Takot ako……


Love 

Love Love Love, takot ako na mahalin kita ng hindi ko minamahal ang sarili ko dahil takot akong magmahal nang nasasaktan. Alam ko na kasama sa bagay na ito ang masaktan dahil nagmamahal tayo, pero ang takot ako ay ang mahalin ka ng hindi mo ako minamahal. Ibibigay ko ang oras at panahon ko sa oras na mag mamahal ako pero sa huli masasaktan ako dahil umasa ako na sapat na ang lahat ng iyon para sabihin na mahal mo rin ako. Love, takot akong maramdaman siya dahil takot ako sa anino ng nakaraan ko. Pandirihan mo na ako dahil sa aking nakaraan pero lahat ng iyan ay mahuhugasan ng aking kasalukuyan.

Discrimination
Takot ako na husgahan, takot ako na pagtawanan, takot ako na pandirihan at isumpa na para bang may sakit na nakakahawa. Takot akong tignan mula ulo hanggang paa na para bang sinisino ako sa aking pagkakatindig. Takot ako na harapin ang mga taong mapanghusga dahil takot akong masaktan na wala namang ginagawa. Ayokong humarap na mahina dahil takot akong husgahan. Ayokong sa tuwing hawak ko ang kanyang kamay lahat ng mata ay nakatingin sa amin at huhusgahan kami ng hindi inaalam ang aming pinagdaanan. Takot ako sa hindi pantay na pag tingin ng lipunan. Sa lipunang nababalot ng panghuhusga at sa lipunang hindi nagagamot ang sakit ng pagiging inutil sa nararamdaman ng iba.

Acceptance

Takot ako na tangapin mo ako ng ganoon na lang, takot ako na akapin mo ako ng walang tanong tanong kung bakit at para saan. Takot ako na gawin mo yan dahil alam ko hindi mo ako lubos na nauunawaan. Inakap mo ako para ipadama na ako ay mahalaga pero hindi mo naman pinapakita ang aking importansya ng ako ay umiyak ng hindi ko sinasadya. Tangap mo ako dahil iyon ang gusto mong ipakita sa mata ng mga nanghuhusga pero ang totoo lahat ng ito ay pansamantala. Tanggapin mo ako ng buong buo na kahit may tanong na bakit at paano, alam ko at ramdam ko ang pagiging totoo mo. Baguhin mo man ang boses mo upang iparamdam sa akin ang simpatya mo alam ko ang totoo lahat ng iyan ay sadyang panandalian lamang.

Awa

Hwag mo akong kaawaan dahil hindi yan ang aking kailangan. Kailangan ko ng unawa at hindi awa. Malakas ako na haharapin ang bukas dahil sa pag asang ibinigay sa akin ng ganito kaaga. Ayaw ko na kaawaan ako dahil hindi ko inililimos ang damdamin ko at ang kalagayan ko. Hindi ako kayang buhayin ng iyong awa kung sa dulo ng iyong salita ay hindi ko makita ang pang unawa. Uhaw ako ngayon sa kaalaman ng mga bagay bagay na dapat ay hindi ko na lang ginawa. Pero hindi ako nagsisi sa kong anong meron ako dahil alam ko na sa huli may mga tao sa akin ay uunawa. Mahalin ko man ang sarili ko, yakapin ko man at pagsisihan ang nakaraan ko, alam ko na iyon ang tama para ipaintindi sa sarili ko na sa pag gising ko sa umaga may bukas at pag asa na nag aantay. Dala dala ko ang bigat ng nararamdaman ko. Pero hindi ko talaga kailngan ang awa mo para gumaan kung ano man itong nararamdaman ko. Malakas ako at hindi mahina, Makasalanan ako pero hindi masama, Madumi man ako sa tingin mo mas busilak naman ang puso ko.
Death

Tahimik, mawawala, madilim…. lahat tayo ay hahantong dito.
liliwanag, iingay, makikita… Hindi ako takot mamatay dahil sa lahat ng kanatatakutan ng lahat ang kamatayan ang aking tanging panibagong buhay. Hindi ngayon, hindi bukas. Mamatay ako ng lumalaban at mamatay ako nang may dignidad. Mamatay ako na hinarap ko ang problema na hindi kaya ng iilan. Malakas ako at kaya ko ito.

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s