Category Archives: A second Chance

Note to self: Two years ago


“It WILL be OK. You will learn to love again. You CAN do it on your own.. and you’ll do it better because you love yourself “

2 years ago, same date same month. (June 22 ) Nakilala ko sya nag usap kami sa biranda, dalawa lang kami habang nakatingala sa napakadilim nakalangitan. 2 years ago noong subukan ko muling magmahal. Maingay ang paligid noon at kanya kanyang kwento ang bawat naroroon. Pero noong gabi na iyon ay parang kami lang sa kanlungan ng mga bituin, bituin na nagkukumpulan sa paligid ng liwanag ng buwan. Iniabot nya ang tatlong pirasong makukulay na kendi. Iyong kendi na parang lolipop tuwing magpapasko. First gift after ng birthday ko. Tanda ko iyon kasi apat na araw lang ang nakakalipas. Hindi ko s’ya matitigan dahil sa nahihiya ako sa kanya.

2 years ago na pala nang maranasan kong magmahal at masaktan. Ngayon nagsisimula na naman ako sa parehong buwan at araw. Nagsisimula na namang pumintig ang matagal tagal  na namahingang puso ko. Magkaibang tao pero magkapareho ng estado at propesyon. Iniiwasan kong wag na muling magkagusto sa taong nasa paligid ko lang din pero hindi mo mapigilan kong ang tadhana ang maglapit sa iyo nito. Handa na ba akong magmahal at masaktan? Magmahal sa taong hindi ko alam kong may nararamdaman din ba. 

Pwede bang magmahal na pareho kayong nagbibigay ng sukli ng pagmamahal. Pwede bang magmahal ng hindi ka nasasaktan? 

Dear future, sana lang ay panghawakan mo ang mga takot ko sa nakaraan, sana tulungan mo akong magmahal muli sa pamamagitan ng pagmamahal mo. Tulungan mo akong hwag masaktan sa mga pangako na iyong bibitawan.

“Hold your head high and stop hurting. Don’t let them hurt you anymore. Don’t let them anger you or cause hate in your heart. Look forward not back. Forget the pain. Love again. 

Note to self: Magmahal ka na parang hindi ka nasaktan. Umibig ka na parang walang sakit ang nakaraan. Kalimutan ang nakaraan at akapin, tangapin at mahalin ang hinaharap. Mabuhay ka ng naaayon sa kaligayahan at sa nararamdaman mo ngayon.

Fin

Advertisements

LIMOT


Ayokong pumikit ng hindi lamang kita nasisilayan. Ayokong matulog ng hindi ko man lang nahahawakan ang iyong mga kamay. Nais kong maramdaman ang bawat init ng iyong palad na dumadausdos sa aking mga daliri. Iyong init na dati ay sa akin dumadampi, init na dati ay ako lamang ang nakakadama. Gusto kong mahagkan ang iyong mga bisig na kahit sa panandalian ay aking maramdaman.

Yakapin mo ako kahit minsan, yakapin mo ako kahit sa huling sandali lang. Yakapin mo ako na parang walang bukas na nag aantay. Hagkan mo ko at hwag mo ng pakawalan. Yapusin mo ang aking katawan na kahit sandali at sa huli ay aking maramdaman na ako ay iyong minahal. Punasan mo ang luha ko at sabihin mo sa akin na mahal mo rin ako.Punasan dugoang puso ko na tuloy tuloy sa pag tagas dahil sa sakit na ginawa mo. Nakikiusap ako na hwag kang lumisan na parang ikaw ang syang nasaktan.

Hipan mo ang aking tenga at ipadama mo ang init ng iyong hininga. Hininga mo na parang musika sa aking pag tulog. Ibalik mo sa akin ang dati kong matamis na ngiti. Ibalik mo sa akin ang ngiti na dati ay iyong ibinigay, Ngiti na sa ngayon ay hindi mo na makikita pa. Lasingin mo ako ng iyong mga salita upang sa ganoon ay maging manhid ako na parang may anestisya. Manhid sa pagtingin ko sayo na kahit mahal pa kita ay kailangan na kitang pakawalan. Manhid upang hindi ko maramdaman ang iyong tuluyang paglisan.

Sa Huling pagkakataon hayaan mo akong sabihin ko sa iyo na salamat sa sakit na ibinigay mo dahil ngayon ay natuto akong lumaban sa bawat insulto at sakit pa na makukuha ko. Salamat sa bawat salita na binitawan mo na mahal mo ako iyon pala ay hindi totoo. Salamat sa sampung kasinungalingan na pinaniwalaan ko noong tayo. Salamat sa mali at tamang nagawa mo dahil ngayon alam ko na na hindi ako bato. Salamat sa tawang ibinigay mo na ngayon alam ko na na kahit payaso ay may maskara na kagaya mo.

