Category Archives: Adventure

Bakit saging lang ang may Puso?


Ikaw at ako halos pareho tayo ng tanong, bakit nga ba may puso ang saging? Napapaisip pa nga tayo minsan na kong bakit saging lang ang may puso? ilan ba talaga ang puso nang saging. Marunong bang magmahal ang saging? 

Napapaisip tuloy ako at napapasulat ng kong ano-ano. Iniisip ko mataas na kaya ang presyo ng bigas? May pag asa pa bang magbago ang pagtingin ni crush? O kong bakit dilat ang mata ng isda pag namamatay? Madaming tanong na tumatakbo sa isip ko na wala namang kinalaman sa kong ano ang tinatakbo ng ekonomiya natin. May kinalaman kaya ang HEKASI sa mga nangyayari sa atin. Natanggap mo na ba ang teyorya ni Charles Darwin na nagmula ka daw sa unggoy? Oo bes Ikaw lang hwag mo kaming isama. Basta maraming tanong na siguro hanggang ngayon ay walang sagot. Bakit hindi ka crush ng crush mo? Bakit May gusto kang tao pero kaibigan lang ang tingin sayo? Bilog ba talaga ang mundo? Ilang taon ba si lapu-lapu ng lumaban sya sa Mactan. Bakit may mga kandado ang mga convenience store kong 24/7 naman silang bukas? Ilan ba talaga ang butas ng Sky Flakes kasi last time ng binilang ko hindi pare preho *Binilang ko talaga. Sa 3n1 instant coffee pantay ba ang sangkap nila? *Well hindi ko na sinubukan pang bilangin at paghiwalayin ang kape, asukal at creamer sayang ang time baka mapaghalo ko pa.

 Ang daming tanong diba? Pero may mga naisagot ba tayo sa tanong natin? Bakit may mga nagugustuhan tayo na hindi tayo gusto? Sabi nga sa nabasa ko pwede daw tayong magselos sa taong gusto natin dahil may nararamdaman tayo pero wala tayong karapatan na makiaalam sa kong sino ang kausap nila. Itatanong ko pa ba kong bakit Single ka parin hanggang ngayon? Kahit ilang 11:11 na ang nakita mo sa orasan *Pero ang totoo inaabangan mo talaga. Pag nakita mo na ang oras na yan magbubugtong hininga ka at hihiling sa mga tala, sa buwan, sa mga fairy dust bug mites na sana ay magustuhan ka din nya. Kikiligin ka pa kasi hindi ka makatulog sa gabi at iniisip mo na baka kaya naman di ka makatulog dahil iniisip ka nya. Ayan naniwala ka na naman sa nabasa mo sa internet na kong hindi ka makatulog sa gabi ay may nagiisip sayo *Hwag patola bes.

Pinaniwalaan mo din nag matandang kasabihan na kapag makati ang ilong mo may humahalik sa picture mo. *Bes derma lang katapat nyan. Naniwala ka din sa sinabi nya na aantayin mo sya pero bes ang kati, nauna pa ang higad na magka “Jowa” sa iyo at ikaw nag antay ka hanggang sa tubuan ka na ng ugat at baka naman pwede ka ng gawing rebulto sa monumento sa tigas ng katawan mo dahil sa paniniwalang MAAANTAY ka nya. Hirap bes nuh? Kaya pa? 

May time na kinikilig ka kapag kausap mo sya iyon bang kahit “seen” na nya message mo deadma ka lang kasi iniisip mo na baka Busy sya? *Bes Tang ang inumin mo H’wag MILO, Anong busy? isa lang ibig sabihin nyan hindi ka priority at kapag naubusan na sya ng kausap saka sya magrereply sayo. Ikaw naman na kamag anak ng GOMBURZA todo kilig ka naman. Akala mo talaga gusto ka nya. Bes gumising tayo sa katotohanan na sa mundong ito na ginagalawan natin laging may 2nd option, laging may plan B at laging may pangalawa. Isa pa dahan dahan lang sa kilig, sabi nga nang isa kong kaibigan tipirin lang ang landi. Pag nag message sya sayo ng “Okay lang naman” Aba bes hwag naman essay ang i reply mo! nakakatamad kayang magbasa ng nobela na hindi ka interisado. Kaya pa bes?

Sa kagustuhan mo na mapansin ka nya, Aba! bes lahat ng qoutes sa Google inaraw araw mo na. Akala mo naman nababasa nya. Hinay hinay lang. Diba? ang dami nating tanong pero bakit nga ba saging lang ang may puso? Nakailang bulalakaw na ba ang dumaan at nakailang hiling ka na ba? Hiniling mo na sana ay mapansin ka nya pero sa kabilang dako hinihiling naman nya na sana ay mapansin naman sya ng crush nya. Saklap bes nalilito ang bulalakaw kong sino sa inyo ang pagbibigyan. Pati yata buto ng manok pinag intiresan nyo, Iyon bang joy bone ba yun? na kapag pinutol mo at sayo napunta yung isang malaking part eh matutupad ang wish mo? Hindi ko sya nasubukan kasi pati yata buto ng manok nauubos ko.  

Bakit ba binabasa natin ang horoscope nya at pinipilit natin ikonekta sa horoscope natin. Bakit kahit alam natin ang sagot Pinipilit parin nating paniwalain ang sarili natin na “baka hindi naman” at “Baka naman pwede pa. Nakakalito at nakakahilo ang napaka daming tanong, nakakahilo at nakaka baliw na ang mga sagot na ayaw mo namang tanggapin. Nag aantay tayo at umaasa sa mga natitirang “sana” *Hugot yan ng kaibigan ko. Minsan naiisip mo at haharap ka sa salamin at sasabihin ang mga linyang “Panget ba ako? kapalitpalit ba ako?” Bes di ka si liza tangapin mo na lang ang tanong na “Why?” para may explanation at kapg nakuha mo ang sagot balik ka ulit sa una mong tanong.

