Bagtas


Cc to Gello Ganon
Alam mo hindi naman talaga ang mga yapak mo ang sinusundan ko. hindi naman talaga bakas ng paa mo ang tinitignan ko, kundi iyang puso mo na malungkot sa tuwing tayo ay nagkakatagpo. Hindi ko alam kong bakit nagkagusto ako sa isang tao na malabo pa sa alas kwatro. Hindi ko alam kong bakit minamahal kita na kahit alam ko na di pa kaya ng oras mo na magmahal na. Pinipilit kong kalimutan at iwasan ka pero bakit ganon hindi ko magawang burahin ka sa aking ala-ala.
Sa tuwing nakikita ko ang bakas ng paa mo sa isang buhangin na sobrang pino, nababanaag ko at nararamdaman ko kong gaano kasakit ang mga pinagdaanan mo. Nakikita ko sa bawat pagdiin ng apak mo ay parang ang bigat ng pakiramdam mo. Binibilang ko ang bawat yapak mo na kong aking susumahin ay aabot sa anim. Maikling bilang na para bang ayaw mo nang lumakad pa, dahil nakikita ko na natatakot kang makasalamuha ng isa pang kagaya nya.

Ang mga yapak mo na bumabakas sa buhangin ay napakagandang pagmasdan, parang hindi yapak ng isang taong may pinagdadaanan. Kong susuriin mo naman syang maigi ay parang yapak ng isang tao na ayaw ng ipagpatuloy ang kanyang paglalakad. Nakita ko ang yapak mo na unti unting binubura ng alon sa dalampasigan, parang ala ala mo sa nakaraan na kahit anong hirap mong kalimutan ay pinipilit mo itong tinatalikuran. Tumatalima ka sa kong ano ang sinasabi ng puso mo, ipinipilit mong ihakbang papalayo ang iyong mga paa na kahit gusto mo ng huminto sa kinalalagyan mo ay hindi mo magawa.
Dalawang yapak mo na lang ang nakikita ko, pinagdarasal ko na humakbang ka ulit para matapos na ang lungkot na nararamdaman mo. Gusto ko na sa bawat paghakbang mo ay nandoroon ako sa harapan mo para sa kong sakali na ikaw ay pagal na at masubsob; Agad kitang sasaluhin ng walang alinlangan, walang tanong kong bakit at walang boses na maririnig. Tatalima ako sa bawat mong hikbi upang sa gayon ay maramdaman mo na handa akong masaktan sa bawat mong pag hakbang. Ipadarama ko sayo na nandito ako sa pag sulong mo at pagagaanin ko rin ang mga yapak mo sa mga pinong buhangin. 

Wala na akong makitang yapak mo na bumabaon sa pinong buhanginan. Hindi ko na rin maramdaman ang hikbi mo dahil hindi ko na ito naririnig. Nakayoko ako papalapit sa kinatatayuan mo para harapin ka at iparamdam sayo na kong bakit ang yapak mo ang bumighani sa damdamin ko. Dahan dahan akong lumapit papaharap sayo at daglian kong iniangat ang ulo ko. Sa pagkakataon na iyon tumalikod agad ako at mabilis na umalis sa tabi mo. Nakita ko kasi na may sumalo na sa iyo kaya pala ang tagal mo ng nakahinto sa kinalalagyan mo.
Gusto kong bitawan nyong nararamdaman ko pero nababalutan ako ng pag asa na makaharap ka na baka sakaling magbago ang pananaw mo. Lumayo ako ng lumayo na kahit masakit ay pinilit ko. Nasasaktan ako ng hindi ko alam parang pag mamahal ko sa iyo na hindi ko rin alam kong bakit at papaano. Lumayo ako ng lumayo hanggang sa hindi na kita matanaw. Lumayo ako at binagtas ang mahabang dalampasigan at dinamdam ko ang lungkot ng ihip ng hangin. Pero alam ko sa loob nito na naiwan ko ang bahagi ng nararamdaman ko sa tabi mo. 

Sa huling pagkakataon hayaan mo ko na mahalin kita na kahit di mo makita ay maramdaman mo naman at sa huling pagkakataon panghahawakan ko ang unang tibok ng puso ko. 
-Fin

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s