Category Archives: ALDUB

Doon sa musika ng tayo


Pag – ibig na parang tula na isinulat na para sa kanya pero ang nagbasa ay iba. Magulo diba? parang pagiisip nya na sadyang hindi mo alam kong titigil ka na ba o magpapatuloy  pa.

Sa iyong bawat pagtigil ay may nagbabagong damdamin. Damdamin na isinulat sa papel gamit ang plumang pilit hinahanapan ng pang bura. Inihulma sa luad at pinatuyo sa araw. Paghugis na perpekto pero pilit binabago ng panahon. 

Ang pag – ibig na naramdaman ko ay nasa sukdulan ng TAYO, pero pinigilan ko dahil sa kanilang payo. Parang musika sa bawat pagtipa ng gitara,  Kahit wala sa tyempo at tono pinipilit ko paring sinasabayan. Parang larong basketball Na sa bawat pag silbato alam ko may pagkakamali ako; Pagkakamali ng magkagusto sa kagaya mo na alam ko na hindi babaling ang puso mo sa salitang TAYO.

Hindi ako na ngangako na kong magkakaroon ng TAYO ay kaya kong ibigay ang bituin. Hindi ko ipapangako ang sukdulan ng kinang nito dahil isa ka sa mga bituin na aabutin ko. Ayokong ipangako ang araw at gabi dahil ang makita ka sa umaga ay sapat na at ang mahagkan ka sa gabi ay kalabisan na. Ayokong ipangako na ikaw ay pakasalan sa lahat ng simbahan, dahil ang pagharap at pag sumpa sa kanya ay sapat na upang dalhin kita sa Iglesia nang aking pagsinta. 

Ayokong mangako ng isang  talata na kahit anong gawin kong pagkanta ay sintunado parin ako sa iyong tenga. Ayokong sumigaw sa sagada kong sakaling walang TAYO, dahil ang pag alingaw-ngaw ng boses ko ay naririnig parin diyan sa puso mo. 

Kahit ilang milya pa ang lakarin ko at kahit gaano man kalalim ang languyin ko ay hindi iyan sasapat upang sukatin mo kong gaano kalabis ang pagkagusto ko. Kahit ilang awit pa ang aking awitin at ilang musika pa ang aking marinig; tanging liriko ng tayo ang nais kong makamit.  Doon sa musika ng tayo doon tayo magpakatotoo. Nang sabihin mong ayaw mo, nakinig ako at tumalima sa kagustuhan mo; pero ng marinig ko na may kayo ay biglang nagbago ang tiklado ng piano. Nang malaman ko na kayo pala ay agad kong binago ang dating musika ng puso ko. Ang dating nasa tono ay dagliang naging sintunado dahil sa liriko na binigkas mo na hindi ko mailapat sa bawat salita mo.

Doon sa musika ng tayo ay unti unting naglamlam ang pagnanasa ko na kong pwede ba ay maging tayo.

cC to Daniel De sousza

Advertisements

Noong minsan may TAYO


Masaya tayo na nagtatawanan nagbibiroan at niyayapos ang sandaling magkasama. Noong minsan ay may tayo, pinangako mo na ikaw lang at ako doon sa sa upuan kong saan tayo unang nagtagpo.

Pinangako mo ang mga salitang “Mahal mo ako” at napaniwalang ito ay totoo. Habang binibigkas mo sa mga labi mo ang mga katagang pangako ko, ay para akong isang kahoy na ipinako mo sa kinatatayuan ko.

Binuhos mo ang kilig sa katawan ko na para bang ikaw ang una at huling taong mamahalin ko. Mahal kita! yan ang binitawan mo habang ang mga mata mo ay nakatitig sa mga mata ko. Nakatitig ang mga mata mo na parang Tala na nagbigay liwanag sa puso ko. Nakita ko ang katotohanan at pagsusumamo mo na kahit bulag itong puso ko ay naramdaman ko naman ang mga katagang sinasambit mo, Tumatagos ang bawat linya na binibigkas mo. Linya na dumadaloy sa dugo ko patungo sa puso ko  at ang puso ko ay ibinubuga ito kasabay ng pagtibok nito.

Noong minsan ay may tayo, gumawa ako ng isang tula na ang bawat talata ay binibigkas ko na may saya at lambing. Lambing ng isang nagmamahal at nabubulag sa pagmamahal. Gumawa ako ng tula upang ipakita sa iyo na kahit ang mga tala ay kumikinang sa kinatatayoan mo. Liwanag ang nakikita ko dahil sa pagkakataong iyon nabulag ako sa liwanag na inihatid nito.

