Bitaw


Bitaw

(Hindi Para sa’yo)

Marami na ang nabanggit kong sana

Sana makita, kaya naman sana ay makasama.

Hindi na mabilang kung ilang luha pa ang aking itinatangis

Na kahit anong higpit ng aking pag kapit, ako’y bibitaw na.

Na kahit ilang bilang ng salitang “sana” ang aking makabisa ay wala

paring pa-pantay na baka bumitaw na itong pag asa na baka tama ka.

Sa higpit ng aking pagkapit sa isang pag asa sa salitang sana

Ay nasasaktan ko na ang sarili kong ala-ala.

Gusto ko ng bumitaw sa pangako ng pag asa at sa mga salitang

Ako lang ang masaya.

Tama na bitaw na! Utak at Puso ko ay nagtatalo na,

Sa mga tanong na walang kasagutan, sa mga pangako na walang kasiguraduhan.

Bibitawan na kita at ako ay lilisan na upang hindi mo na maramdaman

Ang lungkot na dulot ng puso kong gahaman.

Sa bawat marka ng aking mga luha sa isang sulat na aking iiwan.

Sa pagkalat ng tinta gamit ang aking lumang pluma ay hindi ko na mabubura

Ang sakit ng kahapon at ngayon, dahil may nagmamarkang salita

Na mahal parin kita o baka naman makakalimutan din kita.

Kapitan Pinoy 2017

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s