Category Archives: Kwento

Forgiveness- The past does not dictate the future unless you let it.


Entering a year full of blessings is a sign that I know, I totally forgive the past. It’s been 2 years and a month when we both decided to become strangers. As years gone by, I heard a lot of stories about you. To be honest, every-time that I had a chance to hear stories about you, the memories from the past repeatedly runs in my mind. The pain, the tears that I’ve shed, and the day that you left. 

Today, we are in a different time. All wounds were Healed already. We learned how to forgive, we learn to embrace each other and we accept the challenge to smile together. The true happiness will come when you let go of the hurt that’s holding you back. We both matured now….I guess? 

I am thankful now that I know we all move on from the past. Masaya pala iyong nakikita mo ang mga mali mo at pagkakamali nila na tinatawanan nyo na lang. Wala  mangyayari kong panghahawakan parin natin hanggang ngayon ang galit ng nakaraan. 

To be honest even though I’m the one who initiated this moment, I’ve got butterflies in my stomach. I have a cold sweat running on my head down to my neck. My heart beats fast because I don’t know what’s happening at this moment. Iyong kaba na hindi mo pwedeng ipahalata sa kanila. Na akala mo ngayon lang ‘yong kahapon. 

Masaya ang pagkikita puno nang kwentuhan ng kahapon at mga nakalipas na nagbigay sa amin ng leksyon. Masarap magpatawad lalo na kong ang pagpapatawad ay bukal sa loob mo at bukal mong tinanggap na walang halong panghihinayang. Ngayon haharapin natin ang bagong kabanata nang ating buhay. Siguro hindi natin alam kong maibabalik pa natin ang dati, Iyong dati na tayo, kayo na sabay na nangangarap sa bawat bukas na darating. Bahala na ang tadhana ang magtakda kong sa huli ay maari pang mangyari ang mga bagay na naudlot ng panahon. Hindi man Fairy tale ang kwento natin pero pra syang kwento na pwede nating ihalintulad dito, Happily ever after.

Anger makes you smaller, while forgiveness forces you to grow beyond what you were.”

May KOTA ba sa pag ibig?


Sa mahigit sa pitong bilyong tao sa mundo tiyak daw na may para sa iyo, kahit pa nasa magkabilang dulo kayo ng daigdig kong para kayo sa isa’t isa eh di kayo talaga. Sa bawat taong nagmamahal may tao ding nasasaktan. Na sa bawat minamahal mo ay may nagmamahal din naman sa iyo. Na kahit sa magkabilang dulo nang mundo ay magkatalikod kayo, panigurado magtatagpo din ang landas nyo. 

Sa bawat taong nagiging masaya ay may isang tao naman na tuloy parin sa pagasa. May Kota ba talaga ang taong umiibig? Iyong naging masaya ka ngayon dahil sa ilang bilyong tao ay may nakilala ka at may nagpatibok ng puso mo. Pero hindi parin pala sya ang taong makakatuluyan mo. 

Mabuti pa ang tambay sa kanto hindi iniisip kong sino ang makakapareha nya. Nakita mo ba iyong taong grasa na namamalimos? iniisip din kaya nya kong sino ang para sa kanya. Iyong nanay at tatay mo naisip mo ba o natanong mo ba sa kanila kung ilang beses silang sumubok bago nila nakilala ang isa’t isa. Nakaabot kaya sila sa kota? o sadyang nakuntento na lang sila sa bawat isa. 

Naisip ko lang habang nakahalukipkip ang aking mga kamay, naabot ko na ba ang kota sa pag ibig? Kong OO ang sagot maari ay dumating na sya pero napakawalan ko pa o maari na wala talagang nakatakda para sa akin. Kung HINDI naman ang sagot, ilang beses pa akong susubok para malaman kong tama na at naka kota na ako.
 Sinubukan ko na nga yata ang red string na sinasabi nila. Pati ang pulang sinulid nang lola ko na nakatabi sa lata ng biskwit ay nasubukan ko na ring abutin ang dulo pero ayon nagkabuhol buhol lang at napingot pa ako sa tenga ni felomina. 

