Balik tanaw: Pasukan na naman.


Naaalala mo pa ba ang mga unang araw mo sa eskwela suot ang bagong uniporme na nabili nyo pa ng mahal mong ina sa sikat na sikat na divisoria. Naalala mo ba ang amoy ng mga bagong lapis, papel at kwaderno? Ang amoy ng krayola at ang amoy ng bagong bag na tuwang tuwa ka pa sa naka imprentang kenkoy.

Natatandaan mo pa ba ang mga unang sulyap mo sa iyong guro na si Mrs. Miranda.ay suot na salamin at nakapalda, may hawak na patpat na pamalo sa pisara. Natatandaan mo ba si Nene at si Totoy ang dalawa mong kaklase na bago lahat at kompleto ang kulay ng krayola. Si estong na lumang gamit parin  ng ginagamit nya, mga lumang pahina ng kwaderno na walang sulat ang kanyang pinagsamasama para makabuo ng bagong kwadernong susulatan.

Tanda mo pa ba ang hampas ng patpat sa poste ng ilaw habang nagbibilang si sir Pipoy ng 5 6 7 8 8 7 6 5 4 3 2 1. Hapong hapo ka pa sa pagtatalon pag katapos ng umaga na iyon. Kabisado mo pa ba ang panatang makabayaan o alam mo pa ba ang kumpas ni daisy sa lupang hinirang. Napapaisip kaba kung bakit nagbebenta ng pastillas at champorado si mam. Eh si sir na kumukuha ng COCONBAN sa coop para ibenta sa iyo.

Naalala mo ang uwian? Ang pagtunog nang bell ni mr. Principal. Kakaripas ka ng takbo patumgo sa tarangkahan. Ang mga paninda sa labas ng eskwelahan tanda mo paba?. Ang samalamig na sarap na sarap ka dahil sa sago na ginagawa mong panumpit sa mga kaeskwela mo. Naalala mo paba si inay na sumasalubong sayo sa twing pauwi kana. Teka nakita mo ba si badong na naglalakd pauwi na walang kasama at walang sundo. Nakita mo ba sya na pag dating nya sa bahay ay mag aalaga pa sya ng kanyang inang nakaratay sa karamdaman.

Tanda mo paba ang pangalan ng crush mo noong elementarya ka palang. Ang una mong sulyap sa mala bulak nyang buhok at kasing ganda ng bituin na mga mata. Naalala mo pa ang pangalan ng matalik mong kaibigan na sa tuwing recess at uwian ay kasabay mo pa sya. Tanda mo pa ba ang mahihirap na aralin ng ating mga guro.

Masarap nga na bumalik at balikan ang nakaraan kung saan mo unang natutunan ang salitang ABAKADA kung saan mo unang oinahalagahan ang pagmamahal sa pag aaral at ang kaibahan ng mundo sa totoong mundo. Masarap sariwain ang mga panahon na wala ka pang pinanghahawakan na responsibilidad yung wala kang problema na aalahanin yung akala mo napakaliit ng mundong ginagalawan mo. Masarap ang mag aral noon at halos lahat ng bagay ay simple sa paningin mo. Walang pangit sa mata mo at wala ring maganda sa paningin mo. Yung tipong pantay mong hinihusgahan ang lahat ng bagay sa paligid mo. Napakababaw lang ng hangarin mo at ng matapos mo ang kolehiyo dun na pumasok ang tooong mundo na kinakatakutan mo.

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s