Category Archives: Hugot

Lessons learned from my Ex(es) 


*Forgiveness.

If you hurt someone from the past, Please forgive your self. If you hurt, Please try to understand. Intindihin mo s’ya at patawarin this is not about Him/Her, Magptawad ka kahit ikaw ang nasaktan. Dahil ang unang magpatawad ang siyang unang nagiging masaya. If you hold those grudges you will never be happy in your life. Forgiveness is enough and please don’t try to be part of His/Her life again. Never again. 

*Don’t care too much.



It is okay to care someone from your past but don’t let your self in pain again. Okay lang naman na mag alala ka pero mag iingat ka dahil magkaiba ang pag aalala sa kaibigan kaysa pag alala dahil mahal mo pa s’ya. Never ever allow your self to care too much to the point that theres nothing left from you, because you wouldn’t know if He/She care the way that you do.  

*How are you is enough.

 
If you are trying to be friend/s again to your ex please be mindful that “How are you” is better than “I love you”. Don’t try to be in His/Her life again. Yes! Second chances is still in the topic but remember He/She is not the same person as before. Lot of changes and theres a lot of painful memories that you need to re-consider. Again don’t be fool from your own mistakes. 

*I’m okay.



You should be okay always. Wear better and love better. H’wag mong ipakita na naging miserable ang buhay mo pagkatapos nya. Magmumukha ka lang kawawa. Show to His/Her that you get better and better after the break up. You are now independent from your own choices. You are better to His/Her present. Let the world realize that you are worthy enough. You are in your own world after living together in a world of lies. 

*Say Thank you.

Have courage to say thank you from your past. You’ve learned a lot. Those learnings are the reasons of a new version of you. You should never do the same mistakes again. You are wise and independent. Now you know how to play a game. You know what kind of cards that you need to show. Be thankful to His/Her because your past relationship/s is one of the biggest lessons of your life. We commit mistakes, always. Hating them is not always the answer to move on. That’s not the right thing to do. Hating someone is a waste of time in a things that you will never have again. 

H’wag kang mapagod at matakot magmahal muli. Dahil ang katapusan ng lahat nang bagay ay may simula. Hindi natatapos ang pag ikot ng mundo sa isang sakit o pagkakamali na nagawa mo. Nasasaktan tayo dahil hindi mo na mababalik ang dati. Umiiyak tayo hindi dahil sa sakit na naranasan natin kundi dahil sa mga masasayang pangyayari noong nagpapakatanga ka pa sa kanya. Hindi mali ang magmahal lalong hindi mali ang mahalin s’ya, ang tanging mali lang ay ang napaniwala ka nya na mahal ka at ikaw lang at wala ng iba pa.

xoxo

Forgiveness- The past does not dictate the future unless you let it.


Entering a year full of blessings is a sign that I know, I totally forgive the past. It’s been 2 years and a month when we both decided to become strangers. As years gone by, I heard a lot of stories about you. To be honest, every-time that I had a chance to hear stories about you, the memories from the past repeatedly runs in my mind. The pain, the tears that I’ve shed, and the day that you left. 

Today, we are in a different time. All wounds were Healed already. We learned how to forgive, we learn to embrace each other and we accept the challenge to smile together. The true happiness will come when you let go of the hurt that’s holding you back. We both matured now….I guess? 

I am thankful now that I know we all move on from the past. Masaya pala iyong nakikita mo ang mga mali mo at pagkakamali nila na tinatawanan nyo na lang. Wala  mangyayari kong panghahawakan parin natin hanggang ngayon ang galit ng nakaraan. 

To be honest even though I’m the one who initiated this moment, I’ve got butterflies in my stomach. I have a cold sweat running on my head down to my neck. My heart beats fast because I don’t know what’s happening at this moment. Iyong kaba na hindi mo pwedeng ipahalata sa kanila. Na akala mo ngayon lang ‘yong kahapon. 

Masaya ang pagkikita puno nang kwentuhan ng kahapon at mga nakalipas na nagbigay sa amin ng leksyon. Masarap magpatawad lalo na kong ang pagpapatawad ay bukal sa loob mo at bukal mong tinanggap na walang halong panghihinayang. Ngayon haharapin natin ang bagong kabanata nang ating buhay. Siguro hindi natin alam kong maibabalik pa natin ang dati, Iyong dati na tayo, kayo na sabay na nangangarap sa bawat bukas na darating. Bahala na ang tadhana ang magtakda kong sa huli ay maari pang mangyari ang mga bagay na naudlot ng panahon. Hindi man Fairy tale ang kwento natin pero pra syang kwento na pwede nating ihalintulad dito, Happily ever after.

