Category Archives: LGBT, Gay

The Mr. SWAG (Self-worth Among Gay men and women) -Jerome Lacsa


Mr. Jerome Lacsa MGWPH2016 Rizal #OneLove

Mr. Jerome Lacsa MGWPH2016 Rizal #OneLove

Mr. Jerome Lacsa MGWPh2016 #OneLovePhotoshoot: Credit to Mark Alvarez and Loveyourself.ph

Jerome, 30, is a proud native of Rizal province where he grew up taking delight in the most mundane of things. Raised by a Visayan mother and a Chinese father, he learned the values of family, hard work, modesty, devotion and vigor at a young age. He was a consistent honor student and scholar from high school to college. He finished Nursing at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila and is a licensed nurse, furthering his caring nature.

He currently works as a Human Resources Talent Acquisition Manager in a multinational bank. He participates in the company’s various CSR activities and plays an active role in its PRIDE Group, promoting gender diversity and sensitivity in the workplace. Jerome is also an active volunteer at LoveYourself, a non-profit HIV-AIDS awareness organization, working as an HIV counselor. He also helps in mounting fundraising events and heads the Marketing team, always iming to fight the stigma associated with HIV-AIDS. In his spare time, he accepts hosting and singing engagements. He unwinds through karaoke sessions and nights out, and loves to travel to and discover the beautiful beaches of the Philippines.

Jerome champions SWAG — Self-Worth Among Gay men and women. He believes that having self-worth will help every gay man and woman create healthy and productive relationships with one another. The goal is to harness unity among the gay and the whole LGBTQ community. SWAG also stands for Self-Worth + Action = Greatness. It should start but shouldn’t end with Self-Worth. Coupled with Action, every gay man, everyone should aim for and achieve Greatness. A fresh face in the pageant circle, he is not one to be overlooked as he breaks conventions and serves a modern spin on how a candidate should be — through his own swag. With his understated confidence and unshakable self-worth matched with being a well-rounded man of action, Jerome embodies and promotes SWAG.

Official Page of Mr. Jerome Lacsa http://www.facebook.com/JeromeForMGWPh2016

To vote http://www.mrgayworldphilippines.ph/c32.html

Facebook account http://www.facebook.com/jeromelacsaMGWPh

 

 

Credit to Ms. Janlee Dungca

 

Advertisements

Noong minsan may TAYO


Masaya tayo na nagtatawanan nagbibiroan at niyayapos ang sandaling magkasama. Noong minsan ay may tayo, pinangako mo na ikaw lang at ako doon sa sa upuan kong saan tayo unang nagtagpo.

Pinangako mo ang mga salitang “Mahal mo ako” at napaniwalang ito ay totoo. Habang binibigkas mo sa mga labi mo ang mga katagang pangako ko, ay para akong isang kahoy na ipinako mo sa kinatatayuan ko.

Binuhos mo ang kilig sa katawan ko na para bang ikaw ang una at huling taong mamahalin ko. Mahal kita! yan ang binitawan mo habang ang mga mata mo ay nakatitig sa mga mata ko. Nakatitig ang mga mata mo na parang Tala na nagbigay liwanag sa puso ko. Nakita ko ang katotohanan at pagsusumamo mo na kahit bulag itong puso ko ay naramdaman ko naman ang mga katagang sinasambit mo, Tumatagos ang bawat linya na binibigkas mo. Linya na dumadaloy sa dugo ko patungo sa puso ko  at ang puso ko ay ibinubuga ito kasabay ng pagtibok nito.

Noong minsan ay may tayo, gumawa ako ng isang tula na ang bawat talata ay binibigkas ko na may saya at lambing. Lambing ng isang nagmamahal at nabubulag sa pagmamahal. Gumawa ako ng tula upang ipakita sa iyo na kahit ang mga tala ay kumikinang sa kinatatayoan mo. Liwanag ang nakikita ko dahil sa pagkakataong iyon nabulag ako sa liwanag na inihatid nito.

Pinakilig mo ako na parang isang halaman na ngayon lang nadiligan. Pinaramdam mo ang salitang tayo sa maraming tao na kahit ang mga mata nila ay nanlilisik sa panghuhusga ng makita nila ang dalawang lalake na naghahawak kamay na hindi alintana ang mga taong akala mo ay nakasutana. Hinawakan mo ang mga kamay ko kasabay sa paghigpit nito na ang pangakong ngayon ay tayo ay hindi magbabago.

