Faith ;


Learn to accept the things that you cannot change.

Life is not unfair, we live with purpose. Life is beautiful even in the darkest hours of our lives.

Minsan akala natin na ang pagkawala ng isang tao ay parang pagkawala na din ng isa sa bahagi ng ating pagkatao. Ang paglisan ng isang tao na naging bahagi ng kasiyahan at kalungkutan mo. Lahat ng mga tao na dumadaan sa buhay natin ay may iniiwang aral at nagtuturo nang isang leksyon na maaring magpabago sa kung ano ang nakasanayan natin.

Kung may nawala may mga dumadating na maspapahalagahan pa natin nang higit sa kung ano ang nawala. Pagod na ako sa mga bagay na dumadaan na nagiiwan sa akin ng bakas nang sakit at lungkot. Pagod na akong lumuha na para bang walang katapusan.

Hindi masyadong naging maganda ang taon na ito sa akin. Napakaraming pagsubok na unti-unti ko namang nalalampasan. Napakadaming bagay na napaka bigat tanggapin pero kailangang kayanin. Para akong nasa “rollercoaster” na hindi ko na alam kung ano ang susunod na eksena. Tumataas at bumababa ang emosyon ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko na kahit gusto kung sumigaw, hindi ko magawa dahil takot akong mahusgahan. Nakaya ko at kakayanin ko.

Napahahirap mag paalam sa mga mahal natin sa buhay lalo na sa mga taong naging kakampi natin sa lahat ng bagay, mga taong alam kung papaano ka pangingitiin at alam kung ano ang gamot sa bawat lungkot na nararamdaman natin. Napakhirap isipin na wala na ang mga taong iyan. Na ang buo kong pag katao ay unti unting nababawasan. Napakatagal maibalik ang mga bagay na nawala. Ang tagal kong hinahanap kung nasaan ba ako sa mga panahon na ‘to. Napakabigat parin sa sarili na ang mga bagay na nakasanayan mo ay mawawala lang. Ang mga bagay na nakagisnan mo ay maglalaho lang.

Marami ang nagtanong sa akin kung paano ko hinaharap ang mga bagay bagay kagaya ng mga nawawala. Paano ko nilalabanan ang mga sakit na nag uukit ng peklat sa aking pagkatao. Hindi ko sila masagot dahil hindi ko din alam ang sagot, kung hanggang kailan o hanggang saan ang nararamdaman ko. Hindi ko masukat ang pakiramdam dahil may mas higit pang nasasaktan maliban sa akin; ang pamilya nya na halos araw araw ay kasama s’ya. Ang magulang nya na halos hindi ko makitaan ng kahinaan, ang kapatid nya na parang nawalan ng pakpak dahil sa mga nang yare. Kaya hindi ko alam kung ano ang sakit na meron ako sa sakit ng mga taong buong buhay nya ay kasama s’ya.

Kumusta ako? Getting there ang lagi kong sagot. Wala namang madali sa paglimot at walang madaling paraan sa pagluluksa. Pagaanin na lang natin ang mga bagay bagay, ang mga mabibigat ay kalimutan na natin. Tulungan nating ibuo ang sarili natin dahil ang mga pirasong nawala sa atin ay babalik pa rin naman. Hindi ngayon, pero sa mga susunod na panahon.

Alalahanin na lang natin ang masasaya na kasama natin sila, ang mga panahon na napapangiti ka nya at ang mga oras na inilaan nya kahit gaano pa s’ya ka abala sa mga bagay bagay na ginagawa nya. Tanggapin natin ang mga bagay na hindi na natin mababago. Akapin natin kung ano ang mga naiwang magaganda at higit sa lahat patawarin natin ang ating mga sarili sa kung ano man ang nagawa natin.

Lahat ng mga bagay na nangyayare sa atin ay may dahilan, lahat ay may sagot sa kung ano ang mga tanong natin. Lahat ay makabuluhan kahit sa paanong paraan man yan.

