Mga pagkaing Bawal Pag In-Love Ka


image

Sino ba sa atin ang di pa nakakaranas na mag magmahal.. Yung tipong kahit ikaw lang sapat na. ( haha )

Narito ang iilang pagkain na nakakasamang ugaliing kainin kapag sobra sobrang nagmamahal ka.

Una sa ating listahan ay ang Hopia. Mapa monggo man, baboy o Ube ay nakakasama. Pag gusto ng medyo sosyal na pagkain ng HOPIA andiyan ang Eng Beeteen na di ka bibitinin sa sandamakmak na hopia, marami pang flavor na mapagpipilian. Kung medyo out of the budget ka naman pwede na ang napakasarap at talaga namang pang masa na TIPAS hopia ng taguig. Di kasing mahal pero sing sarap naman.

Hopia from the root word hope, hoping sa tagalog Umaasa. Sa maikling salita kain HOPIA (LOL).  Pag nagmahal ka o nagkagusto ka sa isang tao, hwag mong ubusin ang Hopia sa mga tindahan tandaan ang sobra nakakasama at ang HOPIA ay hindi libre. Magtira ka para sa mga taong katulad mo na mahilig ding mamapak ng hopia o yung ginagawa ng ALTANGHAP (Angahan,Tanghalian,Hapunan) ang pagkain nito. Sarap na sarap sa pagkain kahit nabibilaukan na, yung di na nagiisip na marami pa namang ibang pagkain na pwedeng kainin. Nasobrahan ata sya sa kain kya yan tignan mo depress dependot na ang mga mata nya sa pag iyak. Hindi naman masama ang pag kain nito pero paunti unti lang para di nagmumukhang tanga. Hwag magpakaHOPIA sa taong di naman inilaan para sayo. Hwag maging tanga dahil marami pa namang iba na pwede mong puntahan at pwede kang suklian ng higit sa anong kaya mong kainin. Malay mo TOBLERONE ang ibigay sayo. Ang pambansang pasalubong ng mga balik bayan. (madalas na pasalubong ng tatay ko).

Ikalawa sa ating listahan ay ang AMPALAYA. Sadyang masustansya ang Ampalaya. Mainam ito sa mga taong may sakit na diabetes dahil sa sobrang tammmmmmmisssss ng mga kinain mo nung nainlababo ka pa. Hayan tuloy may sakit na. Anyway hindi rin inuugaling kainin ang ampalaya. Ampalaya from the root word Ammmmmm ano nga ba??? Hahaha wala syang koneksyon at tanging alam ko lang mapait sya sa English bitter sa tagalog mapait, ang kulit.  Kung nasobrahan na tayo sa pagkain ng hopia aba malamang ang isunod ay ang pagkain ng ampalaya para balance o di kaya Hopia, na ang flavor ay ampalaya. Diyan na lumalabas ang mga salitang matagal mo ng kinikimkim, mga salitang panunumbat at inggit. Sinabi na kasing wag agad agad at sobra pag nagmahal para hindi sobrang pait ang matikman. Ang ampalaya inuulam hindi inuugali. Kung iniwan ka at sinaktan ka nya. Naku hayaan mo na may mansanas ka pa naman na pwedeng kainin at matikman. Pero totoo mapait ang ampalaya kaya hwag na hwag mong kakainin to pag nasaktan ka dahil baka di ko magustuhan ang lasa nito. Sa sobrang pait ng Ampalaya s@#%%T baka habang buhay mo syang malasahan o hanggat dinka nakakapag Move On.

Pangatlo sa ating napakaikling listahan ay ang Patola. Isang uri ng gulay na masustansya, gulay na pag hinihalo mo sa miswa na may bola bola ay naku mapaparami ka talaga ng kain. Pag sinabihan ka ng “ang cute mo” aba wag masyadong kumain ng PATOLA kasi baka pinapaasa ka lang nya. Patola from the magic word Patol. Hahaha.. Hwag agad patulan ang mga mabubulaklak na linya ng iyong crush. Hwag magpakabata o yung pakiramdam mo eh Puppy Love lang. U#@L haha puppy love eh ilang taon na lang mawawala kana sa kalendaryo, pero hwag mo ng isipin ang Edad mo kasi age dosen’t matter pag nagmahal ka (ehem! tama ba english ko o may mali sa grammar ko yaan nyo na). Isipin mo na lang na meron pang B-I-N-G-O cards hanggang 75 numbers pa haha. Hwag mong patulan ang lahat ng masasakit na sinasabi nya sayo kasi malay mo ampalaya ang ulam nya ngayon. Hwag basta bastang maniniwala sa mga pangako na binibitawan nya dahil malay mo naging rebound ka lang para maka Move on sya sa pagkain ng sandamakmak na HOPIA. Hindi masarap kainin ng sabay ang Ampalaya at Patola. Di masyadong maganda ang lasa.

Ika-apat ay ang BUBOG. Di ko alam kung kinakain talaga to pero may mga kakilala ako na pwede ng isama sa Guiness book of world record dahil sa pagiging professional sa pagkain ng Bubog. Mantakin mo naman halos lahat ng naunang mga pagkain ay natiis nyang kainin hahaha parang ang nga Immune cells nya sa katawan ay nagtatabaan na dahil hiyang na hiyang na sa pagkain ng HOPIA, AMPALAYA at PATOLA. Any way high way, BUBOG wala syang root word hahaha bigyan na lang natin ng meaning LOL. Bubog kasi ang kinakain ng isang tao, dahil kahit alam nya na sobrang sakit na ang mga nangyayari ay Go parin ng Go sa pagkain lakas pang mamapak at parang cornik lang sa sarap haha. Yung tipong dinaig pa ang GOMBURZA sa pag ka martir. Kahit masakit na ang nakikita ay aba sige parin ng sige. Naku di na uso ang mga rebulto ngayon dahil ang Uso na ngayon ay mga PLAQUE na nakadikit sa BERMUDA grass hahha.. (lapida) iwasan ang pag kain ng bubog dahil bukod sa hindi naman talaga ito kinakain eh talaga namang napakasakit kung uugaliing kainin. Iwan mo na ang mga bagay bagay na alam mong nakakasakit na. Marami pa dyan na mas higit pa sa kaya mong ibigay sa taong pinaglaanan mo ng oras at panahon, pero wala ka man lang nakitang pagkakataon para mahalin ka sa paraang naibigay mo.

madami pa sana akong gustong isulat pero hindi na gumagana ang mga Neurons ko at ang pantog ko ay puputok na dahil sa pagpipigil ng ihi ko. Wew.

PS. Tatlo dyan ang nakain ko na hahaha.. Masarap naman kya nga inuulit ulit ko. Pero sa bawat pag ulit ko aba naman matindi natututo naman ako. Sabi nga Hwag kang Choosy kung di ka naman Yummy haha.

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s