Anger makes you smaller, while forgiveness forces you to grow beyond what you were.”

Kong ngayon ang simula


Minsan iniisip ko na lang na kong ngayon ba ang noon mapapansin mo kaya ako? Kong kasing lamig ba nang hangin ang sampung taong lumipas maakap pa kaya kita? Naalala mo pa lahat ng simula na meron tayo. Simula mo na tinapos ko. Iyong mga kamay mo na humahaplos sa palad ko. Gusto ko ang noon mo, gusto ko yung dating tayo na alam kong mahirap ng pantayan. 

Mata mo na parang nagungusap at nagmamakaawa dahil sa pagmamahal na kailangan nating panindigan. Pagmamahal na tinapos ko na walang sabi at pagmamahal mo na una, na inilagay ko sa huli. Naalala  mo pa ba nang una kitang masilayan. Sa pila na puno ng tanong kong pwede bang ikaw ay aking makilala. Pila na walang kasiguraduhan kong ako ba ang mauuna o ikaw dahil sa hindi mo naman ako kilala. Tinitigan kita sa malayo na parang ang mga mata mo ay naguudyok na ikaw ay aking lapitan. Nagtagpo ang ating mata na kunwari hindi kita sinisinta. 

Nagkita tayo sa di inaasahang pagkakataon. Nagsalubong ulit ang ating mga mata, mga mata natin na parang nangulila sa isa’t isa. Nakita kita sa ‘di kalayuan at nakita mo rin ako na alam mong ikaw ay aking lalapitan. Iniwasan mo ako ng tingin na kunwari ay hindi napansin. Mula sa likod mo ay hinaplos kita upang ako ay iyong lingunin. Tanging Kumusta sa isa’t isa ang ating nasambit na parang ang noon na sampung taon ay araw lang ang binilang ng hindi kita nakapiling. Malaki ang pinagbago mo. Malaki at nag iba buhat nang una kitang makita. Pero ang mga mata mo ay katulad parin noong tayong dalawa. Kumikinang sa pag asa na baka sakali ay meron pa.

Natakot akong tanungin ka ng isang tanong na ang sagot ay bahala na. Natakot akong akapin ka baka sakali ikaw ay tuluyan ng nag iba. Muli tayong nagkita doon sa luma kong saan kita muling nasilayan. Inari natin ang gabi na tila tayo lang. Nasundan ng pailang pagkikita na para bang ibinibigay natin ang mga pagkukulang noong tayo pa.

Habang ako ay iyong akap at nilalabanan ang lamig, tila may ibinulong ang hangin na ang sambit ay kong may gusto ba ako sa iyo? Humarap ako at  nangusap at sinabi kong matagal na tayong nagkagustuhan at ang tanong dapat ay kong mahal pa ba natin ang isa’t isa. Tumahimik ang paligid hanggang sa tuluyan tayong nakatulog ng mahimbing.

Kong ngayon ang simula makikilala ba kita? Kong ngayon ang simula maaakap ba kita? Ngayon ang simula ng katapusan nang ating pagkikita. Para akong magnanakaw na inaari ang pag aari ng iba. Para akong bata na takam na takam sa bawat kong nakikita. Kong ngayon ang simula mamahalin din kita gaya nang pagmamahal mo noon nang una mo akong nakita.
Kong ngayon ang simula maaring ayoko ng tapusin pa.
xoxo

Romblon Travel: Love beyond expectations 


Share your love story.. Hahaha Naku ewan wala naman akong Isi-share na love stories, ewan ko ba bakit ganto ang title ng blog ko sino ba kasi ang nagbabasa nito. Ganito kasi iyon.

Sabi nga sa pelikula “Wala namang magbibilang kong ilang beses kang nasaktan”  pwes mali sila binibilang ko kaya LOL. Anyway my travel in Romblon was one of the most memorable experience for me this year. Biruin mo iyon dito ako nagsimulang mag aral at natutong magsulat at halos ng kabataan ko ay nabuo sa probinsyang to.


