hindi nya na lang isinuot ito kasi ang barong tagalog ay sumisimbolo sa ating lahi, sumasagisag sa kung anong karangalan ang pwede mong dalhin sa ating bansa. Kahihiyan lang naman ang nakuha namin at narinig sa inyong Privilege Speech. pag tuturo at paglilihis sa katotohanan na kung saan mo inilaan ang halos 200 milyong peso na PDAF. Nilinis mo nga nag iyong pangalan at karangalan ng pamilya mo pero hindi mo hinugasan ng maayos iyan tuloy may mantsa pa. Mr. Sen kung nag bubukas po kayo ng mga SOCIAL MEDIA wala po kayong halos mababasa na Pumabor sa mga sinabi nyo. mukha yatang hindi na po kayo sumasama sa mga ACTING WORKSHOP di na po ninyo kayang panindigan ang ROLE nyo sa PELIKULA hindi na po kayo Epektibong Gumanap Bilang SENADOR.

Nawala ang tiwala ko kay SEn. POGI noong una syang tumakbo bilang Senador, Tinalikuran nya ang pagkakaibigan sa ngalan ng POLITIKA at Ambisyon, Tinalikuran nya ang mga taong malalapit sa kanya Makuha nya lang ang gusto. Wala man lang narinig sa kanya na pagtatangol sa kanyang NINONG ERAP at sa KANYANG BESTFRIEND Jinggoy. nilaglag nya ito upang magtagumpay. nasaan ang sense of Loyalty dito? kahit sabihin natin na tama ang ginawa nya pero sana di na lang sya lumabas at kumaway kaway halatang nangangampanya sya. Ayon na nga NANALO sya.

Laruang Truck

Ang taong BAYAN ay hindi na Bata para pakitaan pa ng isang laruan na may dala dalang mga papel. hindi kayang paglaruan ng katotohanan ang isipan ng mga tao. Isang truck na kulay dilaw, inilatag sa harap ng marami at tila sinasabi na walang katotohanan ang mga akusasyon sa kanya. ipalagay natin na wala kang kinalaman sa lahat ng mga ibinibintang sayo, pero bakit di mo sinagot ang tanong na kung saan inilagak ang 200 miyong peso na PDAF mo? isang tanong lang yan pero hindi mo nasagot ng tama. Inilihis mo kami kay BOY PICK UP na ngayon ay palaisipan na naman sa taong bayan. Nalihis mo sya sa mata ng mga tagahanga mo pero hindi sa mata ng mga taong may pakialam sa ating bansa. Kung may paninindigan ka sa katotohanan Sen. sana pinanindigan mo na lang kung ano yang nasa loob mo gaya ng pagboto mo sa Impeachment trial ni CJ Corona.

Boy Pick UP

Lumabas na naman ang isang tauhan na si Boy Pick Up. Di ako sigurado kung narinig ko nato kay Sen. Jinggoy.  50/50 o 75/25 o True or false ang naging Privilege Speech ni Sen. Bong di natin alam kung ano ang tooo o kung ano ang kasiningalingan. Imbes na tayo ang sagutin nya sa ating mga tanong sya ito ang nag iwan ng isang tanong kung bakit nadamay si Sec. DILG Roxas sa usapin nya. panibagong Isyu na naman na kailangan ng paliwanag hindi po ba? Lag lagan na po ba? Kanya kanyang batuhan ng putik, kanya kanyang depensahan sa mga ibinabato pero ni isang katotohanan sa mga isyu tulad ng PDAF ay wala pang nasasagot. Wag naman sanang gawing Palaruan ang PILIPINAS ng mga POLITIKONG nag babalik ng pagkabata at naglalaro ng turo-turuan at tago-taguan. Hindi natin makukuha ang tunay na kasagutan kung lahat tayo ang taya sa mga laro na iyan. lahat tayo talo kung hindi natin naita ang mga isyu na ibinabato.

Bodabil ( vaudeville )

Isa talagang Entablado ng palabas ang Senado, Puno ng katanungan at puno ng mga taong gumaganap sa kanikanilang ROLE. Tayo ang manunuod na nagpapauto sa di makatotohanang palabas. Tayo ang taga-tawa sa bawat Banat na JOKE ni. SEN. Santiago, para syang isang sikat na artista na inaabangan ng lahat sa kanyang paglabas. Para tayong nanunuod ng Drama sa twing may iiyak at humingi ng pagmamakaawa sa atin. Tayo ay nagagalit sa twing di natutumbok ang dapat tumbukin. Wag sanang dumating sa PUNTO na may panibagong Isyu na naman at matakpan na ang isyu ng PDAF. siguro sa ngayon ay nakakatuwa pang manuod ng mga eksena sa senado, pero darating ang araw mawawalan tayo ng pambayad sa bawat palabas nila. Wag sana nilang Hintayin na maubos ang ating pasensya sa mga paulit ulit na pag ganap at pag papangap nila, magising sana sila at ilagay ang sarili nila sa totoong buhay at hindi nagtatago bilang isang ARTISTA sa pinilakang tabing.

 

Opinion

Wala namang Masama sa PDAF, masama lamang ay ang pag gamit nito sa hindi tamang pamamaraan, ang masama dito ay ang mga mambabatas na sila mismo ang nakikinabang. Hindi nila ibinibagy ang nararapat sa taong bayan, Pansariling INTEREST lang ang iniisip nila. Wag maging garapal sa PAGNANAKAW? kaya Tayo bilang mga BOTANTE hindi lang ang senado ang dapat nating BANTAYAN pati ang pinakamaliit na sangay ng pamahalaan at ng ating Baraggay dahil minsan ang mga Kapitan at iba pang lider ng ating komunidad ang nagiging daan sa pagnanakaw ng iilan. Simulan natin sa ating Baranggay ang pagtangal sa mga magnanakaw, dahil minsan kung sino pa ang maliit sila pa ang may lakas LOOB na magnakaw sa ating perang pinaghihirapan.

Sa mga senador na dawit sa PDAF turuan nyo ang inyong sariling maging totoo sa bayan at sa sinumapaan nyong tungkulin. Idilat nyo ang mga mata nyo at subukan nyong matulog sa sahig ng kahirapan.

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s