Kong talagang may kota ang pag ibig eh di para kang isang ahente na naghahabol nang benta? na kong hindi mo maabot ang kita ay malamang matanggal ka. Saklap naman na walang nakakaalam sa atin kong naabot na ba natin ang kota ng pag ibig. 
Sa ilang bilyong tao sa mundo sadya ba talagang may kapareha tayo? ano kaya ang kasarian nya? makakapili ka ba para lang maabot mo ang tinatawag nilang kota o sadyang darating sya sayo. 
Minsan habang pinagmamasdan ko ang bawat pasahero sa MRT naiisip ko isa ba sa kanila ang magsasabi sa akin na “Its over” o magsasabi sa akin na “tama na ako na ang kota mo”. Si kuya ba na nakasandal sa pintuan ng tren, pero hindi sya ang tipo ko! Si ate ba na ang pustura ay parang payaso sa isang kilalang kainan, pero ayoko sa kanya. Si manong ba? Na sumisingaw ang amoy nang maghapong pagtatrabaho sa tirik na araw, pero teka matanda sya sa akin na halos doble ng edad ko. Pero teka! may pinipili bang edad ang pag ibig.
 
Sa dinami dami ng dumaan sa iyo malamang naabot mo na ang kota. Paano pa kaya ang mga tao na magpa hanggang ngayon ay hindi pa nagsisimulang magbilang para sa kanilang hahabulin na kota. Tatanda na lang ba silang mag isa o napagod na sila sa paghahabol dahil kahit isa ay hindi nila naabot ang umpisa nang tinatawag nilang kota.

Sige na nga bahala na kong makailan tayo ang mahalaga ay wala namang nagbabawal kong sino at kong para kanino tayo. Wala namang kota ang taong umiibig diba? Hindi mo kailangan lagyan ng limitasyon ang puso mo. Hindi mo pwedeng sabihin na tama na at ayaw mo na. Walang kota sa taong hindi takot sumubok magmahal. Iyong tao na kahit ilang beses ng nasaktan sige parin. Iyong tao na “Nagmahal, Nasaktan, Naka jackpot”. Hanggang dito na lang baka sakaling maka kota na ako.

fin

What if?


Ang daming tanong kong bakit? para saan? at bakit hindi? What if nga? What if maging tayo? Bakit may what if sa bawat tanong kong pwede namang sabihin na Tayo na? o pwede namang sabihing mahal kita, pero ang tanong paano tayo magsisimula. 

Magulo diba? What if maging tayo at magtapos sa salitang hindi pala kita gusto. What if kong hindi ikaw ang nagustohan ko? Magsisimula tayo sa unang tingin at sa unang sulyap nang ating mga mata ay may mararamdamang kakaiba ngunit subalit ay magtatapos tayo sa sulyap na para bang hindi tayo nagkakilala. What if hindi ikaw ang nagustohan ko, aasa kaya ako nang ganito. Aasa ba ako na maging tayo at aasa ba ako na what if gusto mo din pala ako. Hanggang What if na lang ba ang nararamdaman ko? O susuyoin kita na para bang walang magbabago.
Bakit ba mahirap magmahal ang taong labis na nasaktan? What if hindi ka nasaktan, mamahalin mo ba ako kagaya ng pagmamahal mo sa kanya? Mahirap umasa sa taong maraming What if sa buhay. What if masaktan ako? What if hindi mag work, What if hindi pala kita gusto at what if hindi naman pala ito totoo. Alinlangan nang isang tao na takot sumubok sa tinitibok ng kanyang kapalaran. 
Mag uumpisa tayo sa simula at magtatapos tayo sa hangganan, kung saan ang mga tanong at alinlangan mo ay aking papawiin. What if ako pala ang hinihintay mo nang kay tagal pero what if umaasa lang ako sa wala, sa walang makakapagsabi kong bakit What if nga?

fin

Noong minsan may TAYO


Masaya tayo na nagtatawanan nagbibiroan at niyayapos ang sandaling magkasama. Noong minsan ay may tayo, pinangako mo na ikaw lang at ako doon sa sa upuan kong saan tayo unang nagtagpo.

Pinangako mo ang mga salitang “Mahal mo ako” at napaniwalang ito ay totoo. Habang binibigkas mo sa mga labi mo ang mga katagang pangako ko, ay para akong isang kahoy na ipinako mo sa kinatatayuan ko.

