Category Archives: Hurt

Don’t stress yourself with things you can’t control


In our everyday life we encounter a lot of stress. We face a lot of emotions that sometimes we can’t actually control. We hear and read a lot of negativity in our social media accounts, negativity that in a certain point we are affected by it. In our daily routine we encounter different people that we don’t know why we need to entertain them. Everyday, reading on my Facebook account I can’t really imagine why this world is full of hatred and anger. Politics and even on their personal statuses. 
Minsan talaga kahit anong gawin natin na iwasan ay hindi natin magawa. Dealing in different stress everyday ay parang nakikipag buno tayo sa isang kaaway na alam natin na wala tayong laban. Stress dyan lang yan sa araw araw at hindi natin maiiwasan o malalabanan pero kaya naman nating i-manage diba? 
 
Once in a while try to sip a cup of coffee to release your unwanted emotions. To distress yourself from the toxicity of work and everyday detractors. Coffee helps to stimulate your mind and helps you relax for a while. It has a capacity to lessen your depression and anxiety and also it helps to reduce your suicidal tendency. Iyong bang uupo ka sa isang tabi tapos hihigop ng paborito mong kape, Habang nakatingin sa paligid mo at parang nakikipagugnayan ka sa bawat emosyon ng mga taong dumadaan.

Learn to relax even in a minute of your life. Proper breathing is one of the best and most common practices in different field of works. Inhale and exhale to relax and to calm down your emotions. Do it everyday or at least when you feel that you need it. Ihihinga na lang natin ang mga masasamang enerhiya na nagbibigay sa atin ng emosyon o stress na hindi natin maiwasan. Nandiyan na yan ang gawin natin ay kontrolin natin ang emosyon na maaring magpalala sa ating nararamdaman. Ngiti lang diba at lakihan mo.
We can’t really keep the stress for the rest of our day. We can’t hold it for a longer time. We can’t avoid it but at least try to manage it. Sadyang hindi talaga natin maiiwasan ang mga bagay bagay na ayaw nating manyari. Kahit iwasan natin ang mga ito darating at darating talaga siya lalo na sa punto kong saan ay lunod na lunod kana sa enerhiya nang emosyon. 

May mga pangyayari na kahit ilang ulit na nating nakakalimutan ay paulit ulit paring bumabalik sa atin. Minsan naiisip ko na lang kong pwede ko bang panghawakan na lang ang emosyon ko at hwag na itong pakawalan? Minsan naiisip ko na Am I really worthy enough to let you back in my life or I’m just pretending na mahal ko pa rin ang bagay na iyan? Hindi ko makontrol pero kaya kong imanipula ang bawat araw na kakaisip sa kong ano ang pwedeng mangyari sa akin kong sakaling sagutin ko ang isa sa mga tanong na yan. Ayoko na munang isipin yan. Mag aantay na lang ako ng sagot kong kailan lilipas din ang oras na naging masaya ako sa bisig nang aking nakaraan. This is the only stress in my life right now that I can’t really control. I want to let my emotions go and let it to the way that I want. 

“Adopting the right attitude can convert a negative stress into a positive one.”

Hans Selye

May KOTA ba sa pag ibig?


Sa mahigit sa pitong bilyong tao sa mundo tiyak daw na may para sa iyo, kahit pa nasa magkabilang dulo kayo ng daigdig kong para kayo sa isa’t isa eh di kayo talaga. Sa bawat taong nagmamahal may tao ding nasasaktan. Na sa bawat minamahal mo ay may nagmamahal din naman sa iyo. Na kahit sa magkabilang dulo nang mundo ay magkatalikod kayo, panigurado magtatagpo din ang landas nyo. 

Sa bawat taong nagiging masaya ay may isang tao naman na tuloy parin sa pagasa. May Kota ba talaga ang taong umiibig? Iyong naging masaya ka ngayon dahil sa ilang bilyong tao ay may nakilala ka at may nagpatibok ng puso mo. Pero hindi parin pala sya ang taong makakatuluyan mo. 

Mabuti pa ang tambay sa kanto hindi iniisip kong sino ang makakapareha nya. Nakita mo ba iyong taong grasa na namamalimos? iniisip din kaya nya kong sino ang para sa kanya. Iyong nanay at tatay mo naisip mo ba o natanong mo ba sa kanila kung ilang beses silang sumubok bago nila nakilala ang isa’t isa. Nakaabot kaya sila sa kota? o sadyang nakuntento na lang sila sa bawat isa. 

