Chinito o Tsinito


image

Ano nga ba ang meron sa likod ng iyong mga ngiti, may sekreto ba na dito ay nagkukubli o sadyang hinayaan mo lang na kami ay mabighani. Sa ganda ng iyong mata na tila nakangiti sa singkit nito na tila nang aakit. Ano ba ang problema mo at kami ay kinulong sa mga mata mong tila nanunuri.

Sa iyong mukha na kwadrado ang sukat diyan ba mabibilang sa bawat sulok nito ang mga tao na sayo ay humahanga. Ilang luha na ba ang sayo ay kumawala o ilang mata na ba ang iyong pinaluha baka sakaling masabi ko na pwede na akong mawala.

Chinito bakit parang tala ang iyong mga mata na sa tuwing susulyap ka ako`y natutulala, ano bang meron ka na ang tingin mo ako ay nakakatunaw, parang mata ni cyclops na sa pagtitig kami ay malulusaw. Chinito, chinito hirap mong titigan ako ay nahihiya sa ngiti mo na parang tala. Totoo ba ang ngiti mo o sadyang nakikisama lang sa kilos kong kakaiba.

Halika ka nga sa aking panaginip upang sa pag gising ko masabi ko na ako ay nakatulog ng mahimbing.  Kung sakaling papasok ka sa king panaginip, maari bang bulungan mo ako na hwag ng gumusing, upang ang ganda ng aking panaginip ay hindi na lang basta hihipan ng masamang hangin.

Pag di kita nakikita larawan mo ang aking hinahagilap, nakatago sa gamit kong pang opisina. Hay naku chinito bat maraming baliw sayo? bakit maraming sayo ay nahuhumaling. Iilan ba sila na sayo ay mangingibabaw at iilan ba kami na ngiti mag uumapaw.

hayst CHINITO hanggang sulyap ka na lang. 🙂

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s