Tissue ni mang EMO.


Hindi pa ako tappos basahin ang libro ni MGG., naiisipan ko mung maglaro sa CP ko habang tumutugtog ang radyo nang mga melodiyang magpapaiyak sayo at magpapaalala ng mga nakaraan mo. Epekto ba ito ng mga nabasa ko sa libro o epekto lang ito ng pagiging emosyonal ko. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko dahil sa pinaghalo halong ala ala na binubuo ng aking isipan mula doon sa nabasa ko at mga ala ala ng nakalipas ko.

Si Kuya martin di napapaos kantahin ang You are my song. Tapos susundan pa ni ate yeng ng ikaw. Abay matindi hindi naka plano sa araw na to ang mag emo ako sa mga kanta. Anyway kaya ayoko ng magisa at walang kausap o walang ginagawa dahil lumalabas yung pagiging emosyonal ko. Mahal ko pa ba sya o namimis ko lang sya. Hayst napakalalim ng aking bugtong hininga hahaha.

Iniisip din kaya nya ako?  o ako lang ang nagiisip sa kanya. Bakit ba kasi naimbento ang salitang LOVE. Bakit kasi ako ang nasasaktan at ako ang nagiisip ng ganto. Pag tinatanong ako kung OK na ba ako lagi ko namang isinasagot ay OO, Pag tinanong kong ilang porsyento sagot ko naman eh 99.9 %.  Abay di ko naman akalain na malakas parin pala ang point one percent.  hayst isang malalim na bugtong hininga uli. Ok na ba talaga ako o pinapakita ko lang na ok na ako, pero bakit ganun ganito lang naman ako pag magisa ako, ganito lang naman ako pag lumalalim ang gabi at hindi na ako abala.

image

Ayoko na sanang halungkatin ang kapirasong tissue na may sulat nya ng huli kaming magkita baka kasi maiiyak na naman ako. Pero sige na nga mas gusto ko ang nasasaktan eh. Walang hiya din kasi ang radyo na pinapakinggan ko napa ka emo ng mga kanta.  Parang gusto pa akong pasakitan ng husto hanggang sa mag bikti ako hahahaha. Yung isang kaibigan ko sabi nya, Bakit mas madaling kalimutan ang ala ala kesa sa kasalanan. Ako namang si emo ang sa akin naman eh bakit mas madali kung kalimutan ang nagawang kasalanan kesa sa ala ala. Magkaiba nga kami haha siguro dahil emo ako or sadyang tanga tanga lang ako. Aaaarrraaaayyy Sige na nga tanga na kung tanga pero di nyo ko maiintindihan kasi ayaw kung ipaintindi.. hahahaha

dahil dyan matutulog na ako baka sakaling OK na ako bukas haha.

PS. Sana isang malaking SANA. Hindi ako umiyak pwamis

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s