Bakit SINGLE ka pag Valentine?


image
Photo Credit to the owner

SAD ( single awareness day ). Valentines day na naman at single ka pa din di ka ba nagtataka kung bakit?. Maraming dahilan kung bakit ka single hanggang ngayon siguro kung iisahin isahin natin lahat baka pwede na akong gumawa ng libro para maipaliwanag sayo kung bakit.

hwag kang mag alala kung single ka ngayong Valentines day dahil ang araw na valentines ay hindi naman itinakda para sa mga taong “in relationship” di rin ito itinala para sa mga mag-asawa o magKaiBiGan. kung pag uusapan natin ang salitang LOVE dyan na papasok ang SAD tuwing valentines day. kung single ka ngayon aba galaw galaw na dahil hindi lumamapit si kupido sa taong ayaw magpapana. kung nasaktan ka noong una, wag kang mag alala dahil sa pag ibig kasama yan. If you are looking for the one, dont be afraid to love someone.

May mga pinanganak na maganda at gwapo pero hanggang nagyon ay single parin. bakit nga ba? hindi dahil sa kapalaran nila ito kundi kagustuhan nila na hanggang ngayon ay nagiisa sila, naniniwala ako na lahat tayo ay may nakatakdang kabiyak, meron nararapat na para sa atin. May mga taong single ngayon dahil nasaktan na sila at nagkamali na sila nang pasukin nila ang gayuma ng Pagibig. May mga tao na single ngayon dahil masya sila sa kung ano ang tinatakbo ng kanilang buhay. May mga single dahil nabubuhay parin sila sa mga “fairy tales” mga single na nagaantay ng prince charming at prinsesa na kung sakali na matagpuan nila ay mabubuhay sila ng happily ever after. May mga single ngayon dahil ang taong para sa kanila talaga ay abala pa sa panloloko ng iba. 

Hindi naman talaga nakakalungkot ang pagiging single kung sumasapit ang VD. sadyang nakikiuso lang tayo sa salitang kilig sa araw na ipinagdiriwang ng buong mundo. Hindi mo naman kailangang maging “taken” para ipagdiwang  ang araw ng mga puso. Sadyang naiingit ka lang sa mga tsokolate at bulaklak na nakikita mo. Hwag kang mag alala dahil dumadating talaga ang araw na ito. Itulog mo na lang yan dahil kinabukasan 15 na.

Ano ngayon kung single ka VD lang naman ang dumating. Tandaan mo meron tayong mahigit 300 araw sa isang taon pwede ka pang maghanap at mag antay at pagnahanap mo na sya gumawa ka ng araw para ipagdiwang ang VD. Meron Weeksary, Monthsary, Aniversary at kung naging bitter ka noong VD gumawa ka na rin ng Hoursary. Kung di ka parin nakahanap sa Loob ng isang Taon aba may problema kana kailangan mo ng mag ROSARY atleast may RY ka parin na ipagdiriwang.

Marami namang araw. everyday is a valentines day. sadyang umuulan lang ng PaUSO pag pebrero.

Love is in the air kasi nga VD. yun naman pala saluhin mo ang isa para next year taken kana. Maraming paraan para di mo maramdaman ang VD. Maraming paraan upang gawing ordinaryo ang araw na ito. wag kang mainggit kung single ka ngayon minsan kasi nakakalimutan nating punasan ang salamin akala natin ok pa tayo yun pala hindi na.

Bakit Single ka ngayong Valentines Day. kasi mas pinipili mo ang mahalin ang sarili mo bago ka mag mahal ng iba, para sa oras na sobra sobra na ang pagmamahal mo sa sarili mo  eh handa ka ng ibigay ang sobra sa iba para punan pa ang kakulangan sa naibigay mo na.

Bakit nga ba single ka? kasi nga madamot kang ibahagi ang sakit na naranasan mo sa nakaraan. kasi nga takot ka paring magmahal takot kang harapin ang katotohanan na ang LOVE ay hindi puro saya kundi may sakit din dahil pag nagmahal ka lahat ng bagay na mali o di maganda sa kanya tatangapin mo parin kahit inaasido na ang PUSO mo. Mahal mo kasi.

Single ka kasi takot kang humawak sa mga pangako na nakalakip sa salitang LOVE takot ka na baka hindi mo matupad ang salitang FOREVER.  Single ka kasi mas gusto mo ang maglaro ng SUNGKA para masawsawan ang lahat ng butas at ariin mo para gawing bahay.

Single ka ngayong valentines kasi????……..

madami dibang dahilan kung bakit single ka or kung bakit may mga taong hangang ngayon ay single parin. Siguro single sya dahil may pangako syang hinahawakan. Hwag kang mag alala kung nagiisa ka dahil kahit sila na may kapareha sa iba naman kiniilig ang puso nila. matuwa ka at single ka dahil marami pang pagpipilian upang maging taken ka. you have a lots of option, you can choose option A,B,C to zinc,  its like a vitamins, take it all and your heart and immune system will be better in the near future. hehehe

Wag kang mapressure kung single ka ngayong VD, dahil may mga In relationship dyan na hinahangad na maging single at nagdarasal na matapos na ang pagiging taken nila.

Dont be bitter be better. yan ang sabi nila naku luma na yan at hindi totoo dahil bitter na bitter ka talaga kahit anong gawin mo kahit ngumiti kapa at kahit sabihin mo na naka move on kana di na mawawala ang salitang BITTER dahil kalakip na yan pag nagmahal ka.

Hwag kabg mag alala kung single ka Dahil ang Valentines day ay araw ng pagmamahalan, iparamdam mo ang pagmamahal mo sa pamilya mo kaibigan o kung sinonman ang malapit sayo dahil ang simbolo ng PUSO pag VD ay simbolo ng pagmamahal hindi dahil may kaparehas ka kundi dahil Tao ka, tao na may responsibilidad na mahalin ang kapwa mo at lahat ng taong nakapaligid sayo. make them happy. dahil ang Valentines Day ay LOVE at ang LOVE ay happiness at ang happiness ay ang nararamdaman mo kung bakit mas pinilipili mo ang mag isa at maging single.

kaya nga hindi HOLIDAY ang VD dahil ordinaryong araw lang ito. Dahil ang araw na ito ay pag papakita at pag papaalala sa atin ang pakikipag kapwa tao.

nagyon Bakit nga Ba single ka pag Valentines??

Posted from WordPress for Android

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s