Category Archives: Alamat

Hindi na pala kita MAHAL


 

Sa libo-libong tao na nakasalamuha ko ikaw pa ang nakita ko, Parang itinadhana ni kupido ng panain nya ang puso ko. Parang mata natin na pilit pinagtagpo….. Pero teka HINDI na pala kita mahal.

MAHAL!! yan ang tawag mo sa akin.. salita na para lang sa atin na kahit anong pilit kong sambitin na mahal KITA, kataka – taka na may mahal ka ng iba.

Naalala mo pa ba nang dumating ang pinaka malakas na lindol na tumama sa bohol? Na parang pag-ibig mo sa akin na unti unting yinugyog at sa huli titigil ang indayog at iiwan mo akong hindi na kaya pang lumipad ng matayog.

Nakita kita na kasama mo sya, habang sa di kalayuan ako ay nagiisa, nagbabakasakali na may pag asa pa. PERO teka, HINDI na pala kita mahal.

Ito lang ang sasabihin ko na hanggang sa huli ay sasambitin ko ang salitang pinipilit ko na MAHAL kita Noong UNA; Pero salamat sa isang alamat na ang bawat umpisa ay may katapusan at ang bawat   daan ay may hangganan. Pero teka, hindi na pala kita mahal.

Mahal,. Mahal parin kita na kahit anong pilit kong kalimutan ka! Mahal parin kita. Kitang kita sa bawat kong tula na ang salitang “mahal parin kita” ay unti unting nawawala parang ikaw at ako na naglaho na parang Bula.

Mahal., Mahal kita na tinapos mo sa dalawang salaita na “AYOKO NA”

Ramdam mo ba ang salitang binitiwan mo kong gaano kasakit nang marinig ko; Na parang puso ko na tinarakan mo ng balaraw na pagkatapos itusok ay pinaikot ikot mo! Ganoon ang salitang HINDI NA KITA MAHAL.

Mahal! Binitwan mo ako na parang lobo na unti unting lumilipad at naglalaho, Parang pag ibig mo nang sabihin mong HINDI MO NA AKO MAHAL!

Mahal kita na kahit anong ulit kong sabihin ay may mahal ka ng IBA.

OO! masakit nang sabihin mo sa akin na hindi mo na ako mahal NOON; Pero ngayon HINDI na pala kita mahal.

Mahal salitang kailanman ay hindi na ako magmamahal, Dahil Hindi na pala kita MAHAL.

 

Advertisements

The First Time you fell Inlove


Naalala mo pa ba ang unang kabog ng dibdib mo sa tuwing nakikita mo ang crush mo? Iyong may kung anong bagay na gumagalaw sa tiyan mo sa tuwing papalapit na sya sa iyo. Masarap balikan yung mga panahon na akala mo hindi masakit ang magmahal iyong akala mo walang katapusan  ng kilig na nararamdaman mo.

Naranasan mo na bang mautal sa tuwing kinakausap ka nya at iyong akala mo ay tumigil ang orasan dahil wala kang naririnig kundi ang malakas na pag kabog ng iyong dibdib. Kailan nga ba ang unang bese na nainlove ka sa taong inaakala mong siya na? Iyong akala mo hindi ka masasaktan at di iiyak sa oras na iwan ka niya. Huwag na nating balikan ang mga sakit, balikan natin iyong mga masasayang pangyayari sa unang beses na tumibok ang puso mo at nasabi mo na “shit siya na nga”.

Ang sarap sarap sa pakiramdam na tinutubuan ka ng tigyawat sa pisngi dahil sa kakapuyat ng mga bagay bagay na pwedeng mangyari kung magiging kayo. Iyong ganado kang pumasok sa eskwela dahil parang araw araw kang idinuduyan sa tuwing nakikita mo siya. Iyong Mr. Pakipot ka pa sa tuwing tinutukso ka ng barkada.

