Category Archives: Fantasy

HIV: Bakit nga ba?


Anim na taon ang nakaraan ng makakilala ako ng mga taong hindi ko akalain na magtuturo sa akin ng isang bagay na hanggang ngayon ay mamahalin ko. Isang libro ang nagpamulat sa akin sa kahalagahan ng bawat buhay na meron tayo. Anim na taon nakakilala ako ng apat na tao na magpapamulat sa akin sa isang sakit na hindi ko lubos maisip na unti unting babago sa buhay ko, isang sakit na unti unting kumikitil sa mga taong nakikilala ko. 

Wala akong magawa na kahit ang mga dasal na pwede kong ialay ay hindi na mabisa. Hindi ako mahina at hindi rin ako baldado upang hindi ko masimulan ang isang bagay na pwedeng makapagpabago sa buhay nila. Habang lumalapit ako sa isang adbokasiya ay siya namang pagdating ng mga dating kaibigan na napako sa isang nakaraan na kanila ng pinagsisisihan. Unti unting nauupos ang liwanag na dala ko at unti unting lumalamlam ang dala nitong liwanag. Wala akong magawa kundi ang akapin sila sabay ng pagbasak ng aking mga luha. 

Anim na taon ang nakakaraan nang hindi ko rin makita kong saan ba ako patungo. Hindi ko masumpungan kong ano ba ang nais ko sa buhay. Madami ang tumatakbo sa isip ko na pilit kong nilalabanan. Naging pabaya ako sa aking sarili na kahit ang sarili ko mismo ay hindi ko na kilala. Inilayo ko ang mundo sa mga taong dapat ay pinahalagahan ko. Nilamon ako ng isang takot na baka sakaling wala akong magawa. Hindi ako isang bayani na aakapin ang problema ng iba. Para akong natutulog sa isang lugar na ang nakapaligid ay ang sarili ko na hindi ko rin makilala dahil sa mga maskara na naka balot dito. 

Gumising ako sa sa isang lugar na puno ng pag asa. Bumangon ako sa isang pagsubok na dapat kong gawin. Hinarap ko ang takot at sinimulan ko ang pagtulong sa aking sarili. Binago ko ang anyo ng aking kalungkutan at binalikan ko ang kahapon na maaring makatulong sa aking haharaping misyon. 

Narito ako sa isang adbokasiya hindi dahil isa ako sa mga taong nangangailangan ng tulong. Isa ako sa mga taong tinawag upang makatulong. Kahit anong hirap ng aking hinaharap ay pinipilit kong lumaban para sa mga tao na kailangan ako. Sa lugar ko ngayon ay bumuhos ang napakaraming luha. Bumubos ang luha ko sa mga kaibigan ko na malapit sa akin na ngayon ay kailngan kong tulungan. Masakit pala na makita mo silang malungkot. Dati kasama mo lang sila sa saya. Ngayon na nasa gitna sila ng kalungkutan ay sasamahan ko parin sila sa lahat ng aking makakaya. 

Hindi ko pinili ang adbokasiya na ito. Tinawag ako at inilagay sa kinaroroonan ko hindi dahil pinilit ko kundi dahil ang tadhana ang naglagay sa akin dito. Habang tumatagal ay lalo akong tumitibay at lalong lumalalim ang pagnanasa kong tumulong sa mga tao na aking nakikilala. Nilagay ako sa posisyon na ito upang maging tenga ng bawat tao na makakasalamuha ko. Unti unti ng lumiliwanag ang hawak kong ilaw. Unti unti ng bumabalik ang taglay nitong liwanag. 

Ngayon habang kaya ko ay gagawin ko hindi dahil kailangan ko kundi dahil sa kagustuhan kong makita ang halaga ng bawat isa na nabubuhay. Gusto kong ipakita ang halaga nila na kahit sa umpisa ay nagkamali sila, pwede pa nilang itama ang mga pagkakamaling ito. Lalaban tayo hanggang sa dulo at babangon tayo sa tuwing tayo ay nadarapa. 

Salamat

Advertisements

Doon sa lugar na may Tayo -“Tadhana”


Mayroon akong kwento. Kwento ng bawat lumang larawan na iginuguhit ng aking gunita. Sa bawat ala-ala ng nakalipas na kahapon at ang bawat letrang ibinigkas ng panahon. Isang mahabang byahe sa paghahanap ng sakit nakailanman ay babaon sa ilalim ng aking ala-ala.

