HIV: Love Yourself (Anglo)


image
Love Yourself Anglo

Love Yourself Anglo

Gaano ba tayo katapang upang alamin ang ating HIV STATUS. isa ka rin ba sa daan daang tao na takot malaman ang kanilang kalagayan hinggil sa sakit na ito.

Ang pasilidad ng LOVE YOURSELF anglo ay bukas para sa lahat, Babae, lalake, matanda o bata. May mga TLY Member at counselors na handang tumulong at umasikaso sa inyo.

HIV o Human Immunodeficiency Virus isang uri ng sakit na ilang dekada na nilalabanan ng buong mundo. Sakit na magpahanggang sa ngayon ay pilit parin kumakalat dahil sa iilan na kakaunti ang nalalaman tungkol sa sakit na ito. Marami parin sa atin ang hindi bukas ang pang unawa at kaalaman para labanan at maiwasan ang HIV. Ang TLY ay isa sa mga Organisasyon na handang ibahagi ang kaalaman upang malabanan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV sa ating bansa.

COUNSELORS

image
TLY counselors training and Seminar

Narito ang iilang mga indibidwal na handang tumulong at umagapay, mga myembro ng TLY na binigyan ng organisasyon ng libreng training kung paano maibabahagi ang kaalaman sa mga tao na nagtutungo sa ano mang pasilidad ng TLY at RITM.

Mga Volunteers na handang ibigay ang libreng oras para magbahagi ng kaalaman tungkol sa HIV. Kaalaman kung papaano ito maiiwasan. Mga tao na susuporta sa mga indibidwal na naghahanap ng kaalaman tungkol sa sakit na ito.

Iilan ba sa atin ang matapang harapin ang katotohanan na minsan ay naging mapusok din tayo noong tayo ay wala pang sapat na kaalaman sa sakit na ito. Sa panahon ngayon ang HIV ay isang bangungot na lang ng nakaraan, sa oras na malaman mo kung paano ito maiiwasan at kung saan ito nakukuha at paano ito wawakasan.

image
TLY Volunteer

Lagi ko ngang sinasabi sa bawat nakakausap ko na positibo. Dalawa ang Gamot ng HIV isang ARV at ang isa ay ang sarili mo. Aanhin mo ang gamot kung ang sarili mo ay pinababayaan mo parin at di mo parin binabago ang mga maling nagawa mo noon. Para saan pa ang Sarili mo kung hindi mo kayang suportahan ng gamot ang katawan mo. Mawala ang isa sa mga gamot na iyan asahan mo na ang hinahanap mong pag asa ay unti unting mawawala rin.

image

LOVE YOURSELF tama nga naman. Mahalin mo ang sarili mo alagaan at irespeto mo ang katawan mo.

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s