Batang 90’s: Dekada ng kasalukuyan


image
Credit to the owner of this photo

Nauuso ang mga throwback ngayon, kahit saan ka tumingin na social media site makakakita ka ng mga larawan nang kanilang pagkabata o yung mga larawan na pinaglipasan na halos ng panahon.

Dekada 90 ang masasabi natin na dekada na pinagtatagpo ang nakaraan at kasalukuyan. Dito mo makikita ang paglabas ng mga makabagong teknolohiya tulad ng mga pocket phone o biper sa tawag ng mga pinoy, dito mo din makikita ang mga kagamitan na in na in sa panahon ng taong 1990’s. Sabi nga nila batang 90’s ka kung nakapaglaro ka ng Nintendo o yung tinatawag noon na Family computer. Sa dekada rin naito nakilala natin si super mario at ang kanyang kapatid na si luigi.

Dekada 90’s ang dekada kung saan ang luho ay para lamang sa mga may kaya at sinasabi sa lipunan. Lumaki ako sa dekada 90, dito nahubog ang kaisipan ko sa mga simpleng laro ngunit nakakapagbigay ng kalakasan sa aking pag iisip at pangangatawan. Mga laro na kailangan mo ng lakas at isip upang malampasan ang bawat linya ng patentero mga laro na simple at di mo na kailangan ng ano mang kagamitang mamahalin sandalya o tsenelas sapat na samahan mo pa ng lata ng isang sikat na gatas noon (alaska) na walang laman ayon pwede ka ng makipaglaro ng tumbang preso.

Laruan ng mga batang 90

Simple lang ang dekada 90 wala masyadong mga high tech na kagamitan o mga laruan na pinapagana ng mga makabagong teknolohiya. Isip at lakas sapat na para maglibang ang mga bata noon. Naala mo pa ba noong naglalaro kayo ng habulan sa isang malawak na damuhan, magluksong baka o luksong tinik sa kapatagan, taguaan sa ilalim ng punong hitik sa bunga, patintero sa daanang hindi konkreto na guguhitan m9 ng isang malaking kahon gamit ang isang napulot na pat pat ng isang puno. Naalala mo paba ang larong syato? Tanging isang mahaba at maikling kahoy eh sapat na. Ang isa sa mga larong nag pabago sa pananaw mo sa langit at lupa ” langit lupa imperno im im imperno.. Saksak puso tulo ang dugo patay buhay dalhin sa ospital.”  kahit matungtong ka lang sa isang bato eh asa langit kana. Naalala nyo paba ang mga laruang nakukuha sa isang sikat na sitsirya na halos magkakabag ka na sa kakain ng pagkain na yun mabuo mo lang ang pira pirasong laruan na makikita mo doon. Madami pa ang mga laro noon na sa ngayon ay bihira mo ng makikita sa mga bagong sibol sa makabagong dekada.

Pagkain ng mga batang 90’s

Ano ba ang usong pagkain noon kundi ang mga pagkain na makikita mo parin halos sa ngayon. Pero may mga pagkakaiba parin naman. Naala nyo pa ba ang bilog na bubble gum na tatlo 25 sentimos ang halaga.. Cherry ball ang tawag doon. Eh ang bazooka na sobrang nakakangalay pag nginuya at tanging bubble gum na may series ng kwento na parang komiks. Ang pinakasikat na POM POM bente singko ang halaga, tosirol na parang hotdog pero napapalibutan lang naman ng artipisyal na pampalasa.

Naalala ko noon ang programa ng gobyerno para labanan ang malnutrisyon ng ating bansa.Bulgor o burgor ang tawag noon na pinamimigay sa mga eskwelahan sa probinsya. Halos sukang suka na kami para ubusin sya pero masarap at masustansya. Bawat bata na galing sa klase ay may uwi noon. Wala na sya ngayon pero may ibang tawag ang mayayaman doon wheat something di ko tanda haha..

Marami ang mga kakaibang pagkain noon na halos di ko maisip na kainin pa sya ngayon. Mga pagkaing kalye na bumuo sa aking pagkabata.

