Category Archives: Lasing

LIMOT


Ayokong pumikit ng hindi lamang kita nasisilayan. Ayokong matulog ng hindi ko man lang nahahawakan ang iyong mga kamay. Nais kong maramdaman ang bawat init ng iyong palad na dumadausdos sa aking mga daliri. Iyong init na dati ay sa akin dumadampi, init na dati ay ako lamang ang nakakadama. Gusto kong mahagkan ang iyong mga bisig na kahit sa panandalian ay aking maramdaman.

Yakapin mo ako kahit minsan, yakapin mo ako kahit sa huling sandali lang. Yakapin mo ako na parang walang bukas na nag aantay. Hagkan mo ko at hwag mo ng pakawalan. Yapusin mo ang aking katawan na kahit sandali at sa huli ay aking maramdaman na ako ay iyong minahal. Punasan mo ang luha ko at sabihin mo sa akin na mahal mo rin ako.Punasan dugoang puso ko na tuloy tuloy sa pag tagas dahil sa sakit na ginawa mo. Nakikiusap ako na hwag kang lumisan na parang ikaw ang syang nasaktan.

Hipan mo ang aking tenga at ipadama mo ang init ng iyong hininga. Hininga mo na parang musika sa aking pag tulog. Ibalik mo sa akin ang dati kong matamis na ngiti. Ibalik mo sa akin ang ngiti na dati ay iyong ibinigay, Ngiti na sa ngayon ay hindi mo na makikita pa. Lasingin mo ako ng iyong mga salita upang sa ganoon ay maging manhid ako na parang may anestisya. Manhid sa pagtingin ko sayo na kahit mahal pa kita ay kailangan na kitang pakawalan. Manhid upang hindi ko maramdaman ang iyong tuluyang paglisan.

Sa Huling pagkakataon hayaan mo akong sabihin ko sa iyo na salamat sa sakit na ibinigay mo dahil ngayon ay natuto akong lumaban sa bawat insulto at sakit pa na makukuha ko. Salamat sa bawat salita na binitawan mo na mahal mo ako iyon pala ay hindi totoo. Salamat sa sampung kasinungalingan na pinaniwalaan ko noong tayo. Salamat sa mali at tamang nagawa mo dahil ngayon alam ko na na hindi ako bato. Salamat sa tawang ibinigay mo na ngayon alam ko na na kahit payaso ay may maskara na kagaya mo.

Sa huling pagkakataon hayaan mo ako na hindi ka mahalin, sa huling pagkakataon hayaan mo ako na ako ang unang makalimot. makalimot sa lahat ng katangahang nagawa ko, sa pag limot sa bawat pangako mo, sa paglimot sa bawat salitang inasahan ko at sa paglimot na tayo ay minsang nagkakilala,

 

-fin

Advertisements

Mga pagkaing hugot na hugot.


Usong uso ngayon sa social media ang mga pagkain o iyong mga pagkain na paano gawin na may hugot. Nandyan ang pastillas ang adobo at kung ano ano pa. Kya itong malikot kung pag iisip ay nakakagawa naman ng tamang pag kain ng HOPIA.
Paano Kumain nang HOPIA
Una bumili ka ng HOPIA yung mumurahin lang gaya ng Tipas para hindi masyadong masakit sa bulsa pag marami ka ng kinain. Parang panliligaw at pagsuyo mo sa kanya na kahit ilang effort pa ang ibigay mo di ka pinapansin kaya ka nasasaktan at umaasa sa wala. Pangalawa Pumili ka ng Flavor para naman sabihin ng mga kaibigan mo na kahit murang HoPiA ang kinakain mo may taste ka parin sa pag pili. pangatlo siguraduhin mong may panulak ka OO panulak iyong iniinum para di ka mabilaukan. Pwede kang mamili ng softdrink o kaya tubig kung nagtitipid ka. Parang siya na pinagtutulakan ka ng palayo eh lapit ka parin ng lapit kaya Umaasa ka parin na magugustuhan ka nya at ang Pang apat Hwag mong dalasan ang pag kain ng hopia lalo na ang baboy kasi nakaksama sa katawan at baka magkasakit ka sa puso. Parang asa ka ng asa sa taong di ka naman gusto at iyong pilit mong nilalapit ang sarili mo dahil baka akala mo nag papakipot lang sya. Kaya hinay hinay lang baka magkasakit ka sa puso dahil Ang Pag papaasa nya sayo ay parang HOPIA masarap sa una pero nakakahirin pag napadami na.
xoxo

Picture: Iba ang saya kapag kasama ang tropa.


Masarap talagang uminom kapag kasama mo ang tropa mo sa inuman, walang humpay na tawanan at kulitan at syempre ang mga kwentong pauli ulit na lang. Pero mas may lulupet pa ba kapag ang isa sa inyo ay nalasing na. Gugulong ka sa kakatawa habang may ginagawa kang kakaiba sa tropa mong binabagsak ni GInBuLAG. Narito ang ilang larawan na masasabi mong Beast mode Kana pag nakita mo eto sa oras na ikaw ay magising. Photo Credit FB: Pepeng Pinakamalupet


1. Plant versus Zombie peg. 
  

 2. Hwag mo akong iwan part 1.


3. I am a supaaah mowdel pose.

 
4. Binibinyqgan Ka namain sa ngalan ni San Miguel beer
  

5. Naku Violation sa pag paparada ng motor. i top gear na yan.

 
6. Bagong character sa Dragon Ball Z.

  

7. Ganito ang pag sayaw ng Pandanggo sa ilaw ALA zombie

  

8. Pray Over para mapaalis ang DIMUNYU. Sanid pwersa na mga tsong

  

9. masarap ba? Masarap ba?  Masaharap masharap ang sharap sharap

  

10. Hwag mo kaming iwan part 2.

  
Talaga nga namang maaliw sa mga ginagwa mo sa barkada mo. Isa ka ba sa mga nabiktima ng tropa mo. Masarap na lang balikan at pagtawanan ang mga larawan na to kung makikita mo sya sa inuman ninyo ngayon. Tatawa ka ng tatawa at pilit nyong babalikan ang inyong mga nakalipas na kalokohan.
peace 🙂