Kumapit ka sa natitirang SANA


Kumapit ka sa natitirang SANA
Habang hawak ko ang kamay mo ay unti unting nararamdaman ko ang paglamig nito. Nararamdaman ko ang unti unting pagbabago nang iyong pagsuyo. Habang tinititigan kita papalayo sa akin ay nararamdaman ko ang unting paglaho ng natitirang pag-asa. Naramdaman ko ang dagliang pagbago ng ihip nito. 

Naglamlam ang paligid at napalibutan ako ng kalungkutan. Ang dating malakas na tibok ng puso mo ay unti unting humihina habang ika’y papalayo. 
Tumahimik ang buong paligid at kahit tibok ng puso ko ay hindi ko na marinig. Ang dating Hulma ng iyong mukha ay nabubura na sa aking ala ala. Pilit ko mang pigilan ka ngunit hindi ko magawa dahil ang aking mga paa ay nakapako sa kasalukuyang hindi ko agad malimutan. 
Lumipas ang taon at muli kitang nasilayan. Walang pinagbago at walang pinag iba. Wala akong makitang bakas ng pagkasabik sa iyong mga mata. Hindi ko mabanaad ang galak sa muli nating pagkikita. Ngumiti ka sa akin at ganoon din ako sa iyo. Ngunit ang mga ngiti na dati ay kay tamis ay parang ngiti ng dalawang taong hindi nagkakilala. Umupo ka sa aking harapan at hinayaan kutang tumitig sa aking mga mata. Nakatitig ka ng mahigit sa isang minuto. Nakatitig ako sa iyong mga mata dahil hinahanap ko ang natitirang sana. Bukas ang mga labi sabay sa pagbitaw ng “Kumusta Ka”
Unti unting tumahimik ang paligid at kahit ingay ng nga taong nagkukompulan ay hindi ko madinig. Tanging alingaw-ngaw lang ng iyong boses ang aking naririnig. Bumibilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa mukha mong walang pinagbago. Minamasdan kita habang patuloy sa pgbuka ng mga labi mo. Ganoon parin pala ang kinang ng mata mo. Ang labi mo na naiisip ko na lumalapat sa labi ko. Ang hininga mo na kumikiliti sa aking mapaglarong emahinasyon.

 
Bumalik ang ingay ng paligid ng may narinig akong may tumawag sa iyong pangalan. Boses na hindi pamilyar sa aking gunita. Napatayo ka at agad syang nilapitan. Pinakilala mo ako na sya ang iyong bagong kasintahan. Ngumiti ako na parang hindi nasasaktan. Kinausap kita na parang wala akong pakiramdam. Nagpaalam na kayo sa akin upang mamasyal. Hawak mo ang kanyang mga kamay kagaya ng paghawak mo sa aking mga kamay noong kumakapit ako sa Salitang Sana. 
Umasa ako na baka pwede pa. Umasa ako na baka kaya pa. Umasa ako sa muli nating pagkikita. Gusto ko man kapitan ang natitirang SANA pero hindi ko na kaya dahil baka sa akin ay sawa na. Lumalayo na kayo pero ikaw ay nakatingin pa. Ngumiti na para bang walang nangyari at nagpaalam na para bang magkikitang muli. Sa iyong pag alis ay aantayin ko naman ang iyong pagbabalik at kakapit at kakapit parin ako sa natitirang sana.
-fin

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s