Binuhos mo ang kilig sa katawan ko na para bang ikaw ang una at huling taong mamahalin ko. Mahal kita! yan ang binitawan mo habang ang mga mata mo ay nakatitig sa mga mata ko. Nakatitig ang mga mata mo na parang Tala na nagbigay liwanag sa puso ko. Nakita ko ang katotohanan at pagsusumamo mo na kahit bulag itong puso ko ay naramdaman ko naman ang mga katagang sinasambit mo, Tumatagos ang bawat linya na binibigkas mo. Linya na dumadaloy sa dugo ko patungo sa puso ko  at ang puso ko ay ibinubuga ito kasabay ng pagtibok nito.

Noong minsan ay may tayo, gumawa ako ng isang tula na ang bawat talata ay binibigkas ko na may saya at lambing. Lambing ng isang nagmamahal at nabubulag sa pagmamahal. Gumawa ako ng tula upang ipakita sa iyo na kahit ang mga tala ay kumikinang sa kinatatayoan mo. Liwanag ang nakikita ko dahil sa pagkakataong iyon nabulag ako sa liwanag na inihatid nito.

Pinakilig mo ako na parang isang halaman na ngayon lang nadiligan. Pinaramdam mo ang salitang tayo sa maraming tao na kahit ang mga mata nila ay nanlilisik sa panghuhusga ng makita nila ang dalawang lalake na naghahawak kamay na hindi alintana ang mga taong akala mo ay nakasutana. Hinawakan mo ang mga kamay ko kasabay sa paghigpit nito na ang pangakong ngayon ay tayo ay hindi magbabago.

Pero Natapos ang minsan na may tayo ng makita kita sa parehong lugar na may pinapangakuan at inaalayan ng parehong pagmamahal na iyong ibinigay noong unang maging tayo. Naramdaman ko ang kab0g ng dibdib ko. Kumakabog sa kaba at lungkot na ang dating linya na binabangit mo ay unti unting nanunuot sa puso ko. Linya ng pagmamahal na ngayon ay gumuguhit at nagdadala ng sakit sa puso ko.

Tumayo ako sa di kalayuan habang kayo ay pinagmamasdan. Nakangiti ka sa kanya gaya ng mga ngiti na iyong ibinigay noong unang maging tayo. Naramdaman ko ang lungkot at poot ng makita kitang hinawakan ang kanyang mga kamay gaya ng paghawak mo sa aking mga kamay noong minsan ay may tayo. Nakita ko ang saya sa labi at mga mata mo habang kinakausap mo sya at nakatitig ka sa mga mata nya.

Lumakad ako papalapit sa inyo upang malaman mo na ako ay nandirito, na handang patawarin ang kamalian mo. Pinilit kong kausapin ka upang ibalik ang salitang TAYO, pero mas pinili mo ang bago mo, na kapareho lang halos ng pagmamahal na ipinakita mo noong minsan ay may salitang TAYO.

Lumakad kayo papalayo sa akin. unti unting nawawala sa paningin ko na halos hindi na matanaw ng mga mata ko. Habang dating tala na meron ako ay unti unting nawawala ang kinang nito. Sabay sa paglayo nyo ay ang pagbuhos ng ulan na para bang sinabayan ang pagbagsak ng luha ko. Lumakad akong nakayoko upang hindi makita ng mga tao ang sakit na meron ako, Sakit na dulot ng mga salitang binitawan mo noong minsan ay may Tayo.

Natapos na ang minsan ay may tayo. Nakita kitang nakatayo sa harapan ko. Malungkot at lumuluha.Ang dating tala na napundi ang liwanag ay unti unting kumikislap.  Inakap mo ako at umiyak dahil nasaktan ka sa pagpili sa kanya. Nasaktan ka ng iwanan ka nya na ang pangako na ginawa mo sa akin noon ay ginawa nya sa iyo pero sa huli ay minsan lang din na may Kayo. Ang tala ko na akala ko ay ptuloy na sa pagkinang ay tuluyan ng naglamlam.

Inakap kita nang sobrang higpit, Inakap kita na may kasamang tayo na lang ulit. Pero ang mga akap mo ay akap nang sakit na naramdaman mo sa taong minahal mo. Inakap mo ako upang damayan ka, hindi upang mahalin ako. Binitawan na kita upang mahalin sya at kahit masakit na hindi na pala pwede talaga ay pinilit ko na talikuran ka. Ngumiti ako sayo at ngumiti ka rin sa akin tanda na tayo ay magkaibigan na.