Pinakilig mo ako na parang isang halaman na ngayon lang nadiligan. Pinaramdam mo ang salitang tayo sa maraming tao na kahit ang mga mata nila ay nanlilisik sa panghuhusga ng makita nila ang dalawang lalake na naghahawak kamay na hindi alintana ang mga taong akala mo ay nakasutana. Hinawakan mo ang mga kamay ko kasabay sa paghigpit nito na ang pangakong ngayon ay tayo ay hindi magbabago.

Pero Natapos ang minsan na may tayo ng makita kita sa parehong lugar na may pinapangakuan at inaalayan ng parehong pagmamahal na iyong ibinigay noong unang maging tayo. Naramdaman ko ang kab0g ng dibdib ko. Kumakabog sa kaba at lungkot na ang dating linya na binabangit mo ay unti unting nanunuot sa puso ko. Linya ng pagmamahal na ngayon ay gumuguhit at nagdadala ng sakit sa puso ko.

Tumayo ako sa di kalayuan habang kayo ay pinagmamasdan. Nakangiti ka sa kanya gaya ng mga ngiti na iyong ibinigay noong unang maging tayo. Naramdaman ko ang lungkot at poot ng makita kitang hinawakan ang kanyang mga kamay gaya ng paghawak mo sa aking mga kamay noong minsan ay may tayo. Nakita ko ang saya sa labi at mga mata mo habang kinakausap mo sya at nakatitig ka sa mga mata nya.

Lumakad ako papalapit sa inyo upang malaman mo na ako ay nandirito, na handang patawarin ang kamalian mo. Pinilit kong kausapin ka upang ibalik ang salitang TAYO, pero mas pinili mo ang bago mo, na kapareho lang halos ng pagmamahal na ipinakita mo noong minsan ay may salitang TAYO.

Lumakad kayo papalayo sa akin. unti unting nawawala sa paningin ko na halos hindi na matanaw ng mga mata ko. Habang dating tala na meron ako ay unti unting nawawala ang kinang nito. Sabay sa paglayo nyo ay ang pagbuhos ng ulan na para bang sinabayan ang pagbagsak ng luha ko. Lumakad akong nakayoko upang hindi makita ng mga tao ang sakit na meron ako, Sakit na dulot ng mga salitang binitawan mo noong minsan ay may Tayo.

Natapos na ang minsan ay may tayo. Nakita kitang nakatayo sa harapan ko. Malungkot at lumuluha.Ang dating tala na napundi ang liwanag ay unti unting kumikislap.  Inakap mo ako at umiyak dahil nasaktan ka sa pagpili sa kanya. Nasaktan ka ng iwanan ka nya na ang pangako na ginawa mo sa akin noon ay ginawa nya sa iyo pero sa huli ay minsan lang din na may Kayo. Ang tala ko na akala ko ay ptuloy na sa pagkinang ay tuluyan ng naglamlam.

Inakap kita nang sobrang higpit, Inakap kita na may kasamang tayo na lang ulit. Pero ang mga akap mo ay akap nang sakit na naramdaman mo sa taong minahal mo. Inakap mo ako upang damayan ka, hindi upang mahalin ako. Binitawan na kita upang mahalin sya at kahit masakit na hindi na pala pwede talaga ay pinilit ko na talikuran ka. Ngumiti ako sayo at ngumiti ka rin sa akin tanda na tayo ay magkaibigan na.

Tinalikuran kita gaya ng pagtalikod mo sa mga pangako mo. Tinalikuran kita habang ako ay lumuluha, Tinalikuran kita habang ang bawat salita na lumalabas sa aking puso ay sobrang sakit na. Mga salitang umasa ako na baka pwede pa?

Sana tayo na lang ulit, Sana ako na lang ulit. Pero hindi ko naramdaman yan sa mga akap mo. Dahil ang naramdaman  ko ay ang sakit na naranasan mo ng ikaw naman ay iwan ng taong totoong minamahal mo. Lumayo na ako sa iyo upang iparamdam na OKAY na ako. Pinaubaya na pala kita matagal na. At sa wakas binitawan ko na ang pag asang sana ay may tayo ulit. Sa huli, paalam sa unang tao na nagbigay ng salitang TAYO.
~fin

Trending: TIPS PARA PANSININ NI CRUSH


 

1. Iwasang maglike sa mismong status at picture. Ilike lang yung mismong reply niya sa mga comment para solo mo ang notification.