 

Ang byahe sa pag hahanap sa tadhana ay parang byahe sa paghahanap sa nawawalang pag asa. Inuukit sa bawat kalsadang dinaraanan at iginuguhit nang bawat tanawing nagmimistulang ipininta sa aking panaginip. Sa paglalakbay ng hindi ko alam kong paano at saan patungo.

 

Sa sinasakyan ko na tumitigil ay may nagbabagong damdamin. Damdamin na isinulat sa papel na ang tanging tinta ay dugo na pumapatak sa aking kaisipan. Sa bawat ala- ala na bumabalik sa mga panahong kita ay kasama pa. Sa bawat masayang ala ala ng una kitang nakilala at sa huling ala ala ng ikaw ay mag paalam na.

 

Ang bawat tula na binibigkas ko ay pilit kong nilalapatan ng tono. Ang bawat tula na naiisip ko ay iba’t-ibang letra na naghahalo halo sa aking kamalayan na ang tanging destinasyon ko ay ang sakit ng iyong tuluyang paglayo. Dadayo ako sa isang sulok ng mundo na ang nakakaalam lang ay ang mga pusong bigo. Isang linya ng tula ang aking nabuo na kung sakaling masumpungan kita sa tadhana na ipinangako, ito lang ang kaya kong i-ako.

 

“Hindi ako na ngangako na kong magkakaroon ulit ng TAYO ay kaya kong ibigay ang bituin. Hindi ko mapapangako ang sukdulan ng kinang nito dahil isa ka sa mga bituin na gusto ko ulit abutin. Ayokong nang ipangako ang araw at gabi dahil ang makita ka sa umaga ay sapat na at ang mahagkan ka sa gabi ay kalabisan na. Ayokong ipangako na ikaw ay pakasalan sa lahat ng simbahan, dahil ang pagharap at pag sumpa sa kanya ay sapat na upang dalhin kita sa Dambana ng aking pagsinta.”

Sana sa tagpuan nang doon at dito ay Makita ko ang dating saya na iyong itinago. Sa paglalakbay ko sa pagitan ng bundok at sa pagitan ng mga luntiang puno, sana Makita ko kong ano ang iyong itinago. Hawak ko ang lumang larawan noong una kitang masumpungan. Sa burol na kung saan ay pwede mong isigaw ang sakit na iyong naranasan. Sa burol na kung saan ay pwede mong pakawalan ang bigat ng iyong nararamdaman, Kasabay ng bukang liwayway na sumisibol sa silangan.

 

Kahit ilang milya pa ang lakarin ko at kahit gaano man Katarik ang akyatin ko ay hindi iyan sasapat upang sukatin mo kong gaano kalabis ang pagkagusto ko. Kahit ilang awit pa ang aking awitin at ilang musika pa ang aking marinig; tanging liriko ng tayo ang nais kong makamit.  Doon sa musika ng tayo, doon tayo magpakatotoo. Nang sabihin mong ayaw mo, nakinig ako at tumalima sa kagustuhan mo; pero ng marinig ko na may kayo ay biglang nagbago ang tiklado ng piano. Nang malaman ko na kayo pala ay agad kong binago ang dating musika ng puso ko. Ang dating nasa tono ay dagliang naging sintunado dahil sa liriko na binigkas mo na hindi ko mailapat sa bawat salita mo.

 

Doon sa musika ng tayo ay unti unting naglamlam ang pagnanasa ko na kong pwede ba ay maging tayo. Sa tadhana na ngayon ay unti unti ng nagbago dahil sa taglay nitong pagbabago. Ihatid mo ako sa dati kong saan ang istasyon ng simula ay naroroon. Hayaan mo akong talikuran ka at kalimutan ang pangako mo na tayo sa paraiso ng tadhana.

Noong minsan may TAYO


Masaya tayo na nagtatawanan nagbibiroan at niyayapos ang sandaling magkasama. Noong minsan ay may tayo, pinangako mo na ikaw lang at ako doon sa sa upuan kong saan tayo unang nagtagpo.

Pinangako mo ang mga salitang “Mahal mo ako” at napaniwalang ito ay totoo. Habang binibigkas mo sa mga labi mo ang mga katagang pangako ko, ay para akong isang kahoy na ipinako mo sa kinatatayuan ko.