Kailan ba ang huling beses na kinilig ka ng ngumiti sya sa iyo. Iyong kinilig ka na may halong pamumula ng mga pisngi. Kailan ka ba huling pinagpawisan ng butil butil sa tuwing dumadaan siya sa harapan mo, iyong kinikilig ka sa bawat HI and Hello na binibitawan nya sa iyo. Kailan ka ba huling  naging excited sa pag sagot sa bawat tanong sa slam book. Iyong tipong hindi mo na sya ma describe kaya space is not enough na lang ang nasulat mo. Iyong uso pa ang stationary  iyong papel na mabango at may ibat-ibang klaseng desenyo. Nauubos na ang likod ng kwaderno mo dahil sa walang katapusang Flames. Kikiligin ka sa sagot na sweet o kaya naman lover. Naging Magaling ka na rin sa Math dahil sa pag papabibo mo sa kanya. Iyong ini-imagine mong makasabay mo sya sa uwian.
Ito yung mga panahon na galit na galit ka sa sabado at linggo dahil sa dalawang araw na hindi mo siya masisilayan. Yung kwaderno mo na may larawan ng mga artista ay papalitan mo ng mga litrato nya na pina develop pa nya para ibigay sa iyo.

Abg sarap ng mga unang beses na mainlove ka. Ang sarap ng mga pagkakataon na sabay kayong tumatawa na parang walang bukas. Iyong akala mo ay siya na at wala ng iba. Masarap balikan pero masakit alalahanin ang mga nangyari na ang kilig at saya ay napalitan ng lungkot at luha.

Kailan mo ba kaya ulit mararanasan ang kiligin sa isang tao? Iyong kilig na una mong naramdaman noong panahon na hindi pa masyado kilala ang teknolohiya yung mga panahon na simpleng palitan ng sulat ay masaya kana. Sulat na ihuhulog mo sa bintana ng classroom o kaya naman ay ipapaabot mo pa sa tropa.

Kailan mo kaya ulit mararanasan ang magmahal ng hindi nasasaktan at hindi napapalitan ng luha ang bawat kilig na iyong nararamdaman. Iyong wala kang iniisip kundi ang mga oras na kayong dalawa lang. Kailan mo kaya ulit mararanasan ang ma inlove sa unang pagkakataon sa taong kailanman ay hindi naging kayo.

Xoxo

image

HIV: Ang Panganib ng Pulang Laso.


image

#Finally

The Love Yourself Inc.

Free HIV Test at Victoria Court Malate Manila May 17, 2015

just Click the link : Free HIV test Direction going to Victoria Court Malate

or register at Registration Form

March 2015, Naitala ang pinakamataas na kaso ng HIV o Human Immunodeficiency Virus. 665 PLHIV o mahigit sa 21 ang nagiging positibo araw araw dahil sa sakit na ito.

Naitala ang pinakamataas na kaso ngayong taon at naitala sya sa buwan ng marso. Kahit sa patuloy na pakikibaka ng ating pamahalaan at ibat ibang NGO laban sa sakit na ito ay di parin maiiwasan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV sa ating bansa. Hindi natin maiisantabi ang kadahilanang hindi sapat ang kaalaman ng iilan tungkol sa HIV. Marami na parin sa atin ang takot na mag patest ng ating HIV status Dahil na rin sa takot na baka malantad ang ating kalagayan pag nalaman natin ang ating kondisyon laban sa sakit na ito. Nawawalan tayo ng tiwala sa mga taong makakaalam ng ating kalagayan. Marami ang takot na baka magkaroon sila ng mga karanasan ng diskriminasyon sa ating lipunan o baka naman madami ang takot na malaman ang kanilang kalagayan dahil hindi nila alam ang pwede nilang gawin sa oras na malaman nila ang kanilang HIV status.

