Category Archives: Coffee

Forgiveness- The past does not dictate the future unless you let it.


Entering a year full of blessings is a sign that I know, I totally forgive the past. It’s been 2 years and a month when we both decided to become strangers. As years gone by, I heard a lot of stories about you. To be honest, every-time that I had a chance to hear stories about you, the memories from the past repeatedly runs in my mind. The pain, the tears that I’ve shed, and the day that you left. 

Today, we are in a different time. All wounds were Healed already. We learned how to forgive, we learn to embrace each other and we accept the challenge to smile together. The true happiness will come when you let go of the hurt that’s holding you back. We both matured now….I guess? 

I am thankful now that I know we all move on from the past. Masaya pala iyong nakikita mo ang mga mali mo at pagkakamali nila na tinatawanan nyo na lang. Wala  mangyayari kong panghahawakan parin natin hanggang ngayon ang galit ng nakaraan. 

To be honest even though I’m the one who initiated this moment, I’ve got butterflies in my stomach. I have a cold sweat running on my head down to my neck. My heart beats fast because I don’t know what’s happening at this moment. Iyong kaba na hindi mo pwedeng ipahalata sa kanila. Na akala mo ngayon lang ‘yong kahapon. 

Masaya ang pagkikita puno nang kwentuhan ng kahapon at mga nakalipas na nagbigay sa amin ng leksyon. Masarap magpatawad lalo na kong ang pagpapatawad ay bukal sa loob mo at bukal mong tinanggap na walang halong panghihinayang. Ngayon haharapin natin ang bagong kabanata nang ating buhay. Siguro hindi natin alam kong maibabalik pa natin ang dati, Iyong dati na tayo, kayo na sabay na nangangarap sa bawat bukas na darating. Bahala na ang tadhana ang magtakda kong sa huli ay maari pang mangyari ang mga bagay na naudlot ng panahon. Hindi man Fairy tale ang kwento natin pero pra syang kwento na pwede nating ihalintulad dito, Happily ever after.

Anger makes you smaller, while forgiveness forces you to grow beyond what you were.”

Advertisements

Don’t stress yourself with things you can’t control


In our everyday life we encounter a lot of stress. We face a lot of emotions that sometimes we can’t actually control. We hear and read a lot of negativity in our social media accounts, negativity that in a certain point we are affected by it. In our daily routine we encounter different people that we don’t know why we need to entertain them. Everyday, reading on my Facebook account I can’t really imagine why this world is full of hatred and anger. Politics and even on their personal statuses. 
Minsan talaga kahit anong gawin natin na iwasan ay hindi natin magawa. Dealing in different stress everyday ay parang nakikipag buno tayo sa isang kaaway na alam natin na wala tayong laban. Stress dyan lang yan sa araw araw at hindi natin maiiwasan o malalabanan pero kaya naman nating i-manage diba? 
 
Once in a while try to sip a cup of coffee to release your unwanted emotions. To distress yourself from the toxicity of work and everyday detractors. Coffee helps to stimulate your mind and helps you relax for a while. It has a capacity to lessen your depression and anxiety and also it helps to reduce your suicidal tendency. Iyong bang uupo ka sa isang tabi tapos hihigop ng paborito mong kape, Habang nakatingin sa paligid mo at parang nakikipagugnayan ka sa bawat emosyon ng mga taong dumadaan.

Learn to relax even in a minute of your life. Proper breathing is one of the best and most common practices in different field of works. Inhale and exhale to relax and to calm down your emotions. Do it everyday or at least when you feel that you need it. Ihihinga na lang natin ang mga masasamang enerhiya na nagbibigay sa atin ng emosyon o stress na hindi natin maiwasan. Nandiyan na yan ang gawin natin ay kontrolin natin ang emosyon na maaring magpalala sa ating nararamdaman. Ngiti lang diba at lakihan mo.
We can’t really keep the stress for the rest of our day. We can’t hold it for a longer time. We can’t avoid it but at least try to manage it. Sadyang hindi talaga natin maiiwasan ang mga bagay bagay na ayaw nating manyari. Kahit iwasan natin ang mga ito darating at darating talaga siya lalo na sa punto kong saan ay lunod na lunod kana sa enerhiya nang emosyon. 