Ang saya diba yung mga simpleng bagay at laro okay na at masaya kana. Taguan, Patintero pati ang paghahabulan sa malawak na damuhan. Simple lang ang buhay noon diba kahit mga laro noon ay napaka simple lang din.



Kilala ang probinsya ng Romblon sa pangunahing produkto nito na marmol. Bukod sa pangingisda isa sa mga ikinabubuhay nang mga romblanon ay ang pag gawa at pag ukit ng ibat- ibang klaseng imahe na yari sa marmol. 

Maliit lang ang aming probinsya na mayroong tatlong malalaking pulo ang Tablas kong saan matatagpuan ang lokal na paliparan ng probinsya, Romblon ang sentro ng Romblon kong saan pangingisda at pag ukit ng marmol ang pangunahing ikinabubuhay at ang Sibuyan na kong saan matatagpuan ang Mt. Guiting-Guiting at mga dekalidad na talon. Lumaki at nagkaisip ako sa bayan ng Romblon kong saan dito ako nagsimulang mag aral at natutunan ang responsibilidad ng isang pribinsyano. Tagalog at bisaya ang mga pangunahing dialekto ng bayan namin. 


Simple lang ang pamumuhay dito basta mairaos mo lang ang maghapon ay sapat na sa mga pamilya na naninirahan sa aming Probinsya. Malayo sa modernong kultura ng maynila. Palibhasa napapaligiran kami ng tubig kaya naman madali sa mga taga rito ang matutong mangisda at palibhasa bundok ang aming bayan kaya ang iba ang pagsasaka ang ininabubuhay. 


Nagbalik sa aking mga ala ala ang pamumuhay namin noon. Isang kahig isang tuka ang nararanasan namin. Walang modernong kagamitan na maglilibang sa amin kaya naman ang paglalaro sa kalsada at sa tabing dagat ang aming kinalakihan. Lumaki kami na malayo sa kultura na aming nakagisnan dito sa maynila. Walang kuryente na magbibigay liwanag sa gabi namin habang nag aaral. Walang Electric fan ang ang magpapagaan sa aming pakiramdamat halos lahat ng simpleng pamumuhay at naipamulat sa amin. Pagmamahal sa mga kapitbahay na kahit hindi mo ka ano ano at tatawagin mong anti at angkol tanda yan nang pag galang sa kanila.



Sa gabi naman ay masisinagan ng liwanag ng parola ang aming munting bahay. Akala mo tuloy isang liwanag na nagmumula sa kong saan. 

Masarap na mahirap ang pamumuhay dito. Sa bayan na ito dinko naranasan ang masaktan sa pag ibig at hindi ko naranasan ang paasahin dahil sa simpleng buhay na meron kami dito. haha humuhugot ako LOL. 

Magaganda din ang mga beach dito namaihahalalitulad sa mga kilalang beach sa bansa natin. Nandito rin ang isa sa pinakamasayang pista sa buong bansa. 

VIDEO: Biniray Festival

​​

Romblon, Akala ko hindi ako mabibighani na sa ganda ng probinsya namin pero nagkamali ako dahil mas pinahalagahan ko pa ang bayan namin na halos dalawampung taon na hindi ko nakitabat nabisita. Mula Batmgas Pier ay 8 oras bago mo marating ang bayan namin lulan ng barko (2go). Masaya at kalmado ang akong byahe ptungo sa bayan na mamahalin ko habang buhay. 

Fin

May KOTA ba sa pag ibig?


Sa mahigit sa pitong bilyong tao sa mundo tiyak daw na may para sa iyo, kahit pa nasa magkabilang dulo kayo ng daigdig kong para kayo sa isa’t isa eh di kayo talaga. Sa bawat taong nagmamahal may tao ding nasasaktan. Na sa bawat minamahal mo ay may nagmamahal din naman sa iyo. Na kahit sa magkabilang dulo nang mundo ay magkatalikod kayo, panigurado magtatagpo din ang landas nyo. 

Sa bawat taong nagiging masaya ay may isang tao naman na tuloy parin sa pagasa. May Kota ba talaga ang taong umiibig? Iyong naging masaya ka ngayon dahil sa ilang bilyong tao ay may nakilala ka at may nagpatibok ng puso mo. Pero hindi parin pala sya ang taong makakatuluyan mo. 