Confidential HIV testing and Counseling

Ayun sa ating batas na RA 8504 o HIV/AIDS law of 1998. Nararapat o karapatan ng bawat isang pilipino na malaman ang kanilang kalagayan ng may laya at hindi sapilitan. Karapatan nilang magkaroon ng confidentiality sa sakit na ito. Karapatan nilang magsampa ng demanda sa bawat diskriminasyon na matatangap nila kung sakaling sila ay Positibo. Diskriminasyon sa Trabaho, Paaralan o kahit sa lipunan na kanilang ginagalawan. Isa ang The love yourself Inc. Sa nagbibigay ng tama at wastong counseling sa mga taong nais na malaman ang kanilang kalagayan. Libre at propesyonal ang bawat member nito sa pagbibigay ng wastong counseling sa mga nagpupunta dito. Ang iba sa kanila ay certified RITM change agent at DOH certified Counselor na naglaan ng ilang buwan at araw para maging sertipikado sa larangan na ito. Pre at post test counseling ang serbisyong ibinibigay nila. Libre ang HIV testing at sigurado ang confidentiality ng inyong resulta.

ARV Drugs

Sa Ngayon wala naman talagang gamot upang masugpo ang HIV sa loob ng katawan ng tao na PLHIV. Pero meron namang gamot na binibigay ang ating gobyerno upang malabanan ang mga maaring sakit na maiduuulot ng HIV. Gamot na magbibigay sa inyo ng kahulugan nang salitang may Pag asa. Ang HIV ay parang Diabetes o altapresyon na nangangailangan ng maintenance para mapanatili nating malakas ang ating pagangatawan. HIV is not a death sentence.

Sino ba ang pwedeng magkaroon ng HIV?

Bata, Matanda, Babae man o lalake ay maaring malagay sa panganib ng pagkakaroon ng HIV. Hindi dahil sa kung ano ka o kung ano man ang sekswalidad kaya ka magkakaroon ng HIV, kundi sa kung ano ang ginagawa mo sa pagkakaroon nito. Sa maling kaalaman tungkol sa HIV ay maaring malagay ka sa panganib o mailagay mo ang sarili mo sa pagkakaroon nito. Hindi mo maisasa walang bahala ang HIV status mo lalo na kung may mga pagkakataon sa buhay mo na naging progresibo ka sa iyong mga kilos at ginagawa.

Paano ba nakukuha ang HIV?

Dugo, Semilya, Hema o vaginal fluid at gatas ng ina ang mga pangunahing likido na maaring makahawa sa oras na lumabas ito sa taong mayroong HIV.  Unprotected sexual intercourse o hindi pag gamit ng condom, Blood to Blood products o pagsasalin ng dugo na hindi dumaan sa tamang proseso at Mother to child transmittion o ang mga inang nagbubuntis at nagbuntis na positibo sa HIV.  Iyan ang mga paraan kong paano makukuha o magkakaroon ang isang indibidwal ng  HIV.

Know your status

Karapatan mo na malaman ang iyong kalagayan para naman na sa oras na ikaw ay negatibo ay malalaman mo ang mga pamamaraan para makaiwas sa sakit na ito at kung ikaw naman ay positibo malalaman mo rin ang mga paraan upang maiwasan ang pag salin pa nito sa ibang tao at sa ganyun din ay malalaman mo na maraming handang tumulong sa inyo. Kung ikaw ay positibo maaring mabago mo pa ang konotasyon mo sa sakit na HIV. Hwag kang matakot may gamot naman na nagbibigay alaga para sa ating katawan upang maiwasan ang pagpasok pa ng ibat ibang uri ng mga sakit.

Paano ito maiiwasan (Triangle of Self Care)

Sapat na kaalaman at edukasyon tungkol sa sakit na ito ang tangi nating panlaban upang hindi na kumalat ang HIV sa ating bansa. Pakikipagtulungan at sapat na pagkalinga at pang unawa ang mga tulong na pwede nating ibigay.

T3 o Timely Testing and Treatment.

Mag pa test at mag pa counsel tuwing tatlong buwan lalo na kung may mga bagay kang ginagawa na maglalagay sayo sa alanganin ng pagkakaroon nito. Kung malaman mo naman ang iyong status at ikaw ay positibo maari kang makipagugnayan sa RITM o sa gobyerno at mga NGO upang masimulan mo na ang gamutan.

