Date, Sex and Goodbye: RelationSHIt goal


“Maraming surpresa ang buhay. Hindi mo alam kong kailan ka magiging masaya at kung kailan ka naman magiging malungkot. Pero sa kabila nito dapat ay matuto tayong tanggapin kung ano man ang mga ibinigay sa atin.”

Date

Masarap sa pakiramdam na pagkatapos ng isang hindi masayang relasyon ay may nakikilala pa tayong ibang tao na magbibigay ulit ng kulay sa buhay natin. Makikilala mo sa hindi inaasahang pagkakataon, pagtatagpuin ang landas nyo sa isang lugar na kung saan ay pareho ninyong pinang galingan.

Kikilalanin nyo ang isa’t isa at magiging palagay kayo sa bawat salita na inyong binibitawan. Ibibigay mo ang tiwala sa unang beses nyong lumabas. Hahanapan mo ng pagkakapareha ang bawat ninyong galaw at salita. Sadyang magiging masaya ka sa bawat oras na kasama mo sya. Parang may kung anong pakiramdam ang hindi mo mapaliwanag sa t’wing napapangiti ka nya. Aangkinin mo ang oras nang kayo ay unang magkakilala. Mauulit at mauulit ang pakiramdam na iyan sa tuwing kayo ay lalabas o mamasyal. Isasabay nyo na lang sa hangin ang bawat biro na inyong binibitawan. Oh kay sarap mainlove sa hindi inaasahang pagkakataon. Matapos ang sakit na naranasan ay may isang bagay at pinto na magbubukas para ibalik ang ngiti mo sa labi.

Sex

Masarap sa pakiramdam na ang inaalayan mo ng init ng iyong katawan ay iyong taong alam mong nagpapaligaya sa iyo. Masarap sa pakiramdam na nagpapalitan kayo ng init ng katawan sa isang lugar na alam mong kayo lang ang naririto. Ibinibigay mo ang isang bagay na alam mong dapat lang ibigay sa taong alam mong nagiging masaya ka pagkasama sya.

 


Mararamdaman mo ang romansa sa bawat bahagi ng iyong katawan. Ibibigay mo ang nais nya dahil sa mahal mo sya. Iniaalay mo ang bawat halik mo sa kanyang labi dahil sa uhaw ka sa halik ng kanyang pagsinta. Matagal mo na ring hindi naranasan ang romansang nagbinigay sa iyo ng init at halong lamig sa katawan. Romansa na nagdadala sayong katawan sa kaba ng iyong pananabik. Masarap ang ibahagi ang iyong pagkatao sa taong alam mong siya ang karapatdapat dito. Yung taong pinanabikan mo sa tuwing titig sya sa iyo na parang hinuhubaran ka sa kawalan.
Goodbye

Matapos ang masasayng sandali na magkasama kayo, matapos ang mga init na naramdaman nyo ay agad siyang aalis ng walang paalam. Ikaw ngayon ay mag iisa at susubukang magsimula muli. Pipiliting kalimutan ang bawat saya na ibinigay nya. Pipilitin mong talikdan ang bawat palasak na salitang binitawan nya. Titingala ka at sasabihing kaya mo pang magsimula kahit ang alam mo ay mahirap at hindi alam kung paano maguumpisa.

Hindi nga sya ang karapat dapat sa iyo. Pinatawa ka at ngayon ay pinaiiyak ka. Hayaan mo ng lumayo ang taong nagpasaya sa iyo. Hayaan mo ng lisanin nya ang Magulo mong buhay, hayaan mong magsimula sa wala. Lumayo aka at kalimutan sya at magsimula ka ng pulutin ang mga pirasong sakit na naiwan mo sa sahig. Magsimula ka na parang walang nangyari at harapin ang katotohanan na marami ka pang makikilala na patuloy na mananakit saiyo hanggang sa matauhan ka. May makakasalamuha kang mas higit pa na sakit ang ipadarama saiyo. May makikilala ka na magbabalik ulit ng ngiti diyan sa mga labi mo. Magbibigay ulit ng kilig at magpaparamdam ulit ng init ng pananabik. Hwag kang matakot na maghanap, hwag kang matakot sumubok dahil ang buhay ay di napapagod na turuan ka ng leksyon. Hayaan mo lang na masaktan ka kung ang hinahanap mo naman ay ligaya. Hindi mo man maramdaman o makita sa simula baka sa huli ay masumpunga  mo na siya.
xoxo

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s