Mabuti pa ang tambay sa kanto hindi iniisip kong sino ang makakapareha nya. Nakita mo ba iyong taong grasa na namamalimos? iniisip din kaya nya kong sino ang para sa kanya. Iyong nanay at tatay mo naisip mo ba o natanong mo ba sa kanila kung ilang beses silang sumubok bago nila nakilala ang isa’t isa. Nakaabot kaya sila sa kota? o sadyang nakuntento na lang sila sa bawat isa. 

Naisip ko lang habang nakahalukipkip ang aking mga kamay, naabot ko na ba ang kota sa pag ibig? Kong OO ang sagot maari ay dumating na sya pero napakawalan ko pa o maari na wala talagang nakatakda para sa akin. Kung HINDI naman ang sagot, ilang beses pa akong susubok para malaman kong tama na at naka kota na ako.
 Sinubukan ko na nga yata ang red string na sinasabi nila. Pati ang pulang sinulid nang lola ko na nakatabi sa lata ng biskwit ay nasubukan ko na ring abutin ang dulo pero ayon nagkabuhol buhol lang at napingot pa ako sa tenga ni felomina. 

Kong talagang may kota ang pag ibig eh di para kang isang ahente na naghahabol nang benta? na kong hindi mo maabot ang kita ay malamang matanggal ka. Saklap naman na walang nakakaalam sa atin kong naabot na ba natin ang kota ng pag ibig. 
Sa ilang bilyong tao sa mundo sadya ba talagang may kapareha tayo? ano kaya ang kasarian nya? makakapili ka ba para lang maabot mo ang tinatawag nilang kota o sadyang darating sya sayo. 
Minsan habang pinagmamasdan ko ang bawat pasahero sa MRT naiisip ko isa ba sa kanila ang magsasabi sa akin na “Its over” o magsasabi sa akin na “tama na ako na ang kota mo”. Si kuya ba na nakasandal sa pintuan ng tren, pero hindi sya ang tipo ko! Si ate ba na ang pustura ay parang payaso sa isang kilalang kainan, pero ayoko sa kanya. Si manong ba? Na sumisingaw ang amoy nang maghapong pagtatrabaho sa tirik na araw, pero teka matanda sya sa akin na halos doble ng edad ko. Pero teka! may pinipili bang edad ang pag ibig.
 
Sa dinami dami ng dumaan sa iyo malamang naabot mo na ang kota. Paano pa kaya ang mga tao na magpa hanggang ngayon ay hindi pa nagsisimulang magbilang para sa kanilang hahabulin na kota. Tatanda na lang ba silang mag isa o napagod na sila sa paghahabol dahil kahit isa ay hindi nila naabot ang umpisa nang tinatawag nilang kota.

Sige na nga bahala na kong makailan tayo ang mahalaga ay wala namang nagbabawal kong sino at kong para kanino tayo. Wala namang kota ang taong umiibig diba? Hindi mo kailangan lagyan ng limitasyon ang puso mo. Hindi mo pwedeng sabihin na tama na at ayaw mo na. Walang kota sa taong hindi takot sumubok magmahal. Iyong tao na kahit ilang beses ng nasaktan sige parin. Iyong tao na “Nagmahal, Nasaktan, Naka jackpot”. Hanggang dito na lang baka sakaling maka kota na ako.

fin

What if?


Ang daming tanong kong bakit? para saan? at bakit hindi? What if nga? What if maging tayo? Bakit may what if sa bawat tanong kong pwede namang sabihin na Tayo na? o pwede namang sabihing mahal kita, pero ang tanong paano tayo magsisimula. 

Magulo diba? What if maging tayo at magtapos sa salitang hindi pala kita gusto. What if kong hindi ikaw ang nagustohan ko? Magsisimula tayo sa unang tingin at sa unang sulyap nang ating mga mata ay may mararamdamang kakaiba ngunit subalit ay magtatapos tayo sa sulyap na para bang hindi tayo nagkakilala. What if hindi ikaw ang nagustohan ko, aasa kaya ako nang ganito. Aasa ba ako na maging tayo at aasa ba ako na what if gusto mo din pala ako. Hanggang What if na lang ba ang nararamdaman ko? O susuyoin kita na para bang walang magbabago.
Bakit ba mahirap magmahal ang taong labis na nasaktan? What if hindi ka nasaktan, mamahalin mo ba ako kagaya ng pagmamahal mo sa kanya? Mahirap umasa sa taong maraming What if sa buhay. What if masaktan ako? What if hindi mag work, What if hindi pala kita gusto at what if hindi naman pala ito totoo. Alinlangan nang isang tao na takot sumubok sa tinitibok ng kanyang kapalaran. 
Mag uumpisa tayo sa simula at magtatapos tayo sa hangganan, kung saan ang mga tanong at alinlangan mo ay aking papawiin. What if ako pala ang hinihintay mo nang kay tagal pero what if umaasa lang ako sa wala, sa walang makakapagsabi kong bakit What if nga?