Naisip ko lang habang nakahalukipkip ang aking mga kamay, naabot ko na ba ang kota sa pag ibig? Kong OO ang sagot maari ay dumating na sya pero napakawalan ko pa o maari na wala talagang nakatakda para sa akin. Kung HINDI naman ang sagot, ilang beses pa akong susubok para malaman kong tama na at naka kota na ako.
 Sinubukan ko na nga yata ang red string na sinasabi nila. Pati ang pulang sinulid nang lola ko na nakatabi sa lata ng biskwit ay nasubukan ko na ring abutin ang dulo pero ayon nagkabuhol buhol lang at napingot pa ako sa tenga ni felomina. 

Kong talagang may kota ang pag ibig eh di para kang isang ahente na naghahabol nang benta? na kong hindi mo maabot ang kita ay malamang matanggal ka. Saklap naman na walang nakakaalam sa atin kong naabot na ba natin ang kota ng pag ibig. 
Sa ilang bilyong tao sa mundo sadya ba talagang may kapareha tayo? ano kaya ang kasarian nya? makakapili ka ba para lang maabot mo ang tinatawag nilang kota o sadyang darating sya sayo. 
Minsan habang pinagmamasdan ko ang bawat pasahero sa MRT naiisip ko isa ba sa kanila ang magsasabi sa akin na “Its over” o magsasabi sa akin na “tama na ako na ang kota mo”. Si kuya ba na nakasandal sa pintuan ng tren, pero hindi sya ang tipo ko! Si ate ba na ang pustura ay parang payaso sa isang kilalang kainan, pero ayoko sa kanya. Si manong ba? Na sumisingaw ang amoy nang maghapong pagtatrabaho sa tirik na araw, pero teka matanda sya sa akin na halos doble ng edad ko. Pero teka! may pinipili bang edad ang pag ibig.
 
Sa dinami dami ng dumaan sa iyo malamang naabot mo na ang kota. Paano pa kaya ang mga tao na magpa hanggang ngayon ay hindi pa nagsisimulang magbilang para sa kanilang hahabulin na kota. Tatanda na lang ba silang mag isa o napagod na sila sa paghahabol dahil kahit isa ay hindi nila naabot ang umpisa nang tinatawag nilang kota.

Sige na nga bahala na kong makailan tayo ang mahalaga ay wala namang nagbabawal kong sino at kong para kanino tayo. Wala namang kota ang taong umiibig diba? Hindi mo kailangan lagyan ng limitasyon ang puso mo. Hindi mo pwedeng sabihin na tama na at ayaw mo na. Walang kota sa taong hindi takot sumubok magmahal. Iyong tao na kahit ilang beses ng nasaktan sige parin. Iyong tao na “Nagmahal, Nasaktan, Naka jackpot”. Hanggang dito na lang baka sakaling maka kota na ako.

fin

What if?


Ang daming tanong kong bakit? para saan? at bakit hindi? What if nga? What if maging tayo? Bakit may what if sa bawat tanong kong pwede namang sabihin na Tayo na? o pwede namang sabihing mahal kita, pero ang tanong paano tayo magsisimula. 

Magulo diba? What if maging tayo at magtapos sa salitang hindi pala kita gusto. What if kong hindi ikaw ang nagustohan ko? Magsisimula tayo sa unang tingin at sa unang sulyap nang ating mga mata ay may mararamdamang kakaiba ngunit subalit ay magtatapos tayo sa sulyap na para bang hindi tayo nagkakilala. What if hindi ikaw ang nagustohan ko, aasa kaya ako nang ganito. Aasa ba ako na maging tayo at aasa ba ako na what if gusto mo din pala ako. Hanggang What if na lang ba ang nararamdaman ko? O susuyoin kita na para bang walang magbabago.
Bakit ba mahirap magmahal ang taong labis na nasaktan? What if hindi ka nasaktan, mamahalin mo ba ako kagaya ng pagmamahal mo sa kanya? Mahirap umasa sa taong maraming What if sa buhay. What if masaktan ako? What if hindi mag work, What if hindi pala kita gusto at what if hindi naman pala ito totoo. Alinlangan nang isang tao na takot sumubok sa tinitibok ng kanyang kapalaran. 
Mag uumpisa tayo sa simula at magtatapos tayo sa hangganan, kung saan ang mga tanong at alinlangan mo ay aking papawiin. What if ako pala ang hinihintay mo nang kay tagal pero what if umaasa lang ako sa wala, sa walang makakapagsabi kong bakit What if nga?

fin

Doon sa lugar na may Tayo -“Tadhana”


Mayroon akong kwento. Kwento ng bawat lumang larawan na iginuguhit ng aking gunita. Sa bawat ala-ala ng nakalipas na kahapon at ang bawat letrang ibinigkas ng panahon. Isang mahabang byahe sa paghahanap ng sakit nakailanman ay babaon sa ilalim ng aking ala-ala.