2. Kapag nagpost siya ng picture, wag agad ilike. Baka matabunan lang ng ibang likers kapag nakisabay ka. Pakalmahin at pahupain ang sitwasyon. Wag sa peak season. Magcomment 4 hours after.

3. Wag basta ‘Hi’ o ‘hello’ lang. Dapat, “Hi koya. Alam ko mapapansinin mo din ako someday. :D” Lagyan ng ‘someday’ para hindi magmukhang atat.

4. Kapag magfflood likes sa profile niya, palima-lima muna. Wag kang ganid. Bukas naman yung iba para may tira pa. Tandaan, ang kalandian binubudget din.

5. Pero kung gusto mong magpakawalwal sa paglilike dahil sa tindi ng emosyong nadarama mo, dun ka sa instagram feed niya. Mas safe dun kasi walang instagram yung mga tiyahin mo. Walang magjujudge sa’yo na malandi ka…kasi medyo tago.

6. Don’t ever chat like, “Hi. Pwede pong makipagkaibigan?” Ano yun parang nagsosolicite lang sabay abot ng sobre tapos friends na agad? Ang friendship pinag-eefortan yan hindi basta tinatanong lang.

7. Ingatan ang dangal when stalking sa profile niya. Baka aksidente mong ma-like yung picture niyang bakat ang utong ‘posted 4 years ago’ pa. Kalma lang when scrolling.

8. Kapag nagpost siya ng joke, wag “haha” lang. Mukhang napipilitan. Dapat “HAHAHAHAHAHALaplapi­nMoKoHAHAHAHAHAHAHA!­!!!” Gets na niya yun.

9. I-compliment mo na lang yung bagong bili niyang jacket hindi yung puro ka“Musta?”. Isang ice-cold na “Okay lang.” ang isasagot niya. Wala pa siyang balak mag-open up agad sa’yo tungkol sa nawawala nilang tabo.

10. Kapag nagpost siya ng selfie na kumakain o may hawak na pagkain, wag na wag magcomment ng ‘Sarap naman’. Then wala pang tatlong minuto, sabay PM din ng, ‘Sarrrrap naman.’ Wag kame! Alam ng lahat na hindi pagkain yung tinutukoy mo. ‘

11. Wag banatan ng comment na, “Uwi ka na babe. Di na ‘ko galit.” Hindi yan nakakalaki ng dede. Wala siyang pake kung galit ka. Uuwi siya kung kelan niya gusto.

12. Hindi porket nagreply lang sa chat mo, yayayain mo na agad lumabas para magkape. Baka isipin niya nagnenetworking ka. Ang uso ngayon, net-twerking.

13. Wag maging desperada when stalking. Wag mong hayaan ang sarili mong makarating sa proflie niya until the date he started joining FB. Hindi yan pantawid-gutom. Magsaing ka muna.

14. Kapag ginawa mo na ang lahat pero dedma pa din, ichat siya sa huling pagkakataon. Wala kang kailangang sabihin. Wala kang kailangang ipaliwanag. Pakyuhan mo sabay unfriend

 

Disclaimer: Hindi po sa akin galing yan nabasa ko lang. Originaly posted sa Facebook share ko lang sa inyo.

Minsan May Tag ulan


Lumalamig na naman ang hangin na dumadampi sa pisngi ko. Mukhang isang malakas na ulan ang nagbabadyang bumagsak kasabay ng malamig na hangin na dala nito. Kita ko ang mga dahon na sumasayaw dahil sa ihip ng hangin na dulot nito. Kita ko rin ang mga ibon na lumilipad dahil naghahanap ng masisilungan.

Naalala ko bigla ang mga panahon na sa tuwing bumabagsak ang ulan ay kasama kitang pinagmamasdan ang pag dausdos ng tubig sa bintana ng ating pinagsimulan. Nakatitig sa bawat patak nito at dinadamdam ang pagbagsak na parang musika sa ating mga puso.

Naala ko rin pala na tag ulan ng una mong sinabi sa akin na mag ingat ako, mag ingat sa pag uwi dahil alam mo na malakas ang ulan. Nag ingat ako at sinunod ang payo mo. Nag ingat ako na parang iningatan ko rin ang mga pangako mo na tayo hanggang sa sumapit ang tag araw.