fin

Doon sa lugar na may Tayo -“Tadhana”


Mayroon akong kwento. Kwento ng bawat lumang larawan na iginuguhit ng aking gunita. Sa bawat ala-ala ng nakalipas na kahapon at ang bawat letrang ibinigkas ng panahon. Isang mahabang byahe sa paghahanap ng sakit nakailanman ay babaon sa ilalim ng aking ala-ala.

 

Ang byahe sa pag hahanap sa tadhana ay parang byahe sa paghahanap sa nawawalang pag asa. Inuukit sa bawat kalsadang dinaraanan at iginuguhit nang bawat tanawing nagmimistulang ipininta sa aking panaginip. Sa paglalakbay ng hindi ko alam kong paano at saan patungo.

 

Sa sinasakyan ko na tumitigil ay may nagbabagong damdamin. Damdamin na isinulat sa papel na ang tanging tinta ay dugo na pumapatak sa aking kaisipan. Sa bawat ala- ala na bumabalik sa mga panahong kita ay kasama pa. Sa bawat masayang ala ala ng una kitang nakilala at sa huling ala ala ng ikaw ay mag paalam na.

 

Ang bawat tula na binibigkas ko ay pilit kong nilalapatan ng tono. Ang bawat tula na naiisip ko ay iba’t-ibang letra na naghahalo halo sa aking kamalayan na ang tanging destinasyon ko ay ang sakit ng iyong tuluyang paglayo. Dadayo ako sa isang sulok ng mundo na ang nakakaalam lang ay ang mga pusong bigo. Isang linya ng tula ang aking nabuo na kung sakaling masumpungan kita sa tadhana na ipinangako, ito lang ang kaya kong i-ako.

 

“Hindi ako na ngangako na kong magkakaroon ulit ng TAYO ay kaya kong ibigay ang bituin. Hindi ko mapapangako ang sukdulan ng kinang nito dahil isa ka sa mga bituin na gusto ko ulit abutin. Ayokong nang ipangako ang araw at gabi dahil ang makita ka sa umaga ay sapat na at ang mahagkan ka sa gabi ay kalabisan na. Ayokong ipangako na ikaw ay pakasalan sa lahat ng simbahan, dahil ang pagharap at pag sumpa sa kanya ay sapat na upang dalhin kita sa Dambana ng aking pagsinta.”

Sana sa tagpuan nang doon at dito ay Makita ko ang dating saya na iyong itinago. Sa paglalakbay ko sa pagitan ng bundok at sa pagitan ng mga luntiang puno, sana Makita ko kong ano ang iyong itinago. Hawak ko ang lumang larawan noong una kitang masumpungan. Sa burol na kung saan ay pwede mong isigaw ang sakit na iyong naranasan. Sa burol na kung saan ay pwede mong pakawalan ang bigat ng iyong nararamdaman, Kasabay ng bukang liwayway na sumisibol sa silangan.

 

Kahit ilang milya pa ang lakarin ko at kahit gaano man Katarik ang akyatin ko ay hindi iyan sasapat upang sukatin mo kong gaano kalabis ang pagkagusto ko. Kahit ilang awit pa ang aking awitin at ilang musika pa ang aking marinig; tanging liriko ng tayo ang nais kong makamit.  Doon sa musika ng tayo, doon tayo magpakatotoo. Nang sabihin mong ayaw mo, nakinig ako at tumalima sa kagustuhan mo; pero ng marinig ko na may kayo ay biglang nagbago ang tiklado ng piano. Nang malaman ko na kayo pala ay agad kong binago ang dating musika ng puso ko. Ang dating nasa tono ay dagliang naging sintunado dahil sa liriko na binigkas mo na hindi ko mailapat sa bawat salita mo.

 

Doon sa musika ng tayo ay unti unting naglamlam ang pagnanasa ko na kong pwede ba ay maging tayo. Sa tadhana na ngayon ay unti unti ng nagbago dahil sa taglay nitong pagbabago. Ihatid mo ako sa dati kong saan ang istasyon ng simula ay naroroon. Hayaan mo akong talikuran ka at kalimutan ang pangako mo na tayo sa paraiso ng tadhana.