Pero Natapos ang minsan na may tayo ng makita kita sa parehong lugar na may pinapangakuan at inaalayan ng parehong pagmamahal na iyong ibinigay noong unang maging tayo. Naramdaman ko ang kab0g ng dibdib ko. Kumakabog sa kaba at lungkot na ang dating linya na binabangit mo ay unti unting nanunuot sa puso ko. Linya ng pagmamahal na ngayon ay gumuguhit at nagdadala ng sakit sa puso ko.

Tumayo ako sa di kalayuan habang kayo ay pinagmamasdan. Nakangiti ka sa kanya gaya ng mga ngiti na iyong ibinigay noong unang maging tayo. Naramdaman ko ang lungkot at poot ng makita kitang hinawakan ang kanyang mga kamay gaya ng paghawak mo sa aking mga kamay noong minsan ay may tayo. Nakita ko ang saya sa labi at mga mata mo habang kinakausap mo sya at nakatitig ka sa mga mata nya.

Lumakad ako papalapit sa inyo upang malaman mo na ako ay nandirito, na handang patawarin ang kamalian mo. Pinilit kong kausapin ka upang ibalik ang salitang TAYO, pero mas pinili mo ang bago mo, na kapareho lang halos ng pagmamahal na ipinakita mo noong minsan ay may salitang TAYO.

Lumakad kayo papalayo sa akin. unti unting nawawala sa paningin ko na halos hindi na matanaw ng mga mata ko. Habang dating tala na meron ako ay unti unting nawawala ang kinang nito. Sabay sa paglayo nyo ay ang pagbuhos ng ulan na para bang sinabayan ang pagbagsak ng luha ko. Lumakad akong nakayoko upang hindi makita ng mga tao ang sakit na meron ako, Sakit na dulot ng mga salitang binitawan mo noong minsan ay may Tayo.

Natapos na ang minsan ay may tayo. Nakita kitang nakatayo sa harapan ko. Malungkot at lumuluha.Ang dating tala na napundi ang liwanag ay unti unting kumikislap.  Inakap mo ako at umiyak dahil nasaktan ka sa pagpili sa kanya. Nasaktan ka ng iwanan ka nya na ang pangako na ginawa mo sa akin noon ay ginawa nya sa iyo pero sa huli ay minsan lang din na may Kayo. Ang tala ko na akala ko ay ptuloy na sa pagkinang ay tuluyan ng naglamlam.

Inakap kita nang sobrang higpit, Inakap kita na may kasamang tayo na lang ulit. Pero ang mga akap mo ay akap nang sakit na naramdaman mo sa taong minahal mo. Inakap mo ako upang damayan ka, hindi upang mahalin ako. Binitawan na kita upang mahalin sya at kahit masakit na hindi na pala pwede talaga ay pinilit ko na talikuran ka. Ngumiti ako sayo at ngumiti ka rin sa akin tanda na tayo ay magkaibigan na.

Tinalikuran kita gaya ng pagtalikod mo sa mga pangako mo. Tinalikuran kita habang ako ay lumuluha, Tinalikuran kita habang ang bawat salita na lumalabas sa aking puso ay sobrang sakit na. Mga salitang umasa ako na baka pwede pa?

Sana tayo na lang ulit, Sana ako na lang ulit. Pero hindi ko naramdaman yan sa mga akap mo. Dahil ang naramdaman  ko ay ang sakit na naranasan mo ng ikaw naman ay iwan ng taong totoong minamahal mo. Lumayo na ako sa iyo upang iparamdam na OKAY na ako. Pinaubaya na pala kita matagal na. At sa wakas binitawan ko na ang pag asang sana ay may tayo ulit. Sa huli, paalam sa unang tao na nagbigay ng salitang TAYO.
~fin

I didn’t choose to be gay, I just got lucky so I choose to be happy


 

A person once asked me, in a provocative manner, If I approved of Homosexuality. I replied with another question. ” Tell me; when GOD looks at a gay person, does he endorse the existence of this person with love, or reject and condemn this person?”

– Pope Francis


Malambot, Malamya, Iyakin, Sensitive, Duwag at kong ano ano pa. Halos lahat ata ng mga yan narinig mo na at pumasok sa tenga mo. Bata ka palang ramdam mo na ang dis gusto ng komunidad mo sa mga tao na tinatawag nilang Bakla. Sa kagustuhan mong h’wag ka nilang saktan sa salita man o pisikal ay pinapakita mo sa kanila na lalakeng lalake ka at hindi totoo ang lahat ng sinasabi nila. Ikinukobli mo pa ang sarili mo sa isang relasyon na alam mong hindi naman talaga ikaw.

