HIV: Ang Panganib ng Pulang Laso.


image

#Finally

The Love Yourself Inc.

Free HIV Test at Victoria Court Malate Manila May 17, 2015

just Click the link : Free HIV test Direction going to Victoria Court Malate

or register at Registration Form

March 2015, Naitala ang pinakamataas na kaso ng HIV o Human Immunodeficiency Virus. 665 PLHIV o mahigit sa 21 ang nagiging positibo araw araw dahil sa sakit na ito.

Naitala ang pinakamataas na kaso ngayong taon at naitala sya sa buwan ng marso. Kahit sa patuloy na pakikibaka ng ating pamahalaan at ibat ibang NGO laban sa sakit na ito ay di parin maiiwasan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV sa ating bansa. Hindi natin maiisantabi ang kadahilanang hindi sapat ang kaalaman ng iilan tungkol sa HIV. Marami na parin sa atin ang takot na mag patest ng ating HIV status Dahil na rin sa takot na baka malantad ang ating kalagayan pag nalaman natin ang ating kondisyon laban sa sakit na ito. Nawawalan tayo ng tiwala sa mga taong makakaalam ng ating kalagayan. Marami ang takot na baka magkaroon sila ng mga karanasan ng diskriminasyon sa ating lipunan o baka naman madami ang takot na malaman ang kanilang kalagayan dahil hindi nila alam ang pwede nilang gawin sa oras na malaman nila ang kanilang HIV status.

Confidential HIV testing and Counseling

Ayun sa ating batas na RA 8504 o HIV/AIDS law of 1998. Nararapat o karapatan ng bawat isang pilipino na malaman ang kanilang kalagayan ng may laya at hindi sapilitan. Karapatan nilang magkaroon ng confidentiality sa sakit na ito. Karapatan nilang magsampa ng demanda sa bawat diskriminasyon na matatangap nila kung sakaling sila ay Positibo. Diskriminasyon sa Trabaho, Paaralan o kahit sa lipunan na kanilang ginagalawan. Isa ang The love yourself Inc. Sa nagbibigay ng tama at wastong counseling sa mga taong nais na malaman ang kanilang kalagayan. Libre at propesyonal ang bawat member nito sa pagbibigay ng wastong counseling sa mga nagpupunta dito. Ang iba sa kanila ay certified RITM change agent at DOH certified Counselor na naglaan ng ilang buwan at araw para maging sertipikado sa larangan na ito. Pre at post test counseling ang serbisyong ibinibigay nila. Libre ang HIV testing at sigurado ang confidentiality ng inyong resulta.

ARV Drugs

Sa Ngayon wala naman talagang gamot upang masugpo ang HIV sa loob ng katawan ng tao na PLHIV. Pero meron namang gamot na binibigay ang ating gobyerno upang malabanan ang mga maaring sakit na maiduuulot ng HIV. Gamot na magbibigay sa inyo ng kahulugan nang salitang may Pag asa. Ang HIV ay parang Diabetes o altapresyon na nangangailangan ng maintenance para mapanatili nating malakas ang ating pagangatawan. HIV is not a death sentence.

Sino ba ang pwedeng magkaroon ng HIV?

Bata, Matanda, Babae man o lalake ay maaring malagay sa panganib ng pagkakaroon ng HIV. Hindi dahil sa kung ano ka o kung ano man ang sekswalidad kaya ka magkakaroon ng HIV, kundi sa kung ano ang ginagawa mo sa pagkakaroon nito. Sa maling kaalaman tungkol sa HIV ay maaring malagay ka sa panganib o mailagay mo ang sarili mo sa pagkakaroon nito. Hindi mo maisasa walang bahala ang HIV status mo lalo na kung may mga pagkakataon sa buhay mo na naging progresibo ka sa iyong mga kilos at ginagawa.

Paano ba nakukuha ang HIV?

Dugo, Semilya, Hema o vaginal fluid at gatas ng ina ang mga pangunahing likido na maaring makahawa sa oras na lumabas ito sa taong mayroong HIV.  Unprotected sexual intercourse o hindi pag gamit ng condom, Blood to Blood products o pagsasalin ng dugo na hindi dumaan sa tamang proseso at Mother to child transmittion o ang mga inang nagbubuntis at nagbuntis na positibo sa HIV.  Iyan ang mga paraan kong paano makukuha o magkakaroon ang isang indibidwal ng  HIV.

Know your status

Karapatan mo na malaman ang iyong kalagayan para naman na sa oras na ikaw ay negatibo ay malalaman mo ang mga pamamaraan para makaiwas sa sakit na ito at kung ikaw naman ay positibo malalaman mo rin ang mga paraan upang maiwasan ang pag salin pa nito sa ibang tao at sa ganyun din ay malalaman mo na maraming handang tumulong sa inyo. Kung ikaw ay positibo maaring mabago mo pa ang konotasyon mo sa sakit na HIV. Hwag kang matakot may gamot naman na nagbibigay alaga para sa ating katawan upang maiwasan ang pagpasok pa ng ibat ibang uri ng mga sakit.

Paano ito maiiwasan (Triangle of Self Care)

Sapat na kaalaman at edukasyon tungkol sa sakit na ito ang tangi nating panlaban upang hindi na kumalat ang HIV sa ating bansa. Pakikipagtulungan at sapat na pagkalinga at pang unawa ang mga tulong na pwede nating ibigay.

T3 o Timely Testing and Treatment.

Mag pa test at mag pa counsel tuwing tatlong buwan lalo na kung may mga bagay kang ginagawa na maglalagay sayo sa alanganin ng pagkakaroon nito. Kung malaman mo naman ang iyong status at ikaw ay positibo maari kang makipagugnayan sa RITM o sa gobyerno at mga NGO upang masimulan mo na ang gamutan.

S3 o Safe and Satisfying Sex

Ang pakikipagtalik ay normal sa ating mga tao na nasa hustong gulang. Ngunit ang hindi pag protekta sa iyong sarili ay hindi magandang gawain ng isang indibidwal na may sapat na kaalaman tungkol sa HIV o sa mga bagay na maglalagay sa atin sa alanganin. Maging ligtas sa bawat ginagawa natin upang maiwasan natin nag mga bagay bagay na maari nating pagsisihan sa huli.

C3 o Correct and Consistent Condom use.

Tamang kaalaman sa pag gamit ng condom at lubricant hindi basta bastang ipinapasok. Maaring maglagay ito sa alanganin ng pagkasira ng condom sa oras na mali ang paglagay at pag gamit ng lubricant. Iba na ang may alam. Protektahan mo ang iyong sarili at ang iyong kabiyak o partner.

BE MUTUALLY FAITHFUL

Ikaw at ako lang ay sapat na. Isa sa magandang ugaliin ng bawat isa na nasa relasyon. Matotong makuntento sa kung ano ang nakahain upang maiwasan ang pagkasira ng buhay at relasyon.

Hwag kang matakot na malaman ang iyong kalagayan. Labanan natin ang HIV. Sugpuin natin ang sakit na ito upang sa kinabukasan ng ating pamilya at mga susunod na henerasyon. Hwag kang magpahuli sa balita ng pagiwas dito. Hindi pa huli ang lahat hindi ito ang katapusan ng bawat nating pangarap.

Know your status and LOVEYOURSELF

 

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s