Ilang kilong luha pa ba ang maluluha mo? *OA lang ako bes sa kilo. Baka naman patak. Aasa ka pa ba sa post nya na akala mo pinaparingan ka nya. May pa heart heart ka pa na akala mo ikaw ang pinaparingan nya, pero ang katotohanan ang syang magpapalaya sayo. Hindi ikaw yun bes wag mag assume. Bakit nga ba may Puso ang saging. Mahal na mahal nya ba ang mga taong pumipitas sa bunga nya? ginawa ba talaga sya para kahit na akapin mo sya hindi ka masasaktan. Ang puno ba ng saging ang syang nagsasabi na kahit isa lang ang puso mo isang laksa namang bunga ang ibibigay nito. Bakit saging lang ang may puso. Bakit pula ang puso nito? Naranasan na ba ng saging ang magmahal at masaktan? Datinkaya syang tao na pinarusahan dahilnmeron syang matigas na puso? Ano ba ang alamat nya at bakit sukat na sikat sya. Minsan natanong ko na rin, sa kantang leron leron sinta bakit naging buko ang papaya? Minsan kahit masaya ang kanta malukungkot ka na lang dahil nararamdamn mo parin ang lyrics nito. Kahit nga sa huling kanya ng Leron leron sinta iniyakan mo na. “Kapos kapalaran humanap ng iba”. Diba ang bastos lang ng kanta at tinuturaan ka pang mangaliwa sa konting mali na nagawa mo. 

Sa kantang bahay kubo bakit parang ang sarap sarap ng mga gulay? pero pag pinagsama sama mo lahat ng nabangit sa kanta wala namang lasa? Pero naisip mo na ba ang sagot sa tanong kong bakit saging lang ang may puso? Sya iiwan ko na kayo dyan, nasayang ko oras nyo sa walang kwentang phuhugot ko.

Bakit saging lang ang may puso? Pero ang puno ng mangga sa amin inukitan ko ng puso at ang naka paloob dito ay ang pangalan ko at pangalan mo. Kaya hindi lang talaga ang saging ang may puso.

FIN

(Picture credit to Theanabanana.com

Advertisements

When in bangkok: Sawadee Krap


Travel: When in Bangkok  
“It’s better to travel a thousand miles, rather than to read a thousand books. Learn from experience, learn from your travel. Don’t be afraid to discover the beauty of life. Travel while you can dont travel b’coz you have money but travel b’coz you have life to enjoy, you have life to offer and you have everything need to uncover.”

It was my first time to travel outside the philippines and everything is my first time. I’ve been in different places here in the philippines from Luzon, Visayas and Mindanao. I went in the different landmark with in the provinces. I traveled alone and sometimes with my trusted friends. I saw different filipino culture , different life and different people. Traveling is not all about “Gala” but it’s all about adventure, It’s more about lessons and stories to be heard. Hassle nga lang talaga ang nangyaring APEC sa atin lalo na sa mga babyahe dahil ang iba kanselado ang byahe at ang iba naman Hindi na nakasakay pa ng eroplano at naiwan na dahil sa sobrang traffic. Ako naman para makahabol sa 9pm flight eh naglakad mula Magallanes Evangelista hanggang NAIA terminal 3. Sobrang traffic at wala ng mga sasakyan na nakakalusot. Pero Anyway narating ko ang bangkok despite of circumtances that I’ve been through during that day. 
  
Bangkok, Thailand

First day sa bangkok as in sobrang init lakad dito lakad doon, halos wala namang pinagkaiba sa manila. Malalaman mo lang na nasa ibang bansa ka na dahil sa mga sign board na iba na ang nakasulat. Unang araw namin sa bangkok pero di ako makapaniwala na nakarating at nakatapak ako sa ibang bansa. Palasak naman siguro sa ating mga pinoy na matuwa kung makarating tayo ng malayo. Turistang turista ako, hindi ko mapigilan na iikot ang mga mata ko sa mga bagong nakikita ko. 

Tuk-Tuk pangunahing sasakyan ng mga Thai parang jeep sa atin pero pormang tricycle. Ang saya saya para kang sumakay sa space shuttle ng EK sa sobrang bilis mag paandar. Para din silang mga pinoy kung managa sa pamasahe pag nalaman nilang turista ka. Well siguro nga ganun talaga negosyo nila yun haha.

  

 
Unang araw pinuntahan namin ang Photo art gallery sa may Silom 13. Nagpunta rin kami sa mall kung saan mga Jewelry as in nagmamahalang bato ang paninda nila. Doon ko lang nga yata nakita sa personal ang mga amethyst, Ruby etc etc.. Ang daming bato hindi yung bato na nasa atin iba yun haha ito bato na sobrang ganda at ang mamahal. Adter namin sa lugar na iyon aba syempre mapapalagpas ba namin ang THAI foods as in street foods hindi uso ang sosyalang pagkain. Kumain kami ng mga Authentic Thai food na mabibili mo sa tabi tabi pero mukha namang malinis kasi hanggang ngayon buhay na buhay pa ako hehe.

  
Pangalawang Araw Mga temples naman ang pinuntahan namin. Kung sa pilipinas sikat na sikat ang mga lumang simbahan sa kanila naman ay mga lumang templo at mga pagkapayat payat na budah. Tiis tiis nga lang dahil maraming tao at maiinit pa. Ang galing nga sa kanila halos puro Dayuhan ang nandoroon. Mga Chinese, korean. malay at madaming madaming mga western people ang makikita mo. Manghang mangha ako sa straktura ng mga itinayong templo. Biruin mo mahigit sa ilang daang taon nang nakatayo ang mga yun pero buhay na buhay parin ang kulay at ang matikas nitong pagkakatayo sa gitna ng bawat rebuto ng kanilang diyos.

   
 
Hanga din ako sa mga Thai dahil hindi sila nahihiya kung hindi sila marunong mag english. Ikaw pa ang mahihiya kung kakausapin mo sila ng english. Wala silang pakialam kung dayuhan ka at nag sasalita ka ng english hindi sila ang mag aadjust kundi ikaw mismo. Hindi pamantayan sa kanila ang galing sa pag english upang masabi na matalino o mayaman o nakakaangat ka sa buhay. Well di ko naman sila maihahalintulad sa pilipinas dahil ang English sa atin ay 2nd language natin kaya kailangan natin pag aral pero hindi ibig sabihin ay sulatan na natin ito sa kakayahan ng isang tao.