Doon sa musika ng tayo


Pag – ibig na parang tula na isinulat na para sa kanya pero ang nagbasa ay iba. Magulo diba? parang pagiisip nya na sadyang hindi mo alam kong titigil ka na ba o magpapatuloy  pa.

Sa iyong bawat pagtigil ay may nagbabagong damdamin. Damdamin na isinulat sa papel gamit ang plumang pilit hinahanapan ng pang bura. Inihulma sa luad at pinatuyo sa araw. Paghugis na perpekto pero pilit binabago ng panahon. 

Ang pag – ibig na naramdaman ko ay nasa sukdulan ng TAYO, pero pinigilan ko dahil sa kanilang payo. Parang musika sa bawat pagtipa ng gitara,  Kahit wala sa tyempo at tono pinipilit ko paring sinasabayan. Parang larong basketball Na sa bawat pag silbato alam ko may pagkakamali ako; Pagkakamali ng magkagusto sa kagaya mo na alam ko na hindi babaling ang puso mo sa salitang TAYO.

Hindi ako na ngangako na kong magkakaroon ng TAYO ay kaya kong ibigay ang bituin. Hindi ko ipapangako ang sukdulan ng kinang nito dahil isa ka sa mga bituin na aabutin ko. Ayokong ipangako ang araw at gabi dahil ang makita ka sa umaga ay sapat na at ang mahagkan ka sa gabi ay kalabisan na. Ayokong ipangako na ikaw ay pakasalan sa lahat ng simbahan, dahil ang pagharap at pag sumpa sa kanya ay sapat na upang dalhin kita sa Iglesia nang aking pagsinta. 

Ayokong mangako ng isang  talata na kahit anong gawin kong pagkanta ay sintunado parin ako sa iyong tenga. Ayokong sumigaw sa sagada kong sakaling walang TAYO, dahil ang pag alingaw-ngaw ng boses ko ay naririnig parin diyan sa puso mo. 

Kahit ilang milya pa ang lakarin ko at kahit gaano man kalalim ang languyin ko ay hindi iyan sasapat upang sukatin mo kong gaano kalabis ang pagkagusto ko. Kahit ilang awit pa ang aking awitin at ilang musika pa ang aking marinig; tanging liriko ng tayo ang nais kong makamit.  Doon sa musika ng tayo doon tayo magpakatotoo. Nang sabihin mong ayaw mo, nakinig ako at tumalima sa kagustuhan mo; pero ng marinig ko na may kayo ay biglang nagbago ang tiklado ng piano. Nang malaman ko na kayo pala ay agad kong binago ang dating musika ng puso ko. Ang dating nasa tono ay dagliang naging sintunado dahil sa liriko na binigkas mo na hindi ko mailapat sa bawat salita mo.

Doon sa musika ng tayo ay unti unting naglamlam ang pagnanasa ko na kong pwede ba ay maging tayo.

cC to Daniel De sousza

Noong minsan may TAYO


Masaya tayo na nagtatawanan nagbibiroan at niyayapos ang sandaling magkasama. Noong minsan ay may tayo, pinangako mo na ikaw lang at ako doon sa sa upuan kong saan tayo unang nagtagpo.

Pinangako mo ang mga salitang “Mahal mo ako” at napaniwalang ito ay totoo. Habang binibigkas mo sa mga labi mo ang mga katagang pangako ko, ay para akong isang kahoy na ipinako mo sa kinatatayuan ko.

Binuhos mo ang kilig sa katawan ko na para bang ikaw ang una at huling taong mamahalin ko. Mahal kita! yan ang binitawan mo habang ang mga mata mo ay nakatitig sa mga mata ko. Nakatitig ang mga mata mo na parang Tala na nagbigay liwanag sa puso ko. Nakita ko ang katotohanan at pagsusumamo mo na kahit bulag itong puso ko ay naramdaman ko naman ang mga katagang sinasambit mo, Tumatagos ang bawat linya na binibigkas mo. Linya na dumadaloy sa dugo ko patungo sa puso ko  at ang puso ko ay ibinubuga ito kasabay ng pagtibok nito.

