Katulad ng isang mahabang sipi ng tula
Na walang makaalala kahit ni isang tala
Kinalimutan ang bawat talata sa pagkabisa ng isang palasak na wika.
Sa dalawang ilaw na siyang tanglaw sa kapighatian ng puso kong mapanglaw
Sa kailaliman ng bawat kong lihim sa pag sabi na ikaw ang nais na kasiping
Sa tabi ng aking himlayan ay doon nakatulos ang dalawang ilaw, Ilaw na lumuluha kasabay ng aking pagpanaw.
Bagama’t nanaisin ko na ikaw ay kalimutan, pero ako ay nauna doon sa dapat nating tagpuan. Sa pangako na kailanman sa pangako na hindi ka iiwan.
Patawad sa isang kasalanan na ang isang kaibigan ay aking minahal. Pagmamahal na tunay sa palasak kong pagpapatunay.
Paalam kaibigan dahil ako’y nababalutan ng kalungkutan sa isang lugar na madilim at walang bahid pag ibig.
Hanggang dito na lang ang pangako ng pagmamahal.
Advertisements