 

Ang byahe sa pag hahanap sa tadhana ay parang byahe sa paghahanap sa nawawalang pag asa. Inuukit sa bawat kalsadang dinaraanan at iginuguhit nang bawat tanawing nagmimistulang ipininta sa aking panaginip. Sa paglalakbay ng hindi ko alam kong paano at saan patungo.

 

Sa sinasakyan ko na tumitigil ay may nagbabagong damdamin. Damdamin na isinulat sa papel na ang tanging tinta ay dugo na pumapatak sa aking kaisipan. Sa bawat ala- ala na bumabalik sa mga panahong kita ay kasama pa. Sa bawat masayang ala ala ng una kitang nakilala at sa huling ala ala ng ikaw ay mag paalam na.

 

Ang bawat tula na binibigkas ko ay pilit kong nilalapatan ng tono. Ang bawat tula na naiisip ko ay iba’t-ibang letra na naghahalo halo sa aking kamalayan na ang tanging destinasyon ko ay ang sakit ng iyong tuluyang paglayo. Dadayo ako sa isang sulok ng mundo na ang nakakaalam lang ay ang mga pusong bigo. Isang linya ng tula ang aking nabuo na kung sakaling masumpungan kita sa tadhana na ipinangako, ito lang ang kaya kong i-ako.

 

“Hindi ako na ngangako na kong magkakaroon ulit ng TAYO ay kaya kong ibigay ang bituin. Hindi ko mapapangako ang sukdulan ng kinang nito dahil isa ka sa mga bituin na gusto ko ulit abutin. Ayokong nang ipangako ang araw at gabi dahil ang makita ka sa umaga ay sapat na at ang mahagkan ka sa gabi ay kalabisan na. Ayokong ipangako na ikaw ay pakasalan sa lahat ng simbahan, dahil ang pagharap at pag sumpa sa kanya ay sapat na upang dalhin kita sa Dambana ng aking pagsinta.”

Sana sa tagpuan nang doon at dito ay Makita ko ang dating saya na iyong itinago. Sa paglalakbay ko sa pagitan ng bundok at sa pagitan ng mga luntiang puno, sana Makita ko kong ano ang iyong itinago. Hawak ko ang lumang larawan noong una kitang masumpungan. Sa burol na kung saan ay pwede mong isigaw ang sakit na iyong naranasan. Sa burol na kung saan ay pwede mong pakawalan ang bigat ng iyong nararamdaman, Kasabay ng bukang liwayway na sumisibol sa silangan.

 

Kahit ilang milya pa ang lakarin ko at kahit gaano man Katarik ang akyatin ko ay hindi iyan sasapat upang sukatin mo kong gaano kalabis ang pagkagusto ko. Kahit ilang awit pa ang aking awitin at ilang musika pa ang aking marinig; tanging liriko ng tayo ang nais kong makamit.  Doon sa musika ng tayo, doon tayo magpakatotoo. Nang sabihin mong ayaw mo, nakinig ako at tumalima sa kagustuhan mo; pero ng marinig ko na may kayo ay biglang nagbago ang tiklado ng piano. Nang malaman ko na kayo pala ay agad kong binago ang dating musika ng puso ko. Ang dating nasa tono ay dagliang naging sintunado dahil sa liriko na binigkas mo na hindi ko mailapat sa bawat salita mo.

 

Doon sa musika ng tayo ay unti unting naglamlam ang pagnanasa ko na kong pwede ba ay maging tayo. Sa tadhana na ngayon ay unti unti ng nagbago dahil sa taglay nitong pagbabago. Ihatid mo ako sa dati kong saan ang istasyon ng simula ay naroroon. Hayaan mo akong talikuran ka at kalimutan ang pangako mo na tayo sa paraiso ng tadhana.

