HIV/ AIDS: Ang madilim na kabanata


Isa ang pilipinas sa may pinaka mababang kaso ng HIV/AIDS cases, pero isa rin ang pilipinas sa may mabilis na pagtaas ng kaso ng sakit na ito. Di ko sasabihn na araw araw ay may nahahawa ng HIV dahil hindi naman natin alam kung may nahahawa ba talaga dahil wala tayong datus nito. Pero ang tamang sabihin ay araw araw ay may nag popositibo sa sakit na ito. Dahil na rin sa mga NGO’s na nakikipagtulungan sa ating lipunan ay nalalaman natin ang mga datus ng mga taong nagpopositibo. Isa sa mga NGO na masigasig ang kampanya sa sakit na ito ay ang Love your self. Isang pribado at malawak na organisasyon sa pilipinas.

Marami sa mga positibo ay mga lalake na nakikipagtalik sa kapwa lalake. Gaano ba kasigasig ang ating pamahalaan sa pagpuksa sa sakit na ito. Gaano ba kalaki ang trabaho na dapat nilang gampanan. Noon ang sakit na TB o tuberculosis ay isang epedemya at mahirap puksain dito sa ating bansa pero sa sigasig narin ng ating pamahalaan ay nabawasan at tuluyan nating nalabanan ang sakit na ito. Sa ganitong pamamaraan ng gobyerno ay maari din nating makamit ang HIV free Pilipinas. Sana kung gaano sila kasigasig at kapursige na masugpo ang TB noon eh ganun din sana sila ka aktibo sa paglaban sa sakit na HIV.

Diskreminasyon

Marami sa kakilala ko na may sakit na HIV ay nakaranas ng diskreminasyon at pang mamata sa iilang tao na makitid at kakaunti ang kaalaman sa sakit na ito. Kahit ang mga tao na nasa antas ng kalusugan o yung mga healthcare provider ay nangingilag pa din sa twing malalaman nila ang estado ng mga taong may ganitong sakit.

Gaano ba kalawak ang kampanya ng gobyerno natin sa batas ng HIV na niluma na ng panahon, gaano ba katalino ang mga mamayan para maunawan ang sakit na ito.

Marami parin ang mga pribadong kompanya o healthcare insurance o kahit mga life insurance ang hindi nila naisasama ang HIV sa kanilang mga bayarin. Diba dapat ay ituro sa kanila ang pakikipag-kapwa tao at hindi negosyo?. Masakit isipin na kahit ang mga tao na inaasahan mo na makakaunawa sayo ay sila pa ang nanuunang pumuna at humuhusga sayo dahil sa naging sakit mo. Kung ang bawat pilipino o ang bawat nilalang ay may pakiaalam sa kasong ito malamang sa mga susunod na taon isa na tayo sa mga bansang hindi na problema ang HIV.

HIV (Reactive) Positive

Ang mga taong may ganitong sakit ay kakaunti lang din ang kanilang kaalaman. Hindi natin pwedeng ipagbawal o sabihin na hwag na silang makipagtalik kahit kanino. Dahil ang pakikipag sex ay nature na ng tao o kahit ng mga hayop. Meron tayong pagiisip na nagbibigay sa atin ng senswalidad ng pagnanasa sa ating kapwa, meron tayong mga tukso na sadyang kalakip ng pagkakasala. Sa mga tao naman na positibo na sa ganitong sakit sana ay meron tayo sa ating sarili na kahit kakaunting sense of responsibility o yung meron tayong pagpapahalaga sa kapwa natin at may pakialam tayo sa mga posibilidad na mangyari pag katapos ng kasarapan na ginawa mo. No to sex?? Kaya mo ba? Syempre hindi pero sana mabawasan natin ang risk ng pagsasalin nito sa ibang tao. BE RESPONSIBLE safe sex is the best prevention. Walang masama kung ang sarili mo at ang kapwa mo ay inaalagaan mo.

Pamahalaan at lipunan

Ang Philhealth ay isa sa mga sangay ng gobyerno na nagbibigay ayuda sa mga nakikibaka sa sakit na ito. Naglaan sila ng pondo sa bawat indibidwal na myembro ng kanilang grupo. Pero papaano ang mga taong walang sapat na kakayahan na makapagbayad ng annual fee na 2400++ mga taong walang sapat na kaalaman para malabanan ang kanilang sakit. Mamatay na lang ba silang hindi nakakatikim ng ginwahang mabuhay ng normal??

Ano ba ang ang tungkulin ng ating pamahalaan at ng DOH sa ating bansa isang kampanya ba ng pamimigay ng Condom o isang kampanya ng pagbibigay ng sapat na tulong sa mga indibidwal na walang kakayahan na makapagpagamot. Hindi naman natin sila masisi pero sana naman ay alagaan nila ang mga taong umaasa sa kanilang mga pangako. Hindi natin kailangan ng isang araw na kampanya para labanan ang sakit na ito. Kailngan natin ng lubos na pang unawa ng pamahalaan sa sakit na ito.

Kahit ang gobyerno natin ay takot din sa sakit na ito. Takot sila dahil kasing laki lang ng talaba ang kaalaman nila. Kahit sila ay ilag kung makakasalamuha sila ng mga positibong tao. Dahil kahit sila ay may diskreminasyon sa mga LGBT na nakikibaka sa HIV/AUDS. Ang iba pa ngang mambabatas ay isinusulong na gawing krimen ang HIV kahit ang simbahan ay hindi kayang yakapin ang may mga sakit na ito dahil ang tingin nila na ang sakit na HIV ay nakukuha dahil sa isang pagkakamali at pagkakasala.

Juice ko po!! Kailan ba magigising ang lipunan natin sa ganitong paguugali. Kailan ba matuto ang bawat isa sa atin ng Pagmamahal at pag aalaga sa sarili.

GAMOT AT LUNAS SA HIV

gamot?? Oo meron tayo ARV drugs ito yung iniinum upang labanan ang patuloy na pagkalat ng virus sa katawan natin. Ito  ng gamot na nagbibigay pag asa sa mga Positibo sa sakit na ito. Pero nakakalungkot na mag pa hanggang ngayon ay wala paring gamot na tuluyang papatay sa HIV gamot na parang sa sipon at ubo na agad mawawala.

Kung meron tayong pag mamahal sa ating sarili, kung meron tayong sense of responsibility o kung meron tayong pakiaalam sa ating lipunan asahan mo wala nang bagong HIV positive na matutuklasan araw araw. Wala na ang takot natin sa sakit na ito. At maakap na ninyo ang mga taong nakikibaka sa karamdamang ito. Normal sila tao rin sila, bigyan nyo nang pang unawa at susuklian kayo ng pangunawa. Kung gaano natin kamahal ang mga Lolo at Lola natin na may Diabetes ganun din dapat sila dahil ang HIV ay para na lang din Diabetes ngayon. Hindi kinakaawaan, hindi iniiwasan, hindi pinandidirihan kundi minamahal at inaalagaan.

Life is too short para gugulin ang mga oras sa isang bagay na hindi kapakipakinabang sa mata ng DYOS at sa mata ng lipunan.

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s