Sa huling pagkakataon hayaan mo ako na hindi ka mahalin, sa huling pagkakataon hayaan mo ako na ako ang unang makalimot. makalimot sa lahat ng katangahang nagawa ko, sa pag limot sa bawat pangako mo, sa paglimot sa bawat salitang inasahan ko at sa paglimot na tayo ay minsang nagkakilala,

 

-fin

Cherry Poppin’ : Taste better the Second Time around


12771476_1124197107620698_4913664160047430420_o (1).jpg

Organizers:

LoveYourself

The Love Yourself Inc. is a non-profit organisation that aims to prevent the spread of HIV/AIDS among the youth and key affected population in the Philippines. Founded in 2011, it has grown into an active community of more than 500 volunteers. 50% of newly diagnosed cases in NCR come from its testing drives. It’s the only community-run center that provides testing, counselling and education for free. Early this year its services expanded to include treatment and medical consultations with its new office in Taft, Manila.

KØSMOS

KØSMOS is a collective of LGBT DJs formed in January 2015 to sow a true counter club culture within the commmunity. After playing in popular clubs such as Hyve, TIME in Manila, Pangea, Government, Today x Future, Black Market as well as for previous years’ pride parties, the group successfully put up its first own LGBT targeted event last April at Vyne and most recently last December Kosmic Pride at TIME in Manila.

12736016_992392747473641_887348774_n(1)

Location: Century City Mall Event Center

Date: March 19, 2016 (Saturday)

Time: 8:00 PM – 3:00 AM 

Door Charge: 300 PHP

Cherry Poppin’ is an event by LoveYourself, an HIV awareness and advocacy group, first held in 2015 to create a venue for members of the LGBT community and their friends, regardless of sexuality, to mingle with one another, dance to music, and have fun in a cool party atmosphere.
And due to its resounding success last year, here comes The Second Comin’, and it is going to taste better the second time around. This year, Cherry Poppin’ – The Second Comin’ will be presented together with Kosmos, a collective of local LGBT DJ’s.
A donation of PHP300 grants you one ticket, inclusive of a free drink, and will help fund the activities of LoveYourself.

Party the Night Away
Cherry Poppin’ will be piped with beats from upcoming DJ act Geert Major aka GARUDA, who will be supported by Kosmos’ in-house roster of DJ’s: DEEJ DIAZ, KAZWAL, and MIKE LAVET.
received_10153455372093693Dutch DJ and music producer Garuda has been performing at top clubs in Thailand and Manila, as well as in his native Netherlands.

Date Auction
The night heats up with a fun date auction. Get a chance to go out on a date with dashing bachelors. Take your pick from a selection of models and professionals, including a boy-next-door medical doctor, a hot stud who practices veterinary medicine, a graphic artist, a stage performer, and other good-looking professionals who will, without doubt, tickle your fancy, or probably even more than that!
These men will definitely engage your mind and senses and touch your heart over a romantic dinner or a movie or concert date – just you and him.

Fashion Show

See good-looking bachelors and your possible dates-to-be strut their stuff down the ramp in a fashion show that’s also going to be a feast for the eyes – about a dozen or so handsome men donned in apparel highlighting the freshest fashion trends. With this lineup of events for Cherry Poppin’  – The Second Comin’, isn’t the second time even more irresistibly tempting?
So, what are you waiting for? Why not go reserve and pre-purchase a ticket now? Feel free to send a message at our page for any queries. For ticket reservations, you may contact 09178608244 or sign up here. You can also follow our event page to keep yourself posted on updates.

Hindi na pala kita MAHAL


 

Sa libo-libong tao na nakasalamuha ko ikaw pa ang nakita ko, Parang itinadhana ni kupido ng panain nya ang puso ko. Parang mata natin na pilit pinagtagpo….. Pero teka HINDI na pala kita mahal.

MAHAL!! yan ang tawag mo sa akin.. salita na para lang sa atin na kahit anong pilit kong sambitin na mahal KITA, kataka – taka na may mahal ka ng iba.

Naalala mo pa ba nang dumating ang pinaka malakas na lindol na tumama sa bohol? Na parang pag-ibig mo sa akin na unti unting yinugyog at sa huli titigil ang indayog at iiwan mo akong hindi na kaya pang lumipad ng matayog.