Hugot: Paano gumawa ng HOPIA with feelings


Minsan ko lang ibahagi ang recipe ko sa pag gawa ng Hopia. Marami na ang sumubok nito at nagtagumpay naman sila. Try nyo lang baka sakaling magustuhan nyo rin.
Step by step dapat Okay?
1. Hangaan mo sya. Titigan mo hanggang sa malusaw sya.
2. I-add mo sa lahat ng social media account para may balita ka sa buhay nya.
3. I like mo ang mga post nya iyong kahit ilang taon na ang nakalipas ilike mo parin para mapansin ka nya.
4. I close mo sya, yun bang Hi and hello na message lang tapos magrereply din sya. Tapos sasagot ka ng napakahabang reply dahil excited ka at ang isasagot naman nya ay “Hahahaha” kinilig ka naman.
5. Mag reply ka sa “hahaha” nya para hindi maputol ang paguusap nyo. Magrereply sya ng emoticon na “smiley” syempre kinilig ka naman ulit at ang reply mo naman ay pang nobela.
6. Hwag mo ng antayin na magreply sya mag message ka agad kahit na seen na nya malay mo busy lang sya. Unahan mo na agad ng “busy ka po ba?” Magrereply sya ng “medyo po”. Pota kinilig kanulit kasi may “Po” akala mo nanlalambing.
7. Pahinga ka muna ng ilang minuto pag nag reply sya kunwari di mo alam at Busy ka rin. Pero sa totoo nangingig ka na sa pagpindot. 
8. Magchat kayo everyday nakakasarap ng pakiramdam yan. Iyon bang kahit hindi nya pa na si-seen ang message mo push mo lang o yung kahit ikaw na mismo ang sumasagot sa tanong mo push mo pa rin baka nga busy lang naman.
9. May bago syang post about love mag like ka ng heart tapos mag comment ka ng emoticon na may puso ang mata kasi asang asa ka na patama sya sayo. Magpost ka rin sa wall mo ng qoutes tapos lagyan mo ng feelings na “Feeling Loved” ganun kahit ikaw lang nakakaintidi. Pag may nagnonotify agad tignan mo baka sya na pero dahan dahan lang huh baka malaglag ka sa kinauupuan mo pag nag like sya.
10. I like mo ang post nya kasama ang crush nya. Mag comment kapa na “bagay kayo” with smiley dapat para convincing na di ka bitter. Tapos mag post ka sa wall mo na kunwari masaya ka.
11. At ang huli umasa ka parin go lang kaya mo yan laban lang ng laban pag di ka crush ng crush mo I crush mo na lang ang crush nya para may challenge At make landi ka dapat para winner LOL
Fin

#CrushChallenge

Christmas in June


Puno ng misteryo ang buhay natin at minsan pa nga napakakomplikado, minsan pwede kang maging masaya at minsan naman pwede kang maging malungkot. Lahat ng yan ay pwede nating maranasan ng naaayon sa kagustohan natin. I’m turning 30 this year and siguro nga nasa kalahati na ako ng buhay ko. Tanda ko pa noong bata pa ako t’wing sasapit birthday ko parang wala lang hindi ako excited at hindi rin naman kasi ganoon kaganda ang buhay namin sa probinsya. Wala rin akong natatandaan na nagkaroon ako ng cake noong bata ako, kaya noong nag 21 ako debut daw ng lalaki iyon yung pinakamasayang araw o kaarawan ko dahil yung mga barkada ko ng college aba binigyan ako ng cake at surpresa pa iyon kaya iyak ako ng iyak, para akong bata na binigyan mo ng isang laruan na inaasam ko noon pa. Hindi ko makakalimutan ang taon na iyon pati narin ang nga barkada ko na pinaramdam sa akin na ang HUNYO ay hindi lang birthday ko kundi pasko na rin para sa akin.
Biruin mo 30 na ako at syempre hindi naman naging madali para sa akin na marating ang edad na ganito sa haba ng mga taon na pinagdaanan ko, marami na akong naranasan at natutunan. Marami na akong nakikala at marami na rin siguro akong nasaktan. Sa buhay natin may mga makikilala tayo na masasabi natin na nagturo sa atin ng least one para maging matibay. May mga nakilala tayo na nagbibigay sa atinng inspirasyon kong paano bumangon mula sa pagkakadapa. Meron din naman na makikilala natin nadadaan lang sa buhay natin pra sabihing hindi perpekto ang bawat buhay ng tao. 

