Bakit Hindi Pwedeng Magmahalan ang dalawang Pusong nasugatan?


Napakahirap ang isang sitwasyon na alam mong  nahuhulog ka na nang paunti unti sa kanya pero may mga hadlang para tuluyan mo syang mahalin. Pareho tayong nasaktan sa parehong pagkakamali, Pareho tayong lumuha sa parehong pagkakataon pero pareho parin tayong nagmamahal sa nakaraang pinangako. Bakit hindi pwede ang dalawang pusong nasaktan? Dahil ba iisipin ng iilan na tayo ay magiging panakip butas sa mga kalungkutan natin. Bakit ba hindi pwede kung tutulungan naman natin ang isat isa na kalimutan sila, O baka naman na may tinatago parin tayong katiting na pag asa.

Nag aantay pa ba tayo ng tamang oras o panahon para sabihin na mahal mo ako O inaantay mo lang nasabihin ko na mahal na kita. Hindi nga siguro maari na magsama ang dalawang puso na di pa tuluyan nakakalimot sa alaala ng nakaraan. Hindi pwedeng magsama ang dalawa na parehong kinain ng kalungkutan. Aasa paba tayo sa tadhana kong ito na mismo ang naguudyok na Oras na para maghilom ang sugat na dulot ng nakaraan. Bakit nga ba mahirap kalimutan ang kasalanan kong ang ala ala ay mas madaling talikdan.  Kailan ba magiging tama mahalin ang taong sugatan? kapag ba naghilom na ito at di na kayang magmahal o habang unti unting humihilom pero handa na muling magmahal. Tatalima ba tayo sa udyok ng nararamdaman.

Mag aantay pa ba tayo na may darating na iba sa atin. Hayaan na lang natin kung ano ang ating nararamdaman, hayaan na lang natin kong dito tayo masaya. Hwag na nating itapon kung ano ang nasimulan natin. Pabayaan na lang natin ang panahon na ang magdikta kong pwede na magmahal ang dalawang pusong nasaktan. hayaan na lang natin ang oras kung pwede na.

Maswerte ba ako na may sumasalo sa akin o Sadyang malas lang ako dahil sa mga sumasalo wala sa kanila ang katulad mo, na nasasaktan kahit may kasama akong iba pero nakangiti parin sa twing tayo ay magkasama. Hayaan na natin kong ano itong nararamdaman natin, hayaan na nating matapos o mawala ito pag nakakita tayo ng mas higit pa sa isat isa.

Bakit Hindi Pwedeng Magmahalan ang dalawang Pusong nasugatan? Dahil hindi pwedeng magmahal ang dalawang taong iba ang tinahahak na daan. Hindi pwede dahil pinanghahawakan natin ang sasabihin ng iba, na sa oras na magkagayon pareho tayong mas masasaktan pa.

Xoxo

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s