May mga pangyayari na kahit ilang ulit na nating nakakalimutan ay paulit ulit paring bumabalik sa atin. Minsan naiisip ko na lang kong pwede ko bang panghawakan na lang ang emosyon ko at hwag na itong pakawalan? Minsan naiisip ko na Am I really worthy enough to let you back in my life or I’m just pretending na mahal ko pa rin ang bagay na iyan? Hindi ko makontrol pero kaya kong imanipula ang bawat araw na kakaisip sa kong ano ang pwedeng mangyari sa akin kong sakaling sagutin ko ang isa sa mga tanong na yan. Ayoko na munang isipin yan. Mag aantay na lang ako ng sagot kong kailan lilipas din ang oras na naging masaya ako sa bisig nang aking nakaraan. This is the only stress in my life right now that I can’t really control. I want to let my emotions go and let it to the way that I want. 

“Adopting the right attitude can convert a negative stress into a positive one.”

Hans Selye

What if?


Ang daming tanong kong bakit? para saan? at bakit hindi? What if nga? What if maging tayo? Bakit may what if sa bawat tanong kong pwede namang sabihin na Tayo na? o pwede namang sabihing mahal kita, pero ang tanong paano tayo magsisimula. 

Magulo diba? What if maging tayo at magtapos sa salitang hindi pala kita gusto. What if kong hindi ikaw ang nagustohan ko? Magsisimula tayo sa unang tingin at sa unang sulyap nang ating mga mata ay may mararamdamang kakaiba ngunit subalit ay magtatapos tayo sa sulyap na para bang hindi tayo nagkakilala. What if hindi ikaw ang nagustohan ko, aasa kaya ako nang ganito. Aasa ba ako na maging tayo at aasa ba ako na what if gusto mo din pala ako. Hanggang What if na lang ba ang nararamdaman ko? O susuyoin kita na para bang walang magbabago.
Bakit ba mahirap magmahal ang taong labis na nasaktan? What if hindi ka nasaktan, mamahalin mo ba ako kagaya ng pagmamahal mo sa kanya? Mahirap umasa sa taong maraming What if sa buhay. What if masaktan ako? What if hindi mag work, What if hindi pala kita gusto at what if hindi naman pala ito totoo. Alinlangan nang isang tao na takot sumubok sa tinitibok ng kanyang kapalaran. 
Mag uumpisa tayo sa simula at magtatapos tayo sa hangganan, kung saan ang mga tanong at alinlangan mo ay aking papawiin. What if ako pala ang hinihintay mo nang kay tagal pero what if umaasa lang ako sa wala, sa walang makakapagsabi kong bakit What if nga?

fin

The one sided love


“Tell My Heart To Stop Beating, Tell My Mind To Stop Thinking, Throw A Stone In The Ocean And Tell It To Stop Sinking, Tell The Sky Not To Be So Blue, Well Its Like Telling Me NOT To Be In Love With You.”


Lahat naman tayo ay nagkakaroon ng pagkakataon na magmahal sa isang tao na hindi naman tayo kayang mahalin o iyong bang magkagusto sa tao na hindi tayo gusto? Sino ba kasi nagsabi na kapag nagmahal ka o nagkagusto ka ay automatic na magugustuhan ka at mamahalin ka din nya. Wala namang rules diba? Ganyan ang Pag-ibig pag malaki kang tumaya, malamang malaki din ang mawawala sa iyo kapag natalo ka.

The one sided love/Like/Crushes, diba nga?ang hirap nang ganitong sitwasyon. Kong kailan sobrang tagal mong pinahilom ang sugat mo doon naman muling magtutuklap ang langib nito. Kong kailan handa ka nang magmahal, may dumadating naman sa iyo na kabaliktaran ng nararamdaman mo. Hirap kontrolin ng tadhana. Napakahirap iwasan ang palaso ni kupido, kahit anong ilag mo talaga namang sapol na sapol ka kapag pinana ka nito. 