Binuhos mo ang kilig sa katawan ko na para bang ikaw ang una at huling taong mamahalin ko. Mahal kita! yan ang binitawan mo habang ang mga mata mo ay nakatitig sa mga mata ko. Nakatitig ang mga mata mo na parang Tala na nagbigay liwanag sa puso ko. Nakita ko ang katotohanan at pagsusumamo mo na kahit bulag itong puso ko ay naramdaman ko naman ang mga katagang sinasambit mo, Tumatagos ang bawat linya na binibigkas mo. Linya na dumadaloy sa dugo ko patungo sa puso ko  at ang puso ko ay ibinubuga ito kasabay ng pagtibok nito.

Noong minsan ay may tayo, gumawa ako ng isang tula na ang bawat talata ay binibigkas ko na may saya at lambing. Lambing ng isang nagmamahal at nabubulag sa pagmamahal. Gumawa ako ng tula upang ipakita sa iyo na kahit ang mga tala ay kumikinang sa kinatatayoan mo. Liwanag ang nakikita ko dahil sa pagkakataong iyon nabulag ako sa liwanag na inihatid nito.

Pinakilig mo ako na parang isang halaman na ngayon lang nadiligan. Pinaramdam mo ang salitang tayo sa maraming tao na kahit ang mga mata nila ay nanlilisik sa panghuhusga ng makita nila ang dalawang lalake na naghahawak kamay na hindi alintana ang mga taong akala mo ay nakasutana. Hinawakan mo ang mga kamay ko kasabay sa paghigpit nito na ang pangakong ngayon ay tayo ay hindi magbabago.

Pero Natapos ang minsan na may tayo ng makita kita sa parehong lugar na may pinapangakuan at inaalayan ng parehong pagmamahal na iyong ibinigay noong unang maging tayo. Naramdaman ko ang kab0g ng dibdib ko. Kumakabog sa kaba at lungkot na ang dating linya na binabangit mo ay unti unting nanunuot sa puso ko. Linya ng pagmamahal na ngayon ay gumuguhit at nagdadala ng sakit sa puso ko.

Tumayo ako sa di kalayuan habang kayo ay pinagmamasdan. Nakangiti ka sa kanya gaya ng mga ngiti na iyong ibinigay noong unang maging tayo. Naramdaman ko ang lungkot at poot ng makita kitang hinawakan ang kanyang mga kamay gaya ng paghawak mo sa aking mga kamay noong minsan ay may tayo. Nakita ko ang saya sa labi at mga mata mo habang kinakausap mo sya at nakatitig ka sa mga mata nya.

Lumakad ako papalapit sa inyo upang malaman mo na ako ay nandirito, na handang patawarin ang kamalian mo. Pinilit kong kausapin ka upang ibalik ang salitang TAYO, pero mas pinili mo ang bago mo, na kapareho lang halos ng pagmamahal na ipinakita mo noong minsan ay may salitang TAYO.

Lumakad kayo papalayo sa akin. unti unting nawawala sa paningin ko na halos hindi na matanaw ng mga mata ko. Habang dating tala na meron ako ay unti unting nawawala ang kinang nito. Sabay sa paglayo nyo ay ang pagbuhos ng ulan na para bang sinabayan ang pagbagsak ng luha ko. Lumakad akong nakayoko upang hindi makita ng mga tao ang sakit na meron ako, Sakit na dulot ng mga salitang binitawan mo noong minsan ay may Tayo.

Natapos na ang minsan ay may tayo. Nakita kitang nakatayo sa harapan ko. Malungkot at lumuluha.Ang dating tala na napundi ang liwanag ay unti unting kumikislap.  Inakap mo ako at umiyak dahil nasaktan ka sa pagpili sa kanya. Nasaktan ka ng iwanan ka nya na ang pangako na ginawa mo sa akin noon ay ginawa nya sa iyo pero sa huli ay minsan lang din na may Kayo. Ang tala ko na akala ko ay ptuloy na sa pagkinang ay tuluyan ng naglamlam.

Inakap kita nang sobrang higpit, Inakap kita na may kasamang tayo na lang ulit. Pero ang mga akap mo ay akap nang sakit na naramdaman mo sa taong minahal mo. Inakap mo ako upang damayan ka, hindi upang mahalin ako. Binitawan na kita upang mahalin sya at kahit masakit na hindi na pala pwede talaga ay pinilit ko na talikuran ka. Ngumiti ako sayo at ngumiti ka rin sa akin tanda na tayo ay magkaibigan na.