  
Napamahal na yata ako sa thailand dahil sa mga tao dito at sa kultura na meron sila. Maganda at maunlad ang bansa nila na halos hindi nalalayo sa pilipinas. Maayos ang pamumuhay ng ilan at ang iba naman ay halos katulad nating mga pinoy. Ang pag kakaiba lang nila sa atin tayong mga pinoy ay likas na masayahin at likas na hinahangaan ng mga dayuhan. Sila kailngan nila munang makibagay bago makuha ang kompyansa sa sarili. Pero ganun pa man isang matagumpay na pamumuno ang nakuha nila. Pilipinas at Thailand ay halos walang pinag kaiba. Likas na masayahin at palangiti. 

   
 xoxo

Love after Sex and Sex After Love


Love after Sex..

One night stand, quicky, Parausan, Alipin sa pakikipagtalik at kung ano ano pa. May mga tao na sadyang mabilis mainlove kapag nakatikim ng kunting kaligayahan. Nahuhulog agad ang loob pag katapos makipag siping sa hindi kakilala o kahit sabihin na natin na madalas na nyang nakakasama sa kama.  Bakit may mga tao na ganito ang nagiging sistema sa tuwing matatapos ang kanilang pag niniig ( ang lalim ). Nararamdaman kaya niya ang tunay na pag ibig sa isang iglap ng pagdidikit ng kanilang mga katawan. Mga taong alipin ng pag ibig. Love after sex, siguro ang mga taong ganito na madaling nahuhulog ang loob sa kanilang mga naging kapareha sa pakikipagtalik ay ang mga taong uhaw sa atensyon at pagmamahal ng isang taong umiibig. Mga taong hindi mapigilan ang damdamin at ang mga taong hindi kayang itago ang emosyon sa tuwing nakikipag palitan ng init at romansa. Iyong taong napapaniwala mo sa pagmamahal na hiram at panandalian iyong akala mo na kapag nakipag siping siya sayo ay tawag ito ng pag ibig at hindi dahil hayok lang siya sa laman na pwede mong maibahagi. Hindi ba pwedeng turuan mo ang sarili mo na maramdaman ang kaibahan ng uhaw sa pagmamahal at uhaw sa laman. Siguro ang mga taong madaling ma inlove pagkatapos ng sex ay ang mga taong minsan ng nasaktan ngunit hindi parin natuto sa nakaraan. Mga tao na minsan lang nila makuha ang kompyansa at ang tiwala sa sarili. Mga taong na reject o mga taong minsang binalewala ng iba. Kahit ano pa man ang maging paliwananag natin sa ganitong uri ng sitwasyon matutunan sana natin ihiwalay ang pagnanasa sa pagibig. Matutunan sana nating alamin ang kaibahan ng pagnanasa at kaligayahan, para sa huli ay hindi tayo sobra sobrang nasasaktan sa tuwing may mga taong ginagamit lang ang kahinaan natin sa kanilang pansariling kaligayahan. LoL hahaha.

Sex After love..

Nasaktan, Umasa, pinaasa, ginamit, pinaglaruan. Hirap no? iyong lahat ng sakit ay pinaranas nya sa iyo at lahat ng kapootan at kapaitan ay pinatikim nya sayo. Tinuruan kang kumain ng ampalaya na sa sobrang pait makakalimutan mo ang lasa ng asukal at asin. Pero sa huli si “X” ay babalik sayo at susuyuin ka hindi upang bumuo ng panibagong kapaitan sa buhay mo kundi bumuo ng romansa o sabihin na nating andyan lang sya kasi kailangan nya ang katawan mo para sapuhin ang init mg katawan nya. In short gagamitin ka nya para ilabas ang nararamdaman nyang init. Ikaw naman si tanga bibigay sa bawat buladas nya at ipaparaya muna ang galit na ibinigay nya dahil baka sakaling pagkatapos ng inyong romansa ay manumbalik ang nararamdaman nya sayo. Ibibigay mo ulit ang lahat lahat ng galing mo para hahanaphanapin nya at iaalok uli ang puso nyang minsan nang nanlamig sa iyo. Umasa ka na baka sakaling pagkatapos ng palitan nyo ng maiinit na hininga ay magbabago ang pag iisip nyang balikan ka nya. Ikaw naman si tanga naniwala ka at ngayon ay nag iisa na naman dahil sa pagkakataong ito umasa ka na naman sa init nya at hindi sa pagnanasa mong makalimutan sya.

Well kahit ano pa man dyan siguraduhin lang natin namatutunan at mapag aralan natin ang Salitang Disconnect, unattached at kung ano ano pang salita na maghihiwalay dyan sa nararamdaman mo at sa init na ibinahagi mo. Hwag mag pakatanga matuto tayong alamin ang totoo sa hindi.

xoxo 

 

Commuters Problem 101 Only in the Philippines


Ang pang araw araw na problema ng mga ordinaryong tao ay ang sumakay sa mga pambublikong sasakyan. Makipagsiksikan sa mga nagkakaabiryang tren. 

1. Jeep mo to?

Yung puno na ang upuan pero hala sige parin sa pagpapasakay si manong. Si ate naman akala mo nagbayad ng pat tatlohang tao kung makaupo. Si kuya naman kung makatulog wagas. Puyat na puyat lang? Nakisuyo sila ng bayad at iniabot mo naman sa drayber pero nung ikaw na ang magbabayad aba matindi may laro atang deadmahan sa jeep. Manong pakisalo na lang po ang bayad ko. 

Sa haba ng traffic sa lansangan di na alam ni manong kung paano sya lulusot. Halos umiinit na ang ulo nya at pati pasahero nababalingan ng init ng ulo. Yung dalawang katabi mo na kung magkwentuhan akala mo nasa kanto lang di ka tuloy makaidlip. Yung papara ka na si manong deadma tapos ng lumagpas kana siya pa ang galit di ka daw nag sabi ng maaga, Aba matindi bingi bingihan sa pag para pero sa pag abot ng bayad dinig na dinig. Tapos ito pa ang matindi Sampung piso ang binayad mo minimum ay 7.50 tatanungin pa kung ilan hahahaha eh di wow! kung kasya po ang lima sige po libre ko na sila. Si ate sumakay pa puno na nga ano to? expected mo na ba na may sasabit haha. Yung may umakyat sa jeep at maglilitanya ng “magandang hapon po hihingi lang po ako ng tulong kasi namantay po ang tatay ko. Heto nga po ang Death certificate nya nasagasaan po kasi ng tren nung isang araw, pinalabas pa nga po sa GMA at ABS. Hindi po kaming masamang tao.” tapos sa susunod na linggo sila parin makikita mo at ganun parin ang litanya. Kuya baka naaagnas na ang tatay mo palibing mo na.