S3 o Safe and Satisfying Sex

Ang pakikipagtalik ay normal sa ating mga tao na nasa hustong gulang. Ngunit ang hindi pag protekta sa iyong sarili ay hindi magandang gawain ng isang indibidwal na may sapat na kaalaman tungkol sa HIV o sa mga bagay na maglalagay sa atin sa alanganin. Maging ligtas sa bawat ginagawa natin upang maiwasan natin nag mga bagay bagay na maari nating pagsisihan sa huli.

C3 o Correct and Consistent Condom use.

Tamang kaalaman sa pag gamit ng condom at lubricant hindi basta bastang ipinapasok. Maaring maglagay ito sa alanganin ng pagkasira ng condom sa oras na mali ang paglagay at pag gamit ng lubricant. Iba na ang may alam. Protektahan mo ang iyong sarili at ang iyong kabiyak o partner.

BE MUTUALLY FAITHFUL

Ikaw at ako lang ay sapat na. Isa sa magandang ugaliin ng bawat isa na nasa relasyon. Matotong makuntento sa kung ano ang nakahain upang maiwasan ang pagkasira ng buhay at relasyon.

Hwag kang matakot na malaman ang iyong kalagayan. Labanan natin ang HIV. Sugpuin natin ang sakit na ito upang sa kinabukasan ng ating pamilya at mga susunod na henerasyon. Hwag kang magpahuli sa balita ng pagiwas dito. Hindi pa huli ang lahat hindi ito ang katapusan ng bawat nating pangarap.

Know your status and LOVEYOURSELF

 

Google may Formula ba ang pag Move on?


image

Mahirap ba? Minsan akala natin ganun kadali diba? Akala natin pag nag tanong ka kay google ibibigay nya sayo ang sagot. Paano ba mag move on? Google? Magbibigay lang naman yan ng mga suggestions pero ikaw parin ang pipili ng kung ano ang tamang sagot. Ganun ba kadali ang makalimot at lumimot?

Aabot ka ng ilang buwan, taon o kahit dekada para sabihin na nakapag move on kana. Depende pa iyan kung anong klaseng sakit ang naranasan mo. Sasabihin mo sa lahat na ok kana pero hindi pa pala. Wala namang madaling formula para makalimot ka agad diba? Na kahit sa tuwing sasakay ka ng Jeep at tutugtog ang paborito nyong kanta eh sisigaw ka na lang ng SHIT ano ba close ba tayo? Ang sakit mo namang magsalita eh.  Iyong pupunta ka sa isang bar at manunuod ng mga kumakanta akala mo rin patama sa iyo ang mga kanta.

Sana 1+1 na lang ang formula diba sa paglimot para kung makuha mo na ang sagot ng hindi ganun kahirap eh mag momove on kana agad sa 2+2. Pero hindi ganun kadali ang lahat. Pagdadaanan mo muna ang lahat ng sakit ulit ng paglimot. Hayaan mo lang na marinig lahat ng kanta nyo noon yong mga kanta na sinasabi mo na paborito nyo. Hayaan mo lang na puntahan at alalahanin lahat ng mga bagay bagay na pinagdaanan nyo. Pasakitan mo ang sarili mo hanggang sa maging manhid na sya sa nararamdaman nito.

H’wag na wag mong gagawin ang makasama sya upang masabi mo na ok kana, kasi kahit papaano meron parin naman diyan kunti sa puso mo. Kikirot at sasakit yan sa tuwing sinusulyapan mo sya. Sa tuwing kakanta sya eh sasabihin mo na para sa iyo yun kahit hindi naman at nagkataon lang talaga. Aasa ka na naman at masasaktan, iiyak at magmumokmok tsk tsk panibagong kabanata na naman ng pag move on.