Sa totoo lang hindi ko ginagawang seryoso ang buhay ini-enjoy ko na lang ang bawat araw na dumadaan kasi kong patuloy akong mag papakastress sa buhay ko o sa nangyayari sa akin baka hindi ko naenjoy ang ROAD to 30. Hindi naman kasi madali ang tahakin ang halos ilang taon para lang marating ang edad na to. Narating ko ito ng hindi ganoon kaganda wala naman atang daan na shortcut para makapunta agad ako dito. Inenjoy ko na lang ang bawat ton na dumaan sa akin, inakap ko ang pagkadapa ko at di nawalan ng pag asa, binahagi ko ang mga kasiyahan ko sa daan na dinaanan ko. Naging makabuluhan naman ang mga taon na nagdaan. Natuto akong pahalagahan ng husto ang sarili ko, tumulong ako sa abot ng makakaya ko, nakiisa ako sa pakikibaka ng bawat kababayan ko, nakiiyak ako sa lungkot ng iba at syempre ng daan ako sa panibagong buhay ng mga taong nakakausap ko araw araw. Nilagay siguro ako sa lugar na ito hindi para bigayan ng napakaraming stress kundi upang matutunan ko na akapin at mahalin ang kapawa ko ng higit sa lahat. Humiling nga ako noon na bigyan ako ng pag ibig, dumating nga umalis naman at napakalaking sugat ang iniwan. Ngayon ko lang nalaman na hindi pala iyon ang binigay nya sa akin kundi ng humingi ako ng magmamahal sa akin hindi siya ang binigay kundi iyong mga taong hindi ko talaga kilala, Iyong hindi ko niligawan iyong walang romansa na pagmamahal kundi pagmamahal ng mga taong natitulungan ko at pagmamahal ng mga taong kailangan kong tulungan. 

Mahaba ang tali ko at kahit anong hila ko hindi ko makita ang dulo. Iaalagwa ko ang tali ko sa buong mundo upang pagkapitan ng mga taong kailangan kong tulungan na h’wag mahulog sa isa pang pagkakamali, Iaalagwa ko ang tali ko pramaging kapitan nila sa oras ng kailangan  nila ako.

O sya umpisa pa lang ng byahe ko nag stopover muna para sa susunod na byahe ng buhay ko ay hindi na katulad ng dati dahil natutunan ko na kong ano ang mga pagkakamali na dapat kong itama.

Fin

In the HIV counselor’s eyes


“Maliit na sulok ng kwarto, Nababalotan ng lamig at katahimikan. Wala kang maririnig kundi mga panaghoy ng isang taong umikot ng makailang beses ang buhay sa isang iglap.”

Ramdam ko ang kalungkutan sa t’wing ibibigay ko ang resulta sa mga nagpapa-test para malaman ang kanilang Status (HIV) . Sa sobrang tahimik bago ko buksan ang sobre na naglalaman ng resulta ay halos naririnig ko na ang kalabog ng kanilang dibdib dahil sa kaba at takot. Mga emosyon na naghahalo sa tuwing sasabihin ko na ang resulta ng kanilang isinagawang HIV test. 

Bilang isang counselor mahirap na sa iyo magmumula ang isang resulta na magpapabago sa kanilang emosyon. Kailangan mong ilagay ang napakatahimik na sitwasyon sa isang komportableng usapan para kahit papaano ay mabawasan ang kaba ng bawat isa. Habang umaandar ang oras para sa aming counselor ramdam ko na ganoon naman katagal ang paghihintay ng ilan sa pag bukas ng aming bibig, pagbukas ng bibig namin nababangitin ang bawat letra na magbibigay sa kanila nang panlalamig ng katawan.

“Reactive” walong letra na nagpanginig sa kanilang laman mga letra na ayaw marinig ng kahit sino man pag nasa ganoong sitwasyon ka. Kita ko ang pangingilid ng luha ng bawat nakakausap ko, panginginig na sinasabayan ng panlalamig ng mga palad at pagpapawis kahit ang paligid ay nababalutan ng lamig. Nakakabinging panandaliang katahimikan ang nararamdaman ko. Nakikita ko ang kalungkutan sa kanyang pagyuko. Nakikita ko ang sakit at pagsisi sa bawat pag bukas sara ng kanyang mga palad. Unti unti nyang ititingala ang kanyang ulo at deretsong titingin sa aking mga mata, mangungusap ang mga ito na parang sinasabing sabihin ko sa kanila na ako ay nagkamali lang sa aking binitawan.

