In the HIV counselor’s eyes


“Maliit na sulok ng kwarto, Nababalotan ng lamig at katahimikan. Wala kang maririnig kundi mga panaghoy ng isang taong umikot ng makailang beses ang buhay sa isang iglap.”

Ramdam ko ang kalungkutan sa t’wing ibibigay ko ang resulta sa mga nagpapa-test para malaman ang kanilang Status (HIV) . Sa sobrang tahimik bago ko buksan ang sobre na naglalaman ng resulta ay halos naririnig ko na ang kalabog ng kanilang dibdib dahil sa kaba at takot. Mga emosyon na naghahalo sa tuwing sasabihin ko na ang resulta ng kanilang isinagawang HIV test. 

Bilang isang counselor mahirap na sa iyo magmumula ang isang resulta na magpapabago sa kanilang emosyon. Kailangan mong ilagay ang napakatahimik na sitwasyon sa isang komportableng usapan para kahit papaano ay mabawasan ang kaba ng bawat isa. Habang umaandar ang oras para sa aming counselor ramdam ko na ganoon naman katagal ang paghihintay ng ilan sa pag bukas ng aming bibig, pagbukas ng bibig namin nababangitin ang bawat letra na magbibigay sa kanila nang panlalamig ng katawan.

“Reactive” walong letra na nagpanginig sa kanilang laman mga letra na ayaw marinig ng kahit sino man pag nasa ganoong sitwasyon ka. Kita ko ang pangingilid ng luha ng bawat nakakausap ko, panginginig na sinasabayan ng panlalamig ng mga palad at pagpapawis kahit ang paligid ay nababalutan ng lamig. Nakakabinging panandaliang katahimikan ang nararamdaman ko. Nakikita ko ang kalungkutan sa kanyang pagyuko. Nakikita ko ang sakit at pagsisi sa bawat pag bukas sara ng kanyang mga palad. Unti unti nyang ititingala ang kanyang ulo at deretsong titingin sa aking mga mata, mangungusap ang mga ito na parang sinasabing sabihin ko sa kanila na ako ay nagkamali lang sa aking binitawan.

Pero Hindi ko mababago ang resulta at kahit na ang kapalaran ng iba. Gustuhin ko mang baguhin ngunit hindi ko magagawa. Gusto ko man silang akapin pero ayokong ipakita na kinakaawaan ko sila dahil gusto kong makita nila na kahit na ganoon ang resulta sila ay tao parin na may pakinabang at dapat lumaban.

Unti unting mababasag ang katahimikan namin dahil sa mga katanungan at kasagutan na dapat nilang malaman. Unti unting mawawala ang panlalamig ng paligid dahil sa kagustuhan na malaman nila ang susunod na hakbang. Pero sa tingin ko na kahit anong simple ng paliwanag na gawin ko at kahit gaano kalakas ang boses ko mananatiling komplikado sa kanila ito at mananatiling bulong ang bawat boses ko dahil sa kanilang kaisipan na lumilipad at hindi lubos na nauunawan ang mga pangyayari na nagpabago sa kanilang emosyon. Ang bawat boses ko ay parang usok sa kanilang paningin na unti unting naglalaho na kahit nakikita mo nang malinaw ay mawawala na lang dahil sa hindi sila handang makinig o dahil balot parin sila ng takot. Takot sa katotohanang kanilang narinig.

Isang malalim na bugtong hininga ang kanilang bibitawan. Hininga na hinugot sa kailaliman ng kanilang tapang. Unti unting bubuka ang bibig nila at magsisimula ulit akong simulan kong ano ang nauna kong sinabi. Liliwanag ang paligid sa kanilang maririnig. Mula sa kadiliman ay para silang dinala sa liwanag ng pag asa. Pag asa na ang buhay ay tuloy tuloy lang, na ang mundo ay umiikot sa lahat at hindi lang sa kanila. Muling magbabalik ang ingay ng kwarto, unti unting madadag dagan ng init ang apat na sulok nito. Babalik sa dati kong saan nagsimula at magtatapos sa pag asang kaya pang lumaban.

Normal ang lahat ng bagay pagkatapos ng mabigat na pag uusap. Unti unting mababanaad sa kanilang mukha ang pag asang mabuhay na kahit sa kabila ng sitwasyon may pag asa para lumaban. Kitang kita ko na habang papalayo sila ay dala-dala parin nila ang bigat ng nangyari. Uuwi sila at magmumokmok at iisipin ang bawat oras na nagdaan. Bibigat ang nararamdaman na parang kong ano ang dinidikta ng kaisipan ay iyon ang nangyayari sa kanila. Panghihinaan ng loob at iiyak hanggang sa makatulog at sa pag gising isang malakas na nilalang na haharapin ang problema upang bigyan ng solusyon hindi para bigyan ng isa pang problema.

-Fin

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s