Nakita kita na kasama mo sya, habang sa di kalayuan ako ay nagiisa, nagbabakasakali na may pag asa pa. PERO teka, HINDI na pala kita mahal.

Ito lang ang sasabihin ko na hanggang sa huli ay sasambitin ko ang salitang pinipilit ko na MAHAL kita Noong UNA; Pero salamat sa isang alamat na ang bawat umpisa ay may katapusan at ang bawat   daan ay may hangganan. Pero teka, hindi na pala kita mahal.

Mahal,. Mahal parin kita na kahit anong pilit kong kalimutan ka! Mahal parin kita. Kitang kita sa bawat kong tula na ang salitang “mahal parin kita” ay unti unting nawawala parang ikaw at ako na naglaho na parang Bula.

Mahal., Mahal kita na tinapos mo sa dalawang salaita na “AYOKO NA”

Ramdam mo ba ang salitang binitiwan mo kong gaano kasakit nang marinig ko; Na parang puso ko na tinarakan mo ng balaraw na pagkatapos itusok ay pinaikot ikot mo! Ganoon ang salitang HINDI NA KITA MAHAL.

Mahal! Binitwan mo ako na parang lobo na unti unting lumilipad at naglalaho, Parang pag ibig mo nang sabihin mong HINDI MO NA AKO MAHAL!

Mahal kita na kahit anong ulit kong sabihin ay may mahal ka ng IBA.

OO! masakit nang sabihin mo sa akin na hindi mo na ako mahal NOON; Pero ngayon HINDI na pala kita mahal.

Mahal salitang kailanman ay hindi na ako magmamahal, Dahil Hindi na pala kita MAHAL.

 

A second chance: Road to Forever?


  

Basha to Popoy:

You made me feel like I’m your biggest mistake. Tangina. Tanong ako ng tanong. Ako ba? Ako ba ang problema? Yun pala ikaw yung problema
Tang Ina this! Yung alam mong di ka naman makarelate kasi wala ka namang first hahaha. Bawat linya hugot na hugot iyong akala mo pinag ipunan ng ilang taon para ibato sa mukha mo ng buong buo at maramdaman mo na ang sakit sakit pala. 

Ano pa ba ang linya na talaga namang shit potang hinalukay sa tubig ako ba si popoy o feeling ko ako si basha.

Basha: You want me to trust you, but you don’t even trust me.

Ayy may trust issue pala ang dalawa di man lang kami na inform, Iyong mga katabi ko sa sinehan akala mo wala ng bukas kung umiyak, iyong tuloy tuloy ang tulo ng luha. Shiiit ano ba may issue din ba kayo sa mga jowa nyo ng hindi kayo pinagkatiwalaan o may issue kayo kasi hanggang ngayon niloloko nyo parin ang isat isa. LOl. pero diba hugot na hugot bakit nga ba ang sakit sakit ng mga salita na binibitawan nila. Ano bang meron at sapol na sapol tayo sa bawat hugot lines na meron sila. 

“I promise to love you even if it hurts. I love you more even when it hurts,” – Basha to Popoy 

Wow martir si basha, What if? what is? ano ba haha nakakalito. May forever ba sa pagiging martir o sa pelikula lang talaga lahat nangyayari ang mga to. Sana sa personal may magsabi sa akin nito na kahit anong panloloko ang ginagawa ko may taong magpapakatanga na mahalin ka kahit ang sakit sakit na. O minsan tayo ang nagpapakatanga at nagpapakamartir. Kahit anong panloloko na naginagawa sa atin go pa rin tayo ng go kahit mukhang tanga na.
“And I’m also saying goodbye to all of my what ifs. That it’s brave to ask ‘what if,’ that I think it’s braver to ask ‘what is’ – and Bash, I know – you’re my ‘what is.” – Popoy to Basha

Eh di kayo na ang may Forever. Hays bakit ba kasi na imbemto ang second chance o bakit ba kailangan lahat bigyan ng second chance. Anyway may mga tao naman na nararapat na bigyan o lahat siguro tayo ay deserve ng second chance dahil lahat tayo may karapatang baguhin ang mga pagkakamali noong una, pero hindi tayo binigyan ng second chance upang ulitin ulit kung ano ang mga mal ng nakaraan. Second chance para sa lahat para ayusin ang nakaraan at pahalagahan kung ano ang kasalukuyan.
Sige Popoy and Basha kayo na ang may Forever.
Xoxo