Tinalikuran kita gaya ng pagtalikod mo sa mga pangako mo. Tinalikuran kita habang ako ay lumuluha, Tinalikuran kita habang ang bawat salita na lumalabas sa aking puso ay sobrang sakit na. Mga salitang umasa ako na baka pwede pa?

Sana tayo na lang ulit, Sana ako na lang ulit. Pero hindi ko naramdaman yan sa mga akap mo. Dahil ang naramdaman  ko ay ang sakit na naranasan mo ng ikaw naman ay iwan ng taong totoong minamahal mo. Lumayo na ako sa iyo upang iparamdam na OKAY na ako. Pinaubaya na pala kita matagal na. At sa wakas binitawan ko na ang pag asang sana ay may tayo ulit. Sa huli, paalam sa unang tao na nagbigay ng salitang TAYO.
~fin

Hugot: Paano gumawa ng HOPIA with feelings


Minsan ko lang ibahagi ang recipe ko sa pag gawa ng Hopia. Marami na ang sumubok nito at nagtagumpay naman sila. Try nyo lang baka sakaling magustuhan nyo rin.
Step by step dapat Okay?
1. Hangaan mo sya. Titigan mo hanggang sa malusaw sya.
2. I-add mo sa lahat ng social media account para may balita ka sa buhay nya.
3. I like mo ang mga post nya iyong kahit ilang taon na ang nakalipas ilike mo parin para mapansin ka nya.
4. I close mo sya, yun bang Hi and hello na message lang tapos magrereply din sya. Tapos sasagot ka ng napakahabang reply dahil excited ka at ang isasagot naman nya ay “Hahahaha” kinilig ka naman.
5. Mag reply ka sa “hahaha” nya para hindi maputol ang paguusap nyo. Magrereply sya ng emoticon na “smiley” syempre kinilig ka naman ulit at ang reply mo naman ay pang nobela.
6. Hwag mo ng antayin na magreply sya mag message ka agad kahit na seen na nya malay mo busy lang sya. Unahan mo na agad ng “busy ka po ba?” Magrereply sya ng “medyo po”. Pota kinilig kanulit kasi may “Po” akala mo nanlalambing.
7. Pahinga ka muna ng ilang minuto pag nag reply sya kunwari di mo alam at Busy ka rin. Pero sa totoo nangingig ka na sa pagpindot. 
8. Magchat kayo everyday nakakasarap ng pakiramdam yan. Iyon bang kahit hindi nya pa na si-seen ang message mo push mo lang o yung kahit ikaw na mismo ang sumasagot sa tanong mo push mo pa rin baka nga busy lang naman.
9. May bago syang post about love mag like ka ng heart tapos mag comment ka ng emoticon na may puso ang mata kasi asang asa ka na patama sya sayo. Magpost ka rin sa wall mo ng qoutes tapos lagyan mo ng feelings na “Feeling Loved” ganun kahit ikaw lang nakakaintidi. Pag may nagnonotify agad tignan mo baka sya na pero dahan dahan lang huh baka malaglag ka sa kinauupuan mo pag nag like sya.
10. I like mo ang post nya kasama ang crush nya. Mag comment kapa na “bagay kayo” with smiley dapat para convincing na di ka bitter. Tapos mag post ka sa wall mo na kunwari masaya ka.
11. At ang huli umasa ka parin go lang kaya mo yan laban lang ng laban pag di ka crush ng crush mo I crush mo na lang ang crush nya para may challenge At make landi ka dapat para winner LOL
Fin

#CrushChallenge

Kapitan Pinoy ang Bida ko Noon


Uso Noon ang mga drama sa Radyo na humubog sa kamusmusan ng bawat bata na ipinanganak sa dekada na kung saan ay hindi pa masyadong uso ang telebisyon. Naalala ko Noon sa tuwing hapon nakikinig na kaming apat na magkakapatid sa radyo at inaabangan namin ang pag sisimula nang pambatang drama. Siya si Kapitan Pinoy na ang nagbibigay kapangyarihan sa kanya ay ang kanyang mahiwagang medalyon.

