Ganduyan: Naranasan mo na bang Mag isa?


Naranasan mo na bang Mag isa? Mag isang umiibig, Mag isang umaasa, Mag isang nasasaktan, Mag isang umiiyak? Pero hindi yan ang ibig kong sabihin. Hindi hugot ang gusto kong isulat kundi ang aking karanasan nang subukan kong mamasyal ng mag isa. 

Napadpad ang aking mga paa sa isang lugar na malayo sa ingay ng mga sasakyan sa manila. Halos labing dalawang oras ang byahe papunta sa lugar na parang puntahan ng mga taong nalulumbay. Lugar na puno ng pag asa para sa mga taong naghahanap ng pangalawang pagkakataon. Ang hangin ng Sagada na nanunuot sa puso mo ang lamig at mapapahugot ka na lang dahil sa mga ala-ala na babalik sayo sa tuwing dadampi sa mga balat mo ang hangin nito. Malamig na lugar sa isang pinakamataas na bahagi ng pilipinas, Lugar na pangarap ko na ipamalagi ang aking katawan. 

Ang bawat dadaanan mo ay puno ng pag asa at pangarap na pwede mong maabot ang mga ulap sa pamamagitan ng mga palad mo. Ang bawat bangin na dadaanan mo ay nagbibigay ng ala-ala na ang buhay ay puno ng saya at lungkot. Ang byahe na patungo sa Sagada ay ang byaheng nagbigay linaw sa akin na marami dapat akong ipagpasalamat. Ang pag daan sa Hagdan hagdang palayan ng banawe ang nagbabalik sa aking ala ala ng isang asignaturang nagtuturo sa kamalayan at kultura ng bawat pilipino. Isang mahabang byahe ang naghatid sa akin sa lugar na kong saan pwede kong mahalin ng husto ang sarili ko.

CODAlines Bus- byaheng Manila (Cubao) Via Banaue to Sagada 9pm ang alis sa manila. Isang sakay lang patungo sa lugar kong saan maari mong makita ang ganda ng kapaligiran. Byahe na kong tutuusin ay napakahaba pero ang pagpunta sa Sagada ay talaga namang sulit at ligtas dahil sa napakagandang serbisyo ng mga driver at konduktor.


Ituloy natin ang hugot…

Sa bawat dinadaanan nang sinasakyan kong Bus ay nararamdaman ko ang unti unting paglayo ko sa ingay ng syudad. Ang unti unting pag usad ng bus ay parang unti unti ko na din nalilimutan ang mga problema. Bumibilis na ang tibok ng puso ko at nararamdaman ko na ang unti unti kong paglayo at haharapin ko na ang isang lingong pag iisa. Malayo sa kabihasnan at talaga namang probinsya ang pamumuhay na kong ikaw ay mapapadpad sa Ganduyan.

Habang papalapit ako sa aking patutunguhan talaga namang makapigil hininga ang natural na ganda ng Banaue, Ang hagdan hagdang palayan na sa libro ko lang dati nababasa pero eto abot kamay ko na sya. Tanaw ko ang napakalawak na lupa at bundok. Mga bundok na inihulma sa ibat ibang klaseng baitang na palayan. Taniman ng palay na mahigit sa ilang libong taon na ang tanda. Sa bawat lugar na dinadaanan ko papunta sa aking destinasyon ay talaga namang mamangha ka sa ganda ng kalikasan. Luntian at bughaw ang tanging nangingibabaw sa aking paningin. Bughaw na makikita sa tutok ng luntiang bundok at ang samyo ng hangin na akala mo ay pasko na; dahil sa lamig na dulot nito.

Ang hagdang hagdang palayan ng banawe


Sadyang napakagaling ng ating kalikasan dahil sa perpektong larawan na nakikita ng inyong mga mata. Luntiang kabundukan na hinahalikan ng mumunting ulap. Ang baitang na taniman ng palay na nagiinganyo na sila ay pahalagahan. Ang bahaghari na nagpapakita ng pagkakapantay pantay ng bawat isa. 

Ipagpatuloy natin ang SAGADA adventure

Kong nais mong bumyahe isa lang ang tatandaan mo. Hawakan mo ang oras mo wag kang magpaka pressure sa byahe. Enjoy mo lang ang bawat dadaanan mo dahil minsan ang mahalaga ay kong ano ang natutunan mo sa paglalakbay habang tinutungo ang destinasyon mo.

Sagada sa mata ng turista

Narito ang iilang kainan, lugar, pasyalan na aking sinubukang puntahan at pilit na ipinakilala ang sarili ko sa kalikasan. Mga lugar na masarap kainan at napakasarap puntahan bilang isang dayo sa paraiso sa gitna ng kabundukan. 

Kiltepan peak Sunrise



Upper Sagada


Isa lang yan sa mga pinuntahan ko na talaga namang sulit ang byahe papuntang sagada. Ang mga tao na nakatira sa dito ay sadyang napakababait at talaga namang hindi mo mararamdaman na ikaw ay isang turista. Limang araw ang nilagi ko pero parang napaka eksing araw kong tutuusin.Pangalawang bahay ko na ang sagada at talagang babalik at babalik ako sa nakakabighaning paraiso. Ang lugar na kung saan ay makikita mo na humahalik ang ulap sa kalupaan. Parang isang langit sa ibabaw ng lupa.

Facebook post bago umalis ng sagada.

Nakatadhana nga talaga siguro na mapuntahan ko ang SAGADA. Nagkaroon ng mga karanasan na hindi ko malilimutan at nakakilala ng mga taong magiging bago mong kaibigan. Salamat CODAlines sa Libreng byahe papunta at pauwi at salamat sa pabaong Lemon Pie. Sa napakagandang inuman Treasure Rock. Sa napakabait na may ari at empleyado ng Labanet hotel kahit ang kulit ko hahaha. Babalik ako Promise at at sa pagbalik ko kasama ko na ang buong barkada πŸ™‚ Mula Manila Banaue hanggang Sagada. Sulit ang mahabang byahe at sulit ang limang araw na pamamalagi. Tandaan lang natin na kahit abot kamay na natin ang Ulap ay manatili paring nakaapak ang ating mga paa sa lupa. Hindi natin alam kong sino ang mga taong makakatulong sa atin. Ngiti lang tayo at lakihan nyo πŸ˜€ wew #Ganduyan

-Fin

Advertisements

8 thoughts on “Ganduyan: Naranasan mo na bang Mag isa?”

  1. I will be visiting the Philippines sa December. Hindi ko na maalala kung pano mag bus. But I’m very interested in going to Sagada. Tips naman po please. May direct bus ba or fly sa Laoag? Maraming Salamat πŸ™‚

    Like

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s