Pumapatak na naman ang ulan at bumabalik na naman ang mga nakaraan. Nakatitig ako sa bawat patak nito na bumabagsak sa bubong ng kawalan, dati ay musika ang hatid nito, musika ng romansa at pagmamahal. Pero ngayon ang bawat patak ng ulan ay musika ng pighati at dalamhati. Patak na parang luha noong ikaw ay lumayo. Patak ng ulan na parang kahapon na ayaw ko ng balikan.

Minsan may tag ulan na nag papaalala sa akin ng saya at lungkot. Minsan may tag ulan na sa akin ay nagbibigay ng pagkabagot. Tag ulan na nakipaglaro sa akin. Tag ulan na bumabasa sa katawan ko at sinasabayan ang pag luha ko. Bawat patak ng luha ko na walang nakakakita dahil sa lakas ng ulan na parang ala-ala mo na pilit kong nilalabanan.
Fin

Tindera Serye Part 2: Pabili po!


Hanggang ngayon hindi ko parin makita si ateng hugotera at iyong bumibili na nakakain ata ng sandamakmak na ampalaya. Sinubukan kung gamitin iyong mga hugot lines pero mukhang boom nabarag ako ni ate kanina sa tindahan.

Ako: Ate may Toyo kayo.

Ate: Hoy! umalis ka nga dito baka mainis mo pa ako! kita mo nang madaming bumibili mang aasar kapa! alis!!

Ako: Grabe ka naman sa akin ate, bibili po ako ng toyo, bawang, paminta at suka mag aadobo ako.

Ate: Kru kru kru kru
Pero sa totoo joke lang yan inisip ko lang pero korni no pero dontchawori last na yan LOL. 2016 na marami parin ang hindi maka move on bakit? anong ginawa sa inyo noong nakaraang taon at parang ang saklap lahat ng nangyari at pinagdaanan mo.
Sa tindahan sa RAON sa may quiapo maraming bilihan ng magagandang camera doon. Sinbukan kung pumunta para tumingin tingin.

Ako: Ate may KAMERA po kayo?

Ate: Anong klaseng Kamera iho.

Ako: Iyong sa akin lang naka focus. 

Diba nga kahit saang sulok ata makikita mo si ate na tindera. Wala naman kalaban laban nadadamay pa sa Kapaitan natin. LOL

Ako: Ate may Orasan po ba kayo

Ate: Anong klaseng orasan
Ako: Iyong tumitigil ang oras pag kasama ko sya.

Boom! Minsan nasobrahan naman sa tamis iyong bumibili. Kulang nalang ipakagat sa mga langgam sa paligid. Meron naman akong nabasa na talaga namang pinatawa na naman ako, ewan ko lang kung matatawa kayo kasi iba iba tayo ng level ng imahinasyon You know!

Ako: Ate pabili nga po ng cobra.

Ate: I-plastik ko na ba?

Ako: Naku ate isako po ninyo baka makawala. 

LOL hahahaha mukhang tanga lang diba. Eh yung pati sa Fast food nakarating yung hugoterong bumibili.

Ako: Isang One piece chicken nga po.

Crew: For Dine in Or Take out

Ako: Huh wala nga akong makain mamimigay pa ako. para sa akin po yan.

Ang korni nuh LoL. Pero last na talaga

Ako: Pagbilan nga pong Marlboro Red

Ate: Iyong lights o Iyong Pula.

Ako: Iyong pink na lang ate. Red nga diba Red pakyu to. LOL

xoxo

Huwag Kang Tanga! Pero ok lang yan!


Hindi naman masama ang mag paka-tanga diba? iyong kahit na sobrang sakit na ginagawa mo pa dahil alam mo na doon ka masaya. 

Ewan ko ba dati pag ikaw ang walang kaparehas ang galing galing mong magbigay ng Advise, ang galing mong magsalita sa mga taong nagpapakatanga dahil sa pag ibig na yan. Ngayon na ikaw naman ang nakaramdam ng ganyan hindi mo naman kayang gawin lahat ng ipinapayo mo noon sa mga kaibigan mong humihingi ng payo. Diba nga nagpapakatanga ka rin ngayon.

Ok lang yan. Walang masama sa pagiging tanga paminsan minsan. Gawin mo lahat ng gusto mong gawin na sa tingin mo ay tama at sa tingin mo ay nakakatulong sa iyo. Pero hnay hinay lang huh lalo na kung maramdaman mong hindi na nya kaya pang tangapin ang mga bagay bagay na nagagawa mo. Bitaw na dahil sa huli talo ka parin, pero ok lang yan dahil masasabi mo sa sarili mo na ginawa mo na ang lahat at hindi ka nag kulang.

