LIMOT


Ayokong pumikit ng hindi lamang kita nasisilayan. Ayokong matulog ng hindi ko man lang nahahawakan ang iyong mga kamay. Nais kong maramdaman ang bawat init ng iyong palad na dumadausdos sa aking mga daliri. Iyong init na dati ay sa akin dumadampi, init na dati ay ako lamang ang nakakadama. Gusto kong mahagkan ang iyong mga bisig na kahit sa panandalian ay aking maramdaman.

Yakapin mo ako kahit minsan, yakapin mo ako kahit sa huling sandali lang. Yakapin mo ako na parang walang bukas na nag aantay. Hagkan mo ko at hwag mo ng pakawalan. Yapusin mo ang aking katawan na kahit sandali at sa huli ay aking maramdaman na ako ay iyong minahal. Punasan mo ang luha ko at sabihin mo sa akin na mahal mo rin ako.Punasan dugoang puso ko na tuloy tuloy sa pag tagas dahil sa sakit na ginawa mo. Nakikiusap ako na hwag kang lumisan na parang ikaw ang syang nasaktan.

Hipan mo ang aking tenga at ipadama mo ang init ng iyong hininga. Hininga mo na parang musika sa aking pag tulog. Ibalik mo sa akin ang dati kong matamis na ngiti. Ibalik mo sa akin ang ngiti na dati ay iyong ibinigay, Ngiti na sa ngayon ay hindi mo na makikita pa. Lasingin mo ako ng iyong mga salita upang sa ganoon ay maging manhid ako na parang may anestisya. Manhid sa pagtingin ko sayo na kahit mahal pa kita ay kailangan na kitang pakawalan. Manhid upang hindi ko maramdaman ang iyong tuluyang paglisan.

Sa Huling pagkakataon hayaan mo akong sabihin ko sa iyo na salamat sa sakit na ibinigay mo dahil ngayon ay natuto akong lumaban sa bawat insulto at sakit pa na makukuha ko. Salamat sa bawat salita na binitawan mo na mahal mo ako iyon pala ay hindi totoo. Salamat sa sampung kasinungalingan na pinaniwalaan ko noong tayo. Salamat sa mali at tamang nagawa mo dahil ngayon alam ko na na hindi ako bato. Salamat sa tawang ibinigay mo na ngayon alam ko na na kahit payaso ay may maskara na kagaya mo.

Sa huling pagkakataon hayaan mo ako na hindi ka mahalin, sa huling pagkakataon hayaan mo ako na ako ang unang makalimot. makalimot sa lahat ng katangahang nagawa ko, sa pag limot sa bawat pangako mo, sa paglimot sa bawat salitang inasahan ko at sa paglimot na tayo ay minsang nagkakilala,

 

-fin

Advertisements

3 thoughts on “LIMOT”

  1. Salamat sa pagtugon.
    Ang saya lang kasi nakahanap ako ng bagong libangan ung basahin ung mga kwento na andito na kung sana nangyari sa bahay ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko mga pangyayari sa buhay ko any mga kwento dito…maliban lang siguro dun sa kwento tungkol sa people power revolution.
    Salamat po!

    Like

  2. Ako ba ang taong nagsasalita sa kwento na ‘to? Ang sakit, kasi buong kwento nangyari sa buhay ko. Parang ako mismo ang nasa kwento. Lahat ng sakit, lahat ng paraang paglimut ginawa ko na…pero hindi pa sapat! Minsan kinakausap ko na lang ang sarili ko kung bakit hanggang ngayon di ko alam kung paano ako babangon at haharapin ang buhay na wala siya.
    Umiiyak ako habang binabasa ko ung kwento pakiramdam ko ako mismo ung nasa kwento…gusto ko man na itigil basahin bigla lang akong naluluha sa sakit na bumalik…pero tama ka! Kailangan makimutan na.
    Salamat.

    Liked by 1 person

    1. Gawin mo maglibang ka.. Hindi titigil ang mundo mo dahil sa mga bagay na nawala. Hayaan mong lumayo. Hayaan mong iwan ka pero wag na wag mo ng hahayaan na masaktan ka 🙂

      Like

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s