Bata ka palang ramdam mo na ang pait ng panlalait at panghuhusga ng lipunang ginagalawan mo, ramdam mo na ang pag kundina ng relihiyon sa kagaya mo. Tinuruan ka at pinalaki ka ng maayos ng magulang mo upang masunod nila ang takot nila na magkaroon ng isang “Baklang anak”.  Naranasan mo ang pagdidisiplina ng Tatay mo sa tuwing nakikitaan ka ng kakaibang galaw na hindi sumasang ayon sa paningin nila, galaw ng malayang bata na iparamdam kong ano ba talaga sya. Nalasap mo ang hagupit ng sinturon sa twing lumalambot ang puso mo sa bawat pangaral nila. Nilunok mo ang bawat masasakit na salita na nang gagaling mismo sa minamahal mong pamilya.

Credit to the owner

 

Sa kabila ng mga naranasan mo sinubukan mong magpakatatag. Pinilit mong Inintindi ang bawat hagupit ng sinturon, Inisip mo na mahal ka nila at baka nga naman mali ang mga nagagawa mo kaya sila nagagalit. Lumaki ka na pilit mong tinatalikuran  kung ano ba talaga ang nararamdaman mo. Naging matatag ka at pisikal mong ipinakita na lalake ka pero may mga pagkakataon na ang malambot mong puso ang nagingibabaw. Lumaki ka at hinarap ang tunay na mundo. Taas noo mong binago ang pagkatao mo at tuluyang kinalimutan na ikaw ay isang iyakin, lampa at malambot ang kilos. Tinanggap ka ng buong buo ng lipunan sa katauhang pilit mong pinaninindigan.

Hindi ka naging masaya sa ginagawa mo kaya hinanap mo ang sarili mo sa lugar na kung saan ay magiging masaya ka. Inilabas mo ulit ang iyong kapa. Iwinagayway mo ulit ang watawat mo at sinindihan mo ulit ang bituin mo upang mag ningning sa lipunang ginagalawan mo. Wala kang takot na harapin ang katotohanan. Sa pag kakataong ito mas masahol pa ang naranasan mo kaysa noong bata ka. Ang dating sinturon na dumadampi sa iyo ay hindi pala ganoon kasakit dahil ang pinaka masakit ay ang talikuran ka ng mga taong minahal, mo mga taong nirespeto at inalagaan mo.

Hindi pala masakit ang mga salitang naririnig mo noon, mas masakit pa ang mga salita at panghuhusga na nararanasan mo ngayon. Mga tawa sa tuwing tatalikod ka. Mga pang mamata sa t’wing pilit mong pinapaintindi na iba ang paraan ng pagmamahal mo sa nakasanayan nila. Pandidiri dahil sa hindi nila gusto ang paraan ng pagpapakita mo ng salitang mahal kita. Sa kabila ng nga yan hindi mo sila inintindi. Naglakad ng taas noo at iwinagayway ang mga makukulay na bandera ng iyong pagkatao. Hindi mo ginusto na maging bakla, hindi mo pinili ang iyong nararamdaman at lalong hindi mo kagustuhan ang magmahal sa paraang masasaktan ka. Mapalad ka dahil lubos kang nakakaunawa sa lahat ng mga mapanghusga. Minsan inisip mo na salamat at napalaki ka ng maayos kahit alam mong hindi iyon ang paraan na magiging masaya ka.

Tandaan mo patuloy mong itataas ang banderang makulay. Walang relihiyon na magdidikta sa kong papaano ka magmahal kahit ang Dyos na sinasabi nila ay hindi ka mapipigilan dahil alam nya na masaya ka sa paraan na kong ano ka.

June 25, 2016 Lapu Lapu shrine Manila. Kahit ang nanahimik na bayani ay ipinagmamalaki ka dahil sa iyong pagkadakila at pagiging matapang na ipaglaban ang karapatan mo, pinaglalaban mo ang karapatan mo hindi isang bakla kundi isang tao na naninirahan sa bansang pinaiikot ng mga relihiyong ginagamit ang bibliya paramakapanakit ng kapwa.

Credit tonthe owner Loveyourself.ph

-Fin