Tinalikuran kita gaya ng pagtalikod mo sa mga pangako mo. Tinalikuran kita habang ako ay lumuluha, Tinalikuran kita habang ang bawat salita na lumalabas sa aking puso ay sobrang sakit na. Mga salitang umasa ako na baka pwede pa?

Sana tayo na lang ulit, Sana ako na lang ulit. Pero hindi ko naramdaman yan sa mga akap mo. Dahil ang naramdaman  ko ay ang sakit na naranasan mo ng ikaw naman ay iwan ng taong totoong minamahal mo. Lumayo na ako sa iyo upang iparamdam na OKAY na ako. Pinaubaya na pala kita matagal na. At sa wakas binitawan ko na ang pag asang sana ay may tayo ulit. Sa huli, paalam sa unang tao na nagbigay ng salitang TAYO.
~fin

The one sided love


“Tell My Heart To Stop Beating, Tell My Mind To Stop Thinking, Throw A Stone In The Ocean And Tell It To Stop Sinking, Tell The Sky Not To Be So Blue, Well Its Like Telling Me NOT To Be In Love With You.”


Lahat naman tayo ay nagkakaroon ng pagkakataon na magmahal sa isang tao na hindi naman tayo kayang mahalin o iyong bang magkagusto sa tao na hindi tayo gusto? Sino ba kasi nagsabi na kapag nagmahal ka o nagkagusto ka ay automatic na magugustuhan ka at mamahalin ka din nya. Wala namang rules diba? Ganyan ang Pag-ibig pag malaki kang tumaya, malamang malaki din ang mawawala sa iyo kapag natalo ka.

The one sided love/Like/Crushes, diba nga?ang hirap nang ganitong sitwasyon. Kong kailan sobrang tagal mong pinahilom ang sugat mo doon naman muling magtutuklap ang langib nito. Kong kailan handa ka nang magmahal, may dumadating naman sa iyo na kabaliktaran ng nararamdaman mo. Hirap kontrolin ng tadhana. Napakahirap iwasan ang palaso ni kupido, kahit anong ilag mo talaga namang sapol na sapol ka kapag pinana ka nito. 

Kilig, ayan na naman s’ya akala lang natin na kapag nagmahal tayo ay parang may paru paro sa tiyan mo. Akala mo lang iyon, Parang love nya. Inakala mo na gusto ka rin nya dahil sa bawat text o message mo ay may sagot sya. Akala mo lang kasi dahil kinikilig ka. Pinakikilig ka ng isang kasinungalingan na aasa ka sa wala. Pero diba ang sarap sa pakiramdam na gusto mo sya at iyong feeling mo nagusto ka rin nya. Isang message  nya ang sagot mo naman parang talambuhay mo na. Hindi mo naman masisisi diba kasi nga kinikilig ka sa isang pag asang kinikilig din siy sa iyo.

Let me, Hayaan mo lang ako na gustohin ka kasi hindi naman ito pang matagalan. Sakyan mo lang ang bawat kilig ko at magpanggap ka  na gusto mo rin ako. Sabihin mo na mahal mo rin ako kahit kasinungalingan lang pra maramdaman ko na gigising akong may ngiti sa mga labi ko. Hayaan mo lang akong paglaruan ako ng tadhana kasi sanay naman ako na ako lang ng ako ang nagmamahal. Hello sa dinami dami na siguro ng dumaan sa buhay pag ibig natin pwede na siguro tayong magsulat ng isang libro na may pamagat na;  Paano magmahal ang isang tanga.



Move on, Wow sa one sided love mo mararamdaman ang pinaka masakit at mahirap na pag mo-move on. Aabante ka at lilimutin ang lahat ng ganoon na lang dahil hindi ka nya mahal. Hirap mag move on pag ganon. Iba-validate mo ang nararamdaman nya para masabi mong minahal ka rin nya. Torture ang tawag doon, dahil para kang kumukuka ng balaraw na itatarak mo dyan sa puso mong gula-gulanit na. Ang paghahanap ng taong mamahalin mo ay parang ulan sa disyerto, madalang.

