I shall Return: Iron lady


Picture CTTO:

October 1, 2016 huling gabi ng lamay ng dating senador na si Miriam Defensor Santiago. Halos libo libong taga suporta ng senadora ang nag tyagang pumila upang makiramay sa kanya. Kapansinpansin sa mga nakapila ay ang bulto ng mga kabataan na nagmula pa sa ibat ibang bahagi ng pilipinas. Kita mo din sa mga nagtyagang pumil ay mga estudyante at mga kababayan ng senadora na nagmula pa sa Ilo-ilo. 

Mula sa kahabaan ng seattle street paikot sa may Boston ay umabot na din sa Aurora Blvd ang mga taong gustong masilayan sa huling pagkakataaon ang magiting at matapang na senador. Ilang politiko na rin ang dumalaw at nagbigay ng kanilang huling pag galang sa natatanging mambabatas ng bansa. Kilala din ang senadora sa isa sa mga naging mambabatas na sumasang ayon sa katapatan ng LGBT community kaya naman karamihan ng mga sumuporta at nagtyagang pumila ay ang mga taong nabibilang sa grupo na ito. 
Ang mga residente ng Bacoor Cavite at mga taga sorsogon ay isa lamang sa mga karatig bayan sa mga nakapila halos isang pamilya sila na sumusuporta kay senadora. “1992 pa lang supporters na kami ni miriam” sabi ng isa sa mga nakapila na taga cavite. Sa kabila nang lahat ay pinakita parin ng senadora ang kanyang youth power dahil sa dagsa ng mga kabataan nagusto syang matunghayan sa huling pagkakataon.
Una at huli naming pagkikita ng senadora at ang nakakalungkot ang una at huli naming pagkikita ay ang kanyang huling buhay sa mundo. Ramdam ko ang saya sa mgabtaong nakapila at hindi ko man lang naramdaman ang kalungkutan. 

Napakalaking kawalan ni Miriam sa senado at sa pilipinas patunay naman dito ang nakukuha nyang pagpupugay mula sa mga taga suporta nya. Napaka palad ng nga henerasyon na nakakakilala sa kanya at sadyang napakaswerte ko ng matunghayan ko ang karera nya sa politika. 

Hanggang sa muling pagkikita Madam #SalamatMiriam, Salamat sa pagmamahal mo sa bansa at ang pagmamahal mo sa kabataan. Kami ang magpapatuloy sa kong ano ang iyong nasimulan. 

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s