LRT1 and MRT: Byahe ni JUAN


image
Photo credit : Wikipedia

Matagal na akong sumasakay sa LRT siguro di pa uso ang mga E-tickets at token palang ang uso noon. Talaga namang napakasarap sumakay sa LRT noon dahil kitang kita mo pa ang kwalidad ng kanilang serbisyo. Mabilis na byahe mula Monumento papuntang baclaran, walang tulakan at walang siksikan. Noon yan, ngayon malamang karamihan sa atin naranasan na natin ang mala SARDINAS na sitwasyon sa pag sakay ng LRT o kaya naman MRT.

Alam mo yung pumasok ka sa LRT o MRT ng umaga pero paglabas mo amoy Alas singko ka na, pati itsura mo ayun mala mahal na araw. Di na kaya ng tawas lang ang nakipagbuno sa pag sakay ng LRT/ MRT. Pag nasa loob ka naman ng mga LRT/MRT abay halos magkahalikan na kayo sa lapit ng mga mukha nyo sa isat isa yung tipong alam mo kung ano ang inalmusal nya. Dahil sa siksikan di mo maiiwasang maamoy ang mga hininga na akala mo may mga bulok na sipon sa loob ng ilong. ( oopss ako lang ba nakakaamoy). Talaga namang di rin natin maiiwasan ang magkasakit dahil sa ganitong sitwasyon. Nung sumakay ako sa LRT may nakita akong lalake naka mask, sabi ko ang arte naman nito. Eh nung pumasok na ako sa loob abay may umubo waaaaa dapat lang pala na mag mask malay ba natin kung sino ang may mga TB o may mga sakit sa pasahero ng MRT/LRT. ( safety first ika nga)

Pag ikaw naman ay di katangkaran at sumakay ka sa LRT/MRT asahan mo na kawawa ka pag siksikan sa loob, biruin mo mukha mo nakadungol sa masisilang bahagi ng mga pasahero eh ang kamalas-malasan pa nito eh nasubsob ka sa kilikili na umiyak, oh diba para kang nakakita ng tagulan sa napakainit na lugar  ( hahahahha). Pag ganyang siksikan, hindi naman sa maarte ako, eh talaga namang lahat tayo ay nakakaamoy ng mga amoy na di kanais-nais yung amoy ba ng sinigang sa bayabas ng mahal mong nanay, yung amoy ng sibuyas na kulay pula na kapag hiniwa mo ay mapapaluha ka. (alam nyo na ibig kong sabihin amoy baktol Haha). Meron pa pag ikaw naman ay biniyayaan ng tangkad na mala kobe bryant or mala melanie marquez aba napaka palad mo sa lahat ng mapapalad at makakaamoy ka ng hangin mula sa itaas.  Pero kung ay tangkad mo ay normal lang naku po sari saring batok ang makikita mo. May batok na di kagandahan at may batok na akala mo napaglipasan na ng taon. Pwede ka pa ngang pumili kung batok na choco? O choco na batoko di kaya makikita mo na ang hanganan ng mga butas ng kanilang pisngi (joke).

Hindi nga talaga maganda ang sumakay ng LRT/MRT pag mga rush HOUR dahil lahat ng mga nasabi ko eh mararanasan mo talaga. Meron pa nga na mapagsamantala na nandudukot at yung iba naman ay simpleng sinasamantala ang mga babaeng kasabay nilang nakikipagsiksikan. Sa mga babae naman protektahan nyo o alagaan nyo ang inyong sarili dahil sa panahon ngayon swerte mo kung makahanap ka ng MALUWAG, maluwag na LRt/MRt pero may mga nakalaan naman na lugar para sa imyo, kaya pag feeling mo eh naagrabyado ka abay mag honos dili ka sa pagsusungit dahil ginusto mo yan pero dapat alam mo kung paano makakaiwas sa mga mapansamantalang pasahero.

Madaming problema ang mga sasakyan na ito na kailangan ay bigyan pansin ng pamahalaan. Kulang sa palikuran, kulang sa upuan, maliliit na flat form, at mga EMPLEYADONG NAKABUSANGOT O yung akala mo ay mahal na araw na naman pag nakita mo  ng mukha nila. Mga SEKYU  na maangas at kunwari chinicheck ang bag mo ng stick na hawak nila di naman ata nila alam kung ano ang hinahanap nila. Nakakadagdag din ng pagsikip sa loob ng stasyon ang monopolyong pagtitindahan na pinapaupahan ng management. Di na nga kalakihan  ng istasyon abay may mga stall pang nakalagay na dumadagdag sa kasikipan. Pati na rin ang mga lumang bagon ng LRT tapos wala pang aircon. Naku po paano na pag siksikan. Any way ito ay mga puna at opinyon ko lang nasa inyo na yon kung seseryosuhin o tatangkilikin nyo.

SASAKAY KA PA BA? tara byahe tayo

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s