Ganun ba kadali ang mag move on? Depende kung gusto mo talagang mag move on at depende sa sakit na ibinigay nito. Gusto mong makalimot? Burahin mo lahat lahat ng alaala meron sya sayo. FACEBOOK, IG at kung ano ano pa. Tangalin mo sya kahit mahirap kasi mahihirapan ka lalo kapag nakikita mo sya at sinasabi nyang ok na sya pero ikaw alam mo sa sarili mo na hindi pa ikaw ok. Gasgas na nga ang linya na “Kung para kayo sa isat isa talaga eh di para kayo talaga” hindi totoo yan hwag ka ng umasa baka isang kabanata na naman ng pag move on ang gawin mo.

Okay lang naman na paminsan minsan maiisip mo sya lalo na pag nagiisa ka na lang at walang makausap at mapaglibangan. Okay lang yan sinasabi ko sayo okay lang. Pero sana hwag araw arawin baka malibang ka at makita mo na lang ang sarili mo na nasa helipad na at akmang tatalon na. Lumabas ka, Maghanap ka ng mga kaibigan na masaya kasama iyong tatawa ka na lang ng tatawa kahit alam mong hindi totoo. Okay lang yan dayain mo ang sarili mo na kunwari masaya ka kahit hindi. Dahil darating ang oras na  ang tawa mo ay totoo na at naririnig na pati ng puso mo.

Paano mag move on? Maging masaya ka, magpatawad pero hwag mong kalimutan. Magmahal ka ulit kung kailan handa ka ng magmahal. Pag nasaktan ka ulit back  to step one ulit ng pag move on. Pero hwag na hwag mong hayaang ikaw naman ang makasakit at sila naman ang gumawa ng formula ng pag move on. Magmahal ka ng parang hindi ka nasaktan. Tumawa ka na parang hindi ka malungkot. Kumanta ka na parang cocert king/queen na akala mo hawak mo ang buong MOA arena. Okay lang yan atleast nakayanan mo at makakayanan mo.

Ngayon hahanapin mo pa ba ang kasagutan kay GOOGLE? Sige lang para marami kkng makuhang sagot pero hwag kang umasa na ibibigay sa iyo ni Google ang formula.

Xoxo

Paano?, Bakit?, Saan? At kailan?


image

“Ang heart break normal lang yan. Aabot lang yan hanggang anim na buwan pero pag lumagpas na sya dyan iba na yan.”

Hirap talaga makalimot o yung tinatawag nilang move on lalo na kung sa bawat kilos mo sya parin ang nakikita at naaalala mo. May mga dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi ganun kadali sayo na talikuran o kalimutan sya kahit gustong gusto mo na.

1. Nasaktan ka

Mahirap makalimot kong ikaw ang nasaktan, Dahil marami kang tanong na di mo na makukuha pa  ang kasagutan dahil minsan takot ka ring malaman ang katotohanan. Hindi mo na makukuha ang sagot dahil ang taong sasagot sa katanungan mo ay ang taong nanakit sayo. Hindi mo na makausap kasi umiiwas ka na malaman ang sagot na ikaw lang din naman ang nakakaalam.

2. Denial

Iyong haharap ka sa maraming tao at isisigaw mo na masaya ka at ipapakitang “ok” lang ang lahat, pero pag nagiisa ka na lang doon mo maalala at masasabi na hindi ka pala ok. Kailangan mo lang pala ng mga makakausap para kahit sa panandaliang oras ay hindi mo sya maalala. Iikot ang mundo mo sa apat na sulok ng kwarto at sa bawat pag lingon mo sya ang makikita mo, na masaya at parang walang nangyaring hindi maganda.

3. Praning ka

Akala mo kasi na di sya nasaktan nang maghiwalay kayo. Akala mo kasi ikaw lang ang nahihirapan o nahirapan. Pero hindi mo lang alam mas nahirapan sya lalo na kung pinapakita mo sa iba na ok ka kahit hindi pa pala. Yung tipong akala mo meron ng syang iba pero akala mo lang pala iyon kasi ganun ka nya kadaling iniwan.

