Laban Sen. Miriam Defensor – Santiago, I am proud Filipino.


“I will never quit, I will never stop, I will never withdraw! We all want to change the world for the better. But the person who prayed should be emulated. He said, “God, preserve this country, and begin with me.”

– Sen. Miriam Defensor-Santiago (2016 Presidential Debate)

How are you today? kong ang tanong na ito na nanggaling kay Mayor Duterte ay itatanong natin sa bawat isang pilipino, Kumusta nga ba tayo bilang pilipino?

Malapit na ang halalan at isa na ata ito sa pinaka maingay na halalan sa bansa natin dahil narin siguro sa makabago ang teknolohiya natin. Sa Pulitika wala ka ngang tunay na kaibigan at wala ka ring permanenteng kaaway. Marami ng nasirang samahan dahil sa kanya kanyang kampanya sa kung sino ba dapat ang susunod na mamuno sa ating bansa. Sino nga ba ang dapat na maging lider ng bansa na ang mga mamamayan nito ay walang sariling disiplina sa sarili, bansa na ang mga mamamayan ay uhaw sa pagbabago? Bansa na kailanman kahit sino ang mamuno ay lagi nating binabatikos. Kaya mo bang pamunuan ang bansa na kahit simpleng batas ay hindi natin masunod.

Lahat naman sila ay kwalipikado na tumakbo sa pagkapangulo kong ang saligang batas ang ating susundin. Kanya lang sadyang hindi sila pumapasa sa panlasa ng mga pilipinong pihikan at galit na sa paulit ulit na sistema sa ating bansa. May pinag bibintangang magnanakaw, May tumatakbong hindi raw tunay na Pilipino, May isa rin na nakatago sa anino ng kasalukuyan at may isa na halos sinasamba ng lahat dahil sa tapang at paninindigan nito na linisin ang kremen sa ating bansa. Sa kabila ng kani kanyang katangian na meron ang bawat kandidato bukod tangi na si Sen. Miriam Defensor Santiago ang mas pinagkakatiwalaan ko, Hindi dahil sya ay sanay na sanay sa larangan ng pulitika kundi sa kanya ko nakita ang pagmamahal talaga sa ating bansa na karamihan sa atin ay hindi magawa.

Minsan nang ini-angat ni MDS ang bansa natin sa pang aalipusta ng ibang bansa, Minsan nya nang inakap ang responsibilidad na iangat pa tayo sa buong mundo. Isang lider na nagtatrabaho para sa tunay na pagbabago, Lider na iiyakan mo kong sa kaling hindi palaring manalo. Pero bakit sa kabila ng mababang mga survey ay nanatili parin ang desisyon ko na suportahan sya? Sabi nga ng iba siya isa sya sa magagaling na mambabatas o isa sya sa magaling na presidente na hindi tayo nagkaroon. Sayang ang talino, tapang at malasakit sa bansa kong hindi natin sya bibigyan ng pagpapahalaga.

Si Sen. Miriam ay parang si inang kalikasan na unti unting nawawala ang ganda nito dahil sa kapabayaan ng ating mga sarili, Sya si inang kalikasan na kung sakaling masira ng tuluyan ay saka natin mararanasan ang mga unos na ating pagsisisihan habang buhay. Nasa huli nga ang pag sisi. Kaya habang kaya ko pa ang bumoto ay pipiliin ko ang isang tao na alam ko na may tunay na malasakit sa ating bansa. Pipiliin ko bilang isang pilipino ang taong may kredibilidad sa bawat ginagawa nito. Pipiliin ko ang taong mapapatawa ako sa paraang hindi ako masasaktan, pipiliinko ang tao na kahit na anong galit sa akin sa huli ay mamahalin at patatawarin parin ako.

Si MDS ang iboboto ko dahil kahit sa gitna ng mga pagdinig sa senado ay nabubuhayaan ako sa tuwing siya na ang babatikos sa mga magnanakaw. Si MDS ang Iboboto ko dahil sa bawat buwis na binabayaran ko alam ko na sa tama mapupunta. Si MDS ang iboboto ko dahil hindi hadlang ang karamdaman upang hindi magtagumpay sa buhay. Si MDS ang Iboboto ko dahil sa bawat pagod ko at puyat alam ko na gigising ako isang araw na ang pilipinas ay tinitingala na sa buong mundo. Tinitingala hindi dahil sa takot na tinanim mo kundi tinitingala dahil sa respeto ng ibang bansa sa lahi ng pilipino.

Laban MDS, Laban dahil ipaglalaban ka ng sinasabi nilang 3%. Ipaglalaban kita dahil ipinaglalaban mo rin ang karapatan naming mga pilipino. Laban MDS para sa TOTOO AT TUNAY NA PAGBABAGO.  Laban Madam dahil hindi ka namin susukuan hanggang sa MAYO 9, Laban madam kasi kailangan din namin nang isang ina na kakastigo sa paraang hindi pisikal, kundi sa paraang masalita ngunit may pagmamahal. Yan ang katangian ng isang inang pilipino na kahit anong sama ng anak ay aakapain parin nito upang hindi na mapahamak. Para kang ina namin na kahit anong mali na ang nagawa namin ay nariyan ka parin upang kami ay iyong ipaglaban.

Sabi nga ng isang sikat na founder ng isang kompanya. Nag Hire sya ng matatalinong empleyado para hindi mo na ituro kong ano ang dapat gawin nito.

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s