Kilig, ayan na naman s’ya akala lang natin na kapag nagmahal tayo ay parang may paru paro sa tiyan mo. Akala mo lang iyon, Parang love nya. Inakala mo na gusto ka rin nya dahil sa bawat text o message mo ay may sagot sya. Akala mo lang kasi dahil kinikilig ka. Pinakikilig ka ng isang kasinungalingan na aasa ka sa wala. Pero diba ang sarap sa pakiramdam na gusto mo sya at iyong feeling mo nagusto ka rin nya. Isang message  nya ang sagot mo naman parang talambuhay mo na. Hindi mo naman masisisi diba kasi nga kinikilig ka sa isang pag asang kinikilig din siy sa iyo.

Let me, Hayaan mo lang ako na gustohin ka kasi hindi naman ito pang matagalan. Sakyan mo lang ang bawat kilig ko at magpanggap ka  na gusto mo rin ako. Sabihin mo na mahal mo rin ako kahit kasinungalingan lang pra maramdaman ko na gigising akong may ngiti sa mga labi ko. Hayaan mo lang akong paglaruan ako ng tadhana kasi sanay naman ako na ako lang ng ako ang nagmamahal. Hello sa dinami dami na siguro ng dumaan sa buhay pag ibig natin pwede na siguro tayong magsulat ng isang libro na may pamagat na;  Paano magmahal ang isang tanga.



Move on, Wow sa one sided love mo mararamdaman ang pinaka masakit at mahirap na pag mo-move on. Aabante ka at lilimutin ang lahat ng ganoon na lang dahil hindi ka nya mahal. Hirap mag move on pag ganon. Iba-validate mo ang nararamdaman nya para masabi mong minahal ka rin nya. Torture ang tawag doon, dahil para kang kumukuka ng balaraw na itatarak mo dyan sa puso mong gula-gulanit na. Ang paghahanap ng taong mamahalin mo ay parang ulan sa disyerto, madalang.

It’s not you, It’s me, pinaka gamit na linya sa lahat tuwing makikipag break ka o hihiwalayan ka. Sa bagay wala namang madali kapag nagmahal ka at lalong hindi madali pag nagmahal ka ng hindi ka mahal. Teka maswerte ka kong hindi pa nagamit ang word na iyan sayo. Madalas gamitin yan ng mga taong ayaw ng mahabang paliwanagan iyon bang nagiguilty sila sa ginawa nila. Depensa nila yan para hindi ka masaktan kunwari kasalanan nila pero OO kasalanan nila hindi lang nila masabi ng deretso na hindi na sila interisado sayo. Oo sinasabi nya yan para hindi ka na umasa pa. Sakit nuh?? Okay lang yan! Kong hindi mo pa naririnig yan kahit kailan ang swerte mo dahil malamang ikaw ang madalas magsabi ng mga salitang it’s not you, It’s me.




-FIN

Minsan May Tag ulan


Lumalamig na naman ang hangin na dumadampi sa pisngi ko. Mukhang isang malakas na ulan ang nagbabadyang bumagsak kasabay ng malamig na hangin na dala nito. Kita ko ang mga dahon na sumasayaw dahil sa ihip ng hangin na dulot nito. Kita ko rin ang mga ibon na lumilipad dahil naghahanap ng masisilungan.

Naalala ko bigla ang mga panahon na sa tuwing bumabagsak ang ulan ay kasama kitang pinagmamasdan ang pag dausdos ng tubig sa bintana ng ating pinagsimulan. Nakatitig sa bawat patak nito at dinadamdam ang pagbagsak na parang musika sa ating mga puso.

Naala ko rin pala na tag ulan ng una mong sinabi sa akin na mag ingat ako, mag ingat sa pag uwi dahil alam mo na malakas ang ulan. Nag ingat ako at sinunod ang payo mo. Nag ingat ako na parang iningatan ko rin ang mga pangako mo na tayo hanggang sa sumapit ang tag araw.