2. Bus naman!

Sumakay ka ng bus pero ang mata mo di mapakali sa mga pasahero tinitignan mo kasi kung may mga kahinahinalang mga tao sa paligid na sasakay at tatabi sa iyo. Maganda ang palabas sa bus kaso di mo masubaybayan kasi nga naman may nakaharang sa daanan at natatakpan ang pinapanuod mo. Ihing ihi kana pero di ka pwedeng bumaba kasi malayo ka pa sa destinasyon mo wala kang magawa kundi ang mag antay kaya lang ang masaklap dito traffic sa EDSA. Punuan na ang Bus at siksikan kaya naman di ka makabunot ng bayad mo ang masaklap pa dito napalakas pa ang preno ng drayber aray ko po. Yung pumara ka ng bus pero narealize mo mali pala ang nasakyan mo kaya lang nahihiya kang bumaba kaya inantay mo na lang lumayo ang bus, wow yaman sa pamasahe? pero yung totoo budget mo na ang pamasahe mo. Eh yun hindi ka naman nagmamadali pero ang bus na sinasakyan mo akala mo nasa run way ng airport kung magpatakbo. killer bus anyone?

3. FX SUV ang usapan 

Ito ang matindi ang Fx o SUV ay sapat lang at bilang na bilang mo lang ang pwdeng sumakay at syempre kulob at tahimik minsan. Ang problema kapag may ubo ka at pinipigilan mong hindi umubo dahil sa nahihiya ka at isa pa pag umubo ka at may plema aba matindi san mo iluluwa eh di alam na this. Sumakay ka ng FX pero ang mga nasa gitnang ipuan sinosolo ang Aircon wow huh doble ang binayad. Syempre kong ikaw naman ang nasa gitnang upuan deadma ka naman talaga sa mga tao sa likuran. Yung tulog tulugan ka kasi may tao sa likod na nag aabot ng bayad kaya no choice ang katabi mo kundi abutin ito. Si ate naman akala mo sasakyan yan kung makipag sigawan sa kausap sa Cellphone wagas. Yung may biglang umutot at walang nakakaalam sa inyo kung sino ang salarin. Kuya para sa tabi.! Nakatabi mo ang isang cute at dahil malapit ka ng bumaba duma the moves at paraan ka pa sa pag kuha ng Pangalan nya sa kanyang ID. Eh yung pababa ka na at biglang sumakay si crush ayun di ka na nakababa kasi chance mo na.

4. Uber! GRABe kung Mag TAXI

Pinakamatindi sa lahat ang pagsakay at pag-upo mo bayad agad di pa umaandar may bayad na agad. Yung sasabin ko ang destinasyon mo biglang mangungontrta si manong. Iyong pakiramdam na inayawan ka ng taxi driver dahil sa out of way daw sila. Aba kulang na lang ata murahin mo ang kaluluwa nya dahil sa sobra mo nang tagal na nag aabang. Panay tingin mo sa metro at medyo naghihinala ka na kay manong dahil panay kambyo akala mo siguro dinidugasan ka. Kinabahan kang bigla ng may maamoy ka akala mo na modus ka na ng taxi driver na may papaamoy sayong di kanais nais, iyon naman pala nadighay lang tamang hinala ka agad. TH nag aadik ka ba? Iyong gabing gabi na pero amoy araw parin ang driver! Wow pare lakas ng tama mo ah. Tinapay ka ba? Kasi amoy PUTOK ka eh. BOOOOOOM SABOG. Nagbayad ka na at hihingiin mo na ang sukli aba di man lang magkusa si kuya na ibigay haha ano po ito charity? kapwa ko mahal ko ganun po ba? Wow heavy budgeted na rin ang pamasahe ko.

5. Mrt o Lrt may PNR pa sakay na!

Araw araw na kalbaryo ng mga pinoy ang LRT at MRT. Mahaba na nga ang pila mabagal pa ang dating ng tren dinaig pa ni lola na nakakyat na lahat lahat di parin umuusad ang tren. Iyong pumasok ka ng Trabaho at sumakay sa tren ng umaga. Aba matindi di ka pa nakakapagsimula ng trabaho pababa ka palang ng tren amoy uwian na ang damit mo. Nakadikit na ang pisngi mo sa salamin ng pintuan ng tren dahil sa siksikan ng mga tao. Iyong pakiramdam mo na may dumidikit sa likurang bahagi ng katawan mo. Matigas at naku po hard na hard pero di mo alam dinudukutan ka na pala tuwang tuwa ka pa. Kung may kapareha ka at gusto ninyong magkiss in Public abay tara na sa Tren dahil di nyo na kailngang gawin kusa ng maglalapat ang mga labi nyo. Yung totoo may aircon po ba ang tren o hininga lang ng katabi ko ang nararamdaman ko. Ito yung tipo na malalaman mo kung ano ang kinain ng katabi mo ka inang tanghali kulang na lang kasi halikan mo na siya eh. Yung totoo humihinga po ba kayo o umuutot. Medyo masama yun kaya wag nyo ng tangkaing sabihin sa katabi nyo baka kasi sa pag buka ng bibig nya mahimatay kana.
Marami talaga tayong karanasan sa tuwing makikipag sapalaran tayo sa pang araw araw na gawin sa pagsakay sa mga pambublikong sasakyan. Kaya mga taong tiis tiis lang wala tayong pambili ng kotse eh kaya tyaga lang muna.

#ALDub: The Modern Fairy tale ; God Gave me You


“Naniniwala na ako sa forever, Magmula nung nakilala kita, Eh kaya nga ‘di ako sumu-render, Ano man ang sinasabi nila.”

Yan ang parating kung naririnig sa TV ngayon na paulit ulit pinapatugtog. Kanta yan ng JaDine Yung tambalan ng mga bagets na halos lahat ata ng mga kabataan ngayon ay sila ang bukang bibig.

