I Crush You!


image

Sabi nila kahit ilang libo pa ang CRUSH mo basta iisa lang dapat ang mahal mo.

Summer na ramdam na ramdam ko na ang pagiyak ng aking kilikili pati ang singit kong nakatago ay di pinapalagpas ng pawis. Sa sobrang init ngayon ng panahon. Matatawag din ba ito na global warming kung itong puso ko eh sumasabay rin at humihilagpos sa init na nararamdaman. When was the last time na kinilig ka sa isang tao? Yup Yup tao ang usapan natin dito. Iyong kilig na titig pa lang nya ay dinaig mo pa ang sorebetes na nakabilad sa araw sa bilis ng iyong pagtunaw. *landi*  insert mamang sorbetero with matching kalembang..

Nakatulala ka na naman iniisip mo kung ilalagay mo sya sa iyong mahiwagang slam book na may cover photo ni ate jolen at kuya marvin na may mga ipit na very colorful. Lakas maka 90’s di na uso. Uhmm kung ilalagay mo kaya sya sa iyong FB status at sasamahan mo ng qoutable qoutes galing sa internet para kunwari naintindihan pero ang totoo hindi, nagandahan ka lang sa nabasa mo. Titibok ng mabilis ang puso mo kapag nakita mong naka OL sya. Bubuksan mo ang chat box at imimessage sya ng Hi! Diba di ka nga na seen zone eh ang masaklap dun naka messenger sya imposible na di mag pop up yung mukha mo sa CP nya na kasing laki ng scientific calculator. Syempre crush mo sasabihin mo na busy sya o baka natutulog o kaya may ginagawa. Eh di wow. Isang linggo na ba syang natutulog at hangang ngayon ay di ka parin nya makuhang replyan ng smiley man lang. Syempre hwag ka ng umasa na masusundan ang kwentuhan nyo kung SMILEY ang reply nya o di kaya hwag ka ng umasa kung THUMBS UP button ang reply nya. Isa lang ibig sabihin nun OK na OK sya kaya tumigil ka na.

Naranasan mo na ba na ang crush mo naman ang mag message sayo ng Hello po. Boooomm bibilis ang tibok ng puso mo at mabilis pa sa alas kwatro ang reply mo. Magrereply ka ng isang pasimple at pakipot word na Ok lang po. Ikaw ba? Ganyan hindi dapat nagtatapos sa yes or no ang tanong. Ahhhahahaha.. Nakikita mo na typing ang nakalagay. Kakabahan ka at mai-excite. Booommmm nagreply sya at sumimangot ka kasi nagpapalike lang pala ng Page o picture nya. Ilalike mo naman at magrereply ka nang Ok na po at doon nagtatapos ang masalimoot mong paghangga.

Sobrang init nuh na kahit anong gawin mong mag palamig sa harap ng aircon ay hindi kaya yang init ng katawan mo este init ng pabago bagong panahon.

Balik tayo sa usapang crush. Ayan para kang NBI agent na bawat post nya like ka ng like at sinusundan mo bawat kilos nya sa mga social media. Syempre crush mo nga diba? Wala namang masama kung humahanga ka kasalanan yan lahat ng crush mo kasi hinayaan ka nyang mahulog sa bawat ngiti nya. Baka naman pa fall. Naransan mo naba ang humanga sa isang tao at mahulog ng husto ang loob mo. Pero kahit anong gawin mong porma at kahit ikaw pa  ng pinaka YUMMY sa buong kalawakan eh hindi mo parin magawang kunin ang atensyon nya. Saklap nuh las las na pero wait bago mo gawin yan siguraduhin mo na di sya kinikilig sa bawat pagpapapansin mo. Baka naman kasi pakipot lang kagaya ng makahiya iyong damo na parang dahon ng sampalok na kapag nadampian mo ng bahagya eh mahihiya si maria clara sa kakipotan nito.

Sa totoo lang wala namang patutunguhan itong sinasabi ko. Wala kang matutunan. Nagsulat lang ako kasi naalala ko ang init ng panahon hahaha. Sya dyan ka na at baka mag message na ang crush ko di ko pa agad mareplyan at baka magalit. LoL. Paasa, Umaasa, nagpapaasa. Ikaw nga ay taga Pag asa ulat ng panahon.

Xoxo

Advertisements

One thought on “I Crush You!”

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s