It’s not you, It’s me, pinaka gamit na linya sa lahat tuwing makikipag break ka o hihiwalayan ka. Sa bagay wala namang madali kapag nagmahal ka at lalong hindi madali pag nagmahal ka ng hindi ka mahal. Teka maswerte ka kong hindi pa nagamit ang word na iyan sayo. Madalas gamitin yan ng mga taong ayaw ng mahabang paliwanagan iyon bang nagiguilty sila sa ginawa nila. Depensa nila yan para hindi ka masaktan kunwari kasalanan nila pero OO kasalanan nila hindi lang nila masabi ng deretso na hindi na sila interisado sayo. Oo sinasabi nya yan para hindi ka na umasa pa. Sakit nuh?? Okay lang yan! Kong hindi mo pa naririnig yan kahit kailan ang swerte mo dahil malamang ikaw ang madalas magsabi ng mga salitang it’s not you, It’s me.




-FIN

Kapitan Pinoy ang Bida ko Noon


Uso Noon ang mga drama sa Radyo na humubog sa kamusmusan ng bawat bata na ipinanganak sa dekada na kung saan ay hindi pa masyadong uso ang telebisyon. Naalala ko Noon sa tuwing hapon nakikinig na kaming apat na magkakapatid sa radyo at inaabangan namin ang pag sisimula nang pambatang drama. Siya si Kapitan Pinoy na ang nagbibigay kapangyarihan sa kanya ay ang kanyang mahiwagang medalyon.

Hindi pa uso ang Tv noon sa probinsya, halos bilang lang sa mga kapitbahay namin ang may TV kaya naman kaming magkakapatid kabilang na ako ay maagang gumana ang Imahinasyon sa pakikinig ng mga dula sa radyo. Minsan pag hindi na kaya ng baterya humihina ang lumalabas sa tunog ng radyo. Buhay ko noon ang radyo halos karamihan sa mga drama na kinagiliwan ng karamihan ay napakinggan ko. Tanda ko pa sa DZRH kami nakikinig at kong minsan ay humahanap kami ng magandang pwesto upang doon makinig. Nakadapa kami at naka pangalumbaba sa harapan ng radyo.

12722769_10208380848495444_1698298203_o
Art By Franco Moje

 

 

Si kapitan ang pinoy ang pangunahing karakter sa radyo na siya namang kinagiliwan ko. Kasama sa drama ay ang iba pang Super hero katulad nina Superman, Wonder woman, batman pati na rin ang sidekick nyang si robin. Talaga namang walang makakapigil sa aming magkakapatid sa tuwing maririnig na namin ang ” Isang araw, nagpupulong-pulong ang mga alagad ng kabutihan”. Halos hindi na maipinta ang ngiti namin dahil hudyat na iyon na magsisimula na ang palabas. Isang Boses na napakalaki na isinasalarawan ang bawat karakter sa radyo.

Si kapitan Pinoy ang una kong nakikilalang Pinoy Super Hero, Hindi  ko pa kilala si darna at si captain barbel. Talaga naman nabibitin kami sa tuwing matatapos na ang aming pinapakingan. Kasama si kapitan pinoy sa mga bumuo ng aking kabataan, kasabay ng paglalaro ng habulan, taguan, tumbang preso at syato sa daan. Sa tuwing sasapit naman ang tag-araw ay sabay sabay kaming magpupunta sa tabing dagat upang maligo at magtampisaw sa napakalinaw na agat ng aming probinsya. Si kapitan Pinoy ang batang super hero na hanggang ngayon ay hindi ko parin makita kong ano ba talaga ang tunay nyang itsura at kung sino ba ang taong nasa likod ng kanyang napaka amo at napakatapang na boses.

 

Ang pait ng kape.


Habang tirik na tirik ang araw at nararamdaman ko na ang papalapit na Tag-araw, ramdam na ramdam ko narin ang init ng panahon. Nanunuot sa bawat butas ng aking balat at nagsasabing halika mag-palamig tayo.

Hilig ko na yata ang magkape, mapa-malamig na panahon o kahit iyong tirik na tirik ang araw. Para akong tanga na humihigop ng kape sa kalagitnaan ng kainitan ng panahon. Kahit Iyong kape ay kasing init ng panahon  ay pinipilit ko paring higupin. Para akong sundalo na lumalaban sa isang gyera na pilit nilalabanan ang bawat init na naidadagdag nito sa aking katawan. Ang pait ng kape parang tinimpla ng isang tao na humugot ng sama ng loob dahil sa pag iwan sa kanya ng kanyang sinisinta. Ang kape ko ay sakto lang ang  tapang na parang Ex ko na kapag tumitingin ako sa iba ay agad naman akong tititigan na parang tigre na matapang at sa huli ay aamo na parang tuta na gustong makipaglaro.