Nitong nakalipas na ilang linggo eh may dumagundong na naman sa aking tenga. Iyong kanta na paulit ulit kong pinapakinggan at paulit ulit kung kinakanta sa isip ko. Parang kawawa na ang kanta sa akin kasi para akong sirang plaka na duon at duon lang din ang lyrics na kinakanta ko. “God gave me you to show me what’s real, There’s more to life than just how I feel, And all that I’m worth is right before my eyes, And all that I live for though I didn’t know why,Now I do, ’cause God gave me you”  Kanta yan ni bryan White, Kung tatanungin nyo ako kung sino s’ya aba malay ko at di ko pa naman siya nakikilala.  Pero bago ko nakanta yan ng paulit ulit eh naging impluwensya sa akin ang bagong kinagigiliwan ngayon ng lahat na ALDUB sa Eat Bulaga. Dati sda Dubsmash ko lang nakikita si YAYA DUB ngayon pati sa telebisyon ay di narin s’ya nagpahuli. Pinakikilig nila ang sang katauhan sa pilipinas tuwing tanghalian may tila isang MAGIC ang biglang pag click ng tambalan nila na kung tutuusin eh bakit ako matutuwa eh wala naman silang script na sinasabi kundi puro buka lang ng bibig na sumasabay sa mga tugtog. Pero wala akong pakialam doon o kahit yung mga nanunuod kasi iyong talagang nagpahatak at kumuha ng atensiyon ng lahat ay yung kakaibang chemistry nila na kahit bata, matanda, lalake o babae eh nahumaling. Tinginan at ngitian eh talaga namang nagpakilig sa lahat.

Sinoo ba ang di mahuhumaling eh sa tanghaliaang tapat kung kailan ang buong pamilya ay sama samang nagtatanghalian ay may mga bagay bagay na magpapatawa sayo at tambalan na magpapakilig sa iyo. Nakita ko nga sa youtube noong nakaraana ang isang batang umiiyak dahil Idol na Idol nya si yaya Dub at galit na galit s’ya kay Lola Nidora dahil sa pang aapi nito.

Buong bansa nga ay nagkakaisa gaya ng kanta ng pinaka mahabang Noon time show sa buong mundo ( EAT BULAGA).

Kaya lahat ng mga nagtatatrabaho at nasa opisina napapatigil sa Twing magsisimula na ang kalye serye ng EB. Hindi kaya tayong mga pilipino ay napakadaling mapatawa at napakadaling kiligin. ALDub na ba ang makabagong fairytale na kung tutuusin eh alam naman natin ang magiging takbo ng istorya alam naman natin na nagkita na talaga sila sa personal pero pilit parin nating pinaniniwala ang mga sarili natin na ito ay tunay at talaga namang napakasarap abangan.

O siya teka lang mukhang magsisimula na sa TV ang inaabangan Kung ALDUB kalye srye ng Eat Bulaga. Di lang naman puro kilig ang nakukuha natin pati iyong mga hugot n hugot na kanta at mga linya ni Lola Nidora.

BABALA asawa ni BABALU nggggeeeeeee!!!!

Date, Sex and Goodbye: RelationSHIt goal


“Maraming surpresa ang buhay. Hindi mo alam kong kailan ka magiging masaya at kung kailan ka naman magiging malungkot. Pero sa kabila nito dapat ay matuto tayong tanggapin kung ano man ang mga ibinigay sa atin.”

Date

Masarap sa pakiramdam na pagkatapos ng isang hindi masayang relasyon ay may nakikilala pa tayong ibang tao na magbibigay ulit ng kulay sa buhay natin. Makikilala mo sa hindi inaasahang pagkakataon, pagtatagpuin ang landas nyo sa isang lugar na kung saan ay pareho ninyong pinang galingan.

Kikilalanin nyo ang isa’t isa at magiging palagay kayo sa bawat salita na inyong binibitawan. Ibibigay mo ang tiwala sa unang beses nyong lumabas. Hahanapan mo ng pagkakapareha ang bawat ninyong galaw at salita. Sadyang magiging masaya ka sa bawat oras na kasama mo sya. Parang may kung anong pakiramdam ang hindi mo mapaliwanag sa t’wing napapangiti ka nya. Aangkinin mo ang oras nang kayo ay unang magkakilala. Mauulit at mauulit ang pakiramdam na iyan sa tuwing kayo ay lalabas o mamasyal. Isasabay nyo na lang sa hangin ang bawat biro na inyong binibitawan. Oh kay sarap mainlove sa hindi inaasahang pagkakataon. Matapos ang sakit na naranasan ay may isang bagay at pinto na magbubukas para ibalik ang ngiti mo sa labi.

Sex

Masarap sa pakiramdam na ang inaalayan mo ng init ng iyong katawan ay iyong taong alam mong nagpapaligaya sa iyo. Masarap sa pakiramdam na nagpapalitan kayo ng init ng katawan sa isang lugar na alam mong kayo lang ang naririto. Ibinibigay mo ang isang bagay na alam mong dapat lang ibigay sa taong alam mong nagiging masaya ka pagkasama sya.

 


Mararamdaman mo ang romansa sa bawat bahagi ng iyong katawan. Ibibigay mo ang nais nya dahil sa mahal mo sya. Iniaalay mo ang bawat halik mo sa kanyang labi dahil sa uhaw ka sa halik ng kanyang pagsinta. Matagal mo na ring hindi naranasan ang romansang nagbinigay sa iyo ng init at halong lamig sa katawan. Romansa na nagdadala sayong katawan sa kaba ng iyong pananabik. Masarap ang ibahagi ang iyong pagkatao sa taong alam mong siya ang karapatdapat dito. Yung taong pinanabikan mo sa tuwing titig sya sa iyo na parang hinuhubaran ka sa kawalan.
Goodbye

Matapos ang masasayng sandali na magkasama kayo, matapos ang mga init na naramdaman nyo ay agad siyang aalis ng walang paalam. Ikaw ngayon ay mag iisa at susubukang magsimula muli. Pipiliting kalimutan ang bawat saya na ibinigay nya. Pipilitin mong talikdan ang bawat palasak na salitang binitawan nya. Titingala ka at sasabihing kaya mo pang magsimula kahit ang alam mo ay mahirap at hindi alam kung paano maguumpisa.