Hindi pa uso ang Tv noon sa probinsya, halos bilang lang sa mga kapitbahay namin ang may TV kaya naman kaming magkakapatid kabilang na ako ay maagang gumana ang Imahinasyon sa pakikinig ng mga dula sa radyo. Minsan pag hindi na kaya ng baterya humihina ang lumalabas sa tunog ng radyo. Buhay ko noon ang radyo halos karamihan sa mga drama na kinagiliwan ng karamihan ay napakinggan ko. Tanda ko pa sa DZRH kami nakikinig at kong minsan ay humahanap kami ng magandang pwesto upang doon makinig. Nakadapa kami at naka pangalumbaba sa harapan ng radyo.

12722769_10208380848495444_1698298203_o
Art By Franco Moje

 

 

Si kapitan ang pinoy ang pangunahing karakter sa radyo na siya namang kinagiliwan ko. Kasama sa drama ay ang iba pang Super hero katulad nina Superman, Wonder woman, batman pati na rin ang sidekick nyang si robin. Talaga namang walang makakapigil sa aming magkakapatid sa tuwing maririnig na namin ang ” Isang araw, nagpupulong-pulong ang mga alagad ng kabutihan”. Halos hindi na maipinta ang ngiti namin dahil hudyat na iyon na magsisimula na ang palabas. Isang Boses na napakalaki na isinasalarawan ang bawat karakter sa radyo.

Si kapitan Pinoy ang una kong nakikilalang Pinoy Super Hero, Hindi  ko pa kilala si darna at si captain barbel. Talaga naman nabibitin kami sa tuwing matatapos na ang aming pinapakingan. Kasama si kapitan pinoy sa mga bumuo ng aking kabataan, kasabay ng paglalaro ng habulan, taguan, tumbang preso at syato sa daan. Sa tuwing sasapit naman ang tag-araw ay sabay sabay kaming magpupunta sa tabing dagat upang maligo at magtampisaw sa napakalinaw na agat ng aming probinsya. Si kapitan Pinoy ang batang super hero na hanggang ngayon ay hindi ko parin makita kong ano ba talaga ang tunay nyang itsura at kung sino ba ang taong nasa likod ng kanyang napaka amo at napakatapang na boses.

 

Takot ako……


Love 

Love Love Love, takot ako na mahalin kita ng hindi ko minamahal ang sarili ko dahil takot akong magmahal nang nasasaktan. Alam ko na kasama sa bagay na ito ang masaktan dahil nagmamahal tayo, pero ang takot ako ay ang mahalin ka ng hindi mo ako minamahal. Ibibigay ko ang oras at panahon ko sa oras na mag mamahal ako pero sa huli masasaktan ako dahil umasa ako na sapat na ang lahat ng iyon para sabihin na mahal mo rin ako. Love, takot akong maramdaman siya dahil takot ako sa anino ng nakaraan ko. Pandirihan mo na ako dahil sa aking nakaraan pero lahat ng iyan ay mahuhugasan ng aking kasalukuyan.

Discrimination
Takot ako na husgahan, takot ako na pagtawanan, takot ako na pandirihan at isumpa na para bang may sakit na nakakahawa. Takot akong tignan mula ulo hanggang paa na para bang sinisino ako sa aking pagkakatindig. Takot ako na harapin ang mga taong mapanghusga dahil takot akong masaktan na wala namang ginagawa. Ayokong humarap na mahina dahil takot akong husgahan. Ayokong sa tuwing hawak ko ang kanyang kamay lahat ng mata ay nakatingin sa amin at huhusgahan kami ng hindi inaalam ang aming pinagdaanan. Takot ako sa hindi pantay na pag tingin ng lipunan. Sa lipunang nababalot ng panghuhusga at sa lipunang hindi nagagamot ang sakit ng pagiging inutil sa nararamdaman ng iba.

Acceptance

Takot ako na tangapin mo ako ng ganoon na lang, takot ako na akapin mo ako ng walang tanong tanong kung bakit at para saan. Takot ako na gawin mo yan dahil alam ko hindi mo ako lubos na nauunawaan. Inakap mo ako para ipadama na ako ay mahalaga pero hindi mo naman pinapakita ang aking importansya ng ako ay umiyak ng hindi ko sinasadya. Tangap mo ako dahil iyon ang gusto mong ipakita sa mata ng mga nanghuhusga pero ang totoo lahat ng ito ay pansamantala. Tanggapin mo ako ng buong buo na kahit may tanong na bakit at paano, alam ko at ramdam ko ang pagiging totoo mo. Baguhin mo man ang boses mo upang iparamdam sa akin ang simpatya mo alam ko ang totoo lahat ng iyan ay sadyang panandalian lamang.