Habang nag titipa ako at ginagawa ko ang kwento na ito ay nakaupo ako sa isang lamesa na ang tanging kasama ay kape at ang aking sigarilyo. Dinaramdam ang bawat mainit na hangin na pumapalo sa aking balat.  Pinagmamasdan ang bawat tao na nagdaraan sa aking harapan, may mag kasintahan at ang iba naman ay may kasamang alagang hayop na nagbibigay sa kanila ng kasiyahan sa tuwing kasama nila ito. Napaisip tuloy ako bigla kong maari din ba akong magmahal ulit gaya ng pagmamahal ko sa kape na aking hinihigop.

Mainit ang kape na inorder ko sa barista, gusto ko kasing magising sa katotohanan na ako ay nagiisa at wala naman talagang makakasama. Sa bawat higop ko ng kape ramdam ko ang pait na dulot nito, pait na nanunuot sa aking lalamunan na parang isang emosyon na karamihan sa atin ay natikman na.  Minsan naiisip ko na buti pa ang kape na iniinom ko marami ang nagmamahal pero sa kagaya ko na nagbibigay ng pagmamahal ay siya namang nakakalasap ng pait ng walang nakukuhang pagmamahal sa aking inaalayan. Sa aking inuupuan ay natatanaw ko sa eskaparante ang mga display  na matatamis na cake. Ibat-ibangklase ng cake na naka latag sa aking mga mata. Parang ang tatamis nila at nakakatakam na titigan. Pero naisip ko na kahit ang isang pinakamatamis na bagay na aking nakukuha ay nawawala din ang lasa at magsasawa ka rin at mauumay sa sobrang tamis na dulot nito.  Nakakasawa rin at nakakasuya ang sobrang tamis. Kaya naman ang aking kape ay sakto lang ang pait at tamis upang mabalanse ko parin ang emosyon na aking nararamdaman,

Lumalamig na ang kape na mainit ng aking umpisahang inumin, lumalamig na sya at di ko na kaya pang ibalik ang dati nitong init. Naisip ko tuloy na kasalanan ko ba na hindi ko sya pinapansin noong maiinit pa sya at ngayong sya ay nanlamig na saka ko hahanapin ang init nya. Para akong ewan na hindi ko lubusang makuha ang timpla ng kape na gusto ko. Buti pa ang mga barista alam nila ang kape na gusto ko kaya nilang timplahin ang lasa na kailangan ko pero ako na mas nangangailangan ng tamang panlasa ay hindi ko makuha ang gusto ko. Masarap talaga ang kape lalo na kung nabibigay nito ang kaligayahan na hinahanap mo. Masarap ang kape kung ang bawat init nito ay nararamdaman ko. Pait, tapang pati narin ang saktong lasa nito sa bawat nakakahigop.

Ang kape na kahit anong panahon ay nagbibigay sa akin ng likas na kaligayahan. Kape na kahit anong pait sa aking panlasa ay agad ko namang natutunang mahalin at pahalagahan. Sana sa bawat kape na mapait ay maranansan ko rin ang tamis sa huling pag higop nito.

Hindi na pala kita MAHAL


 

Sa libo-libong tao na nakasalamuha ko ikaw pa ang nakita ko, Parang itinadhana ni kupido ng panain nya ang puso ko. Parang mata natin na pilit pinagtagpo….. Pero teka HINDI na pala kita mahal.

MAHAL!! yan ang tawag mo sa akin.. salita na para lang sa atin na kahit anong pilit kong sambitin na mahal KITA, kataka – taka na may mahal ka ng iba.

Naalala mo pa ba nang dumating ang pinaka malakas na lindol na tumama sa bohol? Na parang pag-ibig mo sa akin na unti unting yinugyog at sa huli titigil ang indayog at iiwan mo akong hindi na kaya pang lumipad ng matayog.

Nakita kita na kasama mo sya, habang sa di kalayuan ako ay nagiisa, nagbabakasakali na may pag asa pa. PERO teka, HINDI na pala kita mahal.

Ito lang ang sasabihin ko na hanggang sa huli ay sasambitin ko ang salitang pinipilit ko na MAHAL kita Noong UNA; Pero salamat sa isang alamat na ang bawat umpisa ay may katapusan at ang bawat   daan ay may hangganan. Pero teka, hindi na pala kita mahal.