Musika ng batang 90’s

Naku talaga namang ang mga kanta noon ay napakaganda. Marami sa mga kanta noong dekada 90 ay nirerevive na lang ulit ngayon dahil sa melodiya at liriko na taglay nito na magdadala sayo sa nakaraan. Sikat na sikat moo ang mga banda mapa Lokal o mga bandang pandaigdigan. Naalala nyo paba ang HANSON, MOFATS, Back street boys, at marami pang iba isama mo pa si bon jovi. Sa lokal naman sikat na sikat mula noon hanggang ngayon ang Parokya ni Edgar, river maya, eraserheads, pati  ang magkapatid na April Boys. Madami ang mga musika noon o mga kanta na magpasa hanggang ngayon ay inaalala parin ng mga batang 90’s.

Ang dekada 90.

Marami talaga ang magaganda na naganap noong 90’s. Para sa akin isa ito sa pinaka maliwanag na dekada na dumaan sa bawat tao. Dito kasi naganap ang halos mga makasaysayang pangyayari sa pilipinas. 1995 ng ganapin ang world youth day sa pamumuno ni blsd. Pope John Paul II. Sa dekada rin ito natapos ang masalimoot na termino ni dating pangulong Cory Aquino. Dekada 90 rin ng pumutok ang Mt. Pinatubo na nagpasimula ng lahar sa kanlurang bahagi ng luzon. Dito rin naganap ang mapaminsalang lindol na ikinamatay ng ilang daang tao sa baguio. Ang dekada rin na ito nakilala ang Ozone disco. Sa dekada rin na ito una nating narinig ang salitang HIV. Dekada 90 ang isa sa pinakamakulay na dekada dahil dito naganap ang paghihiwalay ng taon patungo sa bagong milenyo.

Palabas na pambata

Naku malamang namimis nyo na ang mga batang palabas noon. Dito natin nakilala si sarah at si cedie mga batang nagbigay sa atin ng imahinasyong maging dugong bughaw. Ang mga batang X. Na ginagaya natin. Si heide na apo ni lolo alps. Si remi na may dalawang bersyon isang babae at lalake. Nangarap at nakiiyak tayo sa mga munting pangarap ni romeo kinabibilangan ng mga itim na magkakapatid na sina alfred at bianca. Si judy abbot at daddy long legs na nagkatuluyan sa huli. Ang pamilya na nagbigay sa atin ng musika si maria at ang vontrap family. Ang hardin ni maria o mary at ang lihim na hardin. Naaliw sa asong si patrash o si nelo at patrash. Nakipagkulitan sa mag kaibigang si tom sauyer at hack. Nakisabay kay charlote pauwi sa quebec. Nakipag takbuhan kay pudong kasama sina Julio at julia. Nakipili ng gagayahing bida sa bioman at power ranger. Natakot sa naglalakihang kalaban ng mga ultraman. Kumain ng bunga ng isang puno at inakalang binhi kasi kala mo ikaw si zenki. Nakisabay kina paula fini sa btx. Nakiyak kay blue blink. Nakisigaw ng takure sa time quest. Asan na ba ang mga batang nasa sine eskwela mga batang matinik ang ang mga batang naglakbay sa nakaraan upang kilalanin ang mga Bayani. Mga kwentong kaabang abang at nakaka aliw sa hirayamanawari.

Batang 90’s ka kung naglalaan ka ng pera para makabunot ng mga makukulay na sisiw sa labas ng paaralan.

Marami pa ang mga ala ala natin bilang batang 90’s na sana eh maituro parin natin ang mga magagandang memorya sa batang hindi na abutan ang mga masasayang nakaraan ng ating kabataan. Maraming masasayang nakaraan na hindi mo na makikita sa makabagong panahon. Tayo ang mga batang 90 na hanggang sa ngayon ay kayang kaya na makipag sabayan sa teknolohiya na dulot mg pag unlad. Tayo ang huling henerasyon na gumamit ng casset tape at unang henerasyon na gumamit ng CD. Tayo ang unang nakagamit ng CP at tayo ang huling nakagamit ng ball pen upang gamitin sa pag rewind ng cassete tape.

Batang 90’s ka kung…… ?????

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s