Hindi nga sya ang karapat dapat sa iyo. Pinatawa ka at ngayon ay pinaiiyak ka. Hayaan mo ng lumayo ang taong nagpasaya sa iyo. Hayaan mo ng lisanin nya ang Magulo mong buhay, hayaan mong magsimula sa wala. Lumayo aka at kalimutan sya at magsimula ka ng pulutin ang mga pirasong sakit na naiwan mo sa sahig. Magsimula ka na parang walang nangyari at harapin ang katotohanan na marami ka pang makikilala na patuloy na mananakit saiyo hanggang sa matauhan ka. May makakasalamuha kang mas higit pa na sakit ang ipadarama saiyo. May makikilala ka na magbabalik ulit ng ngiti diyan sa mga labi mo. Magbibigay ulit ng kilig at magpaparamdam ulit ng init ng pananabik. Hwag kang matakot na maghanap, hwag kang matakot sumubok dahil ang buhay ay di napapagod na turuan ka ng leksyon. Hayaan mo lang na masaktan ka kung ang hinahanap mo naman ay ligaya. Hindi mo man maramdaman o makita sa simula baka sa huli ay masumpunga  mo na siya.
xoxo

The First Time you fell Inlove


Naalala mo pa ba ang unang kabog ng dibdib mo sa tuwing nakikita mo ang crush mo? Iyong may kung anong bagay na gumagalaw sa tiyan mo sa tuwing papalapit na sya sa iyo. Masarap balikan yung mga panahon na akala mo hindi masakit ang magmahal iyong akala mo walang katapusan  ng kilig na nararamdaman mo.

Naranasan mo na bang mautal sa tuwing kinakausap ka nya at iyong akala mo ay tumigil ang orasan dahil wala kang naririnig kundi ang malakas na pag kabog ng iyong dibdib. Kailan nga ba ang unang bese na nainlove ka sa taong inaakala mong siya na? Iyong akala mo hindi ka masasaktan at di iiyak sa oras na iwan ka niya. Huwag na nating balikan ang mga sakit, balikan natin iyong mga masasayang pangyayari sa unang beses na tumibok ang puso mo at nasabi mo na “shit siya na nga”.

Ang sarap sarap sa pakiramdam na tinutubuan ka ng tigyawat sa pisngi dahil sa kakapuyat ng mga bagay bagay na pwedeng mangyari kung magiging kayo. Iyong ganado kang pumasok sa eskwela dahil parang araw araw kang idinuduyan sa tuwing nakikita mo siya. Iyong Mr. Pakipot ka pa sa tuwing tinutukso ka ng barkada.

Kailan ba ang huling beses na kinilig ka ng ngumiti sya sa iyo. Iyong kinilig ka na may halong pamumula ng mga pisngi. Kailan ka ba huling pinagpawisan ng butil butil sa tuwing dumadaan siya sa harapan mo, iyong kinikilig ka sa bawat HI and Hello na binibitawan nya sa iyo. Kailan ka ba huling  naging excited sa pag sagot sa bawat tanong sa slam book. Iyong tipong hindi mo na sya ma describe kaya space is not enough na lang ang nasulat mo. Iyong uso pa ang stationary  iyong papel na mabango at may ibat-ibang klaseng desenyo. Nauubos na ang likod ng kwaderno mo dahil sa walang katapusang Flames. Kikiligin ka sa sagot na sweet o kaya naman lover. Naging Magaling ka na rin sa Math dahil sa pag papabibo mo sa kanya. Iyong ini-imagine mong makasabay mo sya sa uwian.
Ito yung mga panahon na galit na galit ka sa sabado at linggo dahil sa dalawang araw na hindi mo siya masisilayan. Yung kwaderno mo na may larawan ng mga artista ay papalitan mo ng mga litrato nya na pina develop pa nya para ibigay sa iyo.

Abg sarap ng mga unang beses na mainlove ka. Ang sarap ng mga pagkakataon na sabay kayong tumatawa na parang walang bukas. Iyong akala mo ay siya na at wala ng iba. Masarap balikan pero masakit alalahanin ang mga nangyari na ang kilig at saya ay napalitan ng lungkot at luha.

Kailan mo ba kaya ulit mararanasan ang kiligin sa isang tao? Iyong kilig na una mong naramdaman noong panahon na hindi pa masyado kilala ang teknolohiya yung mga panahon na simpleng palitan ng sulat ay masaya kana. Sulat na ihuhulog mo sa bintana ng classroom o kaya naman ay ipapaabot mo pa sa tropa.

Kailan mo kaya ulit mararanasan ang magmahal ng hindi nasasaktan at hindi napapalitan ng luha ang bawat kilig na iyong nararamdaman. Iyong wala kang iniisip kundi ang mga oras na kayong dalawa lang. Kailan mo kaya ulit mararanasan ang ma inlove sa unang pagkakataon sa taong kailanman ay hindi naging kayo.

Xoxo

image

HIV: Ang Panganib ng Pulang Laso.


image

#Finally

The Love Yourself Inc.

Free HIV Test at Victoria Court Malate Manila May 17, 2015

just Click the link : Free HIV test Direction going to Victoria Court Malate

or register at Registration Form

March 2015, Naitala ang pinakamataas na kaso ng HIV o Human Immunodeficiency Virus. 665 PLHIV o mahigit sa 21 ang nagiging positibo araw araw dahil sa sakit na ito.

Naitala ang pinakamataas na kaso ngayong taon at naitala sya sa buwan ng marso. Kahit sa patuloy na pakikibaka ng ating pamahalaan at ibat ibang NGO laban sa sakit na ito ay di parin maiiwasan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV sa ating bansa. Hindi natin maiisantabi ang kadahilanang hindi sapat ang kaalaman ng iilan tungkol sa HIV. Marami na parin sa atin ang takot na mag patest ng ating HIV status Dahil na rin sa takot na baka malantad ang ating kalagayan pag nalaman natin ang ating kondisyon laban sa sakit na ito. Nawawalan tayo ng tiwala sa mga taong makakaalam ng ating kalagayan. Marami ang takot na baka magkaroon sila ng mga karanasan ng diskriminasyon sa ating lipunan o baka naman madami ang takot na malaman ang kanilang kalagayan dahil hindi nila alam ang pwede nilang gawin sa oras na malaman nila ang kanilang HIV status.