Mahal,. Mahal parin kita na kahit anong pilit kong kalimutan ka! Mahal parin kita. Kitang kita sa bawat kong tula na ang salitang “mahal parin kita” ay unti unting nawawala parang ikaw at ako na naglaho na parang Bula.

Mahal., Mahal kita na tinapos mo sa dalawang salaita na “AYOKO NA”

Ramdam mo ba ang salitang binitiwan mo kong gaano kasakit nang marinig ko; Na parang puso ko na tinarakan mo ng balaraw na pagkatapos itusok ay pinaikot ikot mo! Ganoon ang salitang HINDI NA KITA MAHAL.

Mahal! Binitwan mo ako na parang lobo na unti unting lumilipad at naglalaho, Parang pag ibig mo nang sabihin mong HINDI MO NA AKO MAHAL!

Mahal kita na kahit anong ulit kong sabihin ay may mahal ka ng IBA.

OO! masakit nang sabihin mo sa akin na hindi mo na ako mahal NOON; Pero ngayon HINDI na pala kita mahal.

Mahal salitang kailanman ay hindi na ako magmamahal, Dahil Hindi na pala kita MAHAL.

 

Tindera Serye: Pabili nga po!


Litong Lito na ako sa mga nababasa ko na nagpapatawa at nagpapangiti sa akin ng husto. Iyong bang Boom sablay haha. Mga hugot ng Tindera at kanyang mga suki. Sino ba iyong si ate at saan ko ba ito makikita ng makabili at maihampas ko ang sinasabi nyang hugot.

Ikot na ako ng ikot sa buong tindahan dito malapit sa amin, halos naubos ko na ang barya ko at bumili na ng kung ano ano pero hindi ko makita si ate na tindera at saan ba talaga siya naka pwesto? Sa divisoria, sa Quiapo o sa baclaran. Hays pagod na ako at ngalay na ngalay na kakalakad pero HELLLLLOOOO ate asan ka na ba ng makahingi ng payo.

May nabasa ako sa News feed ko sa FB about kay ate na naman.

Ako: Ate magkano po itong poster ni Alden Richard.

Tindera: Ay iho salamin yang hawak mo.
Boom buti nalang Cute yung nag post nito at kung hindi baka namura ko na sa kapal ng Mukha LOL joke lang.
Ito pang isa na nabasa ko rin at tawa ako ng tawa.

Ako: Ate pabili nga po ng mantika.

Tindera: Tapos ano? huhugot ka na naman, sasabihin mo naman na saktohan ko lang at hwag sobrahan.

Ako: Ate pag nasunog iyong kawali ihahampas ko talaga sa mukha mo.

Grabe hindi ko parin makita si ate.
Ako: Pabili nga pong ilaw

Tindera: Anong klaseng ilaw

Ako: Iyong maliwanag, iyong makikita ang halaga ko

Hala sya! Minsan madami ring alam yung bumibili eh di naman siya inaano.

Ako: Pagbilan po

Tindera: Wala sarado na!

Ako: Ganyan naman kayo eh, Di bale sanay naman akong narereject.

Hindi ko parin makita si ate. Kahit sa kabilang kanto na 24/7 bukas wala si ate. Asan ba kasi ang tindera na yan ng mapektusan hahaha.

Ako: Pabili nga pong buble gum

Tindera: Alin dito?

Ako: Iyong hindi lang sa umpisa matamis, Iyong hanggang sa huli di nawawala ang katamisan.

Aray ko po parang hinugot sa taong sandamukal ang galit sa mundo at iyong taong dinaig pang pinagiling sa gilingan ang puso.

Ako: Pagbilan nga pong paminta

Tindera: Buo o durog

Ako: Iyong Durog po gaya nang iniwan ako ng mahal ko.

Itagay ko na lang kaya ito kasi hindi ko parin makita si ate na hugotera.

Ako: Pagbilan po ng Redhorse

Tindera: Malamig ba?

Ako: Opo yung kasing lamig ng Boyfriend ko.

Oh di ba napapagod na akong maglakad at tapos ko nang gawin ang sinabi ni ate sarah G na ikot ikot lang, Kaya si maja na lang ang ginaya ko atleast dahan dahan lang. O sya uuwi na lang ako at pagod na pagod na ako kakahanap kay ate. 

Last na lang.

Ako: Pabili nga pong Nescafe 3n1 yung pula.

Tindera: Iyong original ba?