Pero Hindi ko mababago ang resulta at kahit na ang kapalaran ng iba. Gustuhin ko mang baguhin ngunit hindi ko magagawa. Gusto ko man silang akapin pero ayokong ipakita na kinakaawaan ko sila dahil gusto kong makita nila na kahit na ganoon ang resulta sila ay tao parin na may pakinabang at dapat lumaban.

Unti unting mababasag ang katahimikan namin dahil sa mga katanungan at kasagutan na dapat nilang malaman. Unti unting mawawala ang panlalamig ng paligid dahil sa kagustuhan na malaman nila ang susunod na hakbang. Pero sa tingin ko na kahit anong simple ng paliwanag na gawin ko at kahit gaano kalakas ang boses ko mananatiling komplikado sa kanila ito at mananatiling bulong ang bawat boses ko dahil sa kanilang kaisipan na lumilipad at hindi lubos na nauunawan ang mga pangyayari na nagpabago sa kanilang emosyon. Ang bawat boses ko ay parang usok sa kanilang paningin na unti unting naglalaho na kahit nakikita mo nang malinaw ay mawawala na lang dahil sa hindi sila handang makinig o dahil balot parin sila ng takot. Takot sa katotohanang kanilang narinig.

Isang malalim na bugtong hininga ang kanilang bibitawan. Hininga na hinugot sa kailaliman ng kanilang tapang. Unti unting bubuka ang bibig nila at magsisimula ulit akong simulan kong ano ang nauna kong sinabi. Liliwanag ang paligid sa kanilang maririnig. Mula sa kadiliman ay para silang dinala sa liwanag ng pag asa. Pag asa na ang buhay ay tuloy tuloy lang, na ang mundo ay umiikot sa lahat at hindi lang sa kanila. Muling magbabalik ang ingay ng kwarto, unti unting madadag dagan ng init ang apat na sulok nito. Babalik sa dati kong saan nagsimula at magtatapos sa pag asang kaya pang lumaban.

Normal ang lahat ng bagay pagkatapos ng mabigat na pag uusap. Unti unting mababanaad sa kanilang mukha ang pag asang mabuhay na kahit sa kabila ng sitwasyon may pag asa para lumaban. Kitang kita ko na habang papalayo sila ay dala-dala parin nila ang bigat ng nangyari. Uuwi sila at magmumokmok at iisipin ang bawat oras na nagdaan. Bibigat ang nararamdaman na parang kong ano ang dinidikta ng kaisipan ay iyon ang nangyayari sa kanila. Panghihinaan ng loob at iiyak hanggang sa makatulog at sa pag gising isang malakas na nilalang na haharapin ang problema upang bigyan ng solusyon hindi para bigyan ng isa pang problema.

-Fin

LIMOT


Ayokong pumikit ng hindi lamang kita nasisilayan. Ayokong matulog ng hindi ko man lang nahahawakan ang iyong mga kamay. Nais kong maramdaman ang bawat init ng iyong palad na dumadausdos sa aking mga daliri. Iyong init na dati ay sa akin dumadampi, init na dati ay ako lamang ang nakakadama. Gusto kong mahagkan ang iyong mga bisig na kahit sa panandalian ay aking maramdaman.

Yakapin mo ako kahit minsan, yakapin mo ako kahit sa huling sandali lang. Yakapin mo ako na parang walang bukas na nag aantay. Hagkan mo ko at hwag mo ng pakawalan. Yapusin mo ang aking katawan na kahit sandali at sa huli ay aking maramdaman na ako ay iyong minahal. Punasan mo ang luha ko at sabihin mo sa akin na mahal mo rin ako.Punasan dugoang puso ko na tuloy tuloy sa pag tagas dahil sa sakit na ginawa mo. Nakikiusap ako na hwag kang lumisan na parang ikaw ang syang nasaktan.

Hipan mo ang aking tenga at ipadama mo ang init ng iyong hininga. Hininga mo na parang musika sa aking pag tulog. Ibalik mo sa akin ang dati kong matamis na ngiti. Ibalik mo sa akin ang ngiti na dati ay iyong ibinigay, Ngiti na sa ngayon ay hindi mo na makikita pa. Lasingin mo ako ng iyong mga salita upang sa ganoon ay maging manhid ako na parang may anestisya. Manhid sa pagtingin ko sayo na kahit mahal pa kita ay kailangan na kitang pakawalan. Manhid upang hindi ko maramdaman ang iyong tuluyang paglisan.

