Tula at makata: Para kanino ang sakit


Para Kanino ang sakit
Pilit mo akong itinulak sa isang malayong lansangan, iniwan sa ilalim ng posteng kukurapkurap ang ilaw, Na kahit na anino ko ay hindi ko mabanaag. Pilit kong hinanap ang kasagutan sa iyong paglisan ng walang paalam, ngunit hindi ko masumpungan ang kasagutan. Para akong tanga na iyong kinawawa na kahit demonyo ay hindi masisikmura. Sinaksak mo ako ng nakatalikod na animo’y isang traydor sa pagsinta kong itinago. 
Hinarap kita habang dama ko ang sakit ng iyong pagsaksak. Hinarap kita ng buong tapang na parang walang iniinda. Kahit ang luha ko ay ayaw ng pumatak pa. Kinausap ka ng nakangiti na kahit sa likod ng aking mga labi ay ang paghiganti na ikaw ay pasakitan. 

Pinilit kong kalasin ang kadenang ating sinusian ngunit ikaw ay nagpumiglas at sa akin ay nanlaban. Pilit kong kinausap ang iyong sarili pero sarado ang iyong tenga sa pagsusumamo kung ikaw ay muling mahagkan.
Tumakbo akong palayo hila hila ang kadena na ating sinusian, pilit kong nilalabanan ang sakit ng iyong paghila, Pero Ako’y nakawala na dala ang bakas ng kadenang pinilit mong pinigilan. Malaya akong tumatakbo doon sa kapatagan na kahit na hangin sa akin ay umakap. Nilasap ko ang kalayaan na pilit kong hiningi na kahit alam ko sa huli ako lang din ang masasaktan. 
Lumipas ang panahon, taon at dekada ng ating paghihiwalay pero ang bakas at peklat ng kadenang ating sinusian ay nandirito parin sa aking mga kamay na nagpapaalala ng sakit ng iyong pinadama. Pinilit kong maging masaya sa aking pag iisa pero sa twing nakikita ko ang bakas ng kadena agad akong nadadala ng ala ala ng isang masakit na nakaraan. Masaya ka na sa iyong kasama, nakita ko na naman ang ngiti mo na katulad sa una nating pagkikita. Ngiti na parang bago sa aking mga mata. Ngiti na dati sa akin pinapakita pero ngayon sa iba mo na siya ipinapadama. Hindi ko na hinihiling na bumalik ka sa akin dahil alam ko na hindi na ito mangyayari dahil ang dating tayo ngayon ay tapos na. Ang dating ngiti mo na sa akin lamang ngayon ay sa kanya na.
Hindi kita masisi kung agad kang nakalimot sa pangako natin na tayo, ikaw lang, ako lang sa pagmamahalan natin na iyong pinaglaruan. Hindi kita sisihin sa sakit na naranasan ko dahil wala akong karapatang sisihin ang taong naglalaro sa puso ng taong bigo. Hindi kita susumbatan dahil hindi kung masasabi na naging tayo dahil ang pagmamahal mo noon ay parang magnanakaw sa quiapo, Inaagaw at nagpapaagaw. Ang pagmamahal mo na huwad ay parang tanso sa lansangan na kahit anong kinang mas mataas parin ang ginto. 
Unti unti ng naglalaho ang bakas ng kadenang sa akin ay tumimo. Unti unti na syang naglalaho parang pagkatao mo na sa akin ay isang payaso. OO payaso dahil pilit mo akong pinatatawa sa bawat pinagako mong pagsasama. Payaso na kahit hindi na nakakatawa pilit akong tumatawa para lang mapakita ko noon na ako ay tunay na masaya. Para kanino ang sakit na aking naranasan? Para sa iyo na kailanman ay di na makakahanap ng taong aalagaan ka na parang ginto at sasambahin ka na parang ako, tayo, dati ngunit ngayon ay naglaho.
xoxo

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s