Gaano Kahirap Magpatawad?


rose
Photo Credit to the Owner

kapatawaran ( Facebook Note )

Lahat tayo nagkakamali, nagkakasala at lahat tayo ay pinatawad na rin ng paulit ulit.

Isang gabi napagpasyahan ko na umuwi sa amin upang dalawin ang nanay at tatay ko. Habang nasa byahe ako marami akong naiisip. Masasaya lahat ng naalala ko kahit katiting na poot di ko maramdaman.

Pagbaba ko ng jeep agad akong nagtungo sa simbahan kasi akala ko umpisa na ang misa para sa simbang gabi. Sarado pa sya at tanging mga boses ng koral na nagiinsayo ang naririnig ko. Nakita ko ang Adoracion Chapel bukas ang ilaw at walang tao. Pumasok ako at naghubad ng saplot sa paa upang magbigay respeto sa kanya. Sa di kalayuan natanaw ko ang isang matandang babae, nakaupo at nakayoko. Taimtim na bumubulong ng orasyon. Agad akong nagtungo sa dulong bahagi ng chapel upang lumuhod at magdasal. Hiningi ko sa kanya ang mga kapatawaran sa kasalanan ko at ang basbas na sana ay mapatawad ko ang mga taong nakasakit sa akin. Hiniling ko rin na patawarin din ako ng mga taong nasaktan ko noon. Taimtim akong nagdasal at ipinagdasal lahat lahat. Namutawi na lang sa bibig ko pagkatapos ang salitang pasasalamat. Pagkatapos noon di ko alam kung gumaan ba ang kalooban ko o sadyang ikinukubli ko lang ang anyo ko sa isang kasiyahan na alam kong hindi ako.

Umuwi na ako sa amin. Bukas pa ang munting tindahan ni nanay. Si tatay lasing na naman kaya maagang nakatulog katabi ng nanay ko na pagod galing trabaho. Umupo ako saglit sa sofa kalong kalong ang ulo ng pamangkin kong natutulog din, di ko alam kung pagod sa paglalaro. Hinimas ko ang ulo nya at tinitignan ko sya sa mukha. Napakakalmado ng mukha nya, mukha ng bata na maaliwalas at walang dinadalang problema.

Mga ilang minuto nagising na ang tatay ko papungas pungas sa mata, mukhang nabigla din kasi nakita nya ako at nagmano sa kanya. Agad syang bumangon at nag alok ng makakain, agad syang nagluto ng panghapunan ko. Maya maya nagising na nanay ko. Nag mano ako at narinig ko sa kanya sa unang pagkakataon ang salitang KAAWAAN ka ng DIYOS. ngumiti ako sa kanya.

Lasing din pala ang bunso kung kapatid na lalake kaya naman di maiwasan na magsagutan sila ng tatay ko. Naririndi ako sa away nila, parang problema na naman. Pero lumipas din ng sumawsaw na ako at iniwasan na nila ang isat isa.

Kwentuhan kami ng nanay ko habang nakatingin sa akin. Tinanong nya kung kumusta na ang trabaho ko, bakit daw ako umuwi ng ganong oras, ano daw ba ang sinadya ko. Wala akong sinagot sa mga tanong nya kahit isa. Tinanong nya ako kung may problema daw ba ako at ang tamlay ng mga mata ko. Sabi ko wala pagod lang sa trabaho. Umiling ang nanay ko at sinabi nya na matanda na ako kaya ko na daw.

Pasado alas onse na ng umalis ako sa amin. Tumulong pa akong magsara ng tindahan. Habang nasa byahe ako dun ko naramdaman ang kaginhawaan doon na pumasok lahat ng saya at kirot. Ngumiti ako at sinabi ko na lang na napatawad ko na sila at bukal yun sa kalooban ko. Paguwi ko sinabi ko na napatawad ko na sila at sana mapatawad din nila ako sa masasakit na nagawa ko.

Gumising akong masaya, gumising ako na parang nagsisimula ulit ng panibagong buhay. Kung makakasalubong ko man sila o makikita ko mapapatawad ko parin sila. Nagkamali din ako at lahat yun ay pinagsisihan ko na. BUKAL SA PUSO KO ANG PAGPAPATAWAD kung mababasa man nila to sana ganun din ang ibigay nila sa mga taong nagkamali o nagkasala sa kanila. YUNG nasa itaas lang ang naging sagot sa mga tanong ko at sya rin ang nakakaalam ng mga kamalian ko. Ilang beses nya na akong kinalabit upang pakinggan sya at ako naman ay laging tumutugon at tumatalima sa bawat boses nya na pumapasok sa aking tenga.

Love love love

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s