Sa Huling pagkakataon hayaan mo akong sabihin ko sa iyo na salamat sa sakit na ibinigay mo dahil ngayon ay natuto akong lumaban sa bawat insulto at sakit pa na makukuha ko. Salamat sa bawat salita na binitawan mo na mahal mo ako iyon pala ay hindi totoo. Salamat sa sampung kasinungalingan na pinaniwalaan ko noong tayo. Salamat sa mali at tamang nagawa mo dahil ngayon alam ko na na hindi ako bato. Salamat sa tawang ibinigay mo na ngayon alam ko na na kahit payaso ay may maskara na kagaya mo.

Sa huling pagkakataon hayaan mo ako na hindi ka mahalin, sa huling pagkakataon hayaan mo ako na ako ang unang makalimot. makalimot sa lahat ng katangahang nagawa ko, sa pag limot sa bawat pangako mo, sa paglimot sa bawat salitang inasahan ko at sa paglimot na tayo ay minsang nagkakilala,

 

-fin

Ang pait ng kape.


Habang tirik na tirik ang araw at nararamdaman ko na ang papalapit na Tag-araw, ramdam na ramdam ko narin ang init ng panahon. Nanunuot sa bawat butas ng aking balat at nagsasabing halika mag-palamig tayo.

Hilig ko na yata ang magkape, mapa-malamig na panahon o kahit iyong tirik na tirik ang araw. Para akong tanga na humihigop ng kape sa kalagitnaan ng kainitan ng panahon. Kahit Iyong kape ay kasing init ng panahon  ay pinipilit ko paring higupin. Para akong sundalo na lumalaban sa isang gyera na pilit nilalabanan ang bawat init na naidadagdag nito sa aking katawan. Ang pait ng kape parang tinimpla ng isang tao na humugot ng sama ng loob dahil sa pag iwan sa kanya ng kanyang sinisinta. Ang kape ko ay sakto lang ang  tapang na parang Ex ko na kapag tumitingin ako sa iba ay agad naman akong tititigan na parang tigre na matapang at sa huli ay aamo na parang tuta na gustong makipaglaro.

Habang nag titipa ako at ginagawa ko ang kwento na ito ay nakaupo ako sa isang lamesa na ang tanging kasama ay kape at ang aking sigarilyo. Dinaramdam ang bawat mainit na hangin na pumapalo sa aking balat.  Pinagmamasdan ang bawat tao na nagdaraan sa aking harapan, may mag kasintahan at ang iba naman ay may kasamang alagang hayop na nagbibigay sa kanila ng kasiyahan sa tuwing kasama nila ito. Napaisip tuloy ako bigla kong maari din ba akong magmahal ulit gaya ng pagmamahal ko sa kape na aking hinihigop.

Mainit ang kape na inorder ko sa barista, gusto ko kasing magising sa katotohanan na ako ay nagiisa at wala naman talagang makakasama. Sa bawat higop ko ng kape ramdam ko ang pait na dulot nito, pait na nanunuot sa aking lalamunan na parang isang emosyon na karamihan sa atin ay natikman na.  Minsan naiisip ko na buti pa ang kape na iniinom ko marami ang nagmamahal pero sa kagaya ko na nagbibigay ng pagmamahal ay siya namang nakakalasap ng pait ng walang nakukuhang pagmamahal sa aking inaalayan. Sa aking inuupuan ay natatanaw ko sa eskaparante ang mga display  na matatamis na cake. Ibat-ibangklase ng cake na naka latag sa aking mga mata. Parang ang tatamis nila at nakakatakam na titigan. Pero naisip ko na kahit ang isang pinakamatamis na bagay na aking nakukuha ay nawawala din ang lasa at magsasawa ka rin at mauumay sa sobrang tamis na dulot nito.  Nakakasawa rin at nakakasuya ang sobrang tamis. Kaya naman ang aking kape ay sakto lang ang pait at tamis upang mabalanse ko parin ang emosyon na aking nararamdaman,