Ako: Iyong peke ate kung meron kayo, baka mas mura iyon pakyu ka. 

Xoxo

Takot ako……


Love 

Love Love Love, takot ako na mahalin kita ng hindi ko minamahal ang sarili ko dahil takot akong magmahal nang nasasaktan. Alam ko na kasama sa bagay na ito ang masaktan dahil nagmamahal tayo, pero ang takot ako ay ang mahalin ka ng hindi mo ako minamahal. Ibibigay ko ang oras at panahon ko sa oras na mag mamahal ako pero sa huli masasaktan ako dahil umasa ako na sapat na ang lahat ng iyon para sabihin na mahal mo rin ako. Love, takot akong maramdaman siya dahil takot ako sa anino ng nakaraan ko. Pandirihan mo na ako dahil sa aking nakaraan pero lahat ng iyan ay mahuhugasan ng aking kasalukuyan.

Discrimination
Takot ako na husgahan, takot ako na pagtawanan, takot ako na pandirihan at isumpa na para bang may sakit na nakakahawa. Takot akong tignan mula ulo hanggang paa na para bang sinisino ako sa aking pagkakatindig. Takot ako na harapin ang mga taong mapanghusga dahil takot akong masaktan na wala namang ginagawa. Ayokong humarap na mahina dahil takot akong husgahan. Ayokong sa tuwing hawak ko ang kanyang kamay lahat ng mata ay nakatingin sa amin at huhusgahan kami ng hindi inaalam ang aming pinagdaanan. Takot ako sa hindi pantay na pag tingin ng lipunan. Sa lipunang nababalot ng panghuhusga at sa lipunang hindi nagagamot ang sakit ng pagiging inutil sa nararamdaman ng iba.

Acceptance

Takot ako na tangapin mo ako ng ganoon na lang, takot ako na akapin mo ako ng walang tanong tanong kung bakit at para saan. Takot ako na gawin mo yan dahil alam ko hindi mo ako lubos na nauunawaan. Inakap mo ako para ipadama na ako ay mahalaga pero hindi mo naman pinapakita ang aking importansya ng ako ay umiyak ng hindi ko sinasadya. Tangap mo ako dahil iyon ang gusto mong ipakita sa mata ng mga nanghuhusga pero ang totoo lahat ng ito ay pansamantala. Tanggapin mo ako ng buong buo na kahit may tanong na bakit at paano, alam ko at ramdam ko ang pagiging totoo mo. Baguhin mo man ang boses mo upang iparamdam sa akin ang simpatya mo alam ko ang totoo lahat ng iyan ay sadyang panandalian lamang.

Awa

Hwag mo akong kaawaan dahil hindi yan ang aking kailangan. Kailangan ko ng unawa at hindi awa. Malakas ako na haharapin ang bukas dahil sa pag asang ibinigay sa akin ng ganito kaaga. Ayaw ko na kaawaan ako dahil hindi ko inililimos ang damdamin ko at ang kalagayan ko. Hindi ako kayang buhayin ng iyong awa kung sa dulo ng iyong salita ay hindi ko makita ang pang unawa. Uhaw ako ngayon sa kaalaman ng mga bagay bagay na dapat ay hindi ko na lang ginawa. Pero hindi ako nagsisi sa kong anong meron ako dahil alam ko na sa huli may mga tao sa akin ay uunawa. Mahalin ko man ang sarili ko, yakapin ko man at pagsisihan ang nakaraan ko, alam ko na iyon ang tama para ipaintindi sa sarili ko na sa pag gising ko sa umaga may bukas at pag asa na nag aantay. Dala dala ko ang bigat ng nararamdaman ko. Pero hindi ko talaga kailngan ang awa mo para gumaan kung ano man itong nararamdaman ko. Malakas ako at hindi mahina, Makasalanan ako pero hindi masama, Madumi man ako sa tingin mo mas busilak naman ang puso ko.
Death

Tahimik, mawawala, madilim…. lahat tayo ay hahantong dito.
liliwanag, iingay, makikita… Hindi ako takot mamatay dahil sa lahat ng kanatatakutan ng lahat ang kamatayan ang aking tanging panibagong buhay. Hindi ngayon, hindi bukas. Mamatay ako ng lumalaban at mamatay ako nang may dignidad. Mamatay ako na hinarap ko ang problema na hindi kaya ng iilan. Malakas ako at kaya ko ito.