Mang Roldan: Ang Ekstrang HERO.


image
Credit Finding mang roldan FB page

Naaala nyo pa ba sya? Kamusta na kaya ang Estranghero na nagbigay sa atin nang aral na kahit walang wala rin sya ay nagawa nya paring ipamahagi ang kong anong meron sya. Naalala ko nga ang sinabi ni Blessed Mother Theresa “If you cant help a billion people, help atleast one” (Nakalimutan ko ang eksaktong sinabi nya pero parang ganyan na din).

Sa twing pumapasok ako o umaalis ng bahay marami akong nakikitang katulad ni Mang roldan, marami sa kanila ang namumuhay sa masulasok at mapanganip na lansangan. Katulad ni Mang roldan (rolan) marami sa kanila ang pinipili parin ang manirahan at mamuhay ng simple sa kabila ng mga oportunidad na naibigay sa kanila. Mas gusto nila ang naglalakad at ipamahagi ang mga aral ng buhay na kanilang natutunan. Hwag tayong mag malinis, minsan nakakakita tayo ng mga tao na ipinagsisigawan ang aral ng DYOS pero ni isa sa atin walang tumalima upang makinig sa kung anong pangaral meron sila. (kahit ako).

Sa taft ave. Pedro Gil kung nagagawi ang ilan sa inyo meron kayong mapapansin na isang matanda na putot ang katawan at may karga kargang sako sa balikat, nangangalakal ng plastik o kung ano pa man na pwedeng mapakinabangan. Lingid sa aking kaalaman at hindi mo rin naman mababatid sa kanyang katayuan kung sya ay iyong pagmamasdan, ang matanda pala na ito ay nakapagtapos ng kolehiyo bilang isang guro hindi lang yun sya ay lisensyadong guro. Ilan na sa inyo siguro ang nakita at napanuod sya sa wish ko lang. Pero sa kabila ng mga biyayang naipagkaloob sa kanya mas pinipili nya parin ang mangalakal at tumayo sa sarili nyang paa.

May isang matandang babae rin naman sa quiapo na kung magagawi kayo ng umaga upang magsimba mapapansin nyo sya na nagtutulak ng kariton na punong puno ng galong galong tubig. Inilalako nya ito upang magkaroon ng pera para maalpasan ang isang araw ng kahirapan. Ang kanyang natitira ay iniipon nya sa banko para sa kung ano’t ano man ang mangyari sa kanya ay may madudukot sya.

Marami pa ang kagaya ni Mang Roldan na matalinghaga din kung mangusap. Isa sa mga natatandaan ko ng makausap ko si mang roldan sa bahay nina Joemil. Tinanong ko sya kung bakit umiinom o naninigarilyo pa sya sa kabila ng kanyang kondisyon, sabi nya sa akin ng patanong. “Ano ang gugustuhin mo? Ang busogin ang katawang lupa mo o busogin ang katawang espiritwal?”. Malalim na pangungusap na nanggaling sa kanya. Tahimik na lang ako at napaisip nung mga oras na iyon.

Kamusta na si mang roldan. Wala na akong balita sa kanya. Minsan sa sandaling paguusap namin at sa sandaling pakikinig ko sa mga kwento nya, naisama nya ako sa kanyang nakaraan at naisali nya ako sa kanyang mga naging karanasan sa paghahanap sa mga pamilya at kaanak nya na nalayo sa kanya. Pati ang mga anak at asawa na maaga syang inulila.Sa kabilang banda masaya na rin ako at nakilala ko sya pati na rin ang isang samaritano na tumulong sa kanya (joemil). Lahat naman tayo ay naantig sa isang kwento na nagpakita nang pagtulong at pagpapakumbaba sa kapwa.

Sa twing gigising tayo ugaliin nating isipin ang mga tao na katulad nila upang mawala lahat ng problema na meron tayo. Dahil mas mapalad pa ang katulad natin, katulad mo! Dahil nababasa mo ito. Ibig sabhin biniyayaan ka ng kakayahan at karapatang mamuhay ng ayos at naaayon sa kagustuhan mo. Nakapag aral ka, may trabaho, hindi gaya ng ibang bata na nasa lansangan. Ang edukasyon ngayon sa pilipinas ay hindi na karapatan ng lahat kundi prebilehiyo na lang ng iilan na may kakayahan.

Marami pa sa kalsada ang isang Mang Roldan. Marami pa ang isang Joemil na handang tumulong. May sisibol pang ibang henerasyon na magtatapos sa kung anong kwento ang minsay nabasa natin at nagbigay ng luha sa ating mga mata.

“Ang pagtulong sa kapwa ay hindi dahil gusto natin, kundi ito ay ating responsibilidad.”

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s