Makata: Tag-ulan


Umiihip na naman ang malakas na hangin kasabay ng pagbasak ng malakas na ulan. Tila humuhuni ang ihip nito kasabay ng pag tangis ng puso ko..

Tanging bintanang maalikabok ang nakakasaksi sa pag buhos nito. Nililinis ang dumi nang tag araw na nag daan. Madaming ala ala ang sa aki’y nanunumbalik sa tuwing pumapatak ang ulan na walang tigil sa pagsayaw. Ala ala ng nakaraan na kung saan ako ay malayang nagtatampisaw sa putikan na hatid ng malakas na ulan. Ihip ng hangin ang dumadampi sa aking bisig nagpapaalala ng pait ng aking napagdaanan. Bumumuhos ang ulan sa mga bulaklak sa halamanan, na kung aking pagmamasdan tila baga sinisira nito ang kanilang aking kagandahan.

Pagal na ibong nakasilong sa manipis na dahon ng puno. Mga ibong binabasa ng ulang walang tigil sa pag sayaw. Ayoko ng tag ulan dahil naaalala ko ang aking mga nakaraang kalungkutan. Ayoko ng tubig na nagmumula sa talulot ng halamanan dahil di kaya nitong bawiin ang uhaw ng aking kapighatian.

Silahis na kurtina ang tanging natatanaw sa madilim na kapaligiran. Inaantay na pumasok ang tubig na buhat ng isang ulan. Ayokong umuulan sa twing ako’y nagiisa, natatakot ako na lumuha na parang tanga. Walang magandangbahtid sa aking gunita ang mga ulang pumipilit na pumasok sa king hinuha. Ayoko ng tagulan na dala ng bagyong mapanira, dahil takot ako na pag alis nito ay iwan akong magisa.

Ayoko ng tagulan dahil madami itong dalang lungkot at luha sa aking mga mata.

Nais kong maligo sa ulan, pero takot akong akapin ang aking nakaraan. Nais kong magmahal sa tag araw upang maramdaman ko ang init ng pagmamahal. Ayaw kong magmahal sa tagulan dahil takot ako sa lamig na dulot nito.

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s