4. Emo ka kasi

Iyong nagpapaawa epek ka pa sa kanya at dinadaan mo na lang sa FB post ang bawat salitang nararamdaman mo. OK Lang yan pero siguraduhin mo na nababasa parin nya. Check mo baka na block ka na nya. Iyong sa tuwing maririnig mo ang paborito nyang kanta o iyong may narinig ka na kanta nyo sya agad ang unang pumapasok sa isip mo. Kasi nga sasabihin mo na mahal mo parin sya kahit ang alam mo ay di kana nya mahal.

5. Exclusive

Nag date kayo pero hindi naging kayo. Pwede syang makipagdate sa iba ganun ka rin naman pero anong ginagawa mo umaasa ka na maging kayo pero anong nangyari hindi naman naging kayo hanggang sa gumising na lang ang isa sa inyo na hindi na kayo nagmamahalan. Masasaktan ka kasi nagsayang ka ng oras sa wala. Masasaktan ka kasi marami kang tanong kung bakit hindi kayo nagkatuluyan. Iisipin mo ngayon kung sino ang may pagkukulang at isisisi mo sa sarili mo na bakit sya pa nag nakilala mo sa dinami dami ng nagkakagusto sayo ( Yun naman Pala Eh).

6. Tayo pero hindi tayo

Ito talaga ang mahirap o pinakamahirap sa pag momove on. Kasi kung tutuusin bakit ka mag momove on eh hindi naman kayo. Bat ka masasaktan eh hindi ka naman nya niloko. Ang mali lang kasi pareho kayong nag invest ng emosyon. Pareho kayong nagmahal pero hindi nyo magawang makipag commit sa isang bagay dahil alam nyo na hindi pala talaga kayo sa isat isa. Nasasaktan ka ng umayaw sya kasi nga marami kang tanong. Bakit ganto? Bakit ganun? Hirap ka sa pag move on kasi hindi naging kayo. Hirap ka kasi nasasaktan ka sa mga nangyari. Hirap ka kasi sya yung taong inakala mo. Hirap ka kasi umasa ka sa pagpapaasa nya. Hirap ka kasi akala mo kayo na pero di pa pala.

7. Memories

Nahihirapan ka kasi naalala mo ang mga bagay bagay na masaya nyong ginagawa noong kayo pa. Hirap ka kasi hindi dahil sa sakit na naaalala mo kundi sa mga karanasan nyo na ginawa  habang kayo pa. Hirap ka kasi namimiss mo ang lahat sa kanya at hanggang ngayon di mo parin magawang kalimutan sya. Nahihirapan ka kasi hindi mo iniisip ang mali na nagawa nya (Minahal mo eh) ang naiisip mo ang kabutihan at puro paglalambing na naganawa nya sayo. Nahihirapan ka kasi hanggang ngayon ay umaasa ka na magiging kayo pa ( Move On na).

8. Closure

Mahirap talaga kung walang pinatunguhan ang lahat. Nahihirapan kang kalimutan sya dahil bigla na lang nawala na hindi man lang pinaintindi sayo kung bakit. Nahihirapan ka kasi bigla ka na lang iniwan sa kawalan ng walang kadahilanan kong bakit. Hindi man lang kayo nakapag usap ng maayos at hindi nyo napagusapan ng maayos.

Hirap noh?? Madami talagang dahilan kung bakit. Nasa atin naman iyon kung gusto ba talaga nating mag move on o hahayaan na lang natin na pasakitan tayo ng mga bagay bagay na hindi naman talaga dapat. Kagustuhan parin natin kung kailan tayo pwedeng maging masaya. Walang magdidikta na ngayon o bukas ok ka na at masaya ka na, parang walang nangyari na akala natin ay ganun kadali ang makalimot na akala ng iba na ang dali dali ng lahat dahil pinapakita mo sa kanila na OK ka at hindi ka nasaktan.

Don’t English me, I’m Panic.!!


Credit to the Owner
Credit to the Owner

Isang sentence lang ang alam ko di nyo naman sinabi na essay ang kailangan.”

