Doon sa lugar na may Tayo -“Tadhana”


Mayroon akong kwento. Kwento ng bawat lumang larawan na iginuguhit ng aking gunita. Sa bawat ala-ala ng nakalipas na kahapon at ang bawat letrang ibinigkas ng panahon. Isang mahabang byahe sa paghahanap ng sakit nakailanman ay babaon sa ilalim ng aking ala-ala.

 

Ang byahe sa pag hahanap sa tadhana ay parang byahe sa paghahanap sa nawawalang pag asa. Inuukit sa bawat kalsadang dinaraanan at iginuguhit nang bawat tanawing nagmimistulang ipininta sa aking panaginip. Sa paglalakbay ng hindi ko alam kong paano at saan patungo.

 

Sa sinasakyan ko na tumitigil ay may nagbabagong damdamin. Damdamin na isinulat sa papel na ang tanging tinta ay dugo na pumapatak sa aking kaisipan. Sa bawat ala- ala na bumabalik sa mga panahong kita ay kasama pa. Sa bawat masayang ala ala ng una kitang nakilala at sa huling ala ala ng ikaw ay mag paalam na.

 

Ang bawat tula na binibigkas ko ay pilit kong nilalapatan ng tono. Ang bawat tula na naiisip ko ay iba’t-ibang letra na naghahalo halo sa aking kamalayan na ang tanging destinasyon ko ay ang sakit ng iyong tuluyang paglayo. Dadayo ako sa isang sulok ng mundo na ang nakakaalam lang ay ang mga pusong bigo. Isang linya ng tula ang aking nabuo na kung sakaling masumpungan kita sa tadhana na ipinangako, ito lang ang kaya kong i-ako.

 

“Hindi ako na ngangako na kong magkakaroon ulit ng TAYO ay kaya kong ibigay ang bituin. Hindi ko mapapangako ang sukdulan ng kinang nito dahil isa ka sa mga bituin na gusto ko ulit abutin. Ayokong nang ipangako ang araw at gabi dahil ang makita ka sa umaga ay sapat na at ang mahagkan ka sa gabi ay kalabisan na. Ayokong ipangako na ikaw ay pakasalan sa lahat ng simbahan, dahil ang pagharap at pag sumpa sa kanya ay sapat na upang dalhin kita sa Dambana ng aking pagsinta.”

Sana sa tagpuan nang doon at dito ay Makita ko ang dating saya na iyong itinago. Sa paglalakbay ko sa pagitan ng bundok at sa pagitan ng mga luntiang puno, sana Makita ko kong ano ang iyong itinago. Hawak ko ang lumang larawan noong una kitang masumpungan. Sa burol na kung saan ay pwede mong isigaw ang sakit na iyong naranasan. Sa burol na kung saan ay pwede mong pakawalan ang bigat ng iyong nararamdaman, Kasabay ng bukang liwayway na sumisibol sa silangan.

 

Kahit ilang milya pa ang lakarin ko at kahit gaano man Katarik ang akyatin ko ay hindi iyan sasapat upang sukatin mo kong gaano kalabis ang pagkagusto ko. Kahit ilang awit pa ang aking awitin at ilang musika pa ang aking marinig; tanging liriko ng tayo ang nais kong makamit.  Doon sa musika ng tayo, doon tayo magpakatotoo. Nang sabihin mong ayaw mo, nakinig ako at tumalima sa kagustuhan mo; pero ng marinig ko na may kayo ay biglang nagbago ang tiklado ng piano. Nang malaman ko na kayo pala ay agad kong binago ang dating musika ng puso ko. Ang dating nasa tono ay dagliang naging sintunado dahil sa liriko na binigkas mo na hindi ko mailapat sa bawat salita mo.

 

Doon sa musika ng tayo ay unti unting naglamlam ang pagnanasa ko na kong pwede ba ay maging tayo. Sa tadhana na ngayon ay unti unti ng nagbago dahil sa taglay nitong pagbabago. Ihatid mo ako sa dati kong saan ang istasyon ng simula ay naroroon. Hayaan mo akong talikuran ka at kalimutan ang pangako mo na tayo sa paraiso ng tadhana.

Advertisements

One thought on “Doon sa lugar na may Tayo -“Tadhana””

  1. Hello admin, i must say you have hi quality content here.

    Your blog should go viral. You need initial traffic only.

    How to get it? Search for: Mertiso’s tips go viral

    Like

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s