Confidential HIV testing and Counseling

Ayun sa ating batas na RA 8504 o HIV/AIDS law of 1998. Nararapat o karapatan ng bawat isang pilipino na malaman ang kanilang kalagayan ng may laya at hindi sapilitan. Karapatan nilang magkaroon ng confidentiality sa sakit na ito. Karapatan nilang magsampa ng demanda sa bawat diskriminasyon na matatangap nila kung sakaling sila ay Positibo. Diskriminasyon sa Trabaho, Paaralan o kahit sa lipunan na kanilang ginagalawan. Isa ang The love yourself Inc. Sa nagbibigay ng tama at wastong counseling sa mga taong nais na malaman ang kanilang kalagayan. Libre at propesyonal ang bawat member nito sa pagbibigay ng wastong counseling sa mga nagpupunta dito. Ang iba sa kanila ay certified RITM change agent at DOH certified Counselor na naglaan ng ilang buwan at araw para maging sertipikado sa larangan na ito. Pre at post test counseling ang serbisyong ibinibigay nila. Libre ang HIV testing at sigurado ang confidentiality ng inyong resulta.

ARV Drugs

Sa Ngayon wala naman talagang gamot upang masugpo ang HIV sa loob ng katawan ng tao na PLHIV. Pero meron namang gamot na binibigay ang ating gobyerno upang malabanan ang mga maaring sakit na maiduuulot ng HIV. Gamot na magbibigay sa inyo ng kahulugan nang salitang may Pag asa. Ang HIV ay parang Diabetes o altapresyon na nangangailangan ng maintenance para mapanatili nating malakas ang ating pagangatawan. HIV is not a death sentence.

Sino ba ang pwedeng magkaroon ng HIV?

Bata, Matanda, Babae man o lalake ay maaring malagay sa panganib ng pagkakaroon ng HIV. Hindi dahil sa kung ano ka o kung ano man ang sekswalidad kaya ka magkakaroon ng HIV, kundi sa kung ano ang ginagawa mo sa pagkakaroon nito. Sa maling kaalaman tungkol sa HIV ay maaring malagay ka sa panganib o mailagay mo ang sarili mo sa pagkakaroon nito. Hindi mo maisasa walang bahala ang HIV status mo lalo na kung may mga pagkakataon sa buhay mo na naging progresibo ka sa iyong mga kilos at ginagawa.

Paano ba nakukuha ang HIV?

Dugo, Semilya, Hema o vaginal fluid at gatas ng ina ang mga pangunahing likido na maaring makahawa sa oras na lumabas ito sa taong mayroong HIV.  Unprotected sexual intercourse o hindi pag gamit ng condom, Blood to Blood products o pagsasalin ng dugo na hindi dumaan sa tamang proseso at Mother to child transmittion o ang mga inang nagbubuntis at nagbuntis na positibo sa HIV.  Iyan ang mga paraan kong paano makukuha o magkakaroon ang isang indibidwal ng  HIV.

Know your status

Karapatan mo na malaman ang iyong kalagayan para naman na sa oras na ikaw ay negatibo ay malalaman mo ang mga pamamaraan para makaiwas sa sakit na ito at kung ikaw naman ay positibo malalaman mo rin ang mga paraan upang maiwasan ang pag salin pa nito sa ibang tao at sa ganyun din ay malalaman mo na maraming handang tumulong sa inyo. Kung ikaw ay positibo maaring mabago mo pa ang konotasyon mo sa sakit na HIV. Hwag kang matakot may gamot naman na nagbibigay alaga para sa ating katawan upang maiwasan ang pagpasok pa ng ibat ibang uri ng mga sakit.

Paano ito maiiwasan (Triangle of Self Care)

Sapat na kaalaman at edukasyon tungkol sa sakit na ito ang tangi nating panlaban upang hindi na kumalat ang HIV sa ating bansa. Pakikipagtulungan at sapat na pagkalinga at pang unawa ang mga tulong na pwede nating ibigay.

T3 o Timely Testing and Treatment.

Mag pa test at mag pa counsel tuwing tatlong buwan lalo na kung may mga bagay kang ginagawa na maglalagay sayo sa alanganin ng pagkakaroon nito. Kung malaman mo naman ang iyong status at ikaw ay positibo maari kang makipagugnayan sa RITM o sa gobyerno at mga NGO upang masimulan mo na ang gamutan.

S3 o Safe and Satisfying Sex

Ang pakikipagtalik ay normal sa ating mga tao na nasa hustong gulang. Ngunit ang hindi pag protekta sa iyong sarili ay hindi magandang gawain ng isang indibidwal na may sapat na kaalaman tungkol sa HIV o sa mga bagay na maglalagay sa atin sa alanganin. Maging ligtas sa bawat ginagawa natin upang maiwasan natin nag mga bagay bagay na maari nating pagsisihan sa huli.

C3 o Correct and Consistent Condom use.

Tamang kaalaman sa pag gamit ng condom at lubricant hindi basta bastang ipinapasok. Maaring maglagay ito sa alanganin ng pagkasira ng condom sa oras na mali ang paglagay at pag gamit ng lubricant. Iba na ang may alam. Protektahan mo ang iyong sarili at ang iyong kabiyak o partner.

BE MUTUALLY FAITHFUL

Ikaw at ako lang ay sapat na. Isa sa magandang ugaliin ng bawat isa na nasa relasyon. Matotong makuntento sa kung ano ang nakahain upang maiwasan ang pagkasira ng buhay at relasyon.

Hwag kang matakot na malaman ang iyong kalagayan. Labanan natin ang HIV. Sugpuin natin ang sakit na ito upang sa kinabukasan ng ating pamilya at mga susunod na henerasyon. Hwag kang magpahuli sa balita ng pagiwas dito. Hindi pa huli ang lahat hindi ito ang katapusan ng bawat nating pangarap.

Know your status and LOVEYOURSELF

 

SALUTATORIAN: The Controversial Speech of graduation 2015


 

“A Filipino citizen who would rather choose to fail with honor, than win by cheating. Adios!”

-Krisel Mallari

Kailan at saan ba dapat inilalagay ang kalayaan nating makapagsalita? kailan ba dapat itigil o patigilin kung ito ay sobra na. Saludo ako sa tapang ng bata na ito na ipahayag ang kanyang saloobin.