Lumalamig na ang kape na mainit ng aking umpisahang inumin, lumalamig na sya at di ko na kaya pang ibalik ang dati nitong init. Naisip ko tuloy na kasalanan ko ba na hindi ko sya pinapansin noong maiinit pa sya at ngayong sya ay nanlamig na saka ko hahanapin ang init nya. Para akong ewan na hindi ko lubusang makuha ang timpla ng kape na gusto ko. Buti pa ang mga barista alam nila ang kape na gusto ko kaya nilang timplahin ang lasa na kailangan ko pero ako na mas nangangailangan ng tamang panlasa ay hindi ko makuha ang gusto ko. Masarap talaga ang kape lalo na kung nabibigay nito ang kaligayahan na hinahanap mo. Masarap ang kape kung ang bawat init nito ay nararamdaman ko. Pait, tapang pati narin ang saktong lasa nito sa bawat nakakahigop.

Ang kape na kahit anong panahon ay nagbibigay sa akin ng likas na kaligayahan. Kape na kahit anong pait sa aking panlasa ay agad ko namang natutunang mahalin at pahalagahan. Sana sa bawat kape na mapait ay maranansan ko rin ang tamis sa huling pag higop nito.

Tindera Serye: Pabili nga po!


Litong Lito na ako sa mga nababasa ko na nagpapatawa at nagpapangiti sa akin ng husto. Iyong bang Boom sablay haha. Mga hugot ng Tindera at kanyang mga suki. Sino ba iyong si ate at saan ko ba ito makikita ng makabili at maihampas ko ang sinasabi nyang hugot.

Ikot na ako ng ikot sa buong tindahan dito malapit sa amin, halos naubos ko na ang barya ko at bumili na ng kung ano ano pero hindi ko makita si ate na tindera at saan ba talaga siya naka pwesto? Sa divisoria, sa Quiapo o sa baclaran. Hays pagod na ako at ngalay na ngalay na kakalakad pero HELLLLLOOOO ate asan ka na ba ng makahingi ng payo.

May nabasa ako sa News feed ko sa FB about kay ate na naman.

Ako: Ate magkano po itong poster ni Alden Richard.

Tindera: Ay iho salamin yang hawak mo.
Boom buti nalang Cute yung nag post nito at kung hindi baka namura ko na sa kapal ng Mukha LOL joke lang.
Ito pang isa na nabasa ko rin at tawa ako ng tawa.

Ako: Ate pabili nga po ng mantika.

Tindera: Tapos ano? huhugot ka na naman, sasabihin mo naman na saktohan ko lang at hwag sobrahan.

Ako: Ate pag nasunog iyong kawali ihahampas ko talaga sa mukha mo.

Grabe hindi ko parin makita si ate.
Ako: Pabili nga pong ilaw

Tindera: Anong klaseng ilaw

Ako: Iyong maliwanag, iyong makikita ang halaga ko

Hala sya! Minsan madami ring alam yung bumibili eh di naman siya inaano.

Ako: Pagbilan po

Tindera: Wala sarado na!

Ako: Ganyan naman kayo eh, Di bale sanay naman akong narereject.

Hindi ko parin makita si ate. Kahit sa kabilang kanto na 24/7 bukas wala si ate. Asan ba kasi ang tindera na yan ng mapektusan hahaha.

Ako: Pabili nga pong buble gum

Tindera: Alin dito?

Ako: Iyong hindi lang sa umpisa matamis, Iyong hanggang sa huli di nawawala ang katamisan.

Aray ko po parang hinugot sa taong sandamukal ang galit sa mundo at iyong taong dinaig pang pinagiling sa gilingan ang puso.

Ako: Pagbilan nga pong paminta

Tindera: Buo o durog

Ako: Iyong Durog po gaya nang iniwan ako ng mahal ko.

Itagay ko na lang kaya ito kasi hindi ko parin makita si ate na hugotera.

Ako: Pagbilan po ng Redhorse

Tindera: Malamig ba?

Ako: Opo yung kasing lamig ng Boyfriend ko.

Oh di ba napapagod na akong maglakad at tapos ko nang gawin ang sinabi ni ate sarah G na ikot ikot lang, Kaya si maja na lang ang ginaya ko atleast dahan dahan lang. O sya uuwi na lang ako at pagod na pagod na ako kakahanap kay ate. 

Last na lang.

Ako: Pabili nga pong Nescafe 3n1 yung pula.

Tindera: Iyong original ba?

Ako: Iyong peke ate kung meron kayo, baka mas mura iyon pakyu ka. 

Xoxo