Kung may gusto ka naman at gusto ka rin pero hindi kayang bitawan ang kasalukuyan aba teka mag isip isip ka muna. Hwag kang mag tanim ng emosyon sa taong pangalawa lang ang tingin sayo at ang pag kagusto sayo. Ang tingin nya sayo ay parang pagkain lang na nakakatakam sa una pero pag natikman na at nagpagsawaan na di na babalikan pa. Masakit OO pero nag pakatanga ka ng gustuhin sya at nagpakatanga ka ng napaniwalang mahal ka rin nya. Ok lang yan kahit papaano nalaman mo ang mali sa tama at may natutunan kang maaari mong ilagay sa mga susunod na pahina ng buhay pag-ibig mo. Tandaan pag nagpakatanga ka ngayon siguraduhin mo na may makukuha kang aral.

May taong may gusto sa iyo pero kahit kailan ay hindi mo nagustuhan. Bulag ka kasi sa mga taong inaakala mong magugustuhan ka. Naging tanga ka na naman sa desisiyon mo ng hindi mo pinili iyong taong kaya kang mahalin at alagaan. Pinili mo parin ang taong sinasaktan ka at ginagawa kang tanga. Ok lang yan dahil atleast ang pagiging tanga mo sa taong yan ang nagturo sa iyo at nagsabi sa iyo na mali ang naging desisyon mo ng pinili mo sya. Sa huli nasaktan ka pero darating ang panahon na babagon ka na may natutunan sa mga pagkakamali mo at pagpapakatanga mo.
xoxo

The power of Unfriend and Unfollow


Are you tired of being bashed and bullied from social media? Soak from different negativity from your Facebook timeline? Hatred, negative news and even negative feedback from the past. Getting Bitter from the past, composing anger, jealousy and envy from your Ex. Bf/Gf status.

Now let us discover the power of Unfriend button. Unfriended  him or her from your social media accounts. Less negativity and less toxic to your everyday jolly and fruitful life. You can’t see any news about him/her. You can post whatever you want to make yourself better and happy. You dont need to make your life complicated, the only thing to have a useful day and useful life is to start your day with a smile.

We can see different negatrons sa araw araw na gumigising tayo. Nakakakita tayo ng iba’t ibang uri ng mga tao na talaga namang magbibigay sayo ng hindi magandang umaga. Sa pag gising mo palang meron at merong sisira sa araw mo. Sa pag byahe meron at merong mag uudyok na painitin ang ulo mo. Paano ito maiiwasan Unfollow mo ang mga nakaraan at kahapon na hanggang ngayon ay nagpapagulo sa isip mo. Isipin mo na araw araw ay isang umaga at simula at isang umaga na sa pagtulog mo ay katapusan na ng lahat ng iyong problema.  H’wag mong isipin ang problema masyado dahil sa kakaisip mo hala ka baka makita mo na lang ang sarili mong nag babadyang tatalon sa tulay. Don’t make things comlplicated.

The power of Unfollow. kalimutan mo na kasi. H’wag mo ng sundan dahil sa kakasunod mo masasaktan ka lang. Hayaan mo siyang tuluyang lumayo at hayaan mo rin ang sarili mo na ilayo sa kanya. Sa paglayo at pag iwas may masasaktan at syempre meron din sasaya at hayaan mo na ikaw ang sumaya.  Unfollow the bad habbits of being a Kontrabida o yung isang nagmamakaawa. Hayaan mo na H’wag mo ng sundan ba ang pagkatanga ng isa pang katangahan.  Lahat ng hindi magaganda at hindi nakaktuwa sa iyo ay H’wag mo ng pagtuunan ng pansin. I-unfollow m lahat ng tao na sa tingin mo ay nakakapagbigay ng mabigat na loob sa pang araw araw mong pamumuhay.