Watch the Video below:

 

——FULL SPEECH

BY: SALUTATORIAN OF Sto. NiÑo Parochial School Quezon City. Krisel Mallari

A pleasant morning to my fellow batchmates, to my teachers, guests, welcome to the 13th Commencement Exercises. Sa okasyong ito ay pinipili kong magsiwalat sa wika na aking kinagisnan, ang wikang Filipino o wikang Tagalog. Taong 2004 ng una akong umapak sa silid-aralan ng eskwelahang ito, upang mag-aral. Ngayon, makalipas ang labing isang taon, ay narito ko sa inyong harapan upang ibahagi ang aking karanasan at magbigay-aral. Sa bawat taon na lumipas ay puspusan ang pag-aaral na ginawa ko sa eskwela, naniwala ko sa patas na labanan. Sa pagtatapos ng school year na ito’y isang hakbang nalang ang layo ko sa finish line, ngunit sa pagdating ko rito’y naglaho ang pulang tali na sisimbolo sana sa aking tagumpay, naglaho nga ba o sadyang kinuha? Maraming tao ang nagbulag-bulagan sa isang sistemang marumi at kaduda-duda. Ngunit di ko ito tinuluran, ipinaglaban ko ang sa tingin ko’y tama, nanindigan ako bilang isang Pilipino na palaban at may takot sa Diyos. Chismis, isang piyesta ng chismis ang inabot ko ng pinagmukha nila akong masama. Ganun talaga minsan, pag umayon ka sa kung alin ang tama, ikaw pa ang lumalabas na mali. Di na nga nila pinakinggan ang iyong hinaing, nakuha ka pa nilang laitin. Kung sinasabi niyong wala akong acceptance, marami ako niyan, pero pano kong tatanggapin ang isang bagay na di naaayon sa katotohanan. Para san pa ang aking dedikasyon sa pag-aaral at hustisya kung di ko naman ito ipaglalaban. Sa kabila ng nangyari ay masaya padin ako, tulad nga ng laging sinasabi sa teleseryeng Dream Dad, “Maganda ang buhay”, kaya bakit ako mag-aaksaya ng oras sa kanila kung mas maraming mas kapaki-pakinabang na bagay ang pwede kong gawin. Ngayon ay may piling indibidwal akong gustong pasalamatan, ito yung mga tao na sumuporta sakin sa kabila ng eskandalo na idinulot ng ipaglaban ko kung ano ang sa tingin ko ay tama. Una sa lahat, gusto kong pasalamatan ang Diyos, isa siyang ama, kapatid, kaibigan na naging sandigan ko sa lahat ng pagkakataon, sa hirap at ginhawa. Sa aking ama, dad salamat, salamat kasi ni minsan ay di mo kami sinukuan, salamat kasi naniwala ka sa kakayanan ko, salamat kasi ipinaglaban mo ko kahit pa sumama ang tingin sayo ng iba, salamat kasi ikaw si Ernesto Mallari, ang haligi ng tahanan na nakukuha paring magpatawa kahit alam ko na sa loob niya ay nahihirapan na siya. Sabi nga sa isang pelikula ni Robin Williams, “You are the world’s greatest dad”. Sa aking ina, isang napakalaking thank you, siguro nga’y madalas akong makulitan sa’yo dahil sa madalas mong pangangaral, paulit-ulit nga siguro ang mga sinasabi mo, pero ma, yan ang tunay na dahilan kung bakit the best ka, dahil di ka tumitigil na pangaralan kami pag alam mong naliligaw kami ng landas. Talaga ngang totoo yung kataga na “Mother knows best”. Sa pinakamaganda kong ate, Ate Kat, salamat kasi ikaw ang pinaka nakakaintindi sa mga hilig at pinagdadaanan ko bilang isang babae, ikaw ang aking selfie buddy, church buddy, at shopping buddy na pinagkakatiwalaan ko ng mga sikreto. Sa napakatalino kong kuya, Kuya Kerwin mainitin ang ulo mo, medyo mayabang ka nga siguro, at medyo tamad mag-aral; pero ang di alam ng marami, busilak ang puso mo, salamat kuya, sa pagturo sakin na manindigan pag alam kong ako ang nasa tama. Sa napaka-cute kong kapatid, salamat Kristine, ikaw na siguro ang pinakamatuturing kong tunay na BFF. Julia, Clang, Katrina, Faye, Dane, Nico at sa iba pa, napatunayan niyo sakin na tama ang katagang “quality over quantity”, siguro nga’y di kayo karamihan, pero alam ko na bawat isa sa inyo ay maaasahan at mapagkakatiwalaan ko, kaya salamat! Sa mga teachers na napalapit na sa aking puso, Ma’am Factora, Mam Calanoga, Mam Amil, Mam Garcia, Mam Restor, Mam Castillo, Mam Acacio at Sir Francis, nagsilbi po kayong pangalawang magulang ko, salamat po. At siyempre pa, sa mga taong bumabatikos at nagbibigay ng negatibong komento sa akin, isang napakalaking thank you, kayo ang dahilan kaya’t mas pinagbubuti ko pa ang pag-aaral, tulad nga ng sinabi ng basketbolistang si Dwyane Wade, “My belief is stronger than your doubt”. Panibagong kabanata ang aking haharapin, bilang isang accountancy student sa University of Santo Tomas. Panibagong hamon na nakangiti kong haharapin. At para sa ating lahat mga kapwa ko graduates, ito’y isang mahalagang kabanata kung saan natin gagawin ang pinakamahalagang mga desisyon sa ating buhay. Kaya naman good luck sa inyo, at good luck din para sa kinabukasan ng paaralang ito. Let me finish this in style and say my last words in the vernacular language of the world. I am Krisel Mallari, a Filipino citizen who would rather choose to fail with honor, than win by cheating. Adios!

 

VIDEO: Only One reason Why PMA should allow LGBT in the Academy


pma

Bakit ba? masaya ang bakasyon papuntang baguio lalo na kung makakapunta ka sa Philippine Military Academy.

The Badets Of PMA Class  1898.

Note: Katuwaan lang po wag seryosohin. Bawal ang SAD dapat Happy.

Video Credit to Josh Bernarte via You Tube JOSH BURNE

Feel Free To share. Good Vibes everyone!!