PINASaya: Hala sya!! Eh di Ere na nga!!


image
KUEBANG Lampas Quezon

.
Philippines is composed of 7,107 island. Islands that can give you the True meaning of Philippines.

Bakasyon na naman at araw na rin ng semana santa. Kaya naman halos lahat ng mga tao ay wala sa manila. Karamihan sa kanila ay nagtungo sa malalapit na pasyalan sa karatig lalawigan. Isa ako sa mga taong sinamantala ang mahabang bakasyon upang maranasan at matuklasan pa  ang ibat ibang lugar sa pilipinas.

Sa bahaging lalawigan ng Quezon bayan ng pagbilao, meron silang isang natatanging ganda ng isang isla na tinatawag nilang Kuebang lampas.  eh di ere na nga ang kwento, maganda ang lugar kung pupuntahan nyo sya ng hindi ganun karami ang tao, tahimik at napaka ganda ng dagat. Pero sa kabila ng ganda ng isla meron parin kakulangan ang barangay na nasasakupan nito, kakulangan sa tubig o yung pansariling tubig na dadaluyan para sa mga mamayan na naninirahan dito. Mahirap ang komunidad nila kaya umaasa na lang sila sa kung ano ang maiibibigay ng kalikasan sa pamamagitan ng mga turista. Dahil sa kakapusan ng tubig, ang isang container na lalagyan ng tubig ay nagkakahalaga ng 50 pesos para makapagbanlaw ka pagkatapos mong maligo sa Napakalinaw na tubig dagat.

Kamay ni HESUS. Lucban, Quezon

Kung pananampalataya lang din ng mga pilipino ang pag uusapan talagang hindu mo matitinig ang spiritwal nilang paniniwala sa poong hesus. This is my first, wait english tagalog na nga lang. LoL. Matagal ko ng nakikita at naririnig ang Kamay ni Hesus sa may Quezon. Ito yung isang malaking imahe ni Hesus na matatagpuan sa mataas na burol sa lucban. Dinadayo sya ng libo libong deboto upang manalangin at humiling ang iba naman ay para magpasalamat. Mataas ang aakyatin mo bago mo marating ang dulo nito, pero dahil narin sa lakas ng paniniwala ng mga debotong katoliko hindi na nila alintana ang taas at tayog ng imahe. Hindi hadlang ang edad upang marating ang dulo nito para magdasal. Nakakalula ang taas at  pananampalataya ng mga dumadayo dito.

BuhuSAYA festival. Lucban, Quezon

Kasabay ng muling pagkabuhay ni Hesus ay kasabay ding ipinagdiwang ng mga taga lucban ang kanilang version ng Sonkran ng Thailand at San juan fesitval ng Pilipinas.

Walang humpay na buhusan ng tubig at basaan ang masisilayan mo sa San Luis lucban quezon. Masasaya at talaga namang kakaiba ang mga lokal na taga dito. Hindi mo mababanaad ang kalungkutan sa mga pinoy sa twing sumasapit ang sari’t saring kapistahan sa ating bansa. Sikat din ang lucban dahil sa kanilang pansit at langonisa at syempre ang mas dinarayo sa kanila ay ang PAHIYAS festival na ipinagdiriwang tuwing buwan ng mayo.

Salamat sa mga taga lucban na masayang ipinadama sa amin ang kanilang kapistahan PINASaya nyo po kami.

Pangil, laguna. Ambon ambon falls

Ano pa ba ang masarap sa pamamasyal kundi ang makakilala ka ng mga bagong kaibigan mga bagong tao na magtuturo sayon ng mga panibagong aral. Basta handa kang makinig at makisam ay handa din nilangbyakapin angbiyong kinagisnang pagkatao.

First time ko sa ambon ambon falls at talaga namang mapapasalamatan mo ang DYOS dahil sa ganda ng kalikasan na ipinahihiram nya sa atin. Walang duda kung gaano makapangyarihan ang maylikha. Sikat ang pangil laguna dahil sa natatanging eco park nito. Dahil na rin sa sipag ng pamahalaan at ng kasalukuyang Alkalde ng lugar ay napanatili nila ang ganda at mapayapangbtalon ng pangil laguna. Sabi nga nila kung paano mo pahalagahan ang kalikasan ay mas higit pa na suklinang ipagkakaloob sa iyo.

Nakakakilala tayo ng mga bagong kaibigan dahil may dahilan at may pagkakataon tayo. Kung aakapin natin ang pagkakaiba ng bawat isa ay makakabuo tayo ng isang tali at tulay ng bagong samahan. Hindi masama ang pumuna sa kung ano ang nakikita natin ang tanging masama lang ay ang humusga ng kapwa natin na kahit tayo ay hindi perpekto ang pagkatao.

Eh di ere na nga!!

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s