 

Oh well papel. I don’t know where to start, Do i need to write this article in a full english blog or do i…… Shit nose bleed.. Any way ayokong mag pretend na napaka galing ko sa Ingles ayoko din namang subukan kasi baka magka epistaxis ako. Bakit ba marami sa atin ang hirap sa INGLES pero pilit parin nakikipagsabayan sa madlang bayan sa pagbigkas ng wika na ito.

Kanina lang sa coffee shop sa may Greenfield may grupo ng mga babae sa kabilang lamesa, They are so Konyo, you know.Tagalog tapos kunting Ingles tapos tagalog ulit tapos Ingles ulit. So pasosyal Duh! Then they make inum the milk tea for almost 2hrs at di parin nila maubos. Its so unlimited ba? Wala naman sa akin iyon walang judgement huh. Promise di ko talaga sila hinusgahan. May mga kakilala nga ako na pag nagsalita ng English aba tinalo pa ang BOKABULARYO ko. Ang sakit sa tenga mag Ingles kulang na lang kumuha ako ng silbato at hipan ko para mapahinto ko sya. Yung tipong pilit sumasabay sa usapan nang mga taong dala dala ang buong edition ng Merriam (ME RA YAM) dictionary. Dudugo na nga ang tenga mo sa pakikinig aba dudugo pa ang ilong mo sa pagsasalita na alam mo naman na one english per minute Lang ang kapasidad mo. Inuulit ko di po ako nanghuhusga.

Meron din naman na pag nagsalita ng Ingles napakasarap pakinggan, pero subukan mong isulat at intindihin ulit malilito ka na kung saan nya inilagay ang tinatawag nilang subject verb agreement. May mga ganyan na ang galing mamuna lalo na pag nagkamali ka. Asahan mo in full english subtle pa ang reply, pero pag inintindi mo mali din naman.

Well i don’t want to pretend that i know everything in this world, Im not a jugde promise hahahaha.. Ano daw?. Ganyan ganyan alam mo ng mali pilit ka parin ng pilit hanggang sa buong senaryo ay magkakamali kana. Marunong naman akong mag english hello nakapagtapos ako ng ilang school year english lang yan so chicks. In tagalog sisiw ( ay plural may “S” ) eh di mga sisiw.

Marunong naman tayong mag english iyon nga lang di lahat sa atin may kapasidad na makipagsabayan at may kakayahang bumuo ng isang pangungusap sa english na hindi nagkakamali. Minsan tayong mga pilipino kasi  ang basehan minsan ng katalinuhan ng isang tao ay ang kakayahan nyang makipagsabayan sa inglesan o kaya naman ang basehan ng estado ng isang tao ay nakakapagsalita ng Ingles. Hindi ko naman kayo masisi diyan dahil english is our 2nd language. Pero hwag naman sanang pag tawanan kung ang kaibigan nyo ay hindi marunong o hindi komportable sa lingwahe na ito. Malay mo marunong pala silang mag french, latin o espanyol eh di tinalo ka pa sa pagiging lingwistik nya.

Masarap kasi minsan na nailalabas mo ang saloobin mo sa salitang komportable ka iyong alam mo na walang hahadlang sa bawat salitang binibitawan mo, iyong walang pupuna sa bawat balarilang masasambit mo. Payo ko nga kaibigan kung di mo kayang magsalita sa english ng tuloy tuloy magtagalog na lang. Masarap pa sa tenga at mas nauunawaan pa ng karamihan.

Promis di ka namin huhusgahan dahil lahat naman tayo nagkakamali din minsan.

May mga tao naman namagaling sa pagsusulat ng ingles pero pagdating sa konbersasyon eh doon na nagkakatalo. Meron din ako mga kakilala na nakapasok lang sa call center aba hindi na marunong magtagalog ( Eh di Wow ). Naalala ko na naman tuloy yung kapitbahay naming OFW aba dalawang taon lang halos sa hongkong pagbalik sa pinas nakalimutan na agad magtagalog. Hmm di ko lang mapuna na minsan mali na sya mag Ingles pero ayun si ate sige parin ng sige. Nag isip tuloy ako kung mga puti ba ang nakatira na sa hongkong kasi ang alam ko sinakop lang sila ng britanya, pero mga tsino parin naman ang nandoroon.