Pumapatak na naman ang ulan at bumabalik na naman ang mga nakaraan. Nakatitig ako sa bawat patak nito na bumabagsak sa bubong ng kawalan, dati ay musika ang hatid nito, musika ng romansa at pagmamahal. Pero ngayon ang bawat patak ng ulan ay musika ng pighati at dalamhati. Patak na parang luha noong ikaw ay lumayo. Patak ng ulan na parang kahapon na ayaw ko ng balikan.

Minsan may tag ulan na nag papaalala sa akin ng saya at lungkot. Minsan may tag ulan na sa akin ay nagbibigay ng pagkabagot. Tag ulan na nakipaglaro sa akin. Tag ulan na bumabasa sa katawan ko at sinasabayan ang pag luha ko. Bawat patak ng luha ko na walang nakakakita dahil sa lakas ng ulan na parang ala-ala mo na pilit kong nilalabanan.
Fin

Kapitan Pinoy ang Bida ko Noon


Uso Noon ang mga drama sa Radyo na humubog sa kamusmusan ng bawat bata na ipinanganak sa dekada na kung saan ay hindi pa masyadong uso ang telebisyon. Naalala ko Noon sa tuwing hapon nakikinig na kaming apat na magkakapatid sa radyo at inaabangan namin ang pag sisimula nang pambatang drama. Siya si Kapitan Pinoy na ang nagbibigay kapangyarihan sa kanya ay ang kanyang mahiwagang medalyon.

Hindi pa uso ang Tv noon sa probinsya, halos bilang lang sa mga kapitbahay namin ang may TV kaya naman kaming magkakapatid kabilang na ako ay maagang gumana ang Imahinasyon sa pakikinig ng mga dula sa radyo. Minsan pag hindi na kaya ng baterya humihina ang lumalabas sa tunog ng radyo. Buhay ko noon ang radyo halos karamihan sa mga drama na kinagiliwan ng karamihan ay napakinggan ko. Tanda ko pa sa DZRH kami nakikinig at kong minsan ay humahanap kami ng magandang pwesto upang doon makinig. Nakadapa kami at naka pangalumbaba sa harapan ng radyo.

12722769_10208380848495444_1698298203_o
Art By Franco Moje

 

 

Si kapitan ang pinoy ang pangunahing karakter sa radyo na siya namang kinagiliwan ko. Kasama sa drama ay ang iba pang Super hero katulad nina Superman, Wonder woman, batman pati na rin ang sidekick nyang si robin. Talaga namang walang makakapigil sa aming magkakapatid sa tuwing maririnig na namin ang ” Isang araw, nagpupulong-pulong ang mga alagad ng kabutihan”. Halos hindi na maipinta ang ngiti namin dahil hudyat na iyon na magsisimula na ang palabas. Isang Boses na napakalaki na isinasalarawan ang bawat karakter sa radyo.

Si kapitan Pinoy ang una kong nakikilalang Pinoy Super Hero, Hindi  ko pa kilala si darna at si captain barbel. Talaga naman nabibitin kami sa tuwing matatapos na ang aming pinapakingan. Kasama si kapitan pinoy sa mga bumuo ng aking kabataan, kasabay ng paglalaro ng habulan, taguan, tumbang preso at syato sa daan. Sa tuwing sasapit naman ang tag-araw ay sabay sabay kaming magpupunta sa tabing dagat upang maligo at magtampisaw sa napakalinaw na agat ng aming probinsya. Si kapitan Pinoy ang batang super hero na hanggang ngayon ay hindi ko parin makita kong ano ba talaga ang tunay nyang itsura at kung sino ba ang taong nasa likod ng kanyang napaka amo at napakatapang na boses.

 

Ang pait ng kape.


Habang tirik na tirik ang araw at nararamdaman ko na ang papalapit na Tag-araw, ramdam na ramdam ko narin ang init ng panahon. Nanunuot sa bawat butas ng aking balat at nagsasabing halika mag-palamig tayo.

Hilig ko na yata ang magkape, mapa-malamig na panahon o kahit iyong tirik na tirik ang araw. Para akong tanga na humihigop ng kape sa kalagitnaan ng kainitan ng panahon. Kahit Iyong kape ay kasing init ng panahon  ay pinipilit ko paring higupin. Para akong sundalo na lumalaban sa isang gyera na pilit nilalabanan ang bawat init na naidadagdag nito sa aking katawan. Ang pait ng kape parang tinimpla ng isang tao na humugot ng sama ng loob dahil sa pag iwan sa kanya ng kanyang sinisinta. Ang kape ko ay sakto lang ang  tapang na parang Ex ko na kapag tumitingin ako sa iba ay agad naman akong tititigan na parang tigre na matapang at sa huli ay aamo na parang tuta na gustong makipaglaro.

Habang nag titipa ako at ginagawa ko ang kwento na ito ay nakaupo ako sa isang lamesa na ang tanging kasama ay kape at ang aking sigarilyo. Dinaramdam ang bawat mainit na hangin na pumapalo sa aking balat.  Pinagmamasdan ang bawat tao na nagdaraan sa aking harapan, may mag kasintahan at ang iba naman ay may kasamang alagang hayop na nagbibigay sa kanila ng kasiyahan sa tuwing kasama nila ito. Napaisip tuloy ako bigla kong maari din ba akong magmahal ulit gaya ng pagmamahal ko sa kape na aking hinihigop.

Mainit ang kape na inorder ko sa barista, gusto ko kasing magising sa katotohanan na ako ay nagiisa at wala naman talagang makakasama. Sa bawat higop ko ng kape ramdam ko ang pait na dulot nito, pait na nanunuot sa aking lalamunan na parang isang emosyon na karamihan sa atin ay natikman na.  Minsan naiisip ko na buti pa ang kape na iniinom ko marami ang nagmamahal pero sa kagaya ko na nagbibigay ng pagmamahal ay siya namang nakakalasap ng pait ng walang nakukuhang pagmamahal sa aking inaalayan. Sa aking inuupuan ay natatanaw ko sa eskaparante ang mga display  na matatamis na cake. Ibat-ibangklase ng cake na naka latag sa aking mga mata. Parang ang tatamis nila at nakakatakam na titigan. Pero naisip ko na kahit ang isang pinakamatamis na bagay na aking nakukuha ay nawawala din ang lasa at magsasawa ka rin at mauumay sa sobrang tamis na dulot nito.  Nakakasawa rin at nakakasuya ang sobrang tamis. Kaya naman ang aking kape ay sakto lang ang pait at tamis upang mabalanse ko parin ang emosyon na aking nararamdaman,

Lumalamig na ang kape na mainit ng aking umpisahang inumin, lumalamig na sya at di ko na kaya pang ibalik ang dati nitong init. Naisip ko tuloy na kasalanan ko ba na hindi ko sya pinapansin noong maiinit pa sya at ngayong sya ay nanlamig na saka ko hahanapin ang init nya. Para akong ewan na hindi ko lubusang makuha ang timpla ng kape na gusto ko. Buti pa ang mga barista alam nila ang kape na gusto ko kaya nilang timplahin ang lasa na kailangan ko pero ako na mas nangangailangan ng tamang panlasa ay hindi ko makuha ang gusto ko. Masarap talaga ang kape lalo na kung nabibigay nito ang kaligayahan na hinahanap mo. Masarap ang kape kung ang bawat init nito ay nararamdaman ko. Pait, tapang pati narin ang saktong lasa nito sa bawat nakakahigop.

Ang kape na kahit anong panahon ay nagbibigay sa akin ng likas na kaligayahan. Kape na kahit anong pait sa aking panlasa ay agad ko namang natutunang mahalin at pahalagahan. Sana sa bawat kape na mapait ay maranansan ko rin ang tamis sa huling pag higop nito.