Medtech ako. Kakampi mo ako


Sino ba kami sa tingin nyo? Isang ordinaryong empleyado na nagkukubli sa likod ng laboratoryo? Minsan pag may nakikilala ako agad nilang tatanungin kung ano ang tinapos ko. Sasagot naman ako ng MEDTECH po! sagot na may kasamang ngiti na abot hanggang tenga, pero mawawala ang mga ngiti na iyon sa susunod nilang tanong, Ano yung Medtech?

Naranasan nyo na rin yan diba? tayo yung isa sa mga empleyado sa ospital o clinic na hindi masyadong kilala at nakikita. Pero sa likod ng pintuan ng laboratoryo sa atin nang gagaling ang buhay nila. Naniniwala ako lahat ng propesyon sa lahat ng larangan ay mahalaga. May kanya kanyang tungkulin na ginagampanan at may mga responsibilidad na nakaatang. Pero teka balik tayo sa tanong. Ano ang Medtech? para mas madaling maunawaan ang lagi nating sinasabi tayo ang kumukuha ng dugo, tayo ang tumitingin kung anong sakit ang meron sila. Medtech? tayo ang unang nakakaalam ng sakit ng pasyente bago ang lahat. Medtech? Tayo ang responsable sa pag dugtong ng buhay sa mga pasyente, katuwang ng doktor sa pagpapagaling at pagbibigay lunas sa karamdaman nila. 

Medtech? Isang propesyon na binabalewala ng iilan, propesyon na kailanman ay katulad ng Nars, Doktor, Radtech, PT, Pharma at marami pang iba ay importante din. Kulang kami sa pagpapahalaga ng bawat isa. Hindi man kami madalas makita ng inyong mga mata pero sinisigurado namin na ang bawat dugo nakinukuha namin sa inyo ay makakapagbigay ng bagong pag asa. Minsan sinusungitan dahil sa paulit ulit na pag kuha ng dugo, pero ang hindi nila alam ginagawa namin ang lahat para makasigurado ang pag galing mo.

Medtech? kung wala kami sa ospital walang makakaalam ng kalagayan at sakit mo. Kami ang sumisilip sa microscope upang bigyan linaw yang nararamdaman mo. Ihi, tae, plema at kahit mga lamang loob hinaharap namin. Sukang suka na kami sa mga bagay na nakikita namin pero kailangan naming masanay dahil sa amin nakasalalay ang kagalingan nyo.

Medtech? seyantipiko sa laboratoryo. Nakikita namin ang hindi nakikita ng lahat ng nasa ospital. Minsan susungitan kami ng mga doktor pero sa totoo lang sa amin nakasalalay ang kagalingan ng doktor sa pang gagamot. Kung wala ang mga resulta sa laboratoryo malamang sa albularyo ang bagsak mo. 

Medtech? sahod? Ni minsan hindi nyo kami naringan ng hinaing sa mababang pasahod sa mga medtech, Ni minsan walang boses kayong naririnig sa amin, wala kasing tenga na handang makinig sa mga hinaing namin. Gobyernong bulag sa kung ano ba talaga ang sasapat sa kagaya namin. Kaya di nakakapagtaka na ang karamihan ng medtech ay nangingibang bansa o kung hindi naman ay tumutuloy sa pag dodoktor. Dahil mas nakikita ng karamihan sa amin ang halaga ng bawat isa pag nasa malayong bayan kana. Medtech? Mataas ang tingin sa amin sa ibang bansa ang iba pa nga ay sobra sobra ang pag aalaga sa amin. Bakit dito sa sarili nating bayan kami ang mukhang kinakawawa.

Medtech? OO medtech kami. Kami ang tumitingin sa Diabetes nyo. Tumitingin sa cholesterol nyo. Tumitingin sa CBC pag nag ka dengue kayo. Tumitingin sa Leukemia ng iba. Tumitingin sa tae, ihi at plema. Tumitingin sa sakit nyo sa puso. Tumitingin Sa mga karamdaman nyong wala pang lunas. Tumitingin sa dugong isasalin sa inyo. 

Tignan nyo kami ngayon, walang bahid ng panghihinayang sa propesyon na tinahak namin. Tumingin kayo sa mata namin at sabihin nyong hindi kami mahalaga sa ospital o sa lipunang ginagalawan namin. Kami ang buhay sa bawat nyong karamdaman, nasa likod ng pintuan ngunit napakalaki ng pakinabang.

Isulong ang pantay pantay na pagtingin sa mga propesyong medikal. Sahod na sasapat sa lahat at bigyan ng prayoridad ang posisyong inaasahan ng lahat.

xoxo

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s