Natatawa parin ako sa kasambahay ng boss ko, English only policy kasi ang kailangan pag kakausapin mo ang mga anak nya. Minsan narinig ko sya nagsalita sya kasi humihingi ng pagkain ang alaga nya sabi nya. ” WET BEBI JUST WET.” aba sumagot ang alaga nya “OK YAYA IM WETING”. ( anak ng JUETENG naman )Napalunok na lang ako ng laway. Minsan kasi wala sa mali ng grammar ang english minsan nasa pronunciation (pronountion) din naman. Magaling ka nga mag english pero ang tigas naman ng bawat pagbigkas mo eh di lalong naging komplikado (Bisdak AKo).

Mahirap nga malaman kung ano ang tama at maling ingles dahil maraming pinagmulan ang lingwahe na ito. Maraming salita na nagpasalin salin sa bawat bansa at maraming salita ang nabubuo sa english na minsan ay mag kasing iba na nang kahulugan. Kung pag aaralan natin ang lingwahe (english) masasabi natin na tayong mga pilipino ay may pinakatamang pagbigkas at tamang pagbaybay sa mga pangungusap na ito, kaya lang tayo rin ang may pinakamapanghusga sa bawat isa na nagkakamali ng paminsanan sa pag iingles. Masyado tayong perpekto sa sarili natin na minsan nakakalimutan natin na nakakasakit na tayo.

Be your self and everyone will be true to you. Don’t english me beacause my capacity to communicate in english is very limited and it’s up to the person who im talking. Hahhhahah What?? Im panic. Don’t English me in 1 2 3 4 5 *Nose bleed.

Xoxo

Kadenang Usok


farhangnews_93626-273046-1411633349
PHOTO Credit to the OWNER: http://www.farhangnews.ir

Mahirap nga siguro ang biglang baguhin ang sarili mo sa kung ano ang iyong nakasanayan. 16 years old palang ako nang magsimula na ako sa bisyo ng paninigarilyo at ngayon ay 28 years old na ako. Sa kaunaunahang pagkakataon ay sinubukan kung alisin ang bisyo na ito sa aking sarili upang maisama ko sya sa aking panata taon taon sa tuwing papasok ang kwarisma sa aming mga katoliko.

Karamihan sa aking mga nakikilala at nagiging bahagi ng aking buhay ay ayaw sa katulad kong malakas manigarilyo ginagawa ko ito ngayon hindi para balikan nila ako kundi para narin sa sarili ko at sa panata ko. Unang araw nang aking pagtigil sa  bisyo na ito para akong inalisan ng isang gawain na hindi ko nakasanayan na hindi gawin. Mahirap at hindi ko kaya, kaya naman ay humithit parin ako ng isa at naging dalawa. Sakatulad ko na nakakaubos ng isang kaha sa loob ng isang araw ay sapat na yun upang paunti unti ko syang kalimutan. sumunod na araw humithit ako ng isa at doon ako nakaramdam ng pagkahilo. Ngayon hindi ko man biglaang inaalis ang sigarilyo sa akin pero kahit papaano ay isang beses isang araw upang hindi naman agad mabigla ang aking katawan. Pag nakasanayan ko na ang bisyo na ito na wala sa buhay ko masasabi ko ng 100% free na ako sa paninigarilyo. Unti unti ko na syang nakakalimutan at di na ako sumisindi ng isa pa pag katapos ng isa. Mahirap nga pag biglaan.

Ang pag alis ng bisyo (sigarilyo) sa sarili mo ng biglaan ay parang pag ibig na pilit tinatalikuran, mahirap sa umpisa pero pag nakasanayan na Ok lang pala na wala na sya. 

xoxo