Para Sa: Mga taong Nagmahal, Nasaktan, Umasa, Niloko, Binabalewala at patuloy na Nagmamahal, Nasasaktan, Umaasa Niloloko ATBP. 


Pucha naman Oh nagmahal lang naman ako bat ako pa ang sinasaktan ng ganito. Ako na nga ang nagmahal at nagbigay ng buong buo pero bakit ako ang nasasaktan. Hindi ba pwedeng maging patas ang lahat pag nagmahal ka.  Pwede bang pareho kayong masaktan o kaya naman pwede bang wag na lang masaktan pag nagmamahal. Tigas kasi ng ulo ko e. Ilang beses ng sinabi na hwag na hwag magmamahal ng hindi ka pa handa. Hindi naman dahil sa itsura kaya pumintig itong bagay na kung ano man ang pumipintig. Buti pa yung Kapitbahay naming anim na taon gulang, nadapa noong nakaraang araw nagkasugat sa tuhod nagdugo at ramdam ko na masakit iyon. Pero ngayon tumatakbo na ulit sya parang di inalintana ang nakaraang sugat nya. Mabuti pa ang bata tuhod lang ang nasusugatan hindi puso. Ako ito durog na durog na kahit ilang tao pa ang dumurog nito ay nasasaktan parin ako. Lintik kasi na pagmamahal na yan naimbento pa. Iyong katabi g bahay namin may makulit na bata pilit na pinapatulog ng nanay pero ayaw matulog. Alam kaya nang bata nato na kapag nagmahal sya at nasaktan ay di na sya makakatulog sa kakaisip at kakatanong kung Bakit? Paano? Saan? at kung ano ano pang pangungusap at tanong. Malamang habang binabasa mo ito ay tawang tawa ka dahil sa kagaguhan na ginawa mo sa akin. Asang asa ako sa bawat pangako mo namagiging tayo pag tama na ang oras at panahon. Pota naman isang taon na akong kumakain ng Hopia pero di ko parin maubos ubos. Iyong totoo lang kailan ba yang tamang panahon na sinasabi mo. 
Inaya mo ko minsan na lumabas aba syempre nagbihis ako at pinaghandaan ko ang pagkakataong makasama ka. Nagpabango ako ginamit ko pa nga ang pabango ng tatay ko dahil alam kong astig ang amoy na yun. Nagkita tayo sa Jollibee sa may bandang bayan. Madaming tao noon pucha sabi ko sa sarili ko nakajackpot ako dahil madi date kita at sa halagang abot kaya pa. Yes nakatipid ako. Pero bakit ganon sinama mo pa yang bestfriend mo na malakas pang kumain sa akin, nahiya tuloy si jollibee sa laki nya. Napurnada pa ang pag aaya ko sayong maglakad lakad dahil imbes na ako ang maraming kwento yang asungot na bestfriend mo ang bumibida. Kesyo ganto daw dito daw sila unang nagkita ng kachat nya na di ko naman talaga alam kong totoo.

Kahit ilang beses mo na akong niloko eh asang asa parin ako na hindi totoo iyon. Naalala mo Nagtext ako sayo kung kamusta ka na? Kumain Kana ba? wala kang sinagot niisa sa mga tanong ko. Inisip ko na lang na nagpapahinga ka at baka abala ka sa ginagwa mo. Isang oras, dalawang oras ang lumipas wala kang paramdam. Tinawagan na kita at di mo sinasagot ang tawag ko. Maya maya nagtext ka at humingi ng pasensy sabi mo kausap mo family mo at nagbobinding kayo. Aba natuwa naman ako at ako pa ang nahiya sa mga ginagawa ko. Pinabayaan kita at di muna inabala. 

Tsismoso talaga tong kaibigan ko biruin mo panira ng Lovelife. Sinabi ba naman sa akin na nakita ka raw nya kahapon sa mall na may kasama, eh gago pala to eh syempre mas paniniwalaan kita mahal kita eh. Kya ayun di ko na sya kaibigan ngayon. Naulit ulit lahat Text dito tawag dun pero wala kang sagot. lumipas ulit ang mga oras pero hindi ka parin sumasagot. Nagantay ako hanggang sa tumunog ang cellphone ko. Nagsorry ka at ang sabi mo may sakit ka at nagpapahinga. Naawa ako at sabi ko pa kung pwede kitang dalawin at dalhan ng paborito mong siopao. Sabi mo sa akin na hwag na at baka maabala pa ako. Pero sa totoo willing akong puntahan ka. Tinext kita ng I Love you at pagaling ka pero ang sagot mo Salamat, papahinga na ako. Hindi mo lang alam na kanina pa kita minamasdan sa malayo habang kausap mo yung lalake na kasama mo. Hindi ko alam kung mahal pa kita at di oo magawang magalit. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa bawat kasinungalingan mo ay minamahal parin kita ng buong buo.
Paalala: Ang kwentong ito ay hindi hango sa totoong buhay nang may akda o nang sino man. Ang pagkakahawig ay hindi sinasadya. Likha lamang ito ng magulo at mapaglarong isipan ng sumulat. Promise! 

Photo credit to the owner
Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s