Noong minsan ay may tayo, gumawa ako ng isang tula na ang bawat talata ay binibigkas ko na may saya at lambing. Lambing ng isang nagmamahal at nabubulag sa pagmamahal. Gumawa ako ng tula upang ipakita sa iyo na kahit ang mga tala ay kumikinang sa kinatatayoan mo. Liwanag ang nakikita ko dahil sa pagkakataong iyon nabulag ako sa liwanag na inihatid nito.

Pinakilig mo ako na parang isang halaman na ngayon lang nadiligan. Pinaramdam mo ang salitang tayo sa maraming tao na kahit ang mga mata nila ay nanlilisik sa panghuhusga ng makita nila ang dalawang lalake na naghahawak kamay na hindi alintana ang mga taong akala mo ay nakasutana. Hinawakan mo ang mga kamay ko kasabay sa paghigpit nito na ang pangakong ngayon ay tayo ay hindi magbabago.

Pero Natapos ang minsan na may tayo ng makita kita sa parehong lugar na may pinapangakuan at inaalayan ng parehong pagmamahal na iyong ibinigay noong unang maging tayo. Naramdaman ko ang kab0g ng dibdib ko. Kumakabog sa kaba at lungkot na ang dating linya na binabangit mo ay unti unting nanunuot sa puso ko. Linya ng pagmamahal na ngayon ay gumuguhit at nagdadala ng sakit sa puso ko.

Tumayo ako sa di kalayuan habang kayo ay pinagmamasdan. Nakangiti ka sa kanya gaya ng mga ngiti na iyong ibinigay noong unang maging tayo. Naramdaman ko ang lungkot at poot ng makita kitang hinawakan ang kanyang mga kamay gaya ng paghawak mo sa aking mga kamay noong minsan ay may tayo. Nakita ko ang saya sa labi at mga mata mo habang kinakausap mo sya at nakatitig ka sa mga mata nya.

Lumakad ako papalapit sa inyo upang malaman mo na ako ay nandirito, na handang patawarin ang kamalian mo. Pinilit kong kausapin ka upang ibalik ang salitang TAYO, pero mas pinili mo ang bago mo, na kapareho lang halos ng pagmamahal na ipinakita mo noong minsan ay may salitang TAYO.

Lumakad kayo papalayo sa akin. unti unting nawawala sa paningin ko na halos hindi na matanaw ng mga mata ko. Habang dating tala na meron ako ay unti unting nawawala ang kinang nito. Sabay sa paglayo nyo ay ang pagbuhos ng ulan na para bang sinabayan ang pagbagsak ng luha ko. Lumakad akong nakayoko upang hindi makita ng mga tao ang sakit na meron ako, Sakit na dulot ng mga salitang binitawan mo noong minsan ay may Tayo.

Natapos na ang minsan ay may tayo. Nakita kitang nakatayo sa harapan ko. Malungkot at lumuluha.Ang dating tala na napundi ang liwanag ay unti unting kumikislap.  Inakap mo ako at umiyak dahil nasaktan ka sa pagpili sa kanya. Nasaktan ka ng iwanan ka nya na ang pangako na ginawa mo sa akin noon ay ginawa nya sa iyo pero sa huli ay minsan lang din na may Kayo. Ang tala ko na akala ko ay ptuloy na sa pagkinang ay tuluyan ng naglamlam.

Inakap kita nang sobrang higpit, Inakap kita na may kasamang tayo na lang ulit. Pero ang mga akap mo ay akap nang sakit na naramdaman mo sa taong minahal mo. Inakap mo ako upang damayan ka, hindi upang mahalin ako. Binitawan na kita upang mahalin sya at kahit masakit na hindi na pala pwede talaga ay pinilit ko na talikuran ka. Ngumiti ako sayo at ngumiti ka rin sa akin tanda na tayo ay magkaibigan na.

Tinalikuran kita gaya ng pagtalikod mo sa mga pangako mo. Tinalikuran kita habang ako ay lumuluha, Tinalikuran kita habang ang bawat salita na lumalabas sa aking puso ay sobrang sakit na. Mga salitang umasa ako na baka pwede pa?

