Meteor Garden 2003: Ang Nakaraan


“aanhin pa ang pulis kung nadadaan naman lahat sa sorry”

image
PHOTO from Wikipedia

2014, ibinalik na naman ng ABS-CBN ang Meteor Garden 10 taon halos ang nakalipas ng una itong ipinalabas at minahal ng mga PINOY. Sa mga kapapasok palang sa kolehiyo noon kagaya ko nasa kasag sagan palang kami ng aming tinatawag na teenage stage kung saan lahat ng mga fairy tales na aming binabasa at mga napapanuod ay amin paring kinakikiligan.

Bago siguro nauso ang tambalang Kathniel ngayon. Siguro naman ay kinabaliwan at hinangaan ng maraming pinoy ang mga character na sina Dao ming si ( Jerry Yan ), Hua ze lei ( Vic Zhou ), Ximen ( ken ), Mei Zuo ( Vanness Wu ) at ang babaeng nagpatawa, nagpaiyak at nagpakilig sa atin na si Shan cai ( Barbie Hsu ). Sino ba naman ang makakalimot sa mala cinderella nilang kwento, gustong gusto talaga natin na panuorin ang kwentong mahirap na iibig sa isang mayaman. Mahilig tayong mga pinoy sa mga kwentong pantasya ngunit may aral. Ang matapang na babaeng estudyante na kinalaban ang F4 na sa kabila ng mga mayayamang kabataan ay di nagpadaig si Shan sai. Yung Love triangle nina dao ming, shai cai  at hua ze lei, ang adventure ng barkadahan at ang kasungitan ng lider ng PIGGY FOUR (F4).

Naalala ko noon na meron akong mga koleksyon ng poster at CD nila na kailangan ko pang ipa download sa Divisoria dahil maraming taiwanese doon na ginawang negosyo ang kasikatan ng F4. Ang Porma na mala 80’s. Ang buhok na mahaba na kahit di naman akma sa klima nating mainit ay pilit na ginaya at hinangaan ng mga Pinoy.

Ngayon ibinalik ang MG bilang ultimate throwback ng ABS CBN. Marami ang natuwa at biglang nagbalik ang mga ala ala ng mga panahong isa sila sa mga humaling na humaling sa palabas na ito ( isa na ako doon). Sampung taon na nga ang nakalipas pero parang kailan lang ng lumaganap sa pinas ang F4 fever. Booom sabog ang memorya ko sa nakaraang sampung taon, ibinalik nila lahat ng pagkabata ko hahaha..  matapos ang matagumpay na MG eh nasundan pa ito ng MG2 kung saan ang memorya naman ni dao ming ay nawala at pinakita dito kung gaano kadakila at makapangyarihan ang pag ibig.

WOW tagal na din pala ng 2003 biruin mo parang kailan lang eh isa ako sa mga taga subaybay ng MG at isa rin siguro sa mga nagbabasa ngayon nito ang nagbabalik  ang ala ala sa mga kilig at tawa na binigay nila sa atin.

Ano pa kaya ang mga susunod na ipalalabas na magbabalik sa atin sa kabataang napakasya.

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s