Mag diwang tayo sa bawat bagong araw na dumadaan. Masakit, pero ang masaya na rin s’ya ay ang dapat nating pahalagahan. Hindi natin kayang sukatin ang mga bagay na naibigay sa atin pero kaya naman nating timbangin ang mga bagay bagay na naiwan sa atin. Pahalagahan ang kung ano ang itinira at magpasalamat sa kung ano ang matitira pa.

———————

My Eulogy speech

“You are my sunshine, my only sunshine

You make me happy when skies are gray

You’ll never know dear, how much I love you

Please don’t take my sunshine away”

Lahat tayo may Sunshine sa buhay natin, Lahat tyo may isang tao na pag nandiyan mapapangiti kana. Yung malayo palang ramdam mo na na gumagaan ang araw mo.

Ayokong alalahanin ang mga bagay na masaya at malungkot na kasama natin si JB. Hayaan natin na manatili sa mga puso natin ang isang tao na kahit kailan ay hindi mo nakitaan ng pag kasimangot sa tuwing makikita mo s’ya.

Lahat tayo may kwentong masasaya pagkasama natin s’ya. Lahat tayo maraming ala-ala na iniwan sa atin. Lahat ng nagmamahal sa kanya alam kung ano ang gusto nya at ano ang ayaw nya.

Isa ako sa mga maswerteng tao na sobrang napalapit sa kanya. Isa ako sa maswerteng tao na napagkwentuhan nya lahat- lahat ng sekreto nya. Ayokong umiyak pagod na ako at wala na yata akong luha. Hindi ko makakalimutan ang sinabi nya sa akin nung nagkabati kami. “Kung alam mo lang, Isa ka sa mga taong ayaw kong mawala sa buhay ko” Napaka simple lang nasa dinamidami ng nagmamahal sa kanya at sa dinamidami ng mahal nya isa ako sa pinapahalagahan nya at ganun din ako sa kanya.

Alam nyo ba na napakadamot ni JB ang kanya ay kanya lang lalo na kung mahalaga ka sa kanya. Isang beses nirereto nya sa kaibigan namin yung kaibigan nyang si kenner. Hi po 🙂 Sabi ko sa akin na lang ipakilala. Sumimangot sya. Sabi ko joke lang. May mga dumaan sa buhay nya na never nyang pinakilala pero madalas nyang ikwento sa akin.

He is the perfect opposite ng pagkatao ko. Lahat ng nakikita nyo sa akin kabaliktaran kung sino sya.(Obvious naman) Pero may mga bagay naman na magkakapareho kami. Kadramahan sa buhay, style magdamit kasi lagi nyang hinihiram ang mga damit ko, sapatos ko. Take note may hindi pa sya sinosoli hahaha.

Marami akong kwento pero ayaw ko ng habaan pa. Gusto ko lang sabihin sa inyo na kapag may isang tao na lumapit sa inyo at gustong magkwento ng kadramahan sa buhay, pakinggan nyo, bigyan nyo ng oras at hayaan nyong maibsan yung bigat na nararamdaman nya. Pag nilapitan ka ng isang tao na ganyan, napakaswerte mo dahil ikaw ang pinagkakatiwalaan nya. Ikaw yung taong alam nya na kaya mo syang pasayahin. Ikaw yung tao na magiging kasangga nya sa lahat ng bagay. Hwag kayong magsawang makinig, hwag kayong masawang mapagod. Dahil ang mga moment na yan balang araw ipagpapasalamat mo dahil naging sunshine ka nya kahit papaano.

JB, Kambal wala na akong sasabihin sayo. Alam ko na, kahit papaano masaya ka dyan. I’m not okay but I’m good. See you pero Hwag munang soonest huh.. Don’t worry love na love mo ang family mo lagi mo silang kinikwento sa akin kahit di ko pa nakikita. Promise ko sayo, Kami ng bahala sa kanila. Yes tayo po na nandito 🙂

Salamat po.

Advertisements

THANK YOU!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s