Sana tayo na lang ulit, Sana ako na lang ulit. Pero hindi ko naramdaman yan sa mga akap mo. Dahil ang naramdaman  ko ay ang sakit na naranasan mo ng ikaw naman ay iwan ng taong totoong minamahal mo. Lumayo na ako sa iyo upang iparamdam na OKAY na ako. Pinaubaya na pala kita matagal na. At sa wakas binitawan ko na ang pag asang sana ay may tayo ulit. Sa huli, paalam sa unang tao na nagbigay ng salitang TAYO.
~fin

The one sided love


“Tell My Heart To Stop Beating, Tell My Mind To Stop Thinking, Throw A Stone In The Ocean And Tell It To Stop Sinking, Tell The Sky Not To Be So Blue, Well Its Like Telling Me NOT To Be In Love With You.”


Lahat naman tayo ay nagkakaroon ng pagkakataon na magmahal sa isang tao na hindi naman tayo kayang mahalin o iyong bang magkagusto sa tao na hindi tayo gusto? Sino ba kasi nagsabi na kapag nagmahal ka o nagkagusto ka ay automatic na magugustuhan ka at mamahalin ka din nya. Wala namang rules diba? Ganyan ang Pag-ibig pag malaki kang tumaya, malamang malaki din ang mawawala sa iyo kapag natalo ka.

The one sided love/Like/Crushes, diba nga?ang hirap nang ganitong sitwasyon. Kong kailan sobrang tagal mong pinahilom ang sugat mo doon naman muling magtutuklap ang langib nito. Kong kailan handa ka nang magmahal, may dumadating naman sa iyo na kabaliktaran ng nararamdaman mo. Hirap kontrolin ng tadhana. Napakahirap iwasan ang palaso ni kupido, kahit anong ilag mo talaga namang sapol na sapol ka kapag pinana ka nito. 

Kilig, ayan na naman s’ya akala lang natin na kapag nagmahal tayo ay parang may paru paro sa tiyan mo. Akala mo lang iyon, Parang love nya. Inakala mo na gusto ka rin nya dahil sa bawat text o message mo ay may sagot sya. Akala mo lang kasi dahil kinikilig ka. Pinakikilig ka ng isang kasinungalingan na aasa ka sa wala. Pero diba ang sarap sa pakiramdam na gusto mo sya at iyong feeling mo nagusto ka rin nya. Isang message  nya ang sagot mo naman parang talambuhay mo na. Hindi mo naman masisisi diba kasi nga kinikilig ka sa isang pag asang kinikilig din siy sa iyo.

Let me, Hayaan mo lang ako na gustohin ka kasi hindi naman ito pang matagalan. Sakyan mo lang ang bawat kilig ko at magpanggap ka  na gusto mo rin ako. Sabihin mo na mahal mo rin ako kahit kasinungalingan lang pra maramdaman ko na gigising akong may ngiti sa mga labi ko. Hayaan mo lang akong paglaruan ako ng tadhana kasi sanay naman ako na ako lang ng ako ang nagmamahal. Hello sa dinami dami na siguro ng dumaan sa buhay pag ibig natin pwede na siguro tayong magsulat ng isang libro na may pamagat na;  Paano magmahal ang isang tanga.



Move on, Wow sa one sided love mo mararamdaman ang pinaka masakit at mahirap na pag mo-move on. Aabante ka at lilimutin ang lahat ng ganoon na lang dahil hindi ka nya mahal. Hirap mag move on pag ganon. Iba-validate mo ang nararamdaman nya para masabi mong minahal ka rin nya. Torture ang tawag doon, dahil para kang kumukuka ng balaraw na itatarak mo dyan sa puso mong gula-gulanit na. Ang paghahanap ng taong mamahalin mo ay parang ulan sa disyerto, madalang.

It’s not you, It’s me, pinaka gamit na linya sa lahat tuwing makikipag break ka o hihiwalayan ka. Sa bagay wala namang madali kapag nagmahal ka at lalong hindi madali pag nagmahal ka ng hindi ka mahal. Teka maswerte ka kong hindi pa nagamit ang word na iyan sayo. Madalas gamitin yan ng mga taong ayaw ng mahabang paliwanagan iyon bang nagiguilty sila sa ginawa nila. Depensa nila yan para hindi ka masaktan kunwari kasalanan nila pero OO kasalanan nila hindi lang nila masabi ng deretso na hindi na sila interisado sayo. Oo sinasabi nya yan para hindi ka na umasa pa. Sakit nuh?? Okay lang yan! Kong hindi mo pa naririnig yan kahit kailan ang swerte mo dahil malamang ikaw ang madalas magsabi ng mga salitang it’s not you, It’s me.




-FIN