Unfriend button. Isang pindot lang di mo na siya makikita, isang pindot lang sasaya kana pero bakit hindi mo magawa. Bakit hirap na hirap ka na pindutin ang button na magpapalaya sa iyo sa kulungan  ng kalungkutan. Dahil gusto mong maghiganti at pagselosin siya? Gusto mo parin bang nakikita ang mga ginagawa nya at gusto mong malaman kung sinusundan ka rin niya. Move on? ok nasasaktan ka at nahihirapan dahil yung tao na iyon ay nagawa nang mag move on, naunahan ka ganun ba iyon?  Sabi nga ni kaibigang Stephen king ”  Some birds are not meant to be caged, that’s all. Their feathers are too bright, thier songs too sweet and wild. So you let them go, or when you open the cage to feed them they somehow fly out past you. And the part of you that knows it was wrong to imprison them in the first place rejoices, but still, the place where you live is athat much more drab and empty for their departure. ”  Diba ang ganda hahah pero di ko rin na gets hehe pero if you make this statement to ponder why not. Makakatulong sya sa iyo para masunod ang Unfriend, Unfollow rules. Simple lang naman ang gusto kung sabihin. Ikaw mismo ang makakapagpasya kung gusto mo maging masaya at malaya sa nakaraang patuloy kang iginagapos. Ikaw ang mas may higit na kaalaman kung kailan ka magiging handa sa paglaya ng iyong nararamdaman.
xoxo

#ALDub: The Modern Fairy tale ; God Gave me You


“Naniniwala na ako sa forever, Magmula nung nakilala kita, Eh kaya nga ‘di ako sumu-render, Ano man ang sinasabi nila.”

Yan ang parating kung naririnig sa TV ngayon na paulit ulit pinapatugtog. Kanta yan ng JaDine Yung tambalan ng mga bagets na halos lahat ata ng mga kabataan ngayon ay sila ang bukang bibig.

Nitong nakalipas na ilang linggo eh may dumagundong na naman sa aking tenga. Iyong kanta na paulit ulit kong pinapakinggan at paulit ulit kung kinakanta sa isip ko. Parang kawawa na ang kanta sa akin kasi para akong sirang plaka na duon at duon lang din ang lyrics na kinakanta ko. “God gave me you to show me what’s real, There’s more to life than just how I feel, And all that I’m worth is right before my eyes, And all that I live for though I didn’t know why,Now I do, ’cause God gave me you”  Kanta yan ni bryan White, Kung tatanungin nyo ako kung sino s’ya aba malay ko at di ko pa naman siya nakikilala.  Pero bago ko nakanta yan ng paulit ulit eh naging impluwensya sa akin ang bagong kinagigiliwan ngayon ng lahat na ALDUB sa Eat Bulaga. Dati sda Dubsmash ko lang nakikita si YAYA DUB ngayon pati sa telebisyon ay di narin s’ya nagpahuli. Pinakikilig nila ang sang katauhan sa pilipinas tuwing tanghalian may tila isang MAGIC ang biglang pag click ng tambalan nila na kung tutuusin eh bakit ako matutuwa eh wala naman silang script na sinasabi kundi puro buka lang ng bibig na sumasabay sa mga tugtog. Pero wala akong pakialam doon o kahit yung mga nanunuod kasi iyong talagang nagpahatak at kumuha ng atensiyon ng lahat ay yung kakaibang chemistry nila na kahit bata, matanda, lalake o babae eh nahumaling. Tinginan at ngitian eh talaga namang nagpakilig sa lahat.

Sinoo ba ang di mahuhumaling eh sa tanghaliaang tapat kung kailan ang buong pamilya ay sama samang nagtatanghalian ay may mga bagay bagay na magpapatawa sayo at tambalan na magpapakilig sa iyo. Nakita ko nga sa youtube noong nakaraana ang isang batang umiiyak dahil Idol na Idol nya si yaya Dub at galit na galit s’ya kay Lola Nidora dahil sa pang aapi nito.

Buong bansa nga ay nagkakaisa gaya ng kanta ng pinaka mahabang Noon time show sa buong mundo ( EAT BULAGA).

Kaya lahat ng mga nagtatatrabaho at nasa opisina napapatigil sa Twing magsisimula na ang kalye serye ng EB. Hindi kaya tayong mga pilipino ay napakadaling mapatawa at napakadaling kiligin. ALDub na ba ang makabagong fairytale na kung tutuusin eh alam naman natin ang magiging takbo ng istorya alam naman natin na nagkita na talaga sila sa personal pero pilit parin nating pinaniniwala ang mga sarili natin na ito ay tunay at talaga namang napakasarap abangan.

O siya teka lang mukhang magsisimula na sa TV ang inaabangan Kung ALDUB kalye srye ng Eat Bulaga. Di lang naman puro kilig ang nakukuha natin pati iyong mga hugot n hugot na kanta at mga linya ni Lola Nidora.

BABALA asawa ni BABALU nggggeeeeeee!!!!