Awa

Hwag mo akong kaawaan dahil hindi yan ang aking kailangan. Kailangan ko ng unawa at hindi awa. Malakas ako na haharapin ang bukas dahil sa pag asang ibinigay sa akin ng ganito kaaga. Ayaw ko na kaawaan ako dahil hindi ko inililimos ang damdamin ko at ang kalagayan ko. Hindi ako kayang buhayin ng iyong awa kung sa dulo ng iyong salita ay hindi ko makita ang pang unawa. Uhaw ako ngayon sa kaalaman ng mga bagay bagay na dapat ay hindi ko na lang ginawa. Pero hindi ako nagsisi sa kong anong meron ako dahil alam ko na sa huli may mga tao sa akin ay uunawa. Mahalin ko man ang sarili ko, yakapin ko man at pagsisihan ang nakaraan ko, alam ko na iyon ang tama para ipaintindi sa sarili ko na sa pag gising ko sa umaga may bukas at pag asa na nag aantay. Dala dala ko ang bigat ng nararamdaman ko. Pero hindi ko talaga kailngan ang awa mo para gumaan kung ano man itong nararamdaman ko. Malakas ako at hindi mahina, Makasalanan ako pero hindi masama, Madumi man ako sa tingin mo mas busilak naman ang puso ko.
Death

Tahimik, mawawala, madilim…. lahat tayo ay hahantong dito.
liliwanag, iingay, makikita… Hindi ako takot mamatay dahil sa lahat ng kanatatakutan ng lahat ang kamatayan ang aking tanging panibagong buhay. Hindi ngayon, hindi bukas. Mamatay ako ng lumalaban at mamatay ako nang may dignidad. Mamatay ako na hinarap ko ang problema na hindi kaya ng iilan. Malakas ako at kaya ko ito.

Batang 90’s: Mga palabas na pambata Noong dekada 90


Batang 90’s ka kung alam mo ang bawat kanta ng mga kinalikahan nating palabas na pambata sa telebisyon noon. Inaabangan mo tuwing umaga o kaya naman hapon ang bawat palabas na napapanood natin. Alam kasi natin ang ang ating Imahenasyon ay kasing lawak ng mga taong nasa likod ng palabas na pambata noong dekada 90. Narito ang mga kanta nang mga piling palabas noong tayo ay nagsisimula palang tuklasin ang ating kabataan.

 

  1. Remi sino ba naman ang makakalimot sa nakakaantig na istorya ng batang ulila. Dalawa ang klase ng Bersyon nito babae at lalake.

2. Magic Knight Ray earth 

3. Slam dunk

4. Ghost Fighter

5. Doraemon

6. BTX

7. Time Quest

8. Heidi

9. Mask rider black

10. Tom Sauyer

 

Iyan lamang ang ilan sa mga plabas na tumatak talaga sa ating pagkabata. Marami pa namang palabas na talaga namang kinagiliwan natin ng husto pero iilan naman talga ang tatak sa ating isipan na masasabi natin na kinapulutan natin ng aral.

Mga pagkaing hugot na hugot.


Usong uso ngayon sa social media ang mga pagkain o iyong mga pagkain na paano gawin na may hugot. Nandyan ang pastillas ang adobo at kung ano ano pa. Kya itong malikot kung pag iisip ay nakakagawa naman ng tamang pag kain ng HOPIA.
Paano Kumain nang HOPIA
Una bumili ka ng HOPIA yung mumurahin lang gaya ng Tipas para hindi masyadong masakit sa bulsa pag marami ka ng kinain. Parang panliligaw at pagsuyo mo sa kanya na kahit ilang effort pa ang ibigay mo di ka pinapansin kaya ka nasasaktan at umaasa sa wala. Pangalawa Pumili ka ng Flavor para naman sabihin ng mga kaibigan mo na kahit murang HoPiA ang kinakain mo may taste ka parin sa pag pili. pangatlo siguraduhin mong may panulak ka OO panulak iyong iniinum para di ka mabilaukan. Pwede kang mamili ng softdrink o kaya tubig kung nagtitipid ka. Parang siya na pinagtutulakan ka ng palayo eh lapit ka parin ng lapit kaya Umaasa ka parin na magugustuhan ka nya at ang Pang apat Hwag mong dalasan ang pag kain ng hopia lalo na ang baboy kasi nakaksama sa katawan at baka magkasakit ka sa puso. Parang asa ka ng asa sa taong di ka naman gusto at iyong pilit mong nilalapit ang sarili mo dahil baka akala mo nag papakipot lang sya. Kaya hinay hinay lang baka magkasakit ka sa puso dahil Ang Pag papaasa nya sayo ay parang HOPIA masarap sa una pero nakakahirin pag napadami na.
xoxo

The First Time you fell Inlove


Naalala mo pa ba ang unang kabog ng dibdib mo sa tuwing nakikita mo ang crush mo? Iyong may kung anong bagay na gumagalaw sa tiyan mo sa tuwing papalapit na sya sa iyo. Masarap balikan yung mga panahon na akala mo hindi masakit ang magmahal iyong akala mo walang katapusan  ng kilig na nararamdaman mo.

Naranasan mo na bang mautal sa tuwing kinakausap ka nya at iyong akala mo ay tumigil ang orasan dahil wala kang naririnig kundi ang malakas na pag kabog ng iyong dibdib. Kailan nga ba ang unang bese na nainlove ka sa taong inaakala mong siya na? Iyong akala mo hindi ka masasaktan at di iiyak sa oras na iwan ka niya. Huwag na nating balikan ang mga sakit, balikan natin iyong mga masasayang pangyayari sa unang beses na tumibok ang puso mo at nasabi mo na “shit siya na nga”.

Ang sarap sarap sa pakiramdam na tinutubuan ka ng tigyawat sa pisngi dahil sa kakapuyat ng mga bagay bagay na pwedeng mangyari kung magiging kayo. Iyong ganado kang pumasok sa eskwela dahil parang araw araw kang idinuduyan sa tuwing nakikita mo siya. Iyong Mr. Pakipot ka pa sa tuwing tinutukso ka ng barkada.

Kailan ba ang huling beses na kinilig ka ng ngumiti sya sa iyo. Iyong kinilig ka na may halong pamumula ng mga pisngi. Kailan ka ba huling pinagpawisan ng butil butil sa tuwing dumadaan siya sa harapan mo, iyong kinikilig ka sa bawat HI and Hello na binibitawan nya sa iyo. Kailan ka ba huling  naging excited sa pag sagot sa bawat tanong sa slam book. Iyong tipong hindi mo na sya ma describe kaya space is not enough na lang ang nasulat mo. Iyong uso pa ang stationary  iyong papel na mabango at may ibat-ibang klaseng desenyo. Nauubos na ang likod ng kwaderno mo dahil sa walang katapusang Flames. Kikiligin ka sa sagot na sweet o kaya naman lover. Naging Magaling ka na rin sa Math dahil sa pag papabibo mo sa kanya. Iyong ini-imagine mong makasabay mo sya sa uwian.
Ito yung mga panahon na galit na galit ka sa sabado at linggo dahil sa dalawang araw na hindi mo siya masisilayan. Yung kwaderno mo na may larawan ng mga artista ay papalitan mo ng mga litrato nya na pina develop pa nya para ibigay sa iyo.

Abg sarap ng mga unang beses na mainlove ka. Ang sarap ng mga pagkakataon na sabay kayong tumatawa na parang walang bukas. Iyong akala mo ay siya na at wala ng iba. Masarap balikan pero masakit alalahanin ang mga nangyari na ang kilig at saya ay napalitan ng lungkot at luha.

Kailan mo ba kaya ulit mararanasan ang kiligin sa isang tao? Iyong kilig na una mong naramdaman noong panahon na hindi pa masyado kilala ang teknolohiya yung mga panahon na simpleng palitan ng sulat ay masaya kana. Sulat na ihuhulog mo sa bintana ng classroom o kaya naman ay ipapaabot mo pa sa tropa.

Kailan mo kaya ulit mararanasan ang magmahal ng hindi nasasaktan at hindi napapalitan ng luha ang bawat kilig na iyong nararamdaman. Iyong wala kang iniisip kundi ang mga oras na kayong dalawa lang. Kailan mo kaya ulit mararanasan ang ma inlove sa unang pagkakataon sa taong kailanman ay hindi naging kayo.

Xoxo

image

Cebu, Philippines: My 50 shades of Summer


” Feel free to experience Cebuano Hospitality. The kind hearted cebuanos who are willing to give everything for you to see the beauty of the province and the beauty of the locals.”

I am thankful that i visited the province of cebu for the second time. Yes! It was my second time to visit the Queen City of the south. Last 3 years ago pa nang mapadpad ako sa Cebu at naging masaya naman ang unang beses kong pagpunta dito. Gaya rin siguro ng inaasahan ko at sa ugali ko na rin na masayahin eh nagawa kong maging memorable ang bawat lugar na pinupuntahan ko, katulad ng una kong bisitahin ang Cebu.

Di ko iniisip na babalik balikan ko  ang cebu. Wala sa mga plano ko ang biglaang pag book ng ticket papunta doon. Siguro dala na rin ng excitement na makilala  ko ng husto  ang mga naging kaibigan ko na nagpunta dito sa manila na naka base naman talaga sa cebu kaya siguro ganoon na lang akong kasabik na bumalik ulit sa lugar nila. I am very thankful at na experience ko  ang tinatawag nilang pagiging hospitable ng mga Bisaya. Wala rin naman akong masamang experience sa cebu at kung meron man hindi naman siguro iyon magiging hadlang para balikan ko siya. Noong una akong magpunta dito; naranasan ko na agad ang pagiging mabait sa kapwa ng mga cebuano. My friend left his bag sa taxi at sobarang nag panic kaming lahat kong papaano namin makukuha  ang bag nya,  hindi man lang namin natandaan ang plate number o kaya naman pangalan ng taxi. Almost 20 mins din kami nag antay at biglang sumulpot ang taxi na sinakyan namin at isinauli ang naiwan naming bag. Isa yan sa magagandang karanasan na hindi ko malilimutan sa unang pagbisita ko sa Cebu. Marami pa ang magagandang nangyari sa amin sa cebu.

Last friday april 24, Around 7pm ng makalapag ulit ang paa ko sa Mactan International Airport na halos tatlong taon ang nakalipas ngunit walang pinagbago. First night ko sa Cebu na mag isa akong magbabyahe papuntang Cebu city. I decided na mag commute ako using PUJ since hindi ko sya naexperience na sakyan noong nagpunta kami dito way back years. ( mula airport hanggang cebu city. ) From Mactan going to mandaue eh sumakay  ko ng jeep pero bumaba ako ng lapu-lapu kasi feeling ko mali yung daan. Pagbaba ako ng jeep nagtanong ako sa babae kung paano mag punta ng mandaue and itinuro naman sa akin. Nakakatawa nga ang nangyari sa akin noong gabi na yan.

Parang manila lang din ang cebu na ang tanging pagkakaiba lang natin sa kanila ay ang napakahabang traffic sa EDSA. I forgot everything ng magpunta uli ako sa Cebu. I went there to meet new friends and to experience the night life of cebuanos. Gusto kong bumabyahe, tumakbo at magpakalayo layo sa stress ng manila na talaga namang mahahanap ko sa ibang lugar. Gusto kong ikotin ang cebu at ipaalala sa sarili ko na may dugong Bisaya rin ako.

I want to travel often if theres a chance to travel. Hindi naman usapin ang pera o ang yaman na meron ka pag pumupunta ka sa ibang lugar. Dahil sa pagbabyahe mo yayaman ka sa karananasan at sa kaibigan. Yayaman ka sa kultura ng pakikipagsalamuha sa mga tao na kahit ang lingwahe ay hindi hadlang upang hindi kayo maging masaya. I found new set of friends. I learned a lot from them. Kung papaano pahalagahan ang kaibigan at ang mga bagay bagay na napagkakasunduan nila. Isa sa mga bagay na gusto ko pag gumagala eh iyong tumatawa ka na akala mo walang bukas, iyong masaya ka na akala mo wala kang problema.

Money can’t buy my experience. Time is not a distance para maging masaya ka. Paminsan minsan kailangan mong ilabas ang sarili mo sa kahon na kung saan ka nakulong ng kay tagal. 

Daghang salamat sa mga cebuano Friends sa warm welcome. Talaga namang Goddess kayo ng OLYMPIAN. Pagpatuloy nyo lang  ang advocacy natin and sana magkita-kita ulit tayo sa mga susunod na araw, buwan o taon. Sending my hugs and kisses coming from City of dreams